Back to stories

kwentongkalibugan.net

May Buhay At Pag-Asa Sa Gitna Ng Kawalan - Part 11

by: mac

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
May Buhay At Pag-Asa Sa Gitna Ng Kawalan - Part 11 cover image

by: mac

Heto na po ang karungtong.... (for your comments/suggestions please email me : kwentongmalilibog2026@gmail.com ; kwentongmalilibog2026@gmail.com Pero bago ko po ipagpatuloy ang kwento, nais ko pong pasalamatan unang una na ang ating moderator na walang sawa sa pagsuporta sa ating kwento, at sa mga nagemail sa akin, tulad ng mga sumusunod : kay Cesar Manuel, Frank Calusin, Fred Requino, Fidel Castro, Randy Deleon, Jean Pablo, Droizs, Desolate_soul21, Jake yan, Junex_Boi, Marvin Sanchez, Ryan Garcia, Gago Walangkwenta, Chris Robles, Egay Reyes, Diamond Silver, VB Montecillo, Fontanilla.Hilario at sa iba pang nagsipagemail sa akin na hindi ko nabanggit dito maraming maraming salamat po sa inyo lahat ==== At nakarating nga kami sa agency ng maayos at mapayapa ng iksaktong 10:00AM buti na lang at nakasakay agad kami sa bus doon sa Dau Bus Terminal Station at ewan ko bakit di masyadong matrapik sa araw na yun , medyo pawisan talaga kami dahil sa pagmamadali namin, talagang pinilit naming makarating sa tamang oras. Buti naman at nakarating kami agad sa Manila, pagkababa ng sasakyan ay tawag agad kami ng taxi at ilang sandali pa ay narating naman namin ang agency, hingal talaga kami ng pumasok sa opisina at nagtanong kami sa reception kung natawag na ba ang pangalan namin ni Alex para sa briefing, eh hindi pa raw dahil inaayos pa daw sa loob ang mga papeles ng mga taong kasabayan din namin at saka hinintay pa daw yung tao na siyang magaassist sa amin dahil nasa kanya daw ang listahan at mga ticket ng eroplano, dahil sabi nong nasa reception ay merong maantala daw sa pag alis dahil di agad narelease ang visa kaya hintayin daw namin kung sino-sino ang unang batch na aalis sa susunod na linggo, nagkatinginan kami ni Alex, at napahawak ako sa kamay niya at alam niya na medyo kinakabahan ako dahil gusto ko sana na magkasabay kami ni Alex sa pagalis, mahirap din kasi na mauna siya or ako, kasi first time namin na aalis. Dahil nga sa medyo nabasa kami ng pawis sa katatakbo eh ay nagpaalam muna kami na magpapalit lang kami ng damit sa CR, kaya dali dali kaming pumunta ng CR ni Alex. Kaya mabuti rin yung may dala kang bihisan pamalit , eh alam naman natin na talagang mataas ang humid sa atin kaya madali tayong pawisan, kaya dali dali kaming nagpalit at nagayos ng sarili ni Alex, buti na lang at kami pa lang ang nasa CR ng oras na yun, kaya kahit paano ay di nila nakita ang katawan ni Alex na hubad, at saka kami lumabas at umupo sa waiting area. Ilang sandali pa ang lumipas at natapos din ang aming paghihintay ay pinapasok na kami sa meeting room , habang kami ay papasok ay pinisil ni Alex ang aking kamay, napatingin ako sa kanya, ngumiti ako, ramdam ko ang kaba ni Alex sa oras na yun, bagamat ako ay talagang kinakabahan na hindi ko pinahalata sa kanya, umupo kami sa medyo pahuli ng konti para kahit paano ay di halata ng mga kasamahan namin ang aming mga kilos. At pumasok ang isang babae at isang lalaki, bumati sa amin at kung hindi kami nagkakamali mga 29 applicants kami 23 ang lalaki at 6 babae (ang mga babae daw ay hindi sa saudi arabia ang destination kundi sa Dubai) , at isa isang tinawag ang mga pangalan ng lahat nakasulat sa bawat folder na hawak nila (naroon na ang ticket at passport at lahat yata ng documents ay nakapaloob doon sa folder na yun), "John Dwight Alexander Peterssen!" sigaw ng lalaki at nagtaas ng kamay si Alex na medyo namumula ng oras na yun dahil kita ko ang kaba at parang nahihiya, napuna ko rin nagtinginan ang mga kasamahan namin sa room, kung sino ba yung mala-foreigner at artistahin ang pangalan at nakita ko sa reaction nila na parang nagtataka o humahanga, merong nangiti, merong napapawow, merong nagsabi ng "artista yata ito eh.. papable materiales puertes", " wow sinong americanized na ito... ganda ng katawan...hayyy" at ako naman ay nangingiti lang , parang proud na proud ako ng oras na yun at gusto kong ipagsigawan na " hoyyy ... mga Hitaddd .. kung meron man kayong pagnanasa sa taong yan eh may nagmamay-ari na at AKO yun AKO heheheehehe" tinawag si Alex at pinapunta sa unahan para kunin ang folder at papirmahin sa kontrata at ilang mga dokumento, habang ginagawa yun ay may narinig ako na " ang guapo naman ... makalaglag panty heheheeh" sabi nong isa babae .. sa isip ko "hoy mga hitad ... magsitigil nga kayo ..at di muna kayo papansinin niyan dahil narito ang babes nya hehehe ang yabang ko ng oras na yun". Natapos siya ay bumalik na siya sa kanyang upuan pero habol ng tingin ng ilan at mapababae at lalaki ay parang humahanga sa kanya di ko alam kung sino na don ang lalaki, nagpapakalalaki or bading sa oras na yun. At ilang pang pangalan ang tinawag at saka pangalan ko naman ang tinawag – ganon din ginawa ko sa unahan at ng bumalik ako sa upuan ay kinamayan ako ni Alex at iniwasan ko na lamang ng akmang yayapos or magbeso si Alex sa akin kasi nga di pa oras na malaman ng mga tao ang relasyon namin, mahirap na baka ito pa ang maging balakid na kami ay di makaalis. Binasa ko pala ang nakalagay sa aming kontrata ang posisyon na nakalagay kay Alex - technician, at ang sa akin naman ay - accounting clerk at binasa ko rin kung kelan ang alis namin – January 26, 2003 – Saudi Airlines 15:30 Riyadh. Tuwang tuwa lahat ng matanggap namin ang mga kopya (xerox copy) ng ticket namin, talagang mababanaag mo ang kasiyahan ng bawat isa, walang pagsidlan ang katuwaan, bagamat may konting bayad na hinihingi sa amin ang agency ito daw ay bayad hindi sa kanila kundi ibabayad din daw sa POEA humigit kumulang na 7000 PESOS lang daw kelangan daw na mabayaran namin bago ang aming departure at lahat naman ay sumangayon yun daw ay hindi placement fee dahil libre daw kami ng company na kumuha sa amin, lahat ay nagpasalamat bali 12 kami na aalis ng January 26 at Februrary 02 ang kasunod na batch ay 11 persons naman ang aalis at yung 6 na babae ay kasabay na rin sa araw ng alis namin pero Dubai ang destinasyon nila , dahil nga sa masaya lahat at tuwang tuwa kahit na hindi pa lahat magkakakilala ay may nagsuggest na kumain daw kami sa labas pero kanya-kanyang bayad lahat naman ay sumangayon, ang hindi lang sumama ay ang 6 na babae kasi kasama nila yata ang kapatid or magulang nila ng pumunta sa agency , kaya kaming mga kalalakihan lang ang nagkakayaan na pumunta sa Robinsons Place sa Harisson (Ermita) at sa palibot ng Ermita bagamat mag 3:30pm pa lang ng hapon, sobrang gulo sa dami namin at ang iba ay gusto sa Shakeys yun iba naman gusto naman sa ibang fast food eh napagkaisahan na lang na sa Shakeys bagama't madugo ang presyo ay sunod lang kami sa kagustuhan ng nakakarami, ramdam ko kay Alex na naroon ang tuwa pero parang may gusto siyang sabihin sa akin kaya lang parang nahihiya na iparinig kaya ang ginawa niya ay tumayo kunwari ay maiihi at tumingin sa akin sabay iling ng ulo na ang ibig sabihin ay tumayo ako at mag-paalam din na kunwari ay iihi rin ako, nag magusap kami ay sinabi niya sa akin na baka kulangin na daw siya ng pera kasi tama lang ang dala niyang pera sa pamasahe at konting makakaain eh baka daw mapasubo kami ay di kami makabayad sa mga oorderin dahil namamahalan si Alex sa presyo dahil di ba iniiwasan nga niya na kumain nga sa ganitong klase ng kainan, at sabi niya sa akin ay nakakapasok lang daw siya sa mga ganitong kainan pag kasama noon si Kuya Dex at nong ng call boy siya pansamantala pero hindi daw siya ang nagbabayad non kundi ang mga naging parokyano niya. Sabi ko naman wag siyang mag-alala may binigay sa aking pera si Kuya Dex dahil alam niya na kakailanganin natin, kaya sabi ko sa kanya na alisin sa isipan niya ang takot or kaba dahil may pambabayad kami. Pagkasabi non ay hinila niya ako sa CR at saka niya ako hinalikan "salamat babes .. talagang di ako nagkamali sa iyo ...salamat" at humalik ulit saka kami lumabas na akala mo ay wala nangyari sa amin, at nakiupo na rin kami sa table ng mga kasamahan namin talagang masaya at may kanya kanyang kwento na rin ang iba, maraming mga plano sa buhay, yung iba e kwento pa na nafake na raw sila ng illegal recruiter at nagkatinginan kami ni Alex at nagpasalamat dahil kahit first timer kami ay di namin ay di naranasan ang malagay sa ganong sitwasyon, yung iba naman eh may takot pa rin dahil mga first time na sasakay ng eroplano na gaya ko rin at ni Alex naroon din ang kaba at kung ano ang aming magiging kapalaran sa ibang bansa, magulo talaga kami, pero masaya ang lahat. Dumating ang order namin, ibat iba ang toppings ng pizza, may mga inumin din tulad ng san-mig lights, may ilang pitcher ng ice-tea dami talaga kala mo fiesta , kagulo sa pagkuha ng pagkain eh mantakin mo ba naman na 20 kami yung iba ay may lakad daw , at kami naman ni Alex ay nakisaya na rin at nagpakilala na ang bawat isa at kami naman ay nagpakilala rin at kung saang mga lugar kami nanggaling, pero pansin ko na talagang nakasentro ang kanilang attention kay Alex, daming nagtatanong sa kanya, daming matang nakatitig sa kanya, lahat ng ito ay pinagmamasdan ko, gayunpaman magalang namang sinasagot ni Alex ang kanilang katanungan at kahit ang ibang kasamahan namin ay mabiro pero nakikisakay na lamang si Alex sa mga biro na ilan, at biglang may nagsalita sa kalagitnaan ng paguusap ng " kung tuli daw ba si Alex kasi ang mga americano ay mostly hindi tuli" nagkatawanan lahat pero sabi ni Alex " .. oo naman tuling tuli ako eh dito naman ako pinanganak though my father is american pero filipino pa rin ako kaya tuli ako hahahahaaha at saka di naman yata lahat ng americano ay di tuli mas nakararami din ang tuli don at di lang talaga ako tuling tuli talagang may..pagmamalaki hahahahaha " pagmamayabang ni Alex at nagkatawanan uli, daming tanong sa kanya siguro curious sila kung bakit ganon ang hitsura ni Alex at kung bakit ito magaabroad at bakit di lang daw siya petisyunin ng father nya, ang ilan ay sinagot niya ang iba ay iniignore na lang nya kunwari ay di niya narinig, ilang oras pa ang lumipas talagang mga hyper ang iba naming kasamahan at natapos ang aming magulong salo salo eh nagkakayayaan naman na magkatahan daw muna kami sa isang karaoke bar (yung nirerentahan ang isang kuwarto at kami lang sa loob para magkaraoke) so dahil nga siguro may pera yung iba ay pumunta nga kami, ang ilan ay gusto na lang umuwi pero di rin sila pinayagan ng nakararami kasi parang blow-out na rin daw namin sa aming mga sarili dahil sa hirap at pagod sa pagaapply namin at sa pagalis na rin parang despedida. Habang kami ay nagkakantahan, may umorder na ng beer at mga pagkain na pupulutanin, talagang magagaling palang magsikanta itong mga kakasamahin namin sa Saudi Arabia, kahit na di ako masyadong kumakanta eh ayun nakikanta siguro dahil na rin sa sa pakikisama aba talagang lakas loob din naman akong kumanta habang si Alex naman ay nakikipagduet sa akin at sa iba pa naming kasamahan, may boses pala ang Alex na ito sa loob loob ko "talented". Bilib din sila kay Alex kasi kahit parang foreigner ang hitsura niya eh di na rin ito nahiya na makipagsabayan sa pagkanta sa kanila, kahit na sabihin na nating di pa pulido ang boses nito eh maayos naman at may tibre ang boses kaya wala siyang hiya na makipagsabayan talaga, kasi parang ito lang daw ang oras na naexperience niya ang ganito, kaya kahit paano ay sinusulit niya ang kasiyahan naming ito. Nakailang order pa ng beer at kita ko medyo nalalasing na ang iba, kung ano anong usapan na ang maririnig mo habang ang iba ay walang sawa sa pagbirit ng matataas na kanta , di maiwasan na mapadako ang kwentuhan tungkol sa sex .. at yun naman ang iniiwasan ko nga dahil ayaw ko na malaman agad ng mga kasamahan namin, dahil sa nakakainom nga ang lahat at pati si Alex na noon ay nakailang bote na rin at talagang pulang pula ang hitsura mestisong mestiso na eh baka di makayanan ang mga tanong at magsabi ito ng nararamdaman niya, pero sinabihan ko na siya na kahit anong mangyari ay wag magsasalita ng relasyon namin hindi dahil sa nahihiya ako pero hindi pa panahon, kaya di ako nainom ay dahil nga na kelangan kong bantayan si Alex baka magsalita sa aming relasyon. Kinakabahan ako talaga pero pinapahalata ko na ok lang ako, dahil siguro sa sex ang topic nga painit ng painit ang nararamdaman ng ilan, hindi nagkakahiyaan magsabi at magtanong ng karamihan siguro ay dahil sa espiritu ng alak na ininom nila, talagang kung naroon po kayo sa aming umpukan siguro ay titigasan ka sa mgamahahalanay na salita ang lumabas at ang iba ay talagang below the belt kung tumira, yung iba ay talagang mga kabastusan na talaga, pero ok lang yun, di na yata nakapagpigil sa sarili eh yung isa naming kasamahan ay nagalis ng t-shirt kasi daw ang init ng kanyang pakiramdam, kantyawan kasi nagiinit na daw siya sa mga kwentuhan at di na niya mapigilan ang libog kaya naghubad nga ito kaya tawanan lahat, at may sumunod pa 2 naman ang nagalis din ng tshirt nila kaya, 3 na silang hubad ok lang kasi lalaki naman lahat walang problema pero napansin ko nga pala na di lang pala ako pa-mhin don, 3 pa don ang nakitaan ko medyo bading, kaya ok lang at least di lang ako ang nagiisa, at napansin ko na yung unang nagalis ng tshirt pangalan niya ay ARjay ay parang iba kung makatingin, parang nagaakit , siguro napansin niya na meron sa kuwarto na yun na may malambot kumilos kaya ganon ang kanyang ginagawa, at napatingin siya sa akin na parang sineseduce niya ako pero kunwari ay deadma ko siya, pero in fairness ay may hitsura siya may kagwapuhan taglay, maganda rin ang katawan may konting buhok sa dibdib at konting buhok sa pusod pababa ng pundilyo pero ayaw kong bigyan ng attention kasi nga si Alex katabi ko at isa pa ayaw kong patulan mahirap na alam naman natin na madali tayong matukso sa bagay na ganito, yung ibang mga bading ay walang ginawa kundi harutin ang 3 na nakahubad, dahil sa iba ang nararamdaman ko na sa oras na yun, pero dahil nga sa mga lasing na iba at pati si Alex ay nakikisali na rin, di ko napansin ng biglang hinubad ni Alex ang kanyang t-shirt naiinitan na daw siya at ayun tumambad sa kanila ang madamong katawan ni Alex, ang ilan ay namangha lalo na ang mga bading, pero ako ay natulala rin, pero wala na akong magagawa hubad ang mahal ko, at nagsipag hiyawan, "wow hanef naman ng katawan mo Alex pangromansa, ang damo ang kapal ng damooooo, nakakalibog sarap dilaan at yakapin, kahit lalaki dito di kita pagsasawaan" ito ang nasabi ng isang kasamahan namin, kaya tawanan lang sila, pero titig na titig ang mga malalansa , talagang nakijoin na siya sa mga jokes at kung anong kaharutan dala ng tama ng alak, ang ginawa ko ay kinuha ko ang cp ko kunwari ay may tatawagan ako at nagpaalam kay Alex na may kakausapin lang ako sa labas , pilit tinatanong niya kung sino daw ang tumawag at sabi ko friend ko kunwari at at sumunod siya sa aking sa pintuan kaya yun ang pagkakataon na sabihin sa kanya na samahan muna sa labas, ayaw niyang sumama sa akin dahil nga nagkakasiyahan pa pero pinilit ko talagang sumunod siya sa akin at nagpaalam sandali na iihi daw siya kunwari. Nang nasa labas na kami ay sinabi ko sa kanya na umuwi na lang kami kasi gabi na at isa pa lasing na rin naman ang ating mga kasamahan at sinabi ko rin sa kanya na baka maging ito pa ang dahilan na malaman nila ang ating relasyon, hindi ko na lang sinabi sa kanya na si ARJay ay parang may gustong ipahiwatig sa akin, ayaw kong magkaroon pa sila or kami ng samaan ng loob, at sumangayon naman siya, at sinabi ko rin na ikaw na lang ang pumasok sa loob at sabihin mo na may emergency lang akong pupuntahan at nagbigay ako ng pera para ibayad sa shares sa mga naorder namin. Ang tagal niyang nakabalik inabot yata ng humigit kulang ng kalahating oras at tanong ko sa kanya kung bakit nagtagal pa siya sa loob, sabi niya eh ayaw nilang pumayag kasi daw dapat wala daw aalis sa amin pero nagsabi daw siya na emergency nga at kita ko si ARjay na biglang lumabas na nakasuot na ng tshirt at may kasama pang lumabas yung isang parang silahis. "Hey.. Alex... Mac ...talaga bang aalis na ba kayo.. mamaya na lang maaga pa naman... heto at nagkakasiyahan pa tayo " sabi ni ARJay sa amin "Honga naman bakit ba nagmamadali kayo" sagot ni Lito (naaamoy ko ito na merong itinatago sa sarili) ".. Sori Arjay , Lito , talagang emergency lang" sambit ko sabay ngiti sa kanya habang si Alex naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. "di bali magkakasama pa naman tayo.. di ba sa Saudi Arabia doon natin ituloy ang ating kasiyahan "sabi ni Arjay. Sabay na kinamayan ko siya at pati na rin si Lito tanda ng pagpapaalam namin ni Alex . ".. sabagay .. pero sayang may kanta pa naman ako para sa iyo sa inyo .. Mac at Alex pero ok lang yun next time na lang ulit... sige ingat kayo" sabi ni ARjay sabay ngiti sa amin ni Alex. " ganon ba.. sayang nga naman pero salamat na lang 'pre .. hayaan mo next time pakikinggan ko ang awitin mo sa amin ni Mac" sagot ni Alex kay Arjay. "Teka kayong dalawa aalis na rin ba kayo" sabi ko sa kanila nalimutan kong itanong kanina. "Hindi pa medyo nagpahangin lang ng konti ... sobrang usok sa loob.. sumasakit na ang aking mata" sabi ni Arjay. "Oo nga kaya niyaya ko muna si Arjay na medyo magpahangin dito" sabad ni Lito "Ah ganon ba.. sige... mga pre baka naghihintay na sa amin yung kausap namin... o pano lakad na kami ha.. kita kita na lang tayo sa airport.. pakisabi na lang na umuwi na kami ha.. salamat" sabi namin sa kanilang dalawa at nagabang na kami ng taksi habang yung dalawa ay pumasok sa ibang pintuan hindi don sa kuwarto na aming nirentahan kundi sa malapit sa CR ....hmmmm. Pumara kami ng taxi .. kasi di namin namalayan na 11:30PM na pala yun akala namin eh maaga pa so di namin alam kung uuwi ba ako sa Caloocan or babalik ako sa Angeles .. so tinanong ko siya kung saan kami kahit medyo nakakainom talaga si Alex ay sinabi niya na umuwi daw kami sa Pampanga, kaya nagbakasakali kami at nagpahatid kami sa terminal ng bus, dahil gabi na nga nakalaalis na daw ang last trip at ang kasunod eh 2:30Am na .. dahil wala na ngang biyahe .. napagkasunduan namin na umuwi na muna sa Caloocan, habang binabaybay namin ang daan papunta sa aming bahay ay wala kaming imikan ni Alex, dahil sa pagod, antok at medyo nakakainom pa ay napahilig o naipatong ang ulo ni Alex sa balikat ko (ganon pala parati ang kanyang posisyon pag kami ay nakasakay sa sasakyan), naramdaman ko na nakaidlip pa siya, so pinabayaan ko na lang, hanggang sa makarating na kami sa tapat ng aming bahay at ginising ko na siya at bumaba na kami upang pumasok sa aming bahay, sarado na ang ilaw ng buong kabahayan, kaya dahan dahan kong binuksan ang pintuan para di na kami pa makaistorbo ng mga natutulog (past 12:00am na ), di na kami nagbukas pa ng ilaw sa sala kasi nga kabisado ko naman ang buong bahay namin, habang akay ko paakyat ng hagdanan si Alex, ng biglang may nagsalita na ikinagulat namin ni Alex.. "O bakit inumaga na yata kayo... " tinig ni Kuya Dex sabay bukas ng ilaw "Kuya ...ginulat mo naman kami, andiyan ka pala" sabi ko "Natulugan ko ang panonod ng tv." "Gud morning ..Kuya Dex..sensya ka na at ginabi kami" wika ni Alex "Kumain na ba kayo... eh bakit ba kayo ginabi ng ganyan... saan ba kayo galing"? sunod sunod na tanong ni Kuya sa amin. Umupo muna kami sa sofa saka ako nagpaliwanag- "Pagkagaling namin sa Pampanga eh tumuloy na kami sa agency kanina...at dahil sa tuwa ng iba naming mga kasamahan eh nagkakayayaan at nagcelebrate kami dahil yun nga makakaalis na kami" sabi ko ulit "oo Kuya Dex.. heto nga at medyo nakakainom nga kami ni Mac.. sori ha at naistorbo ka namin" sabi ni Alex "okey lang yun... buti naman.. so kelan daw ang alis nyo" "January 26, yun ang nakalagay sa amin sa ticket bali sa Saudi Airlines kami sasakay" "aba.. 3 days na lang ah ... sori hindi na pala bali ..sa makalawa na pala yun ah eh kasi naman madaling araw na kaya.. .. eh kaya pala nagsaya na kayo ah... eh paano naman ako heheheeh" "ehhh kuya ..dapat ikaw ang magblow-out sa amin .. wala pa kaming kita eh .. heheheeh' sabi ko ulit Pero si Alex ay tumawa lang at kita ko silang dalawa ng nagkatinginan, binaliwala ko na lang yun kasi alam ko kahit paano ay alam ko na meron silang nakaraan, pero dahil nakita ko nga, ginawa ni Alex ay kinuha ang kamay ko at pinisil nito at di naman ito nakaligtas sa mapanuring mata ni kuya, nagkaintindihan kami sa ganon paraan kahit wala siyang binigkas na salita. "buti pa kuya ay mamahinga na muna kami, talagang pagod at nahihilo na kami... bukas na lang kuya ha para makapagpahinga ka na rin... may pasok ka ba bukas? sabi ko kay kuya para umiwas na kami ni Alex sa mga tanong at kung ano pang makita kong kakaiba sa dalawa. "o sige at ng makapamahinga na nga kayo ... hetong si Alex eh sobrang pungay na ng mata ah.." sabay tapik sa balikat ni Kuya habang kami ni Alex ay papaakyat na sa hagdanan. "kuya .. honga eh talagang antok na ako at medyo masakit na rin ang ulo ko dahil siguro sa nakainom kami.. sensya ka na ha.. di bali bukas kwentuhan tayo" sabi ni alex "Gud nayt" sabi ni Kuya "gud nayt din kuya" sabay kaming nagsalita ni Alex. At pumasok na kami sa kuwarto ni Alex. Derecho agad si Alex sa kama, sabay higa, pero 'Alexander ano ka ba.. magpalit ka muna ng damit .. ilang beses na natuyuan tayo ng pawis...tindig dyan" "hmmmm .. babes antok na ako... bukas na lang" salitang pababy sa akin "hindi pwede... magpalit ka .. heto o at di ka ba magshower para maalis ang sakit ng ulo mo" sabay abot ng damit pero nakahiga pa rin kaya ang ginawa ko eh ibinangon ko "Babes ano ka ba..wag mo nga akong pahirapan at akoy inaantok na rin..kunin mo na ito ... kung ayaw mong magshower bahala ka"sabi ko sa kanya na medyo naiinis na ako kasi talagang antok na rin ako at masakit na rin ang ulo ko. "sige na nga...babes.. wag ka ng magalit po .. magpalit na ako ng damit" sabay tindig , naghubot hubad sa tapat ko, tinira lang nya ay brief.. kinuha at tuwalya at nagwika sa akin "tara na babes... sa banyo .. sabayan mo ako pls...." "ano ka ba! Sige na mauna ka na " 'kung ayaw mo di nalang ako magshower... hihiga na lang ako" at akmang hihiga na "hayy ano ka ba naman, sige na nga tara na" hinawakan ko siya sa braso at sabay kaming lumabas at pumasok ng shower. Nagsipilyo kami at konting shower lang ay lumabas na kami. Di namin alam na si Kuya pala eh nakatingin sa amin at "wag na kayong magingay at baka magising ang matatanda... pasok na kayo sa kuwarto" sabi ni kuya sa amin Para kaming bata na tumahimik at pumasok na kami sa kuwarto.. konting lagay ng kong ano ano sa katawan ay humiga na kami ni Alex, dahil nga sa puyat at pagod namin ay nakatulog kami ni Alex na magkayapos lamang hanggang sa nagising kami sa katok ni Mama. "Mac anak.. gising na kayo ... magalmusal na kayo" ...at kahit medyo antok na antok pa ako ay " mamaaa opo sandali lang po .. lalabas na kami" at pupungas pungas akong tuminding at si Alex naman ay nagising na rin. "Babes... gggud morning" sabi niya sa akin "gud morning 2 .. bangon ka na at si mama ay tumawag na sa atin .. nakahanda na raw ang almusal" at bumangon na rin siya at bigla nya akong niyapos at hinalikan sa batok. "ay naku ... mamaya na yan.. baka kung saan pa mapapunta ang paglalambing na yan" iwas ko kay Alex "hahahahaha ikaw talaga babes... sige na nga mamaya na lang.. o labas na tayo Bago kami tumuloy sa mesa ay tumungo muna kami sa banyo upang magbawas at magbrush ng teeth. Pag pasok namin sa kusina ay nakita namin si Mama at Papa na nakaupo na sa mesa "Ma.. Pa.. gud morning" bati ko sa kanila sabay halik sa kanila "Gud morning anak... sige upo na kayo" "gud morning po" bigkas ni Alex "Alex gud morning din... ano nakatulog ba kaw ng mabuti" sabi ni Mama kay Alex, habang si Papa ay nakikinig lang "... opo.. masarap nga po ang tulog ko eh" "mabuti naman... o sige na kain ka na kayo " "Ma si kuya ba nakaalis na?" tanong ko kay Mama "Oo nakaalis na maagang umalis meron daw siyang appointment at kakausaping tao pero madali lang daw siya kasi nga excited siyang makausap kayo " "ahh ganon po ba" At habang kami ay kumakain ay : "Mac.. Alex may nabanggit ang kuya ninyo na paalis na daw kayo" sabi ni Mama "nagmamadali kasi ang kuya mo ng banggitin niya sa akin kanina.. kaya di ko masyadong naintindihan basta ang sabi niya eh tanungin ko daw kayo pagkagising.. totoo ba yun anak?" " si kuya talaga.. ah eh opo Mama" sagot ko kay Mama habang nakikinig lang sa amin si Alex "talaga! Salamat naman , Pero hanggang ngayon eh talagang di ako makapaniwala sa mga desisyon mong magtrabaho sa ibang bansa...eh kasi naman di kami sanay na malayo ka sa amin ng matagal ng papa at ng kuya mo.. alam mo naman na kaw baby namin dito" medyo malungkot ang tinig ni Mama "kahit naman ako mama ..medyo may lungkot na mawalay sa inyo kaya lang... gusto ko rin naman na maranasan na magwork at kumita ng pera at sa atin din naman ito eh" sabay tindig sa upuan at niyakap ko ang mama ko. "hayyy naku anak... ewan ko anak.. lagi ka naming pinauusapan ng papa at kuya mo kasi nga naman kahit di ka na muna magtrabaho sa ibang bansa ay walang problema sa amin maibibigay namin ang mga pangangailangan mo .. saka mamimiss talaga kita anak..talagang malaki na bunso namin" medyo nagigilid ang luha ng Mama ko at si Alex nakamasid sa amin at derecho lang sa pagkain nya. "Mama ..Papa.. siguro po naman ay naiintindihan din ninyo ako... di ba sabi ko noon na isa sa ambisyon ko ay makapagabroad at pagkumita na ako ay ipapasyal ko kayo sa ibang bansa...kahit naman ako mamimiss ko talaga kayo lahat... syanga po pala kasabay ko rin sa pagalis si Alex " "talaga eh mabuti naman at sabay kayo... Alex ..iho alam na ba ito ng mga magulang mo?" "Alam po nila ang pagalis ko pero di ko pa po nasasabi sa kanila ang araw ng alis namin, mamaya po eh itatawag ko sa kanila or isosorpresa ko na lang po sila mamaya paguwi ko" sagot ni Alex "basta mga anak... ingat kayo don ha.. eh kelan ba araw ng alis nyo" "January 26 po – sa makalawa na po" "ha.. naku .. aba eh kelangan na magayos na kayo ng mga kakailanganin..teka matawagan ang ate mo at sabihin ko ng ibili ka ng blah.. blah .. blah.... Blah.... Blah... blah " ang litanya ni Mama ang dami bilin nakakatuwa ang mama kasi siya ang over excited sa pag alis namin di magkandaugaga sa pagsasalita "Naku mama, ang dami naman niyan baka di ko madala lahat... saka ... provided naman daw kami ng company ng mga kakailanganin namin" "Mainam na yung may gamit kayo... eh kung wala saan kayo kukuha don... naku ayaw kong magkaproblema pa kayo ng mga kakailanganin...blah.... blah.... blah.... blah.... blah...." Naku po ang mama namin talagang di mapigilan ang bibig pero salamat sa Diyos at binigyan ako ng magulang na talagang mahal na mahal kami. At natapos kami sa pagkain ni Alex. iniligpit namin ang aming pinagkainan at saka pumunta kami sa kuwarto upang gumayak na at kapagdakay ay naligo kami agad para hindi kami masyadong tanghaliin sa pagpunta ng Pampanga para ipaalam sa Mama at kay Brian ang nalalapit naming pagalis papuntang Saudi Arabia. ITUTULOY ( sundan ang karugtong sa Part 12 malapit na pong matapos ang serye na ito... salamat po sa walang sawa ninyong pagsubaybay sa kwentong ito)

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story