Papasibol Sa Tag-Ulan - Part 1
by: &-Ru-X TomGutz
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: &-Ru-X TomGutz
Kabisado ko na ang kabuuan ng kanyang mukha - bilugang mga matang wari'y nangingislap sa tuwa sa tuwing nagsasalita; may kakapalang mga kilay na tila ba lalo pang nagpapadagdag sa kinang ng kanyang mga tingin; ilong nitong di-katangusan subali't maganda ang pagkakahubog lalo na ang tila ba tulay na nagdudugtong sa pagitan ng kanyang mga kilay at doon sa tila ba "buto" sa gitna ng kanyang ilong; at ang kanyang mga labi. di-kakapalang mga labing lagi na'y mamula-mula at mamasa-masa. Nakamata ako sa kanya, tinitingala ang kanyang katangkaran sa aking pagkakaupo, habang walang kamalay-malay nitong sinuklay ng kaniyang mga daliri ang alun-alon niyang buhok saka muling magsasalita sa tono at tinig na marahil ay hinding-hindi ko pagsasawaang pakinggan. malamig, mahinahon, maingat at buo. Wari pa'y wala siyang kamalay-malay sa maraming pares ng mga matang paulit-ulit siyang ginahasa, maliban pa sa pares ng aking mga mata. Sa panimula ng semestre, ang akala ko'y hinahangaan ko lamang siya, pero nitong kalagitnaan na, bandang huli hanggang nitong kasalukuyan, nakadama ako ng kaibahan sa aking sarili. Iba na ang itinatakbo ng utak ko na higit ko pang ikinatakot. Mayroon nang pananabik. mayroon nang papasibol na damdamin. mayroon nga ba akong pagnanasa sa kanya? Aminado ako, kinasasabikan ko ang mga araw ng klase namin. Pakiramdam ko, ambagal ng mga segundo kapag hindi ko siya nakikita. Pati ang mga Sabado't Linggo ay nagiging parusa sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa akin, pero alam ko'ng nahihirapan ang kalooban ko. Kasabay ng mga tanong sa aking isipan, hinagod ko ng aking tingin ang kanyang bulto. Ninamnam ko sa aking imahinasyon ang bawat himaymay ng kanyang laman. Natikman ko na sa aking malikot na isipan ang di-kakapalang balahibo sa prominente niyang dibdib na sumusungaw sa suot niyang asul na long-sleeved shirt, gayundin ang butil-butil na pawis na namumuo sa kanyang noo, na tumutulo rin marahil pati na sa bawa't sulok ng maganda niyang pangangatawan. Napaawang ang aking bibig nang mapadako na naman, sa kung ilang ulit na pagkakataon, ang aking tingin sa namumukol niyang harapan na para bang "nagpapasilay" sa kaninumang mga matang nagpapahayag ng interes. Kumislot ang aking kaangkinan. dinaluyan ng dugo ang bawat himaymay ng ugat nito. At dahil sa suot kong masikip na maong, hindi naging komportable ang naging sitwasyon ko. Unti-unti, naramdaman ko ang pagngangalit ng aking tagdan na pilit na naghihimagsik, dahilan upang masabunutan ang ilang mga hibla ng aking mga bulbol. Iyong sitwasyong iyon ang siyang gumising sa akin sa tila ba pagkakaidlip ng dilat. "Putang ina!" galit na galit kong anas sa aking sarili sabay bawi ng aking tingin. "ano ba ætong nangyayari sa akin?" Para akong natutunaw sa hiya sa sarili ko mismo. Tumingin ako sa paligid at nang sa tingin ko'y walang nakapapansin sa akin ay nagpanggap akong may kukunin sa kaliwang bulsa ng aking pantalon at pinilit kong huwag na magkandaliyad pa sa pagabot ko sa sarili ko upang maisaayos ang pagwawala nito. Pagkuwa'y, tumungo ako't itinakip ang dalawa kong palad sa aking mukha saka ako paulit-ulit na bumulong, "Hindi ako ganoon. hindi ako ganoon. hindi ako ganoon." "Mr. Cortez, any problem there?" Tila napakabagal ng pagdinig ko sa tanong na iyon. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko naintindihang ako pala ang tinatanong. Saka lang ako nakapag-angat ng tingin. "M-Mr. H-Hiz-zon. err." Halos magkandautal ako sa pagsagot at ang isipan ko'y hindi rin tumutulong. Lalo pa nga yata akong nagkandautal nang pilitin ko ang sarili kong mag-isip ng idadahilan o isasagot sa kanya. Ngumiti ito sa akin at biglang nagsalita, "I understand. you may be experiencing "information overload." Pilit kong pinaniwala ang sarili ko na sinalo lang ng aming Instructor ang pagkakapipi ko nang mga sandaling iyon kaya hinayaan ko na lang siyang magpatuloy. Pero sa pakiramdam ng isang guilty, nagtatanong ang isip ko, "Alam kaya niyang tinitigasan ako ngayon dahil lang sa pakikinig sa kanya? Alam kaya niyang nag-iinit ang pakiramdam ko sa pagmamasid ko sa kanya? Alam kaya niya ang epekto niya sa kabuuan ng pagkatao ko?" "But understand this, there's much to learn on your course. The two 6-unit subjects I am handling this semester are but two of your major subjects so I request everybody's full attention. I don't want anybody here finishing this course without learning anything from me. Right, Chris?" "Y-yes. sir," sagot ko na lang. "Ok. so let's continue." Iyon lang ang huling naintindihan ko sa mga pinagsasabi ni Mr. Hizon. Nguni't sa kabila ng pagkapahiya, tila nakadama ako ng pride sa aking dibdib dahil napansin niya ako kahit ngayon lang. At minsan pa, muli akong nadala ng tila ba agos ng dagat na nalilikha ng bawa't titik na binibigkas ni Mr. Hizon. Iba ang kanyang kabuuan. Lalaking-lalaki. pero hindi rin. mas marapat ang depinisyong, "barakung-barako!" Pinilit kong labanan ang pakiramdam ko sa pamamagitan ng isang bulong sa aking isipan, "Magtigil ka sa mga pinagsasasabi mo, Dale. barako ka! Lalaki ka! Hindi ka dapat nagpapadala sa emosyong mali! Wala kang dapat ikalito! Magkaroon ka naman ng hiya, syet!" ---------- Isang halik sa pisngi ang bumulaga sa akin magbuhat sa aking likod. "Carrie!" pabulalas ko nang makilala ang nagbigay sa akin ng sorpresang halik. "O, bakit parang natuklaw ka ng ahas diyan?" tanong ng girlfriend ko. "W-wala." ikako at muling nagpatuloy sa pagbabasa ng libro sa bench sa ilalim ng puno ng acacia. Katatapos lang noon ng huling klase namin subali't andoon ako upang hintayin ang aking nobyang si Carrie, "m-masyado kasi akong naka-focus sa binabasa ko. Nagulat lang ako. kanina pa nga kita hinihintay, eh." Umupo si Carrie sa tabi ko. Isinara ko muna ang binabasang libro na hindi ko rin naman maintindihan at walang pumapasok na matino sa utak kong gulong-gulo. Ibinaling ko ang pansin sa magandang mukha ng aking nobya at gaya ng dati, pakiramdam ko'y naglaho ang lahat ng alinlangan sa aking isipan at parang pinalantsa ang gusot kong damdamin. Ngumiti ako at umakbay sa balikat ni Carrie, saka ko siya hinagkan ng may katagalan sa pisngi, sabay bulong ng, "I love you, babe." "Hmmm." anito sa tonong hindi naniniwala nguni't alam mong nagbibiro, "binobola mo na naman ako. Tanggap ko nang playboy ka kaya kung puwede, huwag mo akong daanin sa bola." Umakto akong nasaktan at tumungo, at gaya ng dati, iniangkla nito ang mga kamay sa katawan ko at humalik sa pisngi ko, sabay sabing, "dahil kahit hindi mo ako bolahin, I love you pa rin," saka ito humagikgik na parang bata. Isa ito sa mga bagay na gustong-gusto ko kay Carrie. Napakalambing at may pagka-inosente kung kumilos. "Sweet niyo naman." dinig naming wika ng isang tinig. "Tol." bati ko nang mag-angat ako ng tingin at unang makita ang kaibigan kong si Yancy. Tumayo ako upang kumamado sa kanya at magalang kong tinanguan ang kasama niyang babaeng ngayon ko lang din nakita. "Dale, Carrie, syota ko nga pala, si Dindy," pakilala nito sa kasama. Nagkatinginan kami ni Carrie at madaling nagkaunawaan. Bagong syota na naman ni Yancy. Mahilig talaga ito sa mga "short time" girlfriends. Wala pang dalawang lingo sila noong isa niyang siyota, heto't may bago na naman. "Hi!" todo ang ngiti sa pagkakabati ni Dindy, "we're going to the mall to watch s movie. Yancy and I thought you might be interested on a double date? I'm driving." May pagka-sosyal itong bago ni Yancy. Diretso ang dila, hindi tulad noong mga nakalipas niyang mga parausan ng oras na medyo pa-"conio" lang. At sa unang tingin pa lang ay makikita mo na kaagad na maykaya ito sa buhay dahil sa ayos nito at mga gamit. Sabagay, may hitsura naman talaga itong si Yancy kaya maraming nagogoyong mga babae. Campus crush nga raw siya, deklara niyang tarantado siya! Nuknukan ng yabang. Minsan, nangingiti ako sa hangin nitong kaibigan ko, pero tanggap ko na ang kayabangan niya. Simula pa kasi elementarya, kami na ang magkatropa. Hanggang sa magkolehiyo kami, hindi kami nagkahiwalay ng unibersidad, gayong kung tutuusin ay pinag-aaral siya ng parents niya sa US. Mas pinili niya "daw" dito sa Pinas mag-aral dahil ædi raw niya maiwan-iwan ang pinagsamahan namin. "Great," sagot naman ni Carrie na natural na ang pagiging warm ng pagkatao. "Unless, Mr. Academic here has any plans for the day." pabitin niyang wika sabay baling sa akin at tila naghihintay ng pag-ayon ko. Napangiti ako sa hitsura ni Carrie na parang batang sabik sa laruan. Tinanggap niya ang ngiti ko bilang pag-ayon at gagad na umabante upang makipagbungisngisan kay Dindy. "Ok. Let's go." eksayted ang pagkakasabi ng bagong syota ni Yancy at agad na nagpatiuna silang dalawa ng gf ko sa kotse niya. Naiwan kaming nagkatinginan ng kaibigan ko. "Syet. Mukhang mahihirapan akong idispatsa agad itong isang ito, ah. Kasundo agad ng asawa mo, eh," ngumiwi si Yancy sa akin bago muling idinako ang tingin sa dalawang tila matagal nang magkakilala at magkaibigan. "Ano namang kuneksiyon? Kailan pa kami naging hadlang ni Carrie sa mga pagdedsisyon mo sa relasyon mo?" sagot ko, "Sabihin mo, mukhang bigatin. Ingat ka. Baka me shotgun ang tatay niyan at matali ka ng wala sa oras," dugtong ko pa na tila lalo pang nagpabigat sa loob ni Yancy. "Gago ka talaga, alam mo iyon? Sana hindi na lang kami lumapit para mag-aya. Kungdi lang talaga ako naobligang ipaalam ang tungkol kay Dindy sa iyo dahil tsokaran kita, nungkang pansinin ko kayo ngayon," nakasimangot nitong litanya na tila bigat na bigat ang pakiramdam. "Guys, ano ba?" dinig kong tawag ni Carrie, "tara na!" Nakangisian ko si Yancy na tila napako sa kinatatayuan at hitsurang naumay. Pabiro ko itong hinila patungo sa sasakyan ng bago niyang lolokohin. Parang batang ayaw lumapit sa dentista ni Yancy, at lalo akong natawa sa aktuwasyon nito. "Andiyan na." sagot ko. ---------- Patay na ang mga ilaw sa kabuuan ng bahay nang makauwi ako lulan ng isang taksi matapos kong ihatid si Carrie sa bahay nila. Sa bandang Monumento pa kasi ito umuuwi at maa-out of way na masyado sina Dindy kapag nagpahatid pa kami sa kanya. Bukod pa doon, nakakahiya rin sa tao lalo't bagu-bago pa lang ang aming pinagsamahan. Pero si Yancy, ewan kung saan nagmana ng kapal ng apog, talagang siya pa ang inihatid ng bago niyang syota. Sabagay, mapilit din naman si Dindy sa paghahatid sa kanya. Kung tutuusin, puwedeng sumabay sa akin itong si Yancy dahil sa isang baranggay lang kami nakatira. Iyon nga lang, kailangan pang samahan niya akong ihatid ang gf ko bago kami makakauwi sa Pasig. Sa mga oras na ito na halos mag-a-alas dose na, tiyak kong nasa bahay na nila iyon at tulog na tulog na. May pasok kami bukas, kaya alam kong maagang matutulog iyon. Pagkapasok ko ng gate, inapuhap ko agad ang dala kong susi at pilit kong inaninag sa dilim ang keyhole. Ilang segundo pa ang lumipas, nagtagumpay akong mabuksan ang pinto at maingat na pumasok sa loob ng bahay. Pagkapinid ng pinto ay marahan kong hinubad ang suot kong rubber shoes at patingkayad na lumakad upang di makalikha ng ingay. Tiyak kong tulog na ang aking mga kasambahay at bilang paggalang sa katahimikan ng gabi, minabuti kong huwag nang magbukas ng ilaw. Nang makaakyat ako ng hagdan ay saglit akong dumaan sa pinto ng kuwarto nina Mamang at ng ikalawang asawa niyang pulis, si Tiyo Victor. Pinakiramdaman ko kung may gising pa sa loob. Tahimik at bahagyang mga hilik lang ang aking narinig kaya nagkibit-balikat ako at kampanteng dumiretso sa guest room kung saan naroon ang kapatid kong babae, si Ate Rita at ang kanyang asawa, si Kuya Lance, kasama ang dalawa kong pamangking maliliit, sina Kiko, tatlong taon at Boy, anim na buwan. Ikalawang araw na nilang pag-i-stay sa bahay dahil bumista galing pa ng Laguna. Iniawang kong bahagya ang pinto at nang masilip kong bukas ang night lamp at tulog na tulog na ang mga ito, ngumiti na lang ako at dumiretso sa aking kuwarto. Masaya ang naging double-date namin. Noong mga oras na iyon, nalimot ko ang alinmang pag-aalinlangan at mga pagdududa sa aking sarili. Pero ngayong nag-iisa na naman ako, kung bakit muling sumagi sa isip ko ang mukha ni Mr. Hizon. Ilang gabi na akong hindi pinatutulog ng kakaibang damdaming ni minsan ay hindi ko pa nadama kahit kanino. Sa dinami-dami ng nakaraan kong relasyon, hindi pa ako nagkaganito na halos hindi makatulog sa gabi sa kakaisip. Panglima na si Carrie sa mga naging girlfriend ko simula hayskul pero maski kay Carrie, hindi ako nagkaganito kahit na alam kong malalim ang nadarama kong pagmamahal para sa kaniya. Mind you, hindi naman ako pangit, gayunman, hindi ako ganoon katiwala sa hitsura ko. Ako iyong tipong mas tiwala pa sa sasabihin ko kaysa sa mukha ko. Wala rin namang nagkaka-crush sa akin, at least to my awareness, kaya di ko masabing ganoon ako kaguwapo. Kapal naman ng mukha ko pag nagdeklara akong, "ang guwapo ko!" Pero, oo, aaminin kong sa edad kong disi-otso, wala pa sa isip ko ang seks. Kahit pagma-masturbate ay hindi ko rin nakahiligan. Siyempre, nagma-masturbate din ako pero hindi madalas. Mas napapagod ako kaysa nakakaranas ng ginhawa. Kaya nga marahil sa edad ko, matatawa ang makakaalam na nakakaranas pa rin ako ng nocturnal emissions. Ipagpalagay na natin na ikalima na si Carrie sa mga naging gf ko, pero ang pinakamatindi pa lang ginawa namin ay necking at petting. Siyempre, tinitigasan ako habang ginagawa namin iyon, kaya alam kong pinagnanasaan ko rin si Carrie. Pero hanggang ganoon lang. basal pa ako sa aktuwal na pagsi-seks. Siguro dahil tutok na tutok ako sa pag-aaral kaya ganoon; siguro dahil natamnan ako ng mga aral ng tatay ko kahit walong taon pa lang ako ng mawala siya sa amin; siguro dahil magsimula ng mag-aral ako, marami akong mga extra-curricular activities; siguro dahil linggo-linggo kami magsimba. maraming siguro. Noong kabataan ko naman, madalas kaming magkumpetisyon ni Yancy sa pambababae, pero laging siya ang nananalo kasi naman, aminado akong mas may dating sa akin ang kaibigan ko. Malakas talaga ang appeal niya sa opposite sex. Sa mga kuwento nga ni Yancy, third year high pa lang kami, naka-iskor na siya sa isa sa mga naging gf niya. Ewan pero kahit minsan, hindi ako nakaramdam ng inggit sa mga kuwento niyang iyon. Attracted naman ako sa mga babae, lalo na sa mga medyo malalaki ang boobs at kahit kailan ay hindi pa ako nakadama ng pagnanasa sa kauri ko. iyon ay bago dumating sa buhay ko si Mr. Romano Hizon. Hindi ko alam kung ano'ng kahika-hikayat kay Mr. Hizon at kung meron man, bakit kailangang magkaganito ako? Bakit para akong naeengkanto sa kanya? Nakapagbihis na ako ng pantulog nang hindi ko na halos namamalayan. Hindi na ako nagpanloob gaya ng nakagawian ko na upang presko lalo ang pakiramdam. Kinumpol ko ang mga hinubad ko kasama ang puting brief ko at isinyut ng wala sa konsentrasyon sa basket na nasa loob ng banyo pero dahil wala lang, kumalat lang ang mga iyon sa tiled na sahig. Pinabayaan ko lang na ganoon. Bukas naman ay kukolektahin na rin iyong mga iyon para ipalaba. Sa paglabas ko ng banyo, tiningnan ko ang orasang nakasabit sa itaas ng bandang ulunan ng kama ko - alas dose y medya na pala. Para pa akong nakadama ng magkahalong gutom at uhaw kaya minabuti kong bumaba sa kusina. Tiyak naman na may inihanda si Ate Meding, katulong namin sa bahay, dahil nakagawian na nito ang gayon bago siya matulog. Kahit parang wala ako sa sarili ko nang mga sumandaling yaon ay naghalungkat ako sa kusina. Nakakita ako ng nakatakip na menudo. Kumuha ako ng kanin sa rice cooker at kasama kong ipinasok sa microwave oven ang menudo saka ko ininit ng isa't kalahating minuto. Ilang saglit lamang at nakapaghain na ako sa breakfast table at nagsimulang kumain. "Dale." Parang pinuslitan ako ng kaluluwa sa pagkasorpresa nang marinig ko ang baritonong tinig na iyon na hindi pamilyar sa akin. Napatingin ako sa dako ng pinagmulan nito at sa may bukana ng kusina ay nagulat ako nang may makitang estrangherong lalaki sa paningin ko. Naalarma ako pero nang rumehistro sa utak ko ang simple nitong kasuotan - sandong puti at mangasul-ngasul na checkered boxer shorts - medyo kumalma ang damdamin ko. Saka ko lang wari narinig na pangalan ko ang tinawag. "S-Sino ka?" nagawa kong sambit, nguni't sa gilid ng mga mata ko'y kinabisado ko ang lalagyan ng mga matatalim na bagay na pupuwede kong gamitin na pangdepensa sa sarili ko sakaling nalooban nga kami. Una ko nang hinawakan ng mahigpit ang bread knife na hawak ko, bagaman alam kong hindi ito ganoon katalim, pupuwede ko itong ibato sa kanya kung saka-sakali lang, upang mai-divert ko ang atensiyon niya at makatakbo sa mas makatutulong sa aking kagamitan. "Easy. easy." anito at itinaas ang dalawang kamay na aktong sumusuko. Marahil ay nakita ako nitong palaban kaya ngumiti ito at tila humihingi ng pasensiya ang hitsura, "kapatid ako ng Tiyo Victor mo. Hindi mo na siguro ako natatandaan, pero andoon ako noong kasal nila ng mamang mo. bata ka pa kasi noon." "Tiyo Raf.?" nawika ko, nangingilala at medyo alumpihit dahil hindi ko alam kung dapat ko bang gamitin ang "tito" dahil hindi ko naman siya tunay na kamag-anak. Sampung taon pa lang ako ng ikasal si Mamang sa ikalawa niyang asawa - kay Tiyo Victor. Si Tiyo Raf - Rafael ngunit ayaw patawag ng Rafael o kahit sa nickname na Raffy - ay bente otso na noon pero nakakapanibago ang laki ng ipinagbago ng hitsura niya matapos makaraan ang walong taon. O baka naman dahil wala talaga akong interes sa kaniya noon kaya para pa rin akong nangingilala sa kaniya ngayon. "Hmm. buti alam mo pa'ng pangalan ko." "Madalas po kasi kayong mabigkas ni Tiyo Victor. Andito pala kayo. B-buti't n-napadalaw po kayo." bati ko, medyo nakaramdam ng pagluwag ng dibdib at nawala ang aking kaba. Saka lang ako naging at ease sa pag-upo. "Anlaki mo na," tila gulat na gulat nitong sabi, hindi sinagot ang bati ko. Ngumiti ako sa kanya. Sa muling pag-angat ng tingin ko sa kaniya'y saka lang nangyaring tila nag-stuck sa isipan ko ang hitsura niya - bagaman may edad na ito'y mukhang alagang-alaga nito ang pangangatawan. Iyon bang tipong idadalangin mo na "sana, pagdating ko sa ganoong edad, ganoon ang aura ko kagaya niya." Mukha pa rin siyang bata at kung hindi ko alam ang kanyang edad, marahil ay masasabi kong napako ang edad niya sa bente otso. Ibang iba rin ang hitsura niya kay Tiyo Victor dahil matapang ang dating ni tiyong, samantalang maamo naman ang kaniyang hitsura lalo na't bilugan ang mga mata nito na binagayan ng makakapal na kilay. Ngumiti ito at parang naplaster ang mga mata ko sa pagkakatingin sa kanya. Maluwag ang ngiti nito at parang nakakapagpagaan ng puso ang hitsura niya. Pati ang mga ngipin nito'y alagang-alaga't tila walang sira. Parang may sasabihin ito sa akin, nguni't nang magsimulang bumuka ang bibig nito'y tila wala akong mawawaan kahit na anong salita. Kahit paano'y nagawa ko pang mapisig ang ulo ko upang maalis ang animo'y biglaan kong pagkabangag. Tumungo ako na tila hilung-hilo. Para namang hindi niya pinansin ang nangyayari sa akin at kaswal na umupo pabukaka sa isa sa mga tatlong fixed bar stool sa bar, opposite ng kusina, pinili pa niya ang mismong tapat ng inuupuan ko bago siya muling nakipag-usap sa akin. Noon ko lang napansin ang may kalaguang mga balahibo sa kanyang binti at papanipis pataas sa kanyang hita. Sa bahagyang pag-angat ko ng tingin ay napansin kong nakabuka ang laylayan ng suot nitong boxer shorts at kahit na may limang metro ang layo niya ay kitang-kita ang pagsilip ng mamula-mula niyang singit, at mangilan-ngilang hibla ng kaniyang bulbol. Nagulat ako at napaawang ang aking labi, hindi makapaniwala. Walang brief si Tiyo Raf - marahil iyong boxer shorts na mismo ang kaniyang panloob! Ilang saglit ding nabatu-balani ang aking mga mata sa pagkakatitig doon bago ko muling nagawang bawiin. Napakunot ako ng noo at inis na inis ako sa sarili ko habang bumubulong, "Putang inang buhay ito! Ano ba'ng nangyayari sa akin? Bakit nga ba ako nagkakaganito? Hindi ako ganoon. hindi ako ganoon. hindi ako ganoon!" Patuloy lang ang mga kuwento sa akin ni Tiyo Raf subali't hindi ko rin naman maintindihan kaya minadali ko na lang ang pagkain ko. Para kasing nagka-cramming session kami sa "getting-to-know-you" activity. At saka, siya lang ng siya ang kuwento ng kuwento. Hindi man niya ako tinatanong ng kung anong tanong kaya panay lang ang nguya ko. Ang siste pa nito, bigla akong nawalan ng gana dahil pakiramdam ko'y nanlamig ang aking tiyan. Medyo nananakit din ang aking puson at, oo, naninigas ang titi ko sa di-maipaliwanag na dahilan. Pasimple kong inayos ang sarili ko at nang tumayo ako upang magligpit ay halos takpan ko ng mga pinggan ang harap ko para lang hindi mapansin ni Tiyo Raf ang panlalaban ng hayop sa pagitan ng mga hita ko. Nakatalikod ako sa kanya habang hinuhugasan ko ang pinagkainan ko. Kabado, init na init ang mukha ko marahil sa pagkapahiya ko sa mga nangyayari sa akin. o mas marahil sa natural na libido. Ewan, siguro hindi nararamdaman ni Tiyo Raf ang nangyayari sa akin. Pasalamat naman ako, kung saka-sakali man. Madali ko rin tuloy natapos ang ginagawa at nagmamadaling lumayo sa bisita namin. Saka ko lang napansin na tila naging bastos ako sa kausap ko. Tumigil ako sa kalagitnaan ng paglakad ko bago inayos ang pagsasalita. "Mauna na po ako sa inyo, Tiyo Raf. Inaantok na po kasi ako, eh." Ngumiti ito ng maluwang - ngiting walang kamalay-malay, sa pakiwari ko - saka nagsabing, "Oo sige. sunod na lang ako." Ngumiti ako at muling lumakad upang muli ring mapapatda sa kalagitnaan. Ilang segundo siguro ang nakalipas bago ako muling lumingon at saka nagtanong, "a-ano p-po iyon?" Napahagikgik pa ito at tila gumaan muli ang pakiramdam ko pagkakita kong napatawa ko siya dahil sa katangahan ko, "Hindi ba sabi mo, mauna ka na matulog? Kaya ang sagot ko, susunod na lang ako. Iyon ay kung okay lang na makitulog muna sa kuwarto mo." "Eh." aayaw sana ako, kaso, alam kong okupado ang guestroom nina Ate Rita. Namataan siguro ni Tiyo Raf ang pag-aalinlangan ko. Pinangunahan na niya ako. "Ok lang naman kung ayaw mo. I respect your privacy. sige, matulog ka na," anito na medyo pumanglaw ang mga mata subali't may nakasilay na ngiti. pilit at tila napahiya. pero masasabi pa ring ngiti. "Eh, s-saan naman po k-kayo matutulog niyan?" bawi ko, medyo concerned dahil alam kong nagsimula ng mali ang pag-iistima ko sa bisita ng tiyuhin ko. Ngumiti ito at tumayo at saka nag-inat-inat. Pakiwari ko pa'y umalsa ang pundilyo niya ng makailang ulit. Habang nag-iinat siya ng katawan ay namumukol ang kaniyang harapan. Makatapos ay lumakad siya papalapit sa akin, "Ungh, actually, diyan ako sa sofa natutulog kanina. Nagulat nga ako pagpasok mo, dahil hindi mo binuksan ang ilaw. Siguro hindi mo rin ako napansing nakahiga doon. Okay lang naman, Dale. Huwag mo akong alalahanin. Hindi naman malamok dito. Sige na, matulog ka na." Tumigil siya sa mismong tapat ko, lampas lang ng isang piye ang layo namin sa isa't isa. Matangkad ako sa kanya ng bahagya kaya halos magkatutok ang mga mata namin. Lalo akong kinabahan at dama ko ang panginginig ng labi ko ng maamoy ko ang hininga niyang amoy peppermint at medyo mainit-init na dumapo sa mukha ko. Nagbawi ako ng tingin at tumungo. Ilang minuto rin ang lumipas bago ako nagdesisyon. Wala naman sigurong masama dahil pareho naman kaming lalaki. At saka mukhang mabait naman si Tiyo Raf. "Eh, tiyong, malaki naman po ang kama ko. Besides, me aircon po doon. Mas magiging komportable po kayo doon. Doon na lang po kayo," pabalat-bunga ko, kahit alam kong ang tono ko'y hindi taos sa puso at parang pilit na pilit. Muntik ko nang pagsisihan ang naging desisyon ko ng harap-harapan nang patulan iyon ni Tiyo Raf at nagsabing, "Kung okay lang naman sa iyo, eh di, sige. Tara na," akag nito saka pinatay ang ilaw sa kusina bago dumiretso sa sofang kinahihigaan niya kanina at kinuha ang unan at kumot niya. Sumabay na siya sa akin paakyat sa kuwarto ko. Mabuti na lang, madilim. Kung hindi, baka napansin na niya ang matinding pagkakagusot ng mukha ko dahil sa asar ko sa sarili ko.
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.