Reading Tools
Saved for this browser
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryAko nga pala si Calix.
I-share ko lang ang first experience ko na kakaiba at hindi pangkaraniwan when I was 16 years old—isang bagay na hanggang ngayon, kapag naaalala ko, parang may parte sa akin na ayaw pa ring maniwala na totoong nangyari iyon.
Lumaki ako sa poder ng Lola at Lolo ko. Parehong nagtatrabaho abroad ang parents ko, habang ang mga kapatid ko naman ay parehong nag-aaral ng college sa Manila. Sa isang tahimik na bayan sa Dumaguete ako lumaki.
Bata pa lang ako, madalas na akong mapansin ng mga tao. Sabi nila, matalino raw ako, matangkad, at guwapo. Tahimik lang ako at masasabing taong bahay—hindi dahil gusto ko, kundi dahil strict ang Lola ko.
Very religious ang Lola ko. Halos araw-araw nasa simbahan siya. Kapag wala siyang ibang gagawin, simbahan ang punta niya. Kaya bata pa lang ako, pamilyar na sa akin ang amoy ng kandila, tunog ng kampana, mga dasal, at tahimik na mga sulok ng lumang simbahan namin.
Hanggang isang araw, may bagong assigned na pari sa lugar namin.
Si Father Aldo.
Pagkakita ko pa lang sa kanya, maiintindihan mo agad kung bakit naging usap-usapan siya.
May itsura siya. Maamo ang mukha, malinis tingnan, at may kakaibang composure. Hindi siya iyong tipong kailangang mag-effort para mapansin. Kahit tahimik lang siya, parang automatic na napapatingin ang mga tao.
At siyempre, hindi lang mga babae ang nakapansin.
Pati mga bading sa lugar namin, instant may bagong topic.
"Bagong pari? Gwapo!"
"Saan kaya galing?"
"Ang bait pa raw."
Ilang araw lang, kilala na siya ng halos buong bayan.
Nang dumating siya, nagkaroon ng salo-salo para sa bagong pari. Weekend noon kaya isinama ako ng Lola ko. Ayaw niyang nasa bahay lang ako habang ang Lolo ko naman ay nasa manggahan.
Doon ko unang nakilala si Father Aldo.
Simple lang ang unang encounter namin.
"Ikaw si Calix?" tanong niya.
Tumango ako.
"Yes, Father."
Ngumiti siya.
"Parang tahimik ka."
Napangiti rin ako nang kaunti.
"Nahihiya lang po."
Hindi ko alam kung bakit, pero tumatak sa akin ang simpleng conversation na iyon.
Hindi naman kami agad naging close. Pero habang lumilipas ang mga linggo, napansin kong talagang iba ang charisma ni Father Aldo.
Hindi lang siya sikat dahil sa itsura.
Magiliw siya sa mga matatanda, marunong makisama sa mga kabataan, at kahit may kausap siyang simpleng tindera o batang naglalaro sa labas ng simbahan, binibigyan niya ng buong attention.
After two months, parang instant celebrity na siya sa bayan namin.
Kapag naglalakad siya, may bumabati.
Kapag pumupunta sa palengke, may nakikipag-usap.
At kapag may misa, halos laging puno ang simbahan.
Then came our school break.
Isang araw, hindi ko inaasahan na pupunta si Father Aldo sa bahay namin.
Lunch time noon.
Nasa mesa kami ni Lola at Lolo nang dumating siya.
"Good afternoon po," bati niya.
"Father! Halika, kain ka muna," agad na sabi ni Lola.
Umupo siya at nakisabay sa lunch namin.
Normal lang sana ang usapan hanggang nabanggit niya ang isang bagay.
"Gusto ko sanang pumunta sa Murcia," sabi niya.
"Kailan Father" tanong ni Lola.
"Sa Huwebes sana at baka magstay ako ng ilang araw."
Napatingin si Lola sa akin.
"Samahan ka ng apo ko."
Napatingin naman ako kay Lola.
"Ha?"
Ngumiti siya.
"Ikaw naman ang marunong mag-Ilonggo at may alam sa lugar. Pwede kang maging translator at tumulong kay Father."
Napatingin ako kay Father Aldo.
Ngumiti siya nang bahagya.
"Okay lang ba sa'yo, Calix?"
Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang pakiramdam akong naramdaman nang mga sandaling iyon.
Parang may kung anong hindi ko maipaliwanag.
Pero dahil ayaw kong kontrahin si Lola, tumango ako.
"Okay po, Father."
Ngumiti siya.
"Thank you, Calix."
At doon nagsimula ang isang biyahe na hindi ko alam na magiging first experience ko ng isang bagay na kakaiba at hindi ko makakalimutan.
Kinabukasan, maaga kaming umalis, 4AM sinundo ako ni Father gamit ang kotse na pinahiram sa kanya ng isang member ng simbahan.
Akala ko simpleng five-hour trip lang iyon.
Hindi ko alam na bago pa kami makarating sa kabilang bayan, may mapapansin na akong mga bagay na hindi ko maipaliwanag.
At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit habang palayo kami nang palayo sa bayan namin, parang mas nagiging tahimik ang paligid.
Hindi iyong ordinaryong tahimik.
Iyong tahimik na parang may hinihintay.
At sa unang pagkakataon sa buhay ko, naisip ko:
"Bakit parang may mali?"
To be continued...
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.