Back to stories

kwentongkalibugan.net

My First Love - Part 3

by: Kairi

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
My First Love - Part 3 cover image

by: Kairi

sensya na po kasi dami ako gawa sa part time job koh... kaya ngayun lang ako nakapag sulat!.. Medyo naging magulo ang pangyayari sa amin sa pag dating ng babaeng yun.. Napapansin ko na medyo iniiwasan ni Kyle na pag-usapan namin ang tungkol sa ex nya.. Wala naman akong magawa kung ayaw nya.... Hanggang sa ilang araw na lang eh malapit na ang b-day ni Kyle. At syempre tuloy ang plano namin na mag-hiking kasama ang Ate at Tita nya... Exited na nga kami eh.. Halos nakahanda na lahat.. May Tent na kami.. At mga gagamitin... Ang totoo nga eh may excuse slip na ako na napapirmahan ko na sa mother ko para Di ako pumasok sa araw na yun!^^ Nasa bahay ako nila Kyle nun.. Gabi na yun.. Wala pa ang ate ni Kyle kasi nasa kaeskwela nya at nagawa ng report. Ako naman kasama ni tita na nag luluto ng hapunan.... Hinihintay ko lang yung ate nya na umuwi bago ako umalis... Nag-tataka na kasi land lady namin kung bakit halos di na ako nauwi dun.. Kasalukuyan na kaming nag-hahanda ng lamesa nun para kumain.. Nang may kumatok sa pinto.. Nagtataka kami kasi kung yung ate nya yun eh diretso pasok na yun di na yun kakatok... Kaya naman pinag buksan ni Kyle ng pinto yung kumakatok.. "Good evening" Bati nya kay Kyle. Si Karen! At di lang si Karen! marami syang kasama... "Good evening Kyle" Bati nila.... Mga lalake at babae na mga kasing edaran ni Kyle ang kasama ni Karen.. "Na-mimiss ka na ng mga classmate natin!" sabi ni Karen.. Mga classmate sila ni Kyle.. nung napasaok pa sya... Dahil nga sa bisita sila kaya naman pinapasok sila sa loob. "Bakit kayo naanditong lahat?" tanong ni Kyle. "Wala lang... May surprise sana kami!" sabi ng isa sa kanila. "Ano yun?" tanong ni Kyle. "Malapit na kasi B-day mo eh!" sabi ng isang babae.. "Kaya naman napag desisyunan namin na bigyan ka ng party!" sabi ni Karen Di makaimik si Kyle.. May plano na kasi kami sa araw na yun... "Bakit?.. may gagawin ka ba sa araw na yun?" tanong nila.. "May check up sya sa araw na yun.." sabi ni Tita.. Pumasok kami ng sala dala yung mga Tray ng Baso ng juice... "Ganun po ba?"... Nakatingin sa akin ng masama si Karen.. Para bang nanlilisik ang mga mata nya... Mukhang aswang ang dating! "Sino sya?...." tanong nung isa sa bisita.. Ako ang tinutukoy nya.. Medyo nataranta si Kyle.. Pati si Tita... Pero sumingit si Karen.. "Pinsan sya ni Kyle.. Sya si Kairi" sabi nya.. Haaayz..... akala ko ibubuko kami ni Karen!..... Nakahinga ako ng maluwag.... "Umaga naman siguro ang check up mo eh... sa gabi naman ang party eh" Tumingin sa akin si Kyle... Tinatanong nya siguro ako kung payag ako. Tumango na lang ako.. Wala naman kasing masama eh.. Pumayag na si Kyle sa gusto ng mga kaibigan nya.. Ako naman.. Kahit na medyo naiinis dahil sa ginawa ni Karen eh ayus lang... Masaya na rin ako gawa nang makakasama ni Kyle ang mga kaibigan nya. Nang makaalis na ang mga asungot at ang aswang na si Karen, kinausap ako ni Kyle. "Pasensya ka na ha.. Di ko na kasi sila matanggihan.." "Okey lang yun.. Mga kaibigan mo naman sila eh..." "Sa makalawa na ang B-day ko... di na tayo tuloy sa hiking natin.." "Wag kang mag-alala.. may ibang araw pa naman eh.. gusto mo bukas nood tayo sine.. umaga lang klase ko, pwede ako sa hapon" "Sige ba!" At masaya kaming nanood ng sine.. ^^ Holding hands pa sa loob ng sinehan..^^ Hangang sa dumating na yung B-day nya... Maaga pa lang eh gising na ako.. Pumunta ako kaagad dun sa bake shop para kunin yung order ko na chocolate cake.. Dinala ko kaagad yun sa bahay nila Kyle para lang mabati ko kaagad sya.. Pag karating ko sa kanila eh tulog pa sya.. Kaya naman iniwan ko na lang sa lamesa sa tabi ng kama nya yung Cake.. papasok pa kasi ako eh .. may exam kasi kami.. Nkahiga pa sya nun.. ni-kiss ko muna sya sa cheek nya bago ako umalis... Weee^^ inspired na naman ako... Nasa School na ko nun.. nag-eexam na kami nun nung na ka receive ako ng text. Si Kyle.. Thank you daw dun sa cake.. Mas lalo akong na inspired.. bumubungisngis pa nga ako sa sobrang kilig ko nun! After nung klase ko.. palabas na ako ng campus nang may sumalubong sa akin... Mas lalo akong kinikilig... paano naman kasi si Kyle ang nakasalubong koh.. "Kairi!.." tawag nya sa akin... "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.. "Sinusundo ka..Birth day ko ngayun ah.. dapat kasama kita!" sagot nya.. Ang sweet naman nya.... Kaya naman feel na feel ko ang pagiging BF nya.. "Eh di ba may party ka mamaya..?" tanong ko sa kanya.. "Mamayang gabi pa naman yun eh.. Halika laru muna tau ng computer!" yaya nya.. Sino naman ako para tumanggi.. kaya buong hapon kaming nag-computer sa shop ng tito nya.. Bale mag aalasais na matapos kami.. uuwi na sana ako.. kaya lang pinigilan nya ako.. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Sumama ka sa party ko..." sabi nya. "Bakit ako pupunta?... mga kaibigan mo ang naandun.. baka kung ano pa ang isipin nila.." "Wala akong pakiaalam sa kanila... kung ano man ang iisipin nila!.. Ikaw ang gusto kong makasama!!" Nagulat ako sa ninabi nya... And at the same time eh na touch.. Maiiyak ako sa mga sinabi nya Ano pa nga bang gagawin ko kundi ang sumama sa kanya. Medyo mag kahalo lahat ng emosyon ko nun.. Excited ako gawa nang kasama ko sya. Nahihihiya ako gawa nang di ko alam ang gagawin ko sa harap ng mga kaibigan nya. Nung naandun na kami sa bahay nila.. Halos lahat na ata nga mga kaibigan nya eh naandun gawa ng sobrang dami nung tao... Masl lalo tuloy akong kinabahan... Nung dumating kami eh nag sigawan yung tao ng "Happy Birth DaY Kyle!".. Tapos nun nag lapitan yung mga tao... kamayan.. batian.. Na-etsapwera ako... Wala naman akong magawa kundi ang lumayo sandali.. Lahat halos ng mga bisita eh nag bigay ng regalo.. isa isa silang lumapit sa celebrant Aaminin ko na talagang masaya ako dahil all of this time akala ni Kyle eh mag-isa lang sya. Pero ngayon, kasama na nya lahat ng mga kaibigan nya.. Nung matapos na ang lahat eh isang tao na lang ang di pa nakakapag-bigay ng regalo nya.. Si Karen.. Lumapit sya kay Kyle dala ang regalo nya... Nag-sisigawan lahat ng tao.. Mag kinikilig at ibibigay na ng ex ni Kyle ang regalo nya. "Sorry ha sa mga nagawa at nasabi ko" pasimula ni Karen. Natahimik lahat sa paligid.. "Alam kong naging maka sarili ako nung mga panahon na yun, hindi ko na kasi naiisip kung ano ba talaga ang nararamdaman mo eh" "Hindi ko rin naisip na nag-iisa ka nung mga panahon na iyo" Aaminin ko na medyo na-touch ako sa sinabi nya. Feeling ko kasi sincere sya sa mga sinabi Nya... "Patatawarin mo ba ako?" sabi ni Karen.. Medyo na tense ako sa tanong nyang yun.. Baka kasi mag-sungit na naman si Kyle!.. Baka kung ano na naman ang pumasok sa isip nun at mag-wala! Pero nakahinga ako ng maluwag sa sagot nya. "Matagal na yun, nakalipas na at nakalimutan ko ha halos..." sagot nya. "Ibig mong sabihin .... You forgive me na!?" ang di makapaniwalang tanong ni Karen. "Oo naman.. " sagot ni Kyle. Sa sobrang tuwa siguro ng babaeng yun eh napayakap sya kay Kyle, Hiayawan naman yung bisita na para bang kinikilig at nag-kabati na ang dating di mag-kaunawaan. Di ko pinansin yung nang-yari.. yoko kasing mag-react at baka may makapansin sa akin.. Napayakap din si Kyle kay Karen. Siguro sa tuwa rin nya.. Miya miya pa eh tumulo na ang mga luha sa mata nilang pareho. Di ko maipaliwanag ang naging pakiramdam ko.. Para bang may sasabog sa loob ko sa mga nakikita ko. Para bang gusto ko silang pigilan sa mga ginagawa nila.. Nag-seselos ako... May kayakap syang iba. May tumapik sa likuran ko.. Si Tita!... "Pumasok ka na sa loob.." sabi nya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nung nasa lood na kami ng kusina. Nakiusap sa kin si Tita na tulungan sya sa mga ihahain na pag-kain.. tumulong ako sa pag-luluto. "Kairi..." "Bakit poh.." sagot ko dahil tawag nya ako.. "Nag-seselos ka kanina.." Di ako makasagot.. Na dali ako ng sinabi nya.. "Alam kung medyo naiilang ka na makita na ganun si Kyle sa ibang tao.." "Pero tandaan mo lang ito.. Hindi matatawaran nino man, kahit pa si Karen, ang pag-mamahal na ini-ukol mo at oras na ini-laan mo para sa pamangkin ko." Sabi ni Tita. Natuwa ako sa mga sinabi nya.. Gumaan ang pakiramdam ko. "Hayaan mo, ngayun lang yan.. Bukas sa iyo na ulit sya.." dugsong pa ni Tita. Nang maluto na yung spaghetti saka yung iba pang ulam at meryenda eh tumulong na ako na mag-hain sa lamesa.. Nag-sasayawan na sila.. Disco party pala yung pinalano nila. At hulaan nyo kung sino ang kasayaw ni Kyle.... Si Karen!.. Pero kahit na ganun ang nangyayari eh okey lang ako.. nakatulong kasi yung mga sinabi ni tita.. Nag-hiyawan yung mga bisita nung makita nila na nag-sasayaw yung dalawa.. Ako naman eh deadma na lang.. Tapos nun tinawag ako nung ate ni Kyle. "Bakit di ka mag-saya!" tanong ng Ate nya. "Di na kailangan, masaya na ako at masaya sya." Sagot ko. Miya miya pa tumigil yung music.. "Time na para i-blow mo na yung candles sa cake mo" sabi ni Karen.. Biglang nilabas yung cake. Napa-ngiti ako dahil yun yung cake na binigay ko Kyle kaninang umaga. May 17 candles na nakalagay dun. Medyo natatawa na lang ako sa kinatatayuan ko.. Hindi na pinansin yung cake na dala ni Karen... ^^ "Make a wish!" sigaw nilang lahat. Hinipan na nya yung mga candles.. "anong wish mo?" tanong nung isa sa kanila. "Secret!... baka di matupad eh.. malalaman nyu rin!" sagot nya. Nag-palakpakan ang lahat.. pati ako napapalakpak din. Nung humupa na yung palak pakan eh nag salita na si Kyle. "Natutuwa ako at lahat kayo eh narito,.. akala ko eh nakalimutan nyu na ako." Pasimula nya. "Akala ko nag-iisa ako, Nandyan lang pala kayo.. Alam nyo.. ito ang pinaka masaya kung B-day!" Nag-palakpakan ang lahat.. Na-paiyak naman ako sa mga sinabi nya. Maging si Tita at ate nya naiiyak din.. "Meron lang akong isang gustong pasalamatan.." Muli, natahimik ang lahat.. "Isang tao na lagi kong nakakasama nung mga panahon na nahihirapan ako." Medyo nakaramdam ako ng kung ano.. sino kaya yun? "Sya yung nag-alaga sa akin nung mga pag-kakataon na nag kakasakit ako" Sya rin yung nasa tabi ko nung mga araw na malungkot ako" "Napakahalaga nyang tao para sa akin...." Medyo kinakabahan ako... Kasi naman eh.. Sa akin nakatingin si Kyle habang sinanasabi nya yun eh.. Kinikilig naman ako... Napatingin ako kay Karen.... Walang reaksyon ang mukha nya. Para bang blank reaction na di ko malaman... "Sya ang taong espesyal.........." OMG anong sasabihin mo! Kinakabahan ako! "...Mahal ko sya..." patlang Natahimik na talaga kaming lahat... Pero bigla nabasag yung katahimikan ng biglang tumawa ng malakas si Tita at Ate... Lahat na tao ay nag-sitinginan sa lugar namin... "Ang corny mo Kyle" sabi ng ate nya "Nakakatuwa ka naman!" sabi ng tita nya Di ko malaman ang gagawin ko sa dalawang yun. Lumapit sa akin si Kyle.. Hinawakan nya yung kamay ko.. Hinihila ako... Di ko pa naman alam ang gagawin ko.... Tinulak ako ng ate nya papaunta kay Kyle.... Biglang nag-ka music yung song na Beauty and the beast.. Favorite ko kasi iyon eh.. Tapos sinayaw ako ni Kyle.. Nagulat yung mga tao sa paligid sa ginawa nya.. "Anong ginagawa mo" tanong ko sa kanya. "Wag kang mag-alala.. akong bahala.." sagot nya Patuloy lang kami sa pag-sayaw na para bang napaka sweet namin... Nakita ko si Karen.. Umiiyak habang inaalo ng mga kaibigan nya. "Si karen ... " "Wag mo na syang intindihin.. Nag-kausap na kami.. Wala na kami.." Sabi nya.. Tapos nun, may sinabi sya na gumulat talaga sa akin na hindi ko talaga maintindihan kung bakit nya nasabi. "Kairi... I Love You!" sabi nya. Maraming nakarinig sa sinabi nya.. Lahat halos ng tao eh nakatingin sa amin.. Hindi ko na kinaya yung sitwasyon... napayakap ako sa kanya.. Hinalikan nya ako sa aking labi.. Aw^^ napapikit ako sa sobrang sarap... Nun ko lang na experience ang mahalikan ng ganun! Para bang tumigil ang oras.. Sumisikip ang dibdib ko.. parang di ko na kakayanin... Pero nahimasmasan ako. Para bang nagising ako sa isang magandang panaginip..Napatingin ako sa paligid, lahat sila sa amin lang nakatingin.. Nakaramdam ako ng hiya.......... Sa sobrang hiya ko eh napatras ako..... Masama ang tingin nung iba sa akin.. "Bakit?.. anong nangyayari sa iyo?" tanong sa akin ni Kyle Di ako makasagot sa tanong nya.. Para bang pakiramdam ko eh natutunaw ako sa mga tingin nila. Sa buong buhay ko eh nun lang ako nakaranas ng ganuon. Hindi ko na talaga alam ang gagawin kaya tumakbo ako sa kusina, sinundan ako ng Tita nya. Susundan din sana ako ni Kyle kaso hinarang sya nung mga kaibigan nya. Sa kusina..... "Kairi, anu bang nangyayari sa iyo?" tanong sa akin nung tita nya. "Nahihiya po kasi ako dun sa nangyari.." sagot koh. "Bakit ka naman nahihiya... akala ko ba mahal mo ang pamangkin ko?" "Mahal ko po sya... kaso di ko po kayang makiharap dun sa mga kaibigan nya." "Wag kang mahiya.... tingnan mo si Kyle... di sya nahiya na aminin na mahal ka nya.. wala rin syang paki-alam sa sasabihin ng iba.. sana naman ipakita mo rin sa kanya na kaya mo syang ipag-laban.." payo nya sa akin.. Di ko na napigil ang luha koh... Ewan ko ba pero nadala ako sa mga sinabi ni tita.. Naririnig ko nalang mula sa labas yung mga pag-tatalo nila Kyle at nung mga kaibigan nya.. Miya miya pa eh natahimik na ang paligid... May pumasok sa kusina... si Kyle.. "Labas ka na Kairi! Ayus na ang lahat!" sabi ni Kyle Tapos hinila nya ang kamay ko palabas... Naiilang pa rin ako dahil sa di ko alam ang sasabihin nung mga tao sa amin.. Nung nasa labas na kami.. lahat halos ng tao ay nakatingin sa akin... Nag salita si Kyle.. "Wala akong paki-alam sa sasabihin ninyo...wala rin kayong pakialam sa aming dalawa.. sya ang mahal ko..." Naiyak ako sa mga sinabi nya... Kasi noon lang ako nakaramdam ng ganun.. di kasi sya nahiya na aminin ang aming relasyon... Tapos nun hinila nya ako... papa labas sa bahay nila.... Actualy wala akong idea sa kung saan kami papunta.. basta, lumayo kami sa kanila. Nag-lalakad na kami nung tinanong ko sya. "Saan tayo pupunta?.. gabi na eh..?" "Di ko alam... basta malayo lang sa kanila." Weeeee! may part 4 pah! Itutuloy...

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story