The Reason
by: hotstuff
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: hotstuff
"I'm not a perfect person. There's so many things I wish I didn't do. And so I have to say before I go that I just want you to know. I found a reason for me to change to I want to be. The reason to start over new and the reason is YOU." And as the song goes as he said "Sir, yan ang kanta ko para sau!" and he beam with a great smile. Andrei was just one of my many students back in the Philippines na naging close sa akin. Someone who is just plain and simple. And from that plain simplicity came a much perplex life I went through. It was 2004 when I met Andrei. He and his brother were enrolled in my class. It was my second time to handle CWTS though it is not really my forte. The administration decided to give it to me again due to the positive impact of the last CWTS programs, projects and recognition I handled. I am an ordinary college professor, started teaching at 20 after graduation. After 4 years of teaching, alam ko na ang do's and don'ts sa school. In just 4 years time, I already earned my respect sabi nga nila. Ako yung klase ng teacher na very adhere to the rules and regulations, very particular sa tama at mali at very keen sa work. Sa school namin medyo maraming cases na ng mga teachers ang natanggal. The first was because of student-teacher relationship turned to cheating. Second, was student-teacher relationship din of the same sex (both girls). Kung iisipin, our school is very strict when it comes to such kind of violations of school standards. I am very particular with my classroom rules and regulations. As I always say "We can always be friends outside the school. But when in my class I am your teacher. No more, no less". I am strict but very kind. Pero when it comes to grades, we don't have to talk about it. May mga magulang na lumalapit sa akin para makagraduate ang anak nila pero hindi ko pinagbibigyan. One of them, parang gusto magbayad pero I'm not like that. Ang dialogue ko sa ganun "One million plus house and lot" tapos tatawanan ko ng malakas. Hahaha. Pang-asar! Dun ako hinahangaan at tinitingala ng mga students at co-employees ko. For being friendly yet strict when it comes to work. In most cases nga, mas minamahal ako ng mga magulang ng students ko rather than the students themselves. I always make it a point that during the first day of class I get to know my students. Sabi nila malakas daw talaga ang charisma ko sa ganun. I don't know. Hindi naman ako naniniwala! Unang kilatis ko pa lang sa mga students ko alam ko kung sino ang gusto ko maging friends at sino ang ayaw ko. Alam ko din kung sino ang may laman ang utak, ang mga acting like may laman ang utak at higit sa lahat yung mga tipong nasa dialogue ko din "Ang ulo ay hindi ginawa para pang dekorasyon lang sa balikat. Ginagamit yan!" I never had the chance to know Andrei during the first day of school. Late enrollee na sya that time. Marami na kaming activity na nagawa ang inabot na lang nya ay film showing about drug addiction na may mga sasagutan sila as a class work. That was 28 days starring Sandra Bullock. Trimester pa kami that time kaya it is usually May that the classes begin. Kaya pala late sya nag-enroll kasi inayos pa result ng acceleration exam nya. He passed the exam kaya hindi sya nag-third year or fourth year yata. I don't exactly know. Hindi sya nagkwento ng details about that. All I know was that the first time I saw him I know he would be one of the students na magiging close sa akin. Days come and go just like an ordinary days for me. Ang dami ko ng kaclose na mga students sharing laughter and stories after class and during discussions (I always make it a point to have a happy ambience when teaching) pero hindi ko pa rin naging ka close si Andrei. And that time nawala na sa isip ko na magiging close kami. Ang presko nya kasi, medyo mayabang kasi laging ipinagmamalaki na accelerated sya (according to his bro he failed 3rd year kaya kumuha sya ng test for acceleration), sobrang likot at galawgaw (parang batang grade one), sobrang daldal at sobrang isip bata kasi he was just turning 16 that time. Yun pa naman ang ayaw ko sa mga tao. I hate someone acting not on his age. Another thing na hindi ko nagustuhan sa kanya ay ng magkaroon sya ng girlfriend. Yung girl ay ahead sa kanya ng one year from the other course. Sa pagkakaalam ko, yung girl talaga ang may gusto sa kanya at yung girl na ang nanligaw. Knowing that the girl came from a well-off family, ang kolokoy na si Andrei nagtake-advantage, ginawang sugar mommy ang babae. Ang sabi nya that time mabuti na rin yun kasi libre na sya sa pagkain. Ang hindi ko pa matanggap sa kanya, sya na nga yung nalilibre sa maraming bagay ang lakas nya manlait dun sa girl, as in harap harapan. Ipinapahiya nya yung girl sa mga classmates nya, sinasabihan nya ng ang pangit pangit mo! Ang girl naman kapal muks din na humahabol habol talaga sa kanya. Eto namang isa ay super take advantage sa kanya in terms of money! Pero the time na ininvite sya ng girl sa house nila ng silang dalawa lang daw, ayaw nya. Hindi daw nya feel. From the start of classes until its end hindi kami nagging close ni Andrei. It is just an ordinary greetings "Hi sir!" minsan nga wala pa. Even when we had the chance to go mountain climbing as part of our team-building finals for CWTS I rarely share a moment of talk to him. Hindi ko din ugali ang ipamigay ang mobile number ko to my students. Yung advisory course ko lang ang may alam ng number ko. That time 6 sila kasi accountancy yun. Mahirap daw kaya wala magenrol na madami. Nagtataray pa ako sa text kapag hindi nakaregister sa phone ko ang number. He is one of those na tinarayan ko at niloko ko sa text para mapaniwalang hindi aking number ang tinetext nya. I said to him na I'm not a teacher and I am a 65 year old lolo na nagtetext. Parang napahiya yata sya at muntik na maniwala sa mga text ko. Until, sinabi ko din sa kanya na that was really me. Dun nagsimula ang lahat. Nag magka cell phone sya lagi sya nagtetext skin. Forwarded messages at kung ano ano pa. My phone then was a 3310 na hanggang ngaun ay buhay pa rin. Ewan ko ba hindi ko talaga hilig ang cell phone. Basta makatawag at makatext ok na skin. Taliwas kay Andrei, gusto nya lagging sunod sa uso. That time 3315 ang cp nya. Parang bigay lang yata sa kanya yun ng tita (step mom) nya. Wala pa daw sya pera pambili ng cp kaya nagtyaga muna sya sa bigay ng tita nya. That time uso na unlimited texts kya sobrang makapag forward ng mga messages. Parang kulang ang space sa phone para sa mga messages. And that was the beginning, just in text! Second trimester, I had problems at home. Actually, I am living in a dysfunctional family that time. My father died 2002 and I had to bear with my mother's pain and angst for years but not because of my father's death. Ewan ang hirap pala pag hindi marunong ang parents ng good parenting. Hehehe. But I was never a bad son ever. But things just come to worst between me and my mother so I decided to live with my kuya who is renting a house with his wife just near the school where I am teaching. That time I am the bread-winner being the "bunso" and the only one who finished college and landed somewhat a good job but not that high-paying job. During that time, Andrei and his bro were also renting a small apartment just a village away from ours. Kaya medyo lalakarin mo lang at puede ka na mangapit bahay, as they say! Hindi ko ugali ang magtanong at mangulit at pakialaman ang buhay buhay ng mga tao lalo na ang students ko. But I don't exactly know why my students trust me so much to share their feelings, problems and even sentiments about all the people in their lives. Siguro tama nga ung sinasabi sa akin lagi ng friend ko (she's a girl! As in tunay!) na "they found a friend in me". Even Andrei, he found a friend in me (I hope!). It all comes naturally. Parang ginagawa nya akong diary nya, bawat araw before the start of the class or after classes pupunta sya sa akin at magkukwento ng mga activities nya during the day. Why he's absent (2-3 times a week lang sya pumasok), mga problema nya sa step mom nya, kwento nya sa father nya, paninira nya sa kuya nya at paninira nya sa step sister nya! Parang self-conceited sya na ayaw pumayag na mas lamang sa kanya ang ibang tao. Even sa looks, kapag mas gwapo sa kanya humahanap ng puedeng pang okray! Na paborito ko pa naman sabihin sa mukha nya na "Bakit mas gwapo ang kuya mo sa'yo?" Na lagi naman nya hinahanapan ng reason. I cannot forget my first night living with my sister in law. Anyways, I invited my niece na sumama na lang din sa akin para malapit din sya sa school to save for fare. She's high school then. Ng malaman ng mga students ko na lumipat na ako dun, they were very happy. Most of them kasi ay malapit lang dun ang houses. They even visited me on my first day and stayed with me to share stories and laughter until night. That time Andrei has a date. Makikipag meet daw sya sa gf nya na nakatira sa city. I remember pakilala nya na nursing student daw sa isang college, renting an apartment with her classmate na nakilala nya during the school activity and then they decided to meet. Pinakita na nya sa akin ang picture nung girl pero parang may doubt ako kung gf nya talaga yun. Ewan ko ba kung bakit parang ang gaan ng loob nya sa akin na kahit sa text ay kinukwento nya ang mga ginagawa nila. Tinetext nya sa akin kung nasaan na sila, saan sila kumain, tapos ang nakakatawa ay tinext pa nya na nagpapamassage daw sya at ang sarap daw pala. Hahaha. I remember tinext ko pa sya na "kapag hindi ka na nakapagtext after nito that means may nangyayari na". That was it. May nangyayari na nga. The following day, that was Sunday. I invited my favorite student (as in paborito utusan! Hahaha) na magsimba kami para naman I have the company. Andrei decided to attend the mass din. We had an agreement na lagi na kami sabay sabay na magsisimba tuwing 5:30 pm. Sa labas pa lang ng simbahan Andrei was so excited. Hindi ko alam kung bakit. Ayaw ko naman magtanong. So he initiated the conversation as he said "Hindi na ako virgin!" and laughs out loud. As we replied "Huh? Tlga?" and we laughed. As a proof, pinakita nya sa amin ang mga kiss marks nya sa dibdib, sa may leeg. Ang dami, as in! Imagine hindi sya nahiya na magpakita ng ganun marami pa man din na mga tao around us. I even commented "Mukhang hindi naman babae ang may gawa nyan eh! Hindi Gawain yan ng matinong babae ah!" Ang nasabi lang nya "Hindi ah!" Si Andrei parang isang kabute sa buhay ko. Pasulpot sulpot. Pero he always make it a point na magpakita sa akin once na nasa school sya. I even remember him na parang batang sira ulo na pupunta ng faculty room (he was no longer my student during second tri) at magbubukas ng net just to see sa orgrish.com ung mga pinugutan ng ulo tapos tatakbo na takot na takot. Minsan magtatawag ng mga classmates nya ipapakita tapos sya din un natatakot at tatakbo kahit madapa na sya. Kahit minsan nakakainis ang ugali nya sa pagiging ewan nya natatawa na rin ako sa pagiging natural nyang ewan! Tapos pagkatapos nya magpatawa mawawala na ulit. Tapos magkukwento sa buhay buhay nya. Pero that time, wala na syang nababanggit tungkol sa sinasabi nya na gf nya. Hindi ko alam kung papano ngyari pero I started to like him. Ang mga katangahan nya, ang pagkaisip bata nya, ang mga bloopers nya, ang attitudes nya na magaspang, ang looks nya na hindi ko masasabing gwapo talaga pero may dating din. I started to like him as he is kahit na he is the exact opposite ng gusto ko sa isang tao lalo na sa isang lalaki. Parang sub-standard sya for me, pero I accepted him as he is. One week lang tinagal namin ng pamangkin ko sa apartment ng sister in law ko kasi another problem na naman. Sabihan ba naman ako ng kuya ko "Humanap na lang kayo ng ibang matutuluyan kasi habang nandyan kayo hindi kami makakaipon!" as if, palamunin ako! Lumipat kami sa isang apartment with two bedrooms na malapit lang din dun. Just 500 meters away lang siguro. Naging ok naman ang stay namin. Mas nagustuhan ko kasi hindi ka na kelangan makisama. Nung lumipat ako sinamahan pa talaga ako ni Andrei na magshopping sa SM. Bumili ng mga gamit sa kusina, stove, pagkain at kung ano-ano. He never left me kahit gabi na talaga kami nakauwi. He was there for me all through out. Wala akong narinig na reklamo sa kanya kahit alam kong mabigat ang mga pinabitbit ko sa kanya. At hinatid pa nya ako sa apartment ko. Siguro sa ilang weeks lang na lagi kaming magkasama ni Andrei nakitaan ko sya ng mga pagbabago. Kahit yung ibang classmates nya napapansin din. Hindi na sya masyado umaabsent. Minsan kasi sinasabihan ko na sya na wag lagi umabsent. Ang loko naman parang nagpapacheck ng attendance sa akin daily. Susulyap lang sa faculty para lang ba ipakita ang mukha nya sa akin at sabihin na pumasok sya. Minsan lalapit lang sya sa akin, tatabi sa akin, hahawak ng konti sa braso or sasabihin lang "Hi, sir!" tapos mawawala na ulit na parang bula. After each class nya, pumupunta tlaga sya skin at the same lang din ang gagawin, mangungulit! Tapos babalik na ulit sa klase. Bago sya umuwi pupunta muna sya sa akin at parang ginawa akong tatay na magpapaalam ng uuwi na daw sya. Ganun ng ganun ang scenario everyday. Lagi sya nasa tabi ko. Pag magkasabay kami iisipin mo talaga na magsyota kami kasi inaalalayan talaga nya ako. Minsan nakaakbay sya sa akin. Ako ang una nyang pinasasakay sa tricycle pag magkasabay kami. Sinasamahan nya ako na maggrocery, pumasok ng wet market at bumili ng isda o karne. Lagi din sya sa apartment ko. Dun sya kumakain at madalas dun na din sya tumutulog. Parang more than 50% of his time talaga nasa akin. Lagi lang kami magkasama, laging magkadikit, lagging magkakulitan at lagging nagookrayan. Alam nya ang schedule ko kahit hindi ko ibinigay sa kanya. Alam nya kung saan ako kumakain tuwing lunch. Alam nya ang ginagamit kong sabon at shampoo. Alam nya ang lotion ko, ang pamango ko, siguro alam na nya din ang brand ng brief ko. hehehe. Ng minsan sa bahay sya natulog magkatabi kami. Hindi naman puede na dun sya sa kabilang room katabi ng pamangkin ko. Ang bed sa apartment ko ay single bed lang na nilagyan ko lang ng futon. The usual type sa mga apartment sa pinas. Ang tangkad nya ha, 5'7" sya, tapos ako 5'2" pero nagkasya kami sa single bed. Pag sa bahay sya natutulog halos laging 12 or madaling araw na kami nakakatulog talking about nothing. Bago talaga kami makatulog ang dami dami nya tanong at ang dami dami naming pinagkwentuhan na wala naman kwentang bagay. Ang likot pa nya matulog. Pero imagine hindi kami nahuhulog sa bed. Ang minsan ay naging madalas na lagi na lang sya sa bahay. Dun na sya kumakain, nanonood ng tv or ng vcd, at dun na din sya natutulog. Nanghihiram na din sya sa akin ng damit, nangungutang ng pera pag wala ng panggastos, naliligo na rin sya sa bahay, pag aalis na ako at gusto pa nya matulog iniiwan ko na lang sya tapos pag uuwi na sya pinapalock ko na lang ang pinto. Minsan sya na rin ang naghuhugas ng pinagkainan, sya ang nagsasaing, sya ang namimili kung anong gustong ulam at sya ang nagdedecide kung gusto nya sa bahay matulog. October 24, 2004, I was then turning 24 years old. Sinabi ko talaga sa sarili ko na at 24 kailangan maranasan ko naman na magkaroon ng relationship. It is true at 24 wala pa akong kahit isang nakarelasyon. Mahilig kasi ako sa mga standards. Ewan ko ba. Para kasi na gusto ko yung gusto ko talaga. Na parang typical pinoy type na getting to know each other, magsusuyuan, mag-aaway at magbabati. Siguro totoo din ung sinasabi ng iba na kapag teacher ka daw at mahal mo ang work mo nakakalimutan mo na talaga ang lovelife. Maybe! Or kapag successful ka daw sa career, unsuccessful ang lovelife mo! During that time alam ko na there was something in me feeling special for Andrei. I assume sya din. Sinabi ko sa kanya na its my birthday on the 24th. I told myself na kung sino man ung lalaki na pupunta sa birthday ko with a gift for me, sya yung tao na destined to be my partner. Alam ko that was corny kasi sino pa ba naman ang makakaisip na magregalo sa isang 24 year-old birthday celebrator, ano. Pero sorry, mahilig talaga akong humingi ng mga signs. My birthday came. I invited few people. Pero ang dumating lang mga students ko na mahal na mahal ako. To my surprise. Andrei was the first person to arrive. Ginulat nya ako sa may pintuan ng apartment at kumanta sya ng napakalakas na happy birthday. Nalaman tuloy ng mga kapitbahay na birthday ko. May dala syang 3 orange balloons (alam nya na favorite ko color ay orange) and a small gift. Pinabuksan nya sa akin yung gift nya and it was a small teddy bear na nakalagay sa cup. Ung cup na pinaglalagyan nya kapareho pa ng cup na ginagamit naming sa bahay. I ask him kung magkano nagastos nya. Sabi ko dapat hindi na sya gumastos kasi I'm no longer a kid para magcelebrate ng ganun. Pero ayaw nyang sabihin kung magkano basta gift daw nya sa akin yun. Sya pa ang nag-ayos ng balloons as if parang birthday party ng isang bata. And so it happened. The signs had come. I cannot deny the fact na malaki talaga ang naging impact sa akin ng pagiging close naming ni Andrei. Blooming ang aura, as they say. Kahit pagod na pagod ako sa mga klase ko (lagi ako ang may pinakamaraming teaching load) parang hindi ko maramdaman ang pagod basta nandyan sya. When I'm not in the mood, lagi mo makikita na nakabusangot (frown) ang mukha ko. Pero during those times na magkasama kami, ewan ko ba I was so inspired to always wear my smile. I am inspired to talk of good things and I feel like I don't have any problems at all. Ang feeling ko nga Andrei was identified na sa akin kasi everytime na mawawala sya or my problem sa kanya sa akin nila sinasabi. Even the admin (I am also part-time accounting personnel) sa akin nila sinasabi ang mga problems sa kanya as they say "pakisabi nga sa 'anak' mo…" From then on, alam ko na mahal ko na talaga si Andrei. Alam ko rin sa sarili ko na I had accepted him with all my heart. Ganun pala talaga pag na-inlove ka tatangapin mo sya kasama ang lahat ng imperfections nya. Kahit sa utak ko ayaw talaga dahil he's not the type of guy na I am hoping to have a relationship with pero nananaig pa rin ang tibok na puso. Tao lang ako, mas matimbang pala talaga ang puso kesa utak. Also, ganun pala talaga pag tumama ang first love. It never dies, it never fades. That time parang naging sarado na ang utak ko. I couldn't hardly recognize, truth from lies, right from wrongs. At ganun na nga ang ngyari, isang professor na very particular sa mga rules and regulations ng school who was then committing his own crime of love and passion. From all the times na magkatabi kami matulog ni Andrei, would you imagine walang ngyayari sa amin. Ganun ako, ayaw ko magtake advantage kahit alam ko na may feelings na ako sa kanya. Kahit minsan alam ko na he's trying to test me, seduce me or he's just trying more and more to make me fall for him. Sa liit ng bed ko talaga makikita mo kami na magkayakap, minsan halos magkalapit na yung mukha naming at feeling na magkikiss at minsan talga nararamdaman mo yung private parts. Pero it is not my attitude na pag may pagkakataon ka, grab the opportunity. Siguro I was old enough at medyo iba din ang standards ko. Ayaw ko kasi that time na makipag sex sa isang lalaki kung wala kaming relationship. Ewan ko ba parang wala talaga sa ugali ko yung maghanap ng lalaki just for sex although maraming nagpaparamdam. Ayaw ko talga! Parang Maria Clara effect yata ako. Hahaha. It all comes naturally that I was so caring when it comes to Andrei. When the time na nagkasakit sya, I was so worried. Nagkaroon sya ng mga mouth sores na hindi sya masyado makakain, tapos nagkalagnat sya. Pumunta sya sa faculty room just to say "Sir, hipuin nyo may lagnat ako!". Ayaw ko pa maniwala. Sabi ko sa kanya "lagnat tamad lang yan". Pero in the end, binilihan ko pa sya ng gamot at ng hindi ko sya makita ibinigay ko sa guard at sinabi kong pakibigay kay Andrei. Ganun kasi ako sa isang tao pag alam kong mahal ko. I was so caring. Siguro yun din ang mga nagugustuhan sa akin ng ibang tao na masyado daw ako mabait. Too many men na ang nagsabi sa akin ng mga lines na "kung naging babae ka lang, niligawan na kita", yung iba "kung naging babae ka lang, pinakasalan na kita" at yung iba "gusto ko sa babae, yung kaugali mo. Masarap magmahal." At even some my students na boys when we're talking about relationship may nagsasabi din sa akin ng ganun. Hay! I wish I was a girl. Kung nagkataon ang daming pipila sa akin. Hahahahaha. Nang magkasakit si Andrei he decided na sa bahay muna sya tumuloy para daw alagaan ko sya. Halos one week din sya na may lagnat at puro mouth sores. Magkatabi pa rin kami sa pagtulog kahit alam ko na puede ako mahawa sa sakit nya. That time wala na ang pamangkin ko sa akin, umuwi na sa kanila. The whole week na may lagnat sya nasa bahay lang sya, inaalagaan ko hangang gumaling sya. Ewan ko ba bakit ganun talaga ang ugali nya. Pagkatapos nya magpagaling, nawala na lang ulit sya na parang bula. Ang naiwan lang sa akin ay ang alaala ng matagal na panahon na katabi ko sya sa kama at ang mababahong kumot, unan at bedsheet. Kasi nga I understand na my mouth sores sya kaya pag natutulog sya may mga amoy ng laway. Pagkaalis nya pinalabahan ko talga agad lahat. Kasi pakiramdam ko hindi naman ako makakatulog pag ganun. Medyo maarte ako sa buhay, ayaw ko ng madumi at ayaw ko ng may mga moy. Hehehe. Pero tiniis ko lahat kasi mahal ko sya. Pag walang allowance si Andrei nasa bahay sya at dun sya kumakain para makatipid. Pag may pupuntahan sya at wala syang pera nangungutang sya sa akin na hindi naman nya binabayaran. Ang binibigay lang kasi sa kanya ng step mom nya na allowance ay 500 for two weeks. Syempre kulang sa kanya yun plus the fact na talgang may pagkalayas sya at kung saan saan pumupunta. Sa pamasahe pa lang ubos na ang 500 mo. I also remember one time na nakapagbayad ako ng VCD na "The Ring" kasi nirent namin kasi gusto daw nya panoorin. Hiniram nya at dinala sa apartment nya para panoorin daw sa kapitbahay nila. Nawala yung vcd so I have to pay. Sabi nya babayaran daw nya. Hindi ko na inexpect kasi alam ko wala syang pambayad. Mahilig din sya magsangla ng cp nya pag wala sya panggastos. Ung unang sangla nya, naglambing talga sya sa akin at sobrang pinilit nya ako na tubusin ko daw ang cp nya. Parang nagisip pa ako kasi nararamdaman ko na he's beginning to take advantage of my kindness. Pero malakas talga ang puso, tinubos ko naman ang cp nya. Pero yung second time na nagsangla ulit sya hindi ko na tinubos kasi it's too much for me. It was November 2004, our school is celebrating Foundation Days. Si Andrei ay hindi ko advisory kasi iba ang course nya. Pero ayaw nya daw sa department nya kaya sa amin sya sumasama. Ang loko ay makapal talga ang mukha na nagpresinta na sya na lang ang ilaban ng course nya for Mr. Foundation. Could you imagine, wala syang tulong na nakuha sa department nya. Ako lahat ang inasahan nya. Sa isusuot nya, sa mga intro nya sa pagpapakilala, sa modeling, sa style ng buhok, as in sa lahat lahat. Ako ang nghanap ng isususot nya from intro costume to formal wear. Nagagalit nga yung iba kong advisory kasi mas inalagaan ko sya kesa sa mga panlaban ko. Prior to the said activity, that was Sunday. Since may agreement na talaga kami na every Sunday, 5:30 pm ay sisimba kami at lagi kaming pumupwesto sa likod ng choir. I love someone who can sing kasi. Pero Andrei cannot sing. Hehehe. May overnight ang advisory ko sa apartment ko to finish all the things na kelangan namin for the foundation. Hindi ko alam kung bakit parang I couldn't contain my feelings for him. I know in myself that time na talagang mahal ko na sya. Sya yung tao na tinanggap ko ng buong buo without hesitations. Kahit na exact opposite sya ng gusto ko sa isang lalaki hindi ko hinayaan na mangibabaw ang standards ko. Kinalimutan ko ang lahat para lang sa kanya. Before going to church, I had one thing in my mind. Sabi ko sa sarili ko kelangan masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. It was now or never. That time kami lang dalawa ang nagsimba. Magulo ang isip ko that time kasi that was my first time na magpropose ng nararamdaman mo. Sorry po, hindi talaga ako marunong magparamdam or manligaw. Everything to me was just normal. Ewan ko mahina ang common sense ko when it comes to such things. Siguro nga kasi wala pa ako experience. Sobrang nagdasal talaga ako sa church. Ugali ko na ipagdasal ang gagawin kong decision sa buhay ko. I always ask the Lord for forgiveness kung mali man o tama ang gagawin ko. Nagsisisi na agad ako if everything didn't turn out well. Ganun po talaga ako. Nagsisisi na talaga ako before. Kasi ang mentality ko ayaw ko na magkaroon ng regrets in the end kasi ginusto ko yung decision ko. So, I prayed hard. I prayed for him na sana sya na nga yung tao na destined for me na kahit alam ko corruption of minor. Hehehe. After nung unang pagluhod mo pagkasabi ng pari na "ipagbunyi natin ang misteryo ng ating pananampalataya." I decided na sabihin ko na sa kanya. Before magstart yung misa sinabi ko na sa kanya na may sasabihin ako pero it took me long time bago makabwelo sa sobrang dami ng gumugulo sa isip ko. I am considering so many things. Pano kung mawalan ako ng work? Pano kong mawala ang friendship namin? Pano kung ayaw nya? Pano kung pagtawanan nya ako? Pano, pano at marami pang pano… pero nangibabaw ang nararamdaman ko. Pagkatayo naming sa pagkakaluhod, I came close to him as I said "nadedevelop na yata ako sa'yo." As simple as that, torpe nga yata ako! Hindi ko masabi na mahal na kita, minahal na kita at mamahalin kita forever. Sa katangahan ko yun lang talaga ang nasabi ko. Tapos wala syang reaction. Naghihintay ako ng sasabihin nya pero wala talaga. Akala ko hindi nya narinig at hindi nya naintindihan kasi prang bulong lang ang pagkakasabi ko sa kanya. Nung magoofer na ng sign of peace, hindi sya nagpeace be with you sa akin. Pero before the final blessing ng pari, nagsalita sya… "Totoo ba yung sinabi nyo? Nadedevelop na kau sa akin?" Ako ba ay magpapakatanga pa "I said "yes". Umuwi kami ng masaya kasi at least nasabi ko na ang dapat kong sabihin sa kanya. Sabi nya baka daw nagkakamali lang ako. Ang sabi pa nga nya bakit daw ganun na lahat dawn a makaclose nya nadedevelop sa kanya. Ung kapitbahay daw nya na bading nagsabi sa kanya na mahal na daw sya. Pero parang ayaw nya na magkaroon kami ng relationship kasi baka daw magbago ang lahat. Pero sabi naman nya kahit daw may feelings ako sa kanya wala pa rin magbabago. Sabi ko pa sa kanya, lumayo ka na lang sa akin. Iiwas na lang ako sayo para hindi na maging complicated ang lahat. Ang loko naman pang-asar talaga ang sabi nya lalo naman daw sya lalapit ng lalapit sa akin. At ginawa nga nya para talagang kami pero there is nothing between us. Nothing's changed except for a fact na nasabi ko na sa kanya na I am falling for him. That night ng matutulog na kami ng mga students ko nakisiksik din sya. Ayaw ng mga students ko na tumabi sa akin sa room ko. Eto naman si Andrei parang pang-asar sya ang tumabi sa akin, binukas yung pinto ng room ko at talagang nakaakap sa akin ang loko kahit kita ng mga students ko. At ginagawa na nga nya yung sinabi na lalo syang lalapit ng lalapit sa akin. Mas sobrang naging close pa kami ni Andrei. Lahat ng bagay yata nakwento na nya sa akin. Dumadating yung time na ang dami nyang tanong; sa tingin ko daw ba sino sa mga students naming ang virgin at hindi na virgin? Sino daw sa tingin ko ang mga lalaking pahada sa mga students namin? Tumatagal kami sa ganung usapan na iniisa isa nya ang names ng mga students naming tapos magsasabi ako ng reaction ko kung bading, pahada, paminta or hindi. Nang lumaban si Andrei sa Mr. Foundation he was so happy. He won as 2nd runner up and got two special awards Mr. Photogenic at Best in Intro Costume. Sa question and answer maganda ang sagot nya kasi napractice ko na sa kanya yung tanong na napunta sa kanya before the contest. That time ako ang nagiisang host ng program. Medyo parang masama ang loob ko that time kasi ang daming bading na sumisigaw at tumitili sa kanya. Na sya naman ay tuwang tuwa. Gusting gusto sya ng mga bading. Nagseselos ako that time. Ang bigat ng loob ko na parang gusto ko sumabog that night. Makikita ko sya na tuwang tuwa pa at talagang sobrang project onstage para lang mapansin tlaga sya. Nandun din yung bading na sinabi nya na may gusto sa kanya. Ayaw ko pa mandin na makita yun dahil inaway ako sa text ng bakla at sinabing layuan ko daw ang asawa nya referring to Andrei. Ang sagot ko sa kanya hindi ko inaagaw sa kanya si Andrei kung gusto nya ibibigay ko pa sa kanya. After he won, sa bahay sya natulog. At para syang bata na tuwang tuwa na maraming tao ang humanga sa kanya. Para syang high na high sa victory nya at feeling nya ay isa na syang celebrity na maraming tagahanga. Ang madalas na pinag-aawayan naming ni Andrei ay ang kakulitan ko na layuan na lang nya ako. Lagi kong ipipilit sa kanya na lumayo na sya sa akin. Pipilitin ko sya na ipamigay ko na sya sa iba na ayaw na ayaw nya. Sabi ko pa umiwas na lang sya sa akin at iiwas na lang din ako sa kanya. Kasi prang nagiging complicated sa school. Ang daming nagtatanong what's between me and Andrei. Halos everyday ganun ang dialogue ko sa kanya "layuan mo na ako. Iiwas na ako sayo at umiwas ka na din sa akin." Na lagi nyang ikinagagalit. Tapos in the end, sya din ang makikipagbati at lalapit sa akin. Ang sabi pa nya minsan bakit daw lagi na lang yun ang pinagaawayan naming at bakit lagi na lang daw pag nag-aaway kami sya ang sumusuyo in the end. Sabi ko sa kanya kasi nga gusto ko ng hindi na lang kami maging close. Pero kahit anong gawin kong panloloko sa sarili ko hindi ko maitatangi na mahal ko talga si Andrei. One time, nagemail ako sa kanya ng sobrang romantic. Lahat ng gusto ko sabihin sa kanya in person sinulat ko sa email. And it goes like "sya yung tao na hinintay ko ng matagal na panahon. Sya yung tao na hiniling ko kay God na ibigay sa akin. At dumating nga sya sa buhay ko." Wala syang response kahit ano sa email ko. And as usual, nawala na naman sya na parang bula after that. Things are getting worse. I am hearing things about me and Andrei pero pinagwalang bahala ko lang. May mga naririnig pa ako na bad things about Andrei na at first ayaw kong paniwalaan. Dumating din sa point na nagagalit sa akin ang mga bading na friends nya. Hindi ko alam kung bakit. Sabi lang nya sa akin may gusto daw sa kanya ayaw naman daw nya. That time our School Director is planning to resign and he talked to me and wanted me to replace him after his resignation. Kahit medyo doubt pa ako sa sarili ko kung kaya ko ang position, I am very much flaterred by the fact na they believe in my capacity. Alam ni Andrei un kaya alam ko that's one of the reason why lagi sya sa akin nadikit kasi he's on the safe side. One time, naghuhugas ako ng mga plato after namin kumain ni Andrei ng madulas sya sa mga kwento nya. Nasabi nya na ang first relationship daw nya ay sa isang bi. Tama nga ang hinala ko na ang sinasabi nyang gf nya ay lalaki. At ang first experience nya na nagbigay sa kanya ng napakaraming kissmarks ay lalaki. Inamin naman nya lahat sa akin. Sa sobrang kiss and tell nya, lahat yata ng sexual offers sa kanya sinasabi nya sa akin. Lahat ng may gusto sa kanya sinasabi nya sa akin. Yun nga lang hindi ko alam kung everything that he said was the truth or just plain lies to protect him in my eyes. Lagi ko kasi sinasabi sa kanya na sa lahat ng ayaw ko sa tao ung manggagamit for your own sake. Kung magiging callboy ka mas maganda pa kasi alam mo sa sarili mo na trabaho mo un. Pero ung hindi ka callboy pero manggagamit ka ng tao for your own personal needs, that's another story. Dati sabi ko sa kanya mababa ang tingin ko sa mga callboy. Not now kasi I learned to respect people and their own personal choices. Magkatabi kami sa bed ni Andrei habang sya ay nakikipagtext sa boyfriend nya. Iba ang ginamit nya na pangalan that time. Yun daw alam ng bf nya na pangalan nya. Pinapabasa naman nya sa akin. Hangang sa dumating yun point ng text nila na parang namimiss nung guy si Andrei just because of plain sex. Parang nainis ako kasi laging kwento ni Andrei na hindi lang daw sex ang habol sa kanya nung guy dahil mahal na mahal daw sya nun at mahal na mahal daw nya un. Bumangon ako sa bed at nainis. Nagpaalam sya at uuwi na lang daw. Hindi ko alam ang nararamdaman ko that time. Selos, galit o ano? Ang alam ko nagagalit ako kasi yung taong mahal mo nagpapakagago sa isang taong hindi naman sya mahal at ang habol lang ay sex. Bumili ako ng Emperador at I decided mag-inom magisa. Nagtext si Andrei at sinabi na babalik daw sya sa bahay para mag-usap kami. He explained so many things na ayaw kong pakinggan. Para kaming lovers na nakaupo sa may hagdanan (my apartment is in 2nd floor) at nag-uusap. He was crying that time pero hindi ko alam kung totoong tears. All I remembered was that he explained na niloko nga daw sya ng bf nya. Pero mahal daw nya un. Nagalit pa sya sa akin kasi ng dahil daw sa nararamdaman ko sa kanya kaya nagkakaganon ako. Natapos ang gabi ng walang magandang pinuntahan ang pag-uusap naming. Umuwi na lang sya that night. Nararamdaman ko na parang ginagawa lang akong outlet ni Andrei sa lahat ng bagay. Pag may kailangan sya sa akin sya pumupunta. Pag wala na syang choice na mapuntahan tsaka lang sya pupunta sa bahay. Ang madalas na pagkikita namin ay nauwi ulit sa minsan. Hangang sa maging halos wala kami communication at hindi nagkikita for a week. Siguro nagsawa na rin sya sa akin at ako nagsawa na rin sa mga walang katapusan nyang kwento na nagbibigay sa akin ng sakit. Plus the fact na walng katapusan ko sasabihin sa kanya na lumayo ka na sa akin dahil nasasaktan mo lang ako. Sa tuwing mawawala sya sa akin kinukondisyon ko ang sarili ko na mawala ang feelings ko sa kanya. Pinipilit ko ang sarili ko na kalimutan ko sya. Pero ang hirap pala. Ang hirap pala dayain ng totoong nararamdaman mo. At mahirap pala turuan ang puso na kalimutan ang isang tao na special sayo. Pero parang mapaglaro talaga ang buhay. Kapag tipong medyo I know na I'm over him saka sya magpapakita sa akin, maglalambing at magiging close ulit kami. That was the scenario over and over again. Nagulat ako one day ng pumunta sa bahay si Andrei at nagkwento na may bago na daw syang boyfriend. Manager ng Jollibee. His name is Dino. Ang alam ko talaga ang mga tipo ni Andrei yung nasa mataas na position sa isang company. Kinwento nya kung pano sila nagkakilala at malapit lang daw sa apartment nya yung apartment ni Dino. Ako naman sobrang nakikinig lang sa kanya. That time after ng matagal din na hindi kami nagkita medyo parang I believe nagfade ng kahit konti ang feelings ko for him. Hindi ko na sya masyadong hinahanap. Hindi na ako nageexpect na lagi ko syang makakasama. Hindi na rin ako masyadong nageexpect na makakatabi ko pa ulit sya sa pagtulog. Pero all my expectations were wrong. Kahit may bago na syang bf, parang mas matagal pa rin ang oras nya sa akin kesa sa bf nya. Lahat na yata ng kwento tungkol sa bf nya nakwento na nya at "baby" ang tawagan nila. Pero one time pumunta sya sa bahay na parang dismayado. Sabi nya ayoko na kay Dino tapos pinabasa nya ang text ni Dino sa akin "Baby punta ka dito sa bahay sex tau." It was December 2004 when I decided to move on with my life. Parang ayaw ko na talaga na lagi na lang under the shadow of Andrei. There was one student na laging nagtetext sa akin. She was my student na pinilit ko na lumaban ng Ms. Sportsfest kahit magkaiyak iyak sya sa pagtangi. Text sya ng text sa akin. Binibigyan ako ng load and everything. Basta parang alam ko na may gusto sya sa akin. Sinakyan ko naman ang mga trip nya. Hangang dumating ang point na parang we're starting to have a relationship sa text. Akala ko hanging text lang talaga. Pero one time umuulan nun and she just came from her OJT wala syang payong at pauwi na sya sa kanila pero hindi sya makaalis kasi umuulan. She texted me na kung puede puntahan ko sya dun which I did. It all started there. Tinanggap nya ako bilang ako. Siguro inisip pa rin nya na I'm straight kahit halata mo naman sa kilos ko na may pagkasilahis. Pero she said mahal na daw nya ako matagal na. And so it goes. Naging kami ng student ko na un. She was 19 then. Naging masaya ako that time. Very sweet kami sa isat isa. Lagi sya ang pumupunta sa apartment ko at lagi sya dun natutulog. Three days pa lang kami ng magkaroon kami ng intimate moment with each other. At madalas sa bahay sya natutulog. At that moment alam ko sa sarili ko na masaya ako walang halong doubt. Nakalimutan ko na din si Andrei. Masaya si Andrei sa current relationship nya at ako masaya na din sa relationship ko. At parang tama din naman na ang naging first relationship ko pa rin ay sa isang girl. Ipinakilala ko na sya sa mga friends ko. Isinama ko na sya sa bahay during Christmas. I had made a positive impact naman sa kanya. Masya sya sa akin. Akala ko she was the one for me. Siguro ilang weeks na kami ni honey (un ang tawagan namin) pero hindi pa rin alam ni Andrei. Ayaw ko ipaalam sa kanya kasi baka kung ano ang sabihin nya. One night sa bahay matutulog si honey ng biglang dumating si Andrei. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko talaga mabukas ang pinto. So lumabas na lang ako at dun ko sya kinausap. Sabi ko sa kanya hindi sya puede pumasok kasi dun matutulog si honey. Alam na din naman nya ang story namin kc ng magkatext pa lang kami ni honey pinapabasa ko kay Andrei ang mga sweet texts nya. Hindi ko sinabi na kami na ni honey pero alam na nya na ganun kasi sa bahay na nga natutulog. Umalis si Andrei na alam ko na tangap nya ang naging decision ko. Habang nakahiga kami ni honey (same bed kung san kami lagi magkatabi ni Andrei) may biglang nagtext sa akin ng mga quotes. Sunod sunod talaga ang mga texts. Si Andrei pala. Ang mga message ng quotes nya ay parang galit. Yung tipong, hinintay nya ako pero iiwan ko din pala sya. Bakit ko sya pinagpalit sa iba? Hindi ko alam kung bakit sya nagtext ng ganun that time. Hindi ko na lang pinansin. Tinanong ni honey kung sinong nagtext sabi ko si Andrei tapos binasa nya ang mga texts. Ang comment nya "parang babae naman yang si Andrei kung magtext!" Selos? Ewan ko. Simula nun hindi na sya nagpakita at hindi na rin sya nagtetext. Magkasunod lang ang birthday ni honey at ni Andrei. May promise ako kay Andrei before na bibilihan ko din sya ng gift sa birthday nya. Ibinili ko ng gift si honey kasama ang favorite student ko (ung paborito kong utusan). Masaya talaga kami that time. Ewan ko pero si honey ang nagdadala ng relationship. Sya ang sweet, sya ang laging nsa bahay, sya ang laging nagtetext, sya ang laging tumatawag, sya ang laging may gift sa akin kahit walang occasions. During Andrei's birthday, hindi ko na sya binilihan ng gift kasi wala na ako time. Tinext ko na lang sya at binati ng simple happy birthday. Iba ang reply nya sa akin. Galit ang mga texts nya. Ang text nya sa akin that time was "Alam mo ba kaya ko nagustuhan si Dino kasi kaugali mo sya. Pero mabuti pa sya hindi ako iniiwan hindi katulad mo!" Hindi ko alam na he sets his standards sa ugali ko. Hindi ko na lang sya pinansin at hinayaan ko na lang sya sa mga sinasabi nya. Pero nung gabi nagtext na naman sya. Galit na galit ang mga text nya na minsan hindi ko maintindihan. Nag-iinom daw sila ng mga friends nya kasi nga blow-out daw nya. Ang mga text nya para sa baby nya sa akin nya sinesend. Alam ko sinasadya nya para siguro magselos ako at para malaman nya kung may feelings pa nga ako sa kanya. Hangang sa magbanta sya na pupuntahan daw nila ako sa bahay ko kahit hatinggabi na. Medyo kinabahan din ako pero wala naman akong ginagawang masama. Sabi ko kasi mag-usap kami ng maayos. Akala ko tapos na ang lahat sa away namin ni Andrei pero nagkamali ako. Mas worst ang ginagawa nya sa akin sa school. Hindi nya talga ako pinapansin at hindi nya talaga ako kinakausap. It was favorable for me then, pero parang I am so much worried kung ano ang kinagalit nya sa akin wala naman akong ginawang masama sa kanya. Using chikka, tinext ko sya ng tinext. Ginalit ko sya ng ginalit para sabihin nya lang sa akin ang dahilan ng galit nya. Sobrang inis ko na talaga sa kanya natext ko sya ng "Putang ina mo! Ano bang problema mo? Wala akong ginagawang masama sa'yo. Ano bang ikinagagalit mo sa akin?" Lalo pa sya nagalit sa mga texts ko sa kanya. Simula nun hindi ko na lang pinansin ang mga drama nya. Siguro ineexpect nya ako na ako naman ang magpapakababa para makipagbati sa kanya. Ano sya, sinuswerte? Wala naman akong kasalanan sa kanya! One night to my surprise nagpakita sa bahay si Andrei. With his usual smile. Nangungumusta lang. We were standing sa veranda ng apartment ko. Buti na lang wala sa katabi kong apartment yung co-teacher ko. We were standing there and I asked him kung anong naging problem nya at nagalit sya sa akin. Humingi sya ng sorry sa akin. Inamin naman nya that time na hindi daw nya alam sa sarili nya na may feelings din pala sya sa akin until that moment na nalaman nya na may gf na nga ako. Sabi ko sa kanya "jelly ka ano?" just to break the tension ng confession nya. Inamin naman nya na nagselos nga sya. Humingi sya ng sorry sa akin pero parang gusto ko pa syang asarin that night. Sabi nya kahit ano daw gagawin nya mapatawad ko lang daw sya. Sabi ko kahit no? Sabi nya kahit ano daw. Nagcomment pa sya na bakit lagi na lang daw ang sumusuyo sa akin pag nagaaway kami. Hinihintay daw nya ako na pumunta man lang sa bahay nya at suyuin sya. Hehehe. That's not my style. Para mapatawad ko sya sabi ko sa kanya gusto ko humalik sya sa lupa. Ang sira ulo dali dali talaga. Humalik sa semento sa veranda at sabay sabi "Yan ha humalik na ako sa lupa. Bati na tayo ha!" Nagulat ako at napatawa. I was just kidding when I said that pero ginawa nga nya. Bago sya umalis ng gabing yun, he gave me a gentle kiss on my cheek. Sorry daw at bati na kami. Hinatid ko pa sya ng tanaw habang umuuwi na sya with his smile wide open. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero sa mga dumating sa buhay ko nagkaroon na naman ako ng confusions. Parang bumabalik ang nararamdaman ko for Andrei. Nagkaroon ako ng confusions sa relationship naming ni honey. Hangang sa humanap ako ng mga reasons para hindi ko na sya magustuhan. Gumagawa ako ng way para hindi ko sya matext. Tapos minsan kunwari wala sa akin ung cp ko. Minsan naman hindi ko na talga sinasagot ang mga texts at tawag nya. At that time ayaw ko na lokohin si honey at ayaw ko na din lokohin ang sarili ko. We were not meant for each other. At ang nararamdaman ko sa kanya that time siguro nagfade agad ang love. Or it is just infatutation na sobrang naexcite lang ako to have my first relationship. During my advisory's Christmas party, since magkabati na naman kami ni Andrei sumingit na naman sya. As usual ako ang nagbayad ng contribution nya. And as usual utang daw un! Pero hindi kasama nun si honey. That was overnight swimming. Si Andrei walang ginawa magdamag kundi magtext ng magtext alam kong ang itinetext nya ay ang baby nya. Habang hindi nya alam. Kinuha ko ang number ng baby nya. After that night tinext ko ang baby na para sabihin na alam ko yung relationship nila. Nakiusap ako sa kanya na kung puede pagsabihan si Andrei na wag na masyado lumapit sa akin at kung puede sa kanya na lang si Andrei. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko yun. Ang alam ko lang may nararamdaman akong kakaiba na dahil sa pagiging close namin ay may masamang kahahantungan ang lahat. Pero wala din ngyari. One day during Christmas break, may inamin sa akin si Andrei na kasalanan nya. Sinabi nya daw sa group of students namin na magsyota daw kami for six months. That means starting June or July kami na and worst sinabi din nya na kami ni honey that time. Ang version ng story nya ay pinagsasabay ko daw silang dalawa at ok lang daw sa amin yun kasi meron din naman daw syang bf. Naguluhan ako. Hindi ko alam kung magagalit ako o uupakan ko na sya sa harap ko o ano. Inisip ko ang maraming bagay, ngayon ko lang naiisip na hindi ko pala talaga kaya na mawala ang work ko. Pano kung ipagkalat ng mga students ang kasinungalingan nya? Pano kung matangal ako as teacher. At napakarami pang pano. Sobrang naguluhan ako sa mga ngayari sa akin. Wala pa kaming one month ni honey I decided to end up our relationship. Ang ginawa ko na lang reason ay mas mahal ko ang career ko kesa sa kanya. Ang sabi ko pa if she could wait kasi if we're really meant for each other in the end kami pa rin siguro. Hindi ko talga nagawa na makipag split up sa kanya in person. Tinext ko na lang sya. Sobrang iyak sya ng iyak. Pero hindi mo pala talaga kayang lokohin ang sarili mo. Much more ang puso mo. Plus the fact na pagtatraydor sa akin ni Andrei. Hindi ko alam kung ano ang balak nya bakit sya gumawa ng mga kasinungalingan at ipinagkalat pa nya. Napuno ng galit ang puso ko. Inisip ko na ipabugbog sya sa ginawa nya sa akin. Inalam ko talaga ang mga exact words na sinabi nya. Inalam ko din kung totoo ang version ng kanyang stories. To my dismay, marami pala akong hindi alam tungkol sa kanya at tungkol sa mga kwentong nangagaling sa kanya. Mali ang mga versions ng kwento na sinasabi nya sa akin. All this time pala niloloko lang nya ako. Maraming mga bagay ang naging malinaw sa akin. Kaya pala lagi syang absent kasi sumasideline sya sa sinehan for a fee. Kaya din pala madalas maaga sya umuuwi kasi may pupuntahan sya na nga ka eye-ball nya. Pero kung magkwento sya sa akin parang ang linis linis nya. At parang hindi nya magagawa ang mga bagay na ganun. Tapos iba ang kinukwento nya sa ibang tao about sa akin. Na parang nagdodoubt sya kung baka habang natutulog sya ay may ginagawa akong masama sa kanya. At ang hindi ko pa matangap ay ang sabihin nya na ayaw nya daw sa akin pero umamin ako sa kanya na mahal ko sya. All this years pala, ang mga kwento nya sa akin at sa ibang tao ay magkakaiba. Kaya din pala nagagalit sa akin ang mga bading ay dahil may syota pala sya dun at nagseselos na sa akin dahil sabi nya kami na. Nalaman ko din na kaya pala wala sya laging pera ay dahil sa mga pinupuntahan nya na ka-eyeball nya. Sobrang nasaktan ako that time. Halos everynight nag-iinom kami ng mga friends ko. Sinabi ko tlaga ang ginawa nya sa akin. Dun ko naranasan na for one week straight nag-iinom ako at lahat yata ng klaseng alak ay ininom ko makalimutan ko lang ang problema ko. Sa sobrang galit ko sa kanya nilayuan ko na talga sya. Hindi ko alam kong anong reason pero hindi na sya nag-enrol during the third tri. Hindi rin masyadong kumalat ang issue tungkol sa aming dalawa. Pero ang alam ko maraming nakakaalam ng issue na yun siguro nililihim lang din nila kasi may mga teachers na nagpaparinig sa akin at sa kanya. Sa mga inisip ko na gusto ko gawin sa kanya para makaganti I felt guilty. Naawa din ako sa kanya kasi parang inisip ko na ako ang naging dahilan kaya masisira ang education nya. Kaya hindi na sya makapag-enrol ay dahil sa akin. To ease the guilt, I joined several retreats sa simbahan. During the sharing ewan ko ba parang sinasadya ng tadhana na ang nakasulat sa sharing ko na dapat babasahin mo sa harap ng lahat ng tao ay tungkol sa kanya. Ang tanong kasi ay sino ang taong sa tingin mo ay nagawan mo ng masama at bakit? Sya ang sa akala ko ay nagawan ko ng masama na pinagsisihan ko. I also joined Singles for Christ just to ask the Lord for forgiveness kung nasira ko man ang buhay nya. That time kasi wala na akong balita sa kanya at wala na kami communications. Hindi ko alam kung sa mga time na iniisip kong nasira ko ang buhay nya ay iniisip din nya ako in return. May 2005 ng magulat ako sa balita na kasali pala sya sa Search for Ginoo sa bayan naming. Bumalik sya sa akin at humihingi ng sorry at nagpapatulong sa akin sa pagsali nya. Para mawala ang sobrang guilt ko sa nagawa ko sa kanya, tinulungan ko sya. Minsan sa bahay na ulit sya natutulog pero as much as possible ayaw ko ng ibalik ung same closeness naming before. Para madivert naman ang attention ko sa iba, I decided to try eyeball. Meron akong isang nakachat na nagdecide na magkita kami. And again to my surprise, kakilala ni Andrei and ka eye-ball ko. Naka sex eyeball na pala niya un at naging sila na din. Sinabi nya sa akin na kahit sino daw ang piliin ko wag lang un dahil lolokohin lang ako nun. Pero naging matigas ako. Yung ayaw nya yun ang ginusto ko para kahit papano ay hindi bumalik yung closeness namin. Naging kami ni Rusell for two weeks lang kasi umayaw na din ako. I learned so many bad things about him. Kasama ko pa si Rusell ng time na lumaban si Andrei ng Ginoo. Unfortunately, he lost the contest. Parang bumalik sa dating sigla si Andrei. Nag-enrol na ulit sya at naging ok naman kahit alam ko na may distance na ako sa kanya. Nagkaroon na kasi ng lamat ang tiwala ko sa kanya. Pero kahit papaano magkasama pa rin kami at minsan sa bahay pa rin sya natutulog. Minsan nakwento nya na meron daw isang lalaki na nanliligaw sa kanya at pinapupunta siya sa bahay nila para ibigay yung sapatos na kulay pula. Sabi ko pag nakita ko na suot nya ang sapatos na kulay pula ibig sabihin sila na. Pero hindi ko nakita, sa halip hiniram nya ang rubber shoes ko pero hindi na nya binalik. Minsan, nagyayaya din sya na kumain libre daw nya ako pero sabi ko kung galing lang sa mga syota nya at binayaran sya for sex wag na lang kasi kaya ko naman bumili ng sarili ko pagkain. End of November 2005, nasuspend ang klase dahil sa mga kaguluhan ng mga tinutugis na NPA sa lugar namin. Wala kami magawa so we decided to go sa gf ng isa kong student who is a lesbian naman. Pagdating dun pinaghanda kami ng pagkain at alak kaya naginom na lang kami. Siguro nakailang bote din kami (we are 5 na nag-iinom) ng magkayayaan umuwi na. Pero bago kami umuwi dumaan kami sa videoke para kumanta. Wala akong 5 pesos na coin. So naglambing ako sa kanya ang sabi ko pahingi ako ng 5 pesos at ikikiss ko sya. Nagbigay nga ang loko at ng matapos akong makakanta hinihingi ang kiss. Hahaha. Paguwi namin sa bahay as usual hahatid muna nya ako at saka sya uuwi. Pero pagpasok sa bahay bigla syang humiga sa bed. Alam ko lasing na sya nun kasi pulang pula na sya. Sandaling katahimikan at tumabi ako sa kanya kasi medyo antok na din ako. Katahimikan ulit. Medyo mahabang minuto na hindi kami nagsasalita. Tapos bigla sya gumalaw yumakap sa akin, pumatong sa katawan ko at hinalikan ako ng masuyong halik sa labi. Matapos nya akong halikan, umayos sya ng higa at ang sabi nya "Mahal kita sir matagal na pero parang ayaw mo sa akin. Lagi mo akong inaaway." Hindi ako nagsalita. Tumayo sya naghilamos at nagpaalam na uuwi na daw sya. Pero bago sya umuwi niyakap nya ulit ako at masuyong hinalikan ulit sa labi. Ilang araw din bago kami ulit nagkita. Ang akala ko lasing lang sya ng mga panahong yun kaya nagawa nya un. Madaling araw ng December 1, sa bahay sya natulog. After what happened ng lasing sya tska pa lang ulit namin napagusapan ang ngyari. Gising pa ako ng madaling araw na un. Gising pa rin sya. Humarap sya sa akin na nakatagilid. Hinawakan nya ako sa pisngi at inilapat ang kanyang labi sa aking labi. Matagal kaming naghalikan. Ang galing nyang humalik. Mas sanay pa sya sa akin. After the kiss, ngyari ang first sex between us. Matapos un niyakap nya ako at sinabing kami ng dalawa. Kahit may doubt na ako kung magtatagal ang relationship namin naging masaya din naman ako. Ginawa ko pa ngang PIN number and 1201 ng maging kami sa atm ko. Pero things are not the same between us. Kung dati nung hindi pa kami lagi kaming magksama ng maging kami na parang mas lalong nagkaroon ng space between us. Mas naging busy sya sa mga friends nya. Pero naging open parin sya sa mga naging past relationships nya. Sa mga nagooffer sa kanya na ibabahay sya at sa nakilala nya sa bathhouse, sa sinehan, at kung saan saan pa. Sabi nya kasi dapat open daw kami sa isat isa para magtagal ang relationship namin. Siguro mga two weeks pa lang kami pero once or twice lang kami nagkita. Minsan na wrong sent pa sya sa akin ng text na "Puede ka ba ngaun?" alam ko na ang mga tanong na ganun. Sabi nya kapitbahay daw nya na babae niloloko lng nya. Nakilala ko rin ang mga friends nya na ang isa nagkwento sa akin na "sir ang baby mo laging title pag magkasama kami!" Title means sya lagi ang nakakakuha ang lalaki for sex. Nag-isip na rin ako that time, may boyfriend ako pero kung sino sino ang kasex nya at mas marami pa syang time sa mga gimik at eyeball kesa sa akin. Once lang may nangyari sa amin for all those years na mahal namin ang isat isa pero now na naging kami na parang wala naman sya time for me or talagang hindi na nya ako mahal. Pinilit ko sya na tapusin na namin ang lahat kasi nag-aaway na naman kami sa mga pagpunta punta nya kung saan saan. Ang hirap naman yata ng situation na ang boyfriend mo ang naghahanap ng ligaya sa iba. Parang wala rin kaung relationship diba? Nagalit sya sa akin at nagtext sya ng mga masasakit na salita. Sabi ko sa kanya anong problema nya, wala akong ginawang masama sa kanya. All I'm asking is tapusin na namin ang lahat kasi parang wala na din naman pupuntahan. Our relationship is not working anymore. Pero tinext nya ako ng masakit na salitang hindi ko malilimutan "Pinabababa mo ang sarili mo. Akala ko iba ka pero wala ka rin pa lang ipinagiba sa mga baklang kalye!" Hindi ko alam kung bakit sya nagalit sa akin ng ganun. Pero nakipagbreak ako sa kanya ng maayos. Tapos hindi ko na pinakialaman ang buhay nya. Hindi ko na rin sya nakita at tinatawanan ko na lang ang mga naririnig ko sa kanya. After me, nagkaroon daw sya ng live-in partner. Kwento sa akin ng classmate nya na they considered me as a family friend. The usual Andrei na kahit daw mga sexscapades nila ay kinikwento sa kanya. Dun ko nalaman ng sabihin nya skin na "siguro sir kaya ayaw na din sa inyo kasi may hinahanap sya na iba na hindi nyo kayang ibigay." May nagsabi din sa akin na bumabayad daw sya ng P20 sa mga tricycle drivers na tipo nya makagamit lang ng lalaki. Ang balita ay kusang lumalapit sa akin pero tinatawanan ko na lang. Sabi ko na lang sa kanila. Ginusto nya yun, wala tayong magagawa. Dun sya masaya. Hindi na kami nagkita simula noon. Wala na rin akong balita sa kanya. I just considered him as a thing of the past. As he always say "Charged to experience." Pero aaminin ko sya ang una at huling taong minahal ko. Sya din ang huling taong I had sex with until now. Siguro talagang hindi lang kami compatible or we are not really meant for each other. Pero I thanked him for letting me feel how to be in love. Siguro para sa kanya isa lang akong maliit na bahagi ng buhay nya. Hindi ko nga alam kung talagang minahal nya ako o ginamit lang nya talga ako. Na sa mga panahon pala na iniisip ko sya at hinihintay ko sya masaya sya sa piling ng iba. Siguro nga bata pa sya that time. Pero kahit ano pa yun ang mahalaga I learned so much from him and now I'm over him. I had moved on. At ang bahagi ng buhay ko kasama sya hindi ko pinagsisihan tinatawanan ko na lang ngaun. I know I had moved on kasi kapag ang isang part ng buhay ko ay naikwento ko na that means I'm over it. This is the proof. Kahit ng umalis ako ng Pinas last year to teach somewhere in US where I am today alam ko wala na sya sa puso ko and im very sure of that. Minsan nga gusto kong itanong sa kanya ang tanong ni Claudine kay Piolo sa "Milan"… "Kailangan mo ba ako dahil mahal mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?" And as the song goes, we are not perfect but there's always a reason.
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.