My First Love - Part 1
by: Kairi
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: Kairi
Hellow po sa mga KK site reader! Ako nga po pala si Kairi! (pen name ko lng poh!^^) Ang ikukwento ko po sa inyo ay ang naging karanasan ko sa una kong Boy Friend. Katulad ng ibang mga Gay, Masyado rin naging kumplikado ang naging takbo ng aming relasyon dahil sa dami ng mga tao na involved at nasaktan sa mga pangyayari. Pero kahit naging ganun ang takbo nito, massabi kong naging masaya kaming dalawa... Kahit na mga ala-ala na lang nya ang meron ako. A little about myself.. Average lng ang height ko.. Medyo overweight at chubby ng kaunti. Open Gay ako kaya alam ng mga kapamilya at mga kaibigan ko na bakala ako, Okey lang naman sa kanila maliban sa mga magulang ko na talaga namang strongly disagree sila sa Sexuality ko. Pero wala na silang magagawa. Eto na ko eh..^^ Eto ang aking kwento.. Nagsimula ang lahat nang pumasok ako sa isang State College sa isang probinsya. Kahit na malayo ito sa amin ay ayos lang. Tutal well known naman ang nasabing College dahil sa maganda nmn ang performace nito. BsNursing ang coarse ko. At dahil sa Nursing nga ako, madaming gastusin at mga requirements ang kailangang ma meet bago ako maka start ng pag duty sa ospital. At ang School na ito ang naging dahilan ng aking kalbaryo sa buhay... Bale mga mag iisang buwan na mga July na yun nang maganap ang lahat.. yung una naming pag kikita.. Na duty na kami sa mga ospital. At syempre walang katapusan na Case Analysis at mga project ang kailangang tapusin bago matapos ang prelim. Under pressure kaming lahat. Mas lalo na ako kasi nga nahihirapan ako palagi sa mga case analysis ko kaya naman palagi akong late nakakapag pasa. Palagi na nga akong late matulog pag gabi sa boarding house gawa ng mga nakakainis na requirements na yun eh. Kung minsan nga ayoko nang gumawa nun. Kasi naman puro kasi infectious disease ang napapatapat sa akin at nakakatakot yung mga sakit nila like TB, Hepa at sar sari pang sakit na halos sumakit ang ulo ko sa kaka sa basa. Minsan pag tinatamad akong mag hanap ng aklat sa library para sa case ko, nag internet na lng ako. Tapos ng research sa internet, Mag oonline games na ako!! Ahihihi^^! Mahilig kasi ako sa ragnarok eh Yung online games ng mga taong addict sa computer noon. So, after ng nakaka boring na pag surf sa net para lang sa mga sakit na halos di ko na masaulo, Eh nag online na ako. at syempre High Level na ako nun, kaya naman lagi akong nasa PVP room (Player vs. Player) Tuwang tuwa ang lola nyo kapag nakakapatay ng kapwa player..!! At dahil nga sa pagiging addict ko sa on-line games ay nagkaroon ako ng maraming friends sa computer cafe na lagi kong pinupuntahan. One time habang nag lalaro ako ng Ragnarok, Biglang may umupo sa tabi ko. Hindi ko sya pinansin kasi naman busy ang lola mo sa kaka laro at baka mamatay ang character ko. Siguro mga mag iisang oras na ng biglang may kumuhit sa akin. Yung katabi ko. "Party naman tayo ng character ko" Sabi nya. Nilingon ko sya, At nagulat ako, Di ako makapaniwala. Gwapo pala yung katabi ko. Maputi, tangos ng ilong, cute ng dimple, mapulang labi at killer smile..... Natunaw ako sa mga tingin nya... "Pwede ba tayong mag party?" Ulit nya sa akin. Natulala kasi ako sa kanya. Kasi naman eh, bakit ba ang gwapo nya. "Ah.. ok!?.." sagot ko sa kanya. "Salamat ha" sabi nya. Binuksan nya yung computer sa tabi ko at dun sya naupo. Kinikilig ang lola mo dahil ang gwapo ng katabi ko. Mga 16 yrs old sya. At mas matangkad sa akin. At medyo mukhang athletic ang dating. Mukha syang Seryosong tingnan pero nung nakalaro ko na sya eh may pag ka childish pala.(Kyle ang nick name nya ako lng ang nag bigay ng name nyang yun) Child Abuse talaga ako!^^ 18 na ako eh!^^ So starting from that day lagi na lng kami mag kasama sa shop para mag laro. May mga time na halos buong mag damag ako nag lalaro para lng makasama sya. Nagtataka lng ako kasi para bang di sya pumapasok sa school. Kasi parang halos buong time nya nandoon lng sya sa computer shop. kaya tinanong ko sya. "Bakit ba parang lagi ka lang naandito sa computer shop?" tanong ko. "Tito ko kasi owner nitong shop" Sagot nya. Kaya naman natahimik ang lola mo. "Saan ka ba napasok?" tanong ko ulit habang nag lalaro kami. Hindi sya sumagot. "Saan ka ba talaga napasok, di kasi kita nakikita na naka uniform man lng?" tanong ko ulit. Di na naman sya sumagot. Na para bang ini-iwasan nyang sagutin yung tanong ko. Naging seryoso rin ang mukha nya. Wala na akong nagawa kundi ang manahimik ang mag laro na lang. Mukha kasing di nya ako sasagutin sa tanong ko. Pero di pa rin maalis sa isip ko kung bakit ayaw nyang sagutin ang tanong ko. Haaaaayz... Miya-miya, Napansin ko na para bang kanina pa sya nakahawak sya tiyan nya na para bang may iniindang sakit. Namumutla rin sya na para bang hihimatayin. Bigal nyang nilog-out yung character nya sabay patay dun sa computer."Kairi, next time na lang tayo mag laro, pasensya na" yun lng ang sinabi nya at saka nag mamadaling umalis.Wala na akong nasabi kasi nga iniwan nya ako. Nag out na lng ako kasi wala na sya eh. Nag-tataka lang ako kasi di ko alam ang nang -yari sa kanya....Pero ang nasa isip ko... LBM lang siguro.. Pero lumipas ang mga araw, siguro mga one week na.. di ko pa rin sya nakikita sa computer shop.. pangatlong punta ko na duon sa shop nung araw na yun. Kaya naman nag decide na ako na kausapin na yung tiyuhin nya na owner nung shop. "Di ko alam" yun ang matipid nyang sagot. Nakakapang hinala lang sya kasi nga mukhang kinakabahan sya nung tanungin ko sya. "Bkit kaya?" tanong ko sa sarili ko. Hanggang sa lumipas na naman ang mga araw at bumalik na naman sa dati ang buhay ko na puro case analysis at duty. Nawala na yung Exitement na makasama ko sya. Pero wala akong magagawa, kung talagang wala sya... Haaaayz.... Pero di ko inaasahan na bigla kaming mag kikita. Naubusan kasi ng Alcohol saka ng cotton balls, nakisangat pa ng bili yung kaeskwela ko ng Tongue Receptor. Nasa loob na ako ng mercury drug store. pumila ako sa counter nang may nakita akong pamilyar na tao na nakapila dun.. Si Kyle.... Agad ko syang pinuntahan sa linya at tumabi sa kanya. "Kyle! Long Time no see! kumusta ka na?" bati ko sa kanya "Ah! Kairi! Kumusta ka rin?! ok lng ako! pasenya na ha di na ako nakakapag laro kasi madami ana ako ginagawa" sagot nya sabay ngiti sa akin. Nakita ko na naman yung Cute na dimples nya. "Ano yang binili mo?" tanong ko sa kanya sabay kuha ko sa kamay nya nung plastic nung gamot na binili nya. Tiningnan ko.. Pamilyar ako dun sa brand at itsura nung gamot, Siguro nakita ko na yun sa isa sa mga naging pasyente ko. Puro pain killers.. Higher Dossage. Agad nyang kinuha sa kamay ko yung plastic nung mga gamot. Mukha syang takot na takot. "Pasensya na ha..Nag mamadali ulit ako eh, Kita tayo mamaya sa shop ni tito" Sai nya sa akin sabay alis.. "Anu kayang nang yayari dun?" sabi ko sa sarili ko nag tataka kong tanong sa sarili ko. pero napalitan ng tuwa yung pag tataka ko. Excited na naman ako!! mag kikita na naman kami!! Pag katapos ong bumili ng kailangan ko eh uwi kaagad ako sa boarding house saka dumiretso sa shop. Di na nga ako nakakain eh. Sa sobrang pananabik ko sa kanya. Nang makarating ako dun sa shop, nakaupo na kaagad sya. Nakita nya ako kaya tinawag nya ko. "Dito ka na umupo sa tabi ko! pinag reserve na kita!" Sabi nya sa akin. Talaga naman.. Heaven ang lola mo sa tabi nya.. para bang ayoko nang matapos ang araw na yun.... at yun nga.. Buong araw kaming nag laro.. nakalimutan ko nga na may case analysis ako na dapat pang gawin. Simula noon halos araw araw ulit kami sabay nag lalaro, palaging naka reserve sa aming dalawa yung mag katabing PC. Kahit na katatapos pa lng ng klase ko, kahit pa nga katatapos lng ng duty ko, 7pm ako aawas sa ospital sa shop na ang diretso ko, wala nang bihis bihis pa! Case analysis? Review para sa Quiz bukas? Di ko na inaalala basta kasama ko sya.. Minsan nga kahit na tapos na kaming mag laro at pauwi na ako mag kasama pa kami eh.. Nag kukwentuhan lng kami.. At hinahatid pa nya ako..ganun palagi araw araw...nililibre pa nga niya ako ng pag kain eh Sabay pa kaming nakain sa shop.. Feeling ko nga lagi kaming may Date eh... Naging close na talaga kaming dalawa.. pati nga rin sa tito nya naging close ako kasi lagi kong kasama pamangkin nya.. kaya naman sa tuwing nasa shop ako.. Pakiramdam ko nasa bahay lang ako.. Libre pa ako ng Rentals ng Computer. Minsan.. habang nag lalakad kami para ihatid ako. "Napasok ka pa ba?" tanong ko ulit sa kanya. Ngumiti sya sa akin.."Hindi na, tigil na ako" sagot nya. "Bakit?" "Sasabihin ko rin sa iyo" Sagot nya sa akin. "Bakit di mo pa sabihin sa akin?" "Basta.. Di pa pwede..." "Huh? why naman?" "Bakit ba ang dami mong tanong? Di ba sabi ko nga sa iyo sasabihin ko rin sa iyo!" Sumimangot ako... na para bang bata na nag mamaktol. "Naiinis ako sa iyo!" sabi ko sa kanya. "Eto naman oh, nag tampo ka agad!.. Sasabihin ko rin sa iyo hindi nga lang ngayon." sabi nya sa akin. Sumimangot pa rin ako.. "Kaw talaga! I-hahatid na kita sa inyo! baka mapaano ka pa!" sabi nya sa kin habang tawa ng tawa dahil daw sa itsura ko. "Ano namang mangyayari sa akin?" tanong ko sa kanya. "Baka ma-Rape ka, Ako pa ang sisihin mo" sagot nya. "Ma rape? Huh!? baka sila pa Reypin ko!" "Tayo na nga iuuwi na kita.." ang sabi nya sabay hawak sa kamay ko.. Nagulat ako kasi hinawakan nya yung kamay ko na para bang gusto nyang hilahin ako."Ano ba? uuwi ka na ba?" Tanong nya sa akin na para bang kunwari ay galit. Wala na akong nagawa kundi ang sumabay. Mag ka holding hands kaming dalawa habang nag lalakad kami papunta sa boarding house ko. Para bang naging iba ang pakiramdam ko sa paghawak nya sa kamay ko.. May kung anong mainit akong nararamdaman.. Malambot at masarap hawakan ang kamay nya.. Para bang sasabog ang puso ko. Wish ko nga na sana wag nang matapos ang pag lalakad namin para di ko na mabitawan ang kamay nya. Hanggang sa matapat na kami sa boarding house ko. Binitawan nya na ang kamay ko.(nakakainis nga at natapos pa!) "Oh! nandito na tayo! Bukas ulit ha" sabi nya sa akin sab ay tapik sa balikat ko tulad ng isang lalake na nag papa-alam sa kaibigan nyang lalake. Akmang hahakbang na sya palayo nang tawagin ko sya. "Kyle!..." tawag ko sa kanya. "Bakit?" tanong nya. "Salamat ha!, sa pag lalaro natin kanina saka inihatid mo ako" sagot ko. "Wala yun! ikaw pa eh alam mo namang lakas mo sa akin eh" Ewan ko ba kung bakit pero bigala akong napayakap sa kanya.. Nagulat sya sa ginawa ko. Akala ko nga eh magagalit sya eh. Pero imbis na magalit eh Niyakap nya rin ako.Niyakap namin ang isat'isa. Napaka init ng katawan nya.. Napaka sarap sa pakiramdam.. Buti na lang at madilim na kaya walang nakakakita sa amin. Iba ang init ng katawan nya. Hindi ko maipaliwanag. Hangang sa matauhan ako.. at kumalas sa pag kakayakap ko sa kanya. "Good bye na nga ako sa iyo" sabi ko kanya Nahihiya ako dahil di ko inaaasahan yung nagawa ko. "Good bye na rin" sabi nya sa akin Tiningnan ko sya. Nakangiti sya sa akin, Iba ang ngiti nyang yun..Makahulugan..... Napaka init sa pakiramdam.. At doon nag bago ang lahat para sa aming dalawa... Maraming araw na rin ang lumipas, siguro mga dalawamg buwan na ang nakakaraan. Parang walang nag-bago sa pakikitungo namin sa isat-isa. Nag-lalaro pa rin kaming dalawa ng sabay. Pero masasabi kong mas-close na kaming dalawa ngayon. Paano ko nasabi? Wala lang... Basta!, Iba na kasi ang pakiramdam ko sa kanya. Para bang in-love na ako sa kanya na di ko malaman. "Love ko natalaga sya!" sabi ko sa sarili ko habang kasama ko sya. One day habang nag-lalaro kami, bigla syang nakipag chat sa akin.. Mukha ngang tanga eh. Katabi lang naman ako eh di pa sabihin ng diretsahan, kailangan pang i-chat!! Eto ang sa sabi nya...... Kyle: Mahal! anong gust mong kainin para meryenda? "Huh?" nagulat ako dahil sa tinanong nya ako ng ganun... At mas lalo akong nagulat dahil sa tinawag nya akong MAHAL! So nag reply ako sa message nya.. Kairi: Mahal ka dyan? Sinong kinakausap mo? ako? (Nag tatanong ang lola mo kasi nga baka wrong send lang yung messge nya!) Kyle: Ikaw! Sino pa ba ang Mahal ko? Nagulat talaga ako sa mga nabasa ko sa screen ng computer ko! Pero deep inside tuwang tuwa ang lola nyo kasi ganun ang tawag nya sa kin! Pero ayoko namang bumigay kaagad! Baka mamaya eh niloloko lang nya ako, eh mapahiya pa ako. So, nag tumaray ang lola mo. Kairi: Sipain kita dyan Eh! Tawagin mo pa akong ganyan! sisipain talaga kita! Kyle: Sige nga sipain mo ako! Kairi: Ayoko nga baka mag iskandalo pa ako dito! Kyle: Ui! Di nya kayang gawin! Kasi mahal nya rin ako! Naloloka na ako kasi di ko na alam ang sasabibhin ko sa kanya. Pero mas naloka ako sa sumunod na nangyari. "Kairi!" tawag nya sa akin sabay lingon sa paligid kung may tao.. Nung mga oras na iyon eh kami pa lang ang tao sa shop. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla nyang kunin yung kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Napatingin ako sa kanya, Nawala ang focus ko sa computer. Para bang tumigil ang oras. Bumalik sa akin yung mga nangyari nung hinatid nya ako at nag holdin hands kami. Pero may biglang pumasok na tao, so nag panic kami! Hinila ko ang kamay ko. At umarte na parang walang nangyari. Kyle: Kairi... Messge nya sa akin sa computer. Kyle: Mahal mo ba ako? Tanong nya.. Kairi: ..Secret!... Pakipot pa ako eh! Kyle: Huh? ano ba! sagutin mo ang tanong ko! Kairi:Uo na! sasagutin ko na! Oo! mahal kita! Kyle:.................. Wala syang Reply... Bigla na lng syang Umakbay sa akin. Saka bumulong sa akin. "BoyFriend na kita.." bulong nya sa akin. Bumulong rin ako sa kanya. "BoyFriend na rin kita" bulong ko sa kanya. Umakbay na rin ako sa kanya.. Heaven sa feeling! Ang init ng mga Braso nya...Starting from that day.. Mas lalo pang naging malalim ang naging ugnayan namin. Simula noon mas lalo ko pa syang nakilala.. Nuon ko lang nalaman na nasa America pala ang mga magulang nya. May nakatatanda syang kapatid na babae. Kasing edad ko lang ang ate nya. 18 rin sya. Inamin namin sa ate nya na may relasyon kaming dalawa. Akala ko tutol sya pero nabigligla ako ng sabihin nya na nauunawaan nya raw kami! Swerte ko talaga! Yun nga lang, May problema, Kasi kasama nila sa bahay ang Tiyahin nila, Kapatid ng mother nila. Feeling ko di sya payag sa relasyon namin... Pero tulad ng ate ni Kyle, Nabigla na lng ako ng pumayag sya.. Pero iba ang pakiramdam ko sa pag-payag nila, Para bang napipilitan sila na pumayag....? Kaya naman curious ako kung bakit.. Pero di rin nag tagal eh nasagot rin yung mga tanong ko.. Sabado nun.. Naka duty ako sa mga private room sa isang Pribadong ospital. Napunta sa akin yung pasyente na may cancer at nag undergo ng theraphy.. Ako ang kumuha ng mga gamot nya, So dahil sa ito ang case study ko. Kinuha ko yung mga pangalan ng gamot. Pamilyar yung brand ng gamot saka yung pangalan. Para bang nakita ko na yun kung saan. Pain killer yun! Naalala ko na! Ito yung gamot na nakita kong binili ni Kyle sa Mercury Drug Store nung nag kita kami dun.. Medyo napaisip ako sandali. Bakit kaya bibili si Kyle ng mataas na dosage ng gamot? At para saan yun? Nalilito na naman ako kaya nag tanong ako sa Head Nurse ng ospital na yun kung para saan ba yung gamot. Buti na lang mabait yung HN dun kaya nakapag tanong ako. "Ah..Eto bang ***** .. Binibigay yan ni Doctor sa mga pasyente na may cancer. Kasi sila yung mga nakakaramdam ng sobrang sakit, Para naman mabawasan yung nararamdaman nila" Sagot sa akin ng HN. Cancer? Huh? Pain killers? anu yun ? Mas lalo lang tuloy akong naguluhan. Kaya nang natapos yung Duty ko diretso kaagad ako s shop, Andun na sya at nag-lalaro. So tumabi ako sa kanya at nag laro na rin. Nasa kalagitnaan kami ng pag lalaro. Actualy nag eenjoy na nga ako sa dami na nung monster na napapatay ko. Nang biglang.. Umubo sya ng malakas.. Si Kyle, inuubo.. Yung ubo ba na parang di makahinga.... Tapos namimilipit sya sa sakit.. Masakit yung tiyan nya... "Uuuuuhhhhh!" daing ni Kyle "Anong nangyari sa iay?" Tanong ko sa kanya.. Talagang nag aalala ako kasi mukha talagang napasakit nung nararamdaman nya.. Namumutla pa sya. Dahil sa hindi ko alam ang nang yayari sa kanya, kaya wala akong nagawa kundi ang hagurin ang likuran nya.. "Ano bang problema?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Hindi sya makasagot dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya.. Kaya naman tinawag ko yung tito nya, na agad namang dumating para tulungan si Kyle. Inakay nya ito papunta sa bahay nya. Katabi lang kasi ng shop yung Bahay ng tito ni Kyle.. "Pakipunasan mo nga muna ang katawan nya" Utos sa akin ng tito nya. Wala nanam akong nagawa kundi ang sumunod kasi di ko rin naman alam ang gagawin eh... Habang hinuhubad koa ang t-shirt nya ay di ko maiwasan na mamangha sa nakikita ko! Oh my god! Napaka puti ng katawan nya... Para sa isang 16yrs old.. Napaka ganda nito.. May abs pa sya.. Makinis at talaga namang napapa Wow ako dun!! Habang hinahagod ko ang likuran nya eh nikikilig ako, Kasi naman first time ko na makahawak sa katawan nya.. "Ininom mo ba kanina ang gamot mo?" Tanong ng Tito nya "Nakalimutan ko po" Sagot nya habang namimilipit sya sa sakit. "Ikaw bata ka!, kaya ka napapahamak eh!" Galit ng Tito ni Kyle.. Miyamiya pa, dumating na yung tae ni Kyle, Dala yung gamot. Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari dahil wala talaga akong idea kung ano ang nangyayari sa BoyFriend ko. Agad ininom ni Kyle yung gamot... Na medyo pamilyar ako dahil yun yung gamot na nakita ko sa ospital. Ako naman pautloy lang sa pag punas sa katawan nya, Sinasamantala ko an ang pag kakataon lkay nilulubos lubos ko na.. "Ano bang nangyayari?" tanong ko sa ate ni Kyle. "Sa kanya mo na lng itanong, Sya kasi ang dapat mag paliwanag nyan sa iyo" sagot ng ate nya sa akin. Miya miya pa mukhang nagigong maayos na yung lagay ni Kyle. "Salamat ha" sabi nya sa akin.. "Okey lang yun" sabi ko sa kanya. "Galit ka ba?" Tanong nya sa akin. "Bakit ako magagalit sa iyo?" Tanong ko sa kanya. "Kasi di ko sinabi sa iyo ang totoo.." Natahimik ako... alam kong may mabigat syang dinadala sa loob nya. Saka seryoso ang mukha nya.. "Di ba tinatanong mo ako kung bakit tigil ako sa pag-aaral" pasimula nya. "Kasi di ko na kakayaning pumasok" Di muna ako nag react baka masira ang moment na ito. "May sasabihin ako sa iyo" "Ano yun?" Tanong ko. "Promise di mo ako iiwan pag nalaman mo." "Ikaw talaga!, kung ano pang iniisip mo!, Syempe di kita iiwan alam mo namang Love kita eh!" Kahit papano eh sumaya ang mukha nya. Natahimik ng sandali... Nag hihintay ako sa sasabihin nya. "Kairi... may,....may Cancer ako.." sabi nya kasabay nun eh pumatak ang mga luha sa mata nya... Umiiyak sya.. "Totoo ba yun?" Tanong ko just to be sure. "Oo" sagot nya Aaminin ko, medyo maiiyak na rin talaga ako kasi naman di ko na take ang lahat.. "Sorry.. kung di ko sinabi agad.. takot kasi ako na iwan mo ako pag nalaman mo.." Ito ang isa sa mga pag kakataon na talaga namang halos maiyak ako sa tuwing inaalala ko. Niyakap ko sya, "Di kita iiwan, promise ko sa iyo." Sabi ko sa kanya. "Wala akong pakiaalam sa sakit mo, ikaw ang mahalaga sa akin" Ito na naman yung pakiramdam na may nag-iinit sa loob ko!.. Kasi naman kayakap ko sya!!! Ewan ko ba pero parang nadadala na ako ng emosyon ko. "Salamat" sabi nya sa akin. Humarap ako sa kanya.. At hinalikan ko sy a sa kanyang labi.... Itutuloy............ May part two pah!!
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.