Back to stories

kwentongkalibugan.net

May Buhay At Pag-Asa Sa Gitna Ng Kawalan - Part 12

by: mac

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
May Buhay At Pag-Asa Sa Gitna Ng Kawalan - Part 12 cover image

by: mac

Heto na po ang karungtong.... for your comments/suggestions please email me : kwentongmalilibog2026@gmail.com ; kwentongmalilibog2026@gmail.com Nais ko pong pasalamatan muli unang una na ang ating moderator na walang sawa sa pagsuporta sa ating kwento, at sa mga laging nageemail sa akin, tulad ng mga sumusunod : kay Cesar , Frank, Fred, Fidel, Randy, Jean, Droi, Desolate, Jake, jBoi, Marvin, Ryan, Gago, Chris, Egay, Silver, VB, Larry, at kay Gigi at sa iba pang nagsipagemail sa akin na hindi ko nabanggit dito maraming maraming salamat po sa inyo – sensya na po kung di agad nasasagot ang email nyo. ==== Habang nagaayos kami ng aming sarili ay naulinigan ko ang boses ni Kuya Dex. Sumilip ako sa pinto ng kuwarto at tama nga ang hinala ko si Kuya Dex nga at ang aga nga niyang dumating. Sa isip ko lang talagang nagmadali siya para lang makita si Alex, oo aaminin ko na medyo nagkaroon ako ng konting selos sa puso ko pero wala akong magagawa dahil nauna naman talaga siya sa akin, saka mahal ko ang kuya ko, ok lang sa akin kung medyo masaktan man ako pero naroon pa rin ang tiwala ko kay Alex. Papalabas na lang kami ni Alex ng biglang bumungad sa pintuan si Kuya Dex .... "Bunso... Alex... buti at naabutan ko pa kayo" "Kuya.. kaw talaga ang galing mong mangsorpresa .. di pa kami aalis, pwede ba yun na di kami magpaalam sa iyo..nasabi kasi ni Mama na babalik ka agad.. eh nagayos lang kami para pagdating mo nga eh nakahanda na kami di ba " habang nagsasalita ako eh nakatingin lang sa amin si Alex. "Ah ganon ba... sensya na medyo natagalan ako ng konti kasi ang trapik trapik papunta dito sa atin" "sus parang di ka naman nasanay.. eh sa araw araw naman talaga dito eh matrapik eh" sabi ko sa kanya ngumiti lang siya at binalingan niya si Alex "Hmm Kaw Alex... ok ka lang ba" ... masakit pa ba ang ulo mo .. kasi pansin ko ang tahimik mo yata ngayon ah.. may problema ba? " tanong ni Kuya kay Alex na dinampi pa nito ang kanyang palad sa noo at leeg ni Alex (talagang concern ang kuya ko kay Alex na akala ay masama ang pakiramdam). "Hindi , wala ito , wala akong sakit ... ok lang ako... wag kang magalala ... ako pa" ito lang ang nasambit ni Alex sabay pakita ng mga muscles niya na akala mo naman eh ang laki laki, napangiti lang ako. At nagyaya na ako na bumaba na kami dahil tatanghaliin na kami papuntang Pampanga. "Kuya... paano aalis na kami ni Alex .. baka tanghaliin kami at isa pa uuwi rin ako dito mamaya" "Teka... masyado kayong nagmamadali... kaya nga ako umuwi eh para maihatid ko na kayo sa terminal ng bus – sabi ko sa terminal lang ng bus at hindi sa Pampanga may work pa ako" Nagkatinginan kami ni Alex.. "talaga kuya wow naman.. ang bait mo talaga kuya" sabay yapos sa kuya ko at nangiti lang si Alex at pagdaka'y " Dex salamat... medyo naabala ka na naman namin" sambit ni Alex. "Sus ... wala yun basta sa kapatid ko at... sa .. iyo na rin walang problema" nakipagkamay si Alex kay Kuya pero bigla nitong niyapos si Alex ...di na ako nabigla sa mangyayari alam kong sabik pa rin siya kay Alex... nakatingin lang ako walang salitaan, nagpakiramdamam at saka nagsalita ulit si Kuya "Alex .. sana sa pagalis mong ito ay matupad na ang mga pangarap sa pamilya mo... alam kong ang pagalis mong ito ay di lang sa sarili mo kundi para sa kanila... ingatan mo ang sarili mo don... at sana mas maging matatag ka.. wag kang magisip na ano pa man , at sana lang wag mo akong kalilimutan ..." nagsasalita si kuya na nakayapos kay Alex, napatingin sa akin si Alex medyo nanlaki ng mata, kasi di niya sukat akalain na ito ang sasabihin at gagawin ni kuya sa kanya sa harap ko pa, bagamat at ako'y nabigla rin pero parang nahiya rin ako sa sarili ko na di ko mawari kung bakit ganon ang naramdaman ko sa oras na yun, nakatungo lang ako di ako tumitingin sa kanila hihintay ko na lang ang mga salita na mumutawi sa kanilang mga labi. "maraming maraming salamat sa iyo... aaminin ko na napakalaki ng ginawa mo sa akin.. at yun ay di ko kinalilimutan... at alam mo yun di ba..?, malaki ang utang na loob ko sa iyo, isa ka sa nagpapalakas sa aking buhay. Maraming salamat talaga" ito ang mga katagang lumabas kay Alex. Ilang sandali pa ay kumalas na rin si Kuya sa pagkakayakap kay Alex.. at kita na parang may namuong luha sa mga mata ni Kuya.. "Alex.. wag mo sanang pababayaan ang kapatid ko... mahal na mahal namin ang bunso naming yan.. alam mo naman na may tiwala kami sa iyo.. at sana'y maging maayos ang inyong pagsasama don sa Saudi" "Wag kang mag-alala, di ko siya pababayaan ... kilala mo ako Dex.. at ito naman ay napatunayan ko sa iyo... di ba" tumingin sila sa akin pero tikom ang labi ko ayaw kong sumali pa sa usapan nila nakikinig lang ako dahil kahit na magexplain pa si kuya sa akin ay alam ko na ang lahat. Pero sa puntong ito ay siguro ay hindi na siya magpapaliwanag pa sa kanilang nakaraan siguro ay inisip na rin ni Kuya na sinabi na nga ni Alex ang lahat sa akin at biglang tinawag ako ni Kuya at pinapasok kami sa kuwarto niya. "Mac.. Alex.. alam ko na ito na ang time na magkausap tayo..alam ko na busy na kayo para sa paghahanda ng pag-alis ninyo, kaya lang naiisip ko na rin na ito rin siguro ang tamang oras na tayo ay magkausap... at magkaliwanagan " ito ang bungad ni Kuya sa amin habang kami ay nakaupo.."siguro naman Mac ay mauunawaan mo ang lahat ng ito at alam ko naman na matalino ka.. pero mas maganda at makagaan sa aking damdamin na maging maayos ang lahat at kung ano man ang ating napagusapan sa ikaliliwanag at ikapapanatag ng kalooban ng bawat isa at ikabubuti ng lahat... at para mawala na rin ang problema na aking dinadala sa sarili" tuloy tuloy na salita ni kuya habang ako ay nakatungo at si Alex ay nakatungo rin... hinihintay lang din niya na matapos magsalita si Kuya. "Alex.. salamat .. talagang di mo sinira ang tiwala ko sa iyo.. sigurado ako na, naipaliwanag mo na sa kapatid ko ang tungkol sa atin .. sa ating nakaraan ... gaya ng sabi ko sa iyo ng muli tayong nagkita dito sa bahay. Mac ito yung araw na kasama mo siya dito..(nabigla ako sa sinabi ni Kuya , siya rin pala ang nagsabi kay Alex na sabihin sa akin ang nakaraan nila.. matindi talaga ang kuya ko ...hanga ako sa kanya) ... alam ko 'tol na nabigla ka .. pero yun ang totoo... tama lahat ang sinabi ni Alex sa iyo... pasensya ka na Mac.. kung naglihim man ako sa inyo ... ayaw ko lang kasi na magkaroon pa kayo ng problema dahil sa akin... alam ko na masakit din sa iyo ang nangyaring ito pero salamat at naunawaan mo rin ako Mac" medyo naluluha ang kuya ko habang habak niya ang kamay ko.... "so gayong alam mo na Mac ang aking pagkatao.. alam mo na rin ang tungkol sa amin ni Alex noon... hope na naunawaan mo ako... sana lang ay di magbago ang pagtingin mo sa akin " "ehhh .. ahh kkkuya .. pero wala kang dapat na ipaliwanag pa.. alam ko na ang lahat.. at oo tama ka sinabi ni Alex na ang lahat lahat at.. nauunawaan kita.. at di magbabago ang aking pagtingin sa iyo, mahal na mahal pa rin kita kuya, alam mo yun, di naman magbabago ang lahat ng ito dahil lamang sa mga natuklasan ko sa iyo... alam mo ba na mas lalo kitang inunawa at minahal" napaiyak na ako habang kinakausap ko si Kuya at Alex ay nakikinig lamang. "Salamat Mac.. Salamat... mahal kita alam mo yun di ba" niyakap niya ako "hope na maging masaya kayo ni Alex.. basta narito lang ako... patuloy na dadamay sa inyong dalawa ... Alex .. salamat at sana ay mahalin mo ang kapatid ko" "Dex.. salamat din .. sa lahat lahat... gaya ng sabi ko sa iyo non hindi ako magpapakita sa iyo na walang narating, alam ko na masakit sa iyo na nagkalayo tayo, pero sinunod ko lahat ang mga payo mo sa akin, hindi ka lang basta naging isang mapagmahal na kinasama ko noon at para sa akin ay itinuturing kitang nakakatandang kapatid na na rin na kahit ano pa ang nangyari, kahit tayo ay naglayo ay hindi mo pa rin ako pinabayaan maging ang pamilya ko, alam ko na nasaktan kita at sori na rin sa mga pagkukulang ko sa iyo pero hindi ka na maaalis sa isang bahagi ng aking puso narito ka pa rin alam mo yun di ba... salamat sa lahat" sambit ni Alex na hawak ang kamay ni Kuya. Sa tagpong yun ay umalis ako sa room pansamantala nais ko silang magkausap ng maayos, aaminin ko di ko matagalan ang tagpong yun parang ako ang natutunaw ewan ko ang hirap ng aking nararamdaman sa oras na yun kaya nga minabuti ko na lumabas muna "lalabas lang ako sa sandali kasi may nalimutan pala akong tawagan, tatawag lang ako kay Bunny (ito ang best frend ko mga ilang kanto lang ang layo sa bahay namin) baka kasi magtampo na sa akin yun kasi di ko na siya nadadalaw .. sige labas muna ako ha madali lang ako" mga katagang lumabas sa bibig ko at pagkalabas ko ng pintuan ay tumulo ang luha ko at derecho akong lumabas ng bahay, parang sasabog kasi ang aking dibdib at gusto ko na makasagap ng ibang hangin, dahil ganon na rin nga ang naging alibi ko kay kuya ay tinawagan ko na rin si Bunny, buti na lang at sinagot niya ang telephone at bigla akong pumunta kina Bunny na wala talaga sa plano. Di ko namalayan na tumagal pala ako sa kwentuhan namin ni Bunny at sinabi ko sa kanya lahat para malaman na rin niya ang tungkol sa amin ni Alex. Biglang nag-ring ang aking cp at si Alex tumatawag sa akin, tinanong nya kung nasaan daw ako kanina pa nya ako hinahanap bigla akong nagpaalam kay Bunny at dali dali akong umuwi. Nasa sala ng naabutan ko silang dalawa, naroon rin si Mama " Saan ka ba galing na bata ka at kanina pa sila naghahanap sa iyo"? wika ni Mama sa akin "Pumunta lang po ako kina Bunny, sori at medyo natagalan ako... aalis na ba tayo?" "Opo kanina pa nga kami naghihintay sa iyo eh.. kaw talaga, may gamit ka pa bang dadalhin..kunin mo na at tanghali na .. alam mo naman na excited na rin si Alex na makauwi at maibalita sa kanyang pamilya dalian mo na" sabi ni kuya sa akin habang si Alex ay nakikinig lang. Kinuha ko lang ang bag ko at " tara na im ready na lets go" malakas kong sabi sa kanila. Lumabas na kami at derecho sa kotse ni Kuya. Pinaupo ko na lang si Alex sa unahan at ako sa hulihan. "Alam mo Mac ang bagal mo talaga, naiinip kami sa iyo ah, kundi lang talaga naku.. iniwan ka na sana namin ni Alex" sabi ni Kuya sa akin "ang kuya talaga.. para naman na hindi mo ako kilala" sabi ko sabay haplos sa kanyang ulo. Pansin ko na kanina pa tahimik si Alex , di na ako nagtanong, tumahimik na rin ako, at tumingin na lang ako sa labas ng bintana, ilang sandali pa napansin ko na nasa loob na kami ng NLEX. "kuya bakit narito na tayo sa loob ng NLEX? ... you mean ihahatid mo kami ni Alex sa Pampanga" "Bakit me reklamo ka po ba? Oo napagusapan na namin kanina ni Alex... kasi nga tinanghali na kayo ... kung magco-commute pa kayo anong oras pa kayo makakarating sa Pampanga... at isa pa gagabihin ka sa paguwi sa atin di ba...so mas mainam na ang ganito ... wala na naman akong pasok naka leave ako ng 3 araw" sabi ni Kuya habang nagmamaneho. Pero si Alex talaga ay nakatingin lang di nagsasalita, ngayon lang ito naging tahimik. "O cya nagusap na pala kayo nito eh so wala na talaga akong magagawa pa, mas mabuti na rin yun, at least makita mo ulit ang pamilya nya di ba" sabi ko sa kuya ko. Dahil nga puyat pa kami , pagkasandal ko sa upuaan eh dinalaw talaga ako ng antok at nakatulog ako di na namalayan kung nasaan na kaming lugar talagang hilo ako sa antok , nagising na lamang ako ng niyuyugyog ako ni Alex , gising na daw at bababa na kami kasi nakarating na kami sa bahay ni Alex siguro magaalas dos y media na ng hapon .Talagang grabe ang antok ko, kaya nagsabi ako sa kanila na pasensya at nakatulog ako, pero alam ko naman na yun ang pagkakataon nilang magusap na dalawa at kung ano man ang ginawa pa nila ay bahala na sila, at ayaw ko na ring alamin pa kung meron man, masaktan man ako ay wala rin naman akong magagawa di ko kayang magalit sa mismong kapatid ko dahil siya naman nauna talaga at di ko rin kayang magalit kay Alex dahil mahal na mahal ko talaga siya. "Mama... Mama, andito na kami.." ang sigaw ni Alex pagpasok pa lang sa bahay. At nakita namin ni Kuya ang paglabas sa kusina ng nanay ni Alex at lumabas din sa Brian na galing naman sa kuwarto niya. "Ohh ayyy Dex kumusta ka na, tagal mo ng di ka nadalaw sa amin ah, buti naman at magkasama kayo ni Mac, dali kayo pasok .. sensya na at binigla naman ninyo ako di tuloy ako nakapaghanda ng memeryendahin nyo..Brian dali ka bili ka muna ng maiinom" sabi ng nanay ni Alex . Agad naman na lumapit si Brian "Naku Nay wag na po ... busog pa kami... saka wala nga ho kaming ginawa sa byahe kundi ang kumain..eh, wag na Brian kaw bumili " sabi ni kuya . ako naman nakatingin lang di nagsasalita kasi nga hilo pa yata ako, walang pumapasok sa aking utak hehehehe. At umupo na kami sa mesang kainan kasi mas mahaba ang bangko at mas comportable pa kami don na magusap usap. "Ma... kaya narito si Dex eh para kumustahin at mabisita naman kayo, saka ang good news eh ... aalis na kami sa makalawa sa January 26 na po may ticket na po kami Mac (sabay tingin sa akin) .. heto na ang katibayan...(ipinakita talaga ang xerox copy ng ticket) kaya kagabi don na ako natulog sa kanila" panimula ni Alex "naku ...ano ba yan talaga ngang aalis na kayo... talaga bang desedido ka na anak na makapagtrahabo sa malayo.alam ko naman na yan ay matagal mo ng pangarap at pinagplanuhan ..." medyo naiiyak na salita ng mama ni Alex. "wala na akong magagawa pa kundi .. ipagdasal na kayo ay ingatan don.. sana nga anak at Mac ay maging maayos ang inyong kalagayan don" at umagos na talaga ang luha ni Mama "maraming maraming salamat sa iyo Dex anak, talagang napakabuti mo sa amin, alam ko na sinunod ni Alex ang mga payo mo, malaki nga ang utang na loob namin sa iyo Dex dahil malaki ang nagawa mo sa ming pamilya, hindi lamang sa kami ay iniahon mo sa putikan kundi ipinakita mo sa amin kung paano ang lumaban at magpakatatag sa gitna ng aming kawalan, at maraming salamat sa iyo talaga kasi nong umalis ka noon ay di na tayo nakapagusap pa kaya ngayon lang talaga ako makakapagpasalamat sa iyo at ganon din sa iyo Mac.. napakabuti nyong mga anak... mapalad ang mga magulang ninyo .. at salamat sa Dios dahil kayo ang ibinigay na mga anak sa mga magulang ninyo.. hindi ko alam kung hanggang saan ang pasasalamat na ito sa inyo .." nagsalita ang mama na mahigpit ang kapit sa dalawang palad ni Kuya habang umiiyak , habang kami naman ay nakatingin lamang. "okey na po yun, salamat din po sa inyo sa mabuting pagpapalaki sa inyong mga anak, at salamat din dahil hindi nyo ako itinuring na iba, salamat sa pagmamahal din na ibinigay ninyo sa akin nong panahon na tayo ay magkakasama pa at alam ko na mahal pa rin naman ninyo ako di ba.. Brian kaw din salamat sa iyo at di mo ako binigo na pangako mo na ipagpatuloy ang pagaaral mo" sambit ni kuya. Kinuha ng nanay ni Alex ang 2 kamay nito "So paano yan.. aalis na pala kayo .. naku di ko lam talaga ... di rin ako sanay na matagal malalayo ang anak kong ito.. basta Alex ang mga payo ko sa iyo... wag na wag mong kalilimutan, at ganon din ang pagdarasal lagi mo itong isaisip at isapuso.. teka paano ba yan.. di pa ayos ang mga gamit mo.. naku eh buti pa eh ayusin ko na muna ang mga gagamitin mo ang ...ganito ang ganyan blah blah blah " mahabang salita at litanya ng Mama ni Alex. "wag po kayong magalala ... kilala naman po ninyo ang anak ninyo ... lahat po ng bilin eh di ko kalilimutan.. teka di ba sa makalawa pa naman ang alis natin eh bakit si Mama masyado yatang advance ang drama .. saka sus akala naman ni Mama ang dami kong mga gamit .. hehehe eh mabibilang mo nga sa daliri ang maayos ayos eh.. hayaan na po ninyo ako , ako na lang bahala... saka Mama wag kang masyadong madrama ha hindi bagay sa iyo ang mag drama baka kunin kang artista nyan hahahahaha" biro ni Alex "hahahaha eh kasi naman ...binigla ninyo ako... ang mabuti pa ay makapagmeryenda na tayo" "Naku .. ganito na lang magbihis kayo... at kain na lang tayo sa labas" yaya ni Kuya Dex "Buti pa nga .. talagang nagugutom na ako.. di yata ako kumain sa byahe kanina" sambit ko "eh paano po .. wala kang ginawa kundi ang matulog" sabi ni Kuya "sige na Ma bihis na kayo ni Brian" sabi ni Alex, "at baka gabihin si Dex at si Mac uuwi pa ang mga ito sa Manila" Ilang sandali pa eh nakapagbihis na ang magina, at pag napagmasdan mo si Brian akala mo eh talagang mayaman hehehehe galing ng porma, magaling magdala ng damit, dahil nga sa kanyang kakisigan at kagwapuhan at nagbiro tuloy ako sa kanya " wow ang gara naman ng porma ah... saan ba ang audition – meron bang audition sa pagmomodel may go-see ka ba?" " anong porma ka jan, wala eh di ba sabi nyo magbihis kaya heto nagbihis ako... bakit pangit ba" sagot ni Brian na kunwari eh inosente sa biro ko" sus hindi nga eh, buti Brian, wala pa rin bang nakakakita sa iyo na mga talent scout malay mo madiscover ka nila at gawin kang artista ... pwede ka naman ah" biro ko pa ulit. "naku ... walang makadiscover sa akin, sa pangit kong ito at mahirap pa kami eh sino naman ang magtyatyaga sa akin hehehehe" ganti ni Brian. "Hoyyy magsitigil nga kayo ...baka magkapikunan kayo ha." Saway sa amin ni Kuya, kaya ayun natameme kami , at biglang umakbay sa akin si Brian habang si Alex at si Kuya Dex ay naunang naglakad papuntang sasakyan, bagamat nakakaramdam ako ng selos ay di ko kayang ipakita sa kanila ang nararamdaman ko kaya ang ginawa ko na lamang eh habang daan dinaan ko na lamang sa kulitan ang lahat namin ni Brian, kaya kahit paano nawa-wala-wala sa isipan ko ang ang dalawa, at ewan ko naman kung bakit ganon si Brian sa akin, hindi ako tinatantanan sa pangungulit pero nageenjoy naman ako sa kanya, wala ngang ginawa si Alex kundi ang pagmasdan at palinga linga na lamang sa amin eh kasi sa palagay ko may gusto siguro siyang sabihin sa akin pero ewan ko rin kung may selos din ba siya kay Brian gaya ng selos na aking nararamdaman at kahit gusto rin niyang makipagkulitan sa amin eh di niya magawa parang naiilang siya dahil kay Kuya Dex, at si Mama naman nakikitawa na rin lang sa amin ni Brian. Nakarating kami sa isang restaurant, parang kilala na sila kuya at Alex nong waiter, parang nagkukumustahan sila , kaya naman inasikaso agad kami, isang malaking pabilog na mesa ang ibinigay sa amin at kasya kaming 5, napapagitnaan namin ni Kuya si Alex, at sa kaliwa ko ay si Brian naman at nasa kanan naman ni Kuya si Mama, daming inorder ni kuya parang wala ng bukas ah, masarap ang mga pagkain talagan mabubundat ka. "Ang dami naman nitong inorder mo Dex, baka hindi naman natin makain lahat yan" sabi ni Mama, " Ano po bang madami... naku ok lang po yan, masarap lahat yan, saka treat ko na rin sa pag-alis ng 2 ito, alam ko baka di nila matikman ang ganitong pagkain pagdating sa pupuntahan nila, kaya dito pa lang eh makain na nila ito...heheheeh ... o sige na umpisahan na natin at akoy gutom na rin"sabi ni Kuya, kaya ayun inumpisahan na namin ang pagkain, kahit gusto kong asikasuhin si Alex ay hinayaan ko na lamang na siya ang kumuha ng kanyang pagkain , kasi nakakailang din naman kay Kuya kahit paano, at isa pa nagpapakiramdaman kami ni Kuya kung ano paanong pagaasikaso ang gagawin kay Alex, so hinayaan ko na lang na siya na lamang bagama't medyo nasasaktan ako eh binaliwala ko na lamang at hinarap ko na lamang ang pagkain at napagmamasdan pala ako ni Brian sa mga kilos at tingin ko kina Alex at Kuya. Dahil katabi ko rin naman silang dalawa at napapagitnaan nga rin pala nila ako, ay pinipisil ko na lamang sa hita si Alex tanda na medyo nasasaktan ako, at si Brian ay dinidikit niya ang kanyang tuhod sa kaliwang tuhod ko na ibig sa bihin daw ay hayaan ko na lamang muna dahil ngayon lang daw nagkasama yung dalawa at pagbigyan ko na lang daw dahil aalis na rin naman nga kami ni Alex at ako rin naman ang makakasama niya sa abroad, sabagay nga naman at yun inunawa ko na lamang. At natapos ang aming kainan at tumuloy kami sa isang mall , at pumasok kami sa isang kilalang dept. store, ano pa nga ba kundi ipinamili kami ni Kuya ng mga gagamitin namin, at hindi lang kami ang ibinili pati si Brian at si Mama, kaya tuwang tuwa kaming apat sa dami naming bitbit. Doon ko naramdaman na tahimik si Alex, laging serious siya sa oras na yun, di ko alam kung ano ang iniisip niya, kung ano man yun alam ko rin naman na sasabihin nya sa akin, hihintayin ko na lang ang pagkakataon na magkasarilinan kaming dalawa, alam ko na nahihirapan siya sa sitwasyon, siguro ay pinagbibigyan lang nya si Kuya dahil nga sa aalis na kami at matagal din kaming magtratrabaho sa ibang bansa. Hanggang sa nagyaya si Mama na umuwi na daw dahil gagabihin daw kami sa byahe pabalik sa Manila at ng kami rin daw ay makapahinga dahil bukas ay isang araw na busy kami sa pagiimpake ng mga gagamitin namin. Habang daan ay naroon ang saya ng bawat isa, kwentuhan at kung anong biruan ang napapagusapan, lahat na yata ng bilin ng mama ni Alex ay nasabi na ng paulit ulit, nakitaan ko rin ng lungkot sa mukha ni Brian pero ayaw niyang pahalata, si Alex ay nakikitawa na rin at nakikipagtsikahan na rin, hanggang sa makarating kami sa bahay nila Alex, bumaba kami lahat except si kuya, nagpaalamanan at ako naman ay pumasok sa bahay dahil naiwan ko nga ang aking bag doon, at yun ang sinamantala ni Brian at kami ay nagkausap, wag ko raw pababayaan ang sarili ko pati na ang kuya niya, sulat or txt daw ako ng madalas, marami pa siyang sinabi sa akin at nag masabi niyang lahat ay pinasunod niya ako sa banyo at isang mariing halik ang iginawad niya sa akin, naroon na naramdaman ko ang init ng kanyang mga labi, halos mapugto ang aking hininga ng kanyang bitawan, hindi na ako sumuway pa halik na yun hanggang sa alisin niya ang kanyang labi sa bibig ko at kita na may konting luha na pumatak sa kanya at dali daling umalis sa banyo at pumasok na kami sa kuwarto kasabay naman ang pasok ni Alex at inakbayan ako, na magkita na lang kami bukas ng gabi, susunduin yata siya ni Kuya, pumasok kami sa kuwarto at sabay labas naman ni Brian, pagpasok pa lang namin ay isang halik na ang dumampi sa akin mga labi, "salamat, salamat, mahal na mahal kita" itong katagang ito ang lumabas sa bibig ni Alex habang dikit ang aming mga labi, hanggang sa bumusina na si Kuya tanda na kami ay aalis na, at nagpaalam na ako kay Alex, " ingat Babes...love u so much" wika ni Alex , " love u too see u tomorrow ingatan mo ang mga gamit mo ha . ingat din Love" at dali dali akong lumabas sa bahay at sakay agad sa kotse ni Kuya, habang nakatingin ako sa kanilang pagkaway sa amin. "ang tagal mo naman sa loob, nainip na ako ah ano pa ba ang ginawa mo don" salita ni kuya sa akin na parang inis na di ko mawari bakit ganon siya. "eh yun nga po kinuha ko yung bag, tapos eh nag cr ako, nagpaalam ako kay Brian at kay Alex yun lang po yun... sori po" tugon ko Di na siya umimik pa hanggang makarating kami sa highway, at nagkataon na dinalaw naman ako ng antok , kaya ayun naidlip ako at napansin ko na lang na sa Manila na kami. "gising ka nga diyan, dito na tayo, at dumaan muna tayo sa Goldilocks may bibilihin tayo don at napansin ko na cake ang binili niya, tumingin lamang ako sa kanya at ngumiti lamang siya, at pumili pa ako ng mga kung ano ano sitserya at para baunin ko sa pagalis namin ni Alex. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa amin, di pa rin ako nagtatanong sa kanya kung para kanino ang cake na yun, sinalubong kami ng aming kasambahay at kinuha ang cake at iba pa naming dala-dalahan, naroon din sa sala ang aming mga magulang at may kausap 2 babae at 2 lalaki, na noon ko lamang nakita – sino ang mga ito ??? tanong ko sa sarili ko at bakit may magandang babae na dito sa amin, ano ito????? bakit may babaeng maganda!!! ... itutuloy

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story