Back to stories

kwentongkalibugan.net

Lumapit, Lumayo Ang... Kahapon

by: emman2

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
Lumapit, Lumayo Ang... Kahapon cover image

by: emman2

"Lumapit, Lumayo Ang...kahapon" Sa tatlo kong barkadang bading, si Noli, si Ronnie at si Chay, tanging i-isang lalaki lang ang natutu-unan namin ng pansin at kinagigiliwan. Isang basketbolista, moreno, makisig, at matangkad. Siya'y si Marcelino P. Benisano, "Macky " for short, 20 years old pero medyo matured kung mag-isip, 3rd year student sa isang universidad sa Maynila, College of Engineering. Nakilala namin siya sa pamamagitan ni Ronnie ng dumalo sila sa birthday party ni Cora, bunsong kapatid na babae ni Noli sa Murphy, Quezon City. Maraming bisita. "Si Macky nga pala." ngiti ni Ronnie, at proud sa kanyang date. "Macky, si Dan, si Noli at si Chay, mga barkada ko" pakilala ni Ronnie. "Hellowww, pogi !" malanding sagot ni Chay. "Hi Macky!" sagot namin ni Noli. "Magkakilala kayo ni Chay?" nagtatakang tanong ni Noli kay Macky. "Oo naman, dinala siya ni Acheng Ronnie sa shop ko two weeks ago at nagpagupit" sagot ni Chay, sabay tusok ng daliri sa dibdib ni Macky. "Kuuu! Kung ako ang naka-date mo eh di sana nabilhan kita ng bagong shirt"...panlalansi ni Chay. Napangiti na rin si Macky ng napakatamis at hinagkan si Chay sa pisngi tanda ng pasasalamat at libreng gupit. "Ayyyy" bulalas ni bading sa tuwa at tipong mahihimatay, at lahat kami ay nagtawanan... Masaya ang party. Masarap ang hangin sa terrasa. "Ang guwapo ni Macky no?" ani Noli at sinundan ni Ronnie nang:. "Anong 'say' nyo sa hala ko? beauty diba? pagmamalaki ni Ronnie. "Oo na", dugtong ko. Si Ronnie, 24 years old, nagta-trabaho sa Johnson& Johnsons at me sariling sasakyan na bili ng kanilang kompanya. Nag-aabang ng sasakyan si Macky papauwi galing sa eskuwela at nakita ni Ronnie at kanyang isinakay at inihatid sa bahay. Ganon kadali para kay Ronnie ang makapagkilala sa mga lalaki. Mainit siya kay Macky. Si Noli, 23 years old, at isang napaka-mahinhing bading, siya ang pinaka-best friend ko sa barkada dahil sa super bait at pala tawa. Accountant si Noli sa isang bangko sa Cubao at sobrang hinhin pagdating sa mga lalaki. Magiliw siya kay Macky. Si Chay, ay isang hairdresser na masasabi mong bading kahit isang milya ang layo dahil sa pananmit at kilos. Meron siyang parlor sa Project 4, Q.C. at patay na patay kay Macky. At ako si Dan, 24 years old, isang tapos ng arkitekto, at nagta-trabaho sa isang Architecutral Company sa Makati. Simple lang ang buhay ko, formal. Hindi ako masyadong nagde-date dahil nag-i-ipon ako ng pera para pambayad sa placement fee sakaling matuloy ang application ko sa Saudi Arabia. Pagkatapos ng masayang batian sa party, pinakilala din ni Ronnie si Macky sa ibang bisita at kami naman nina Noli at Chay ay sabay-sabay ng kumanta ng happy birthday sa tabi ng mahabang mesa na kung saan ang kinalalagyan ng malaking birthday cake. Naka-helera kaming lahat na nakatayo sa mesa kasama ang mga magulang ni Cora't Noli, ako at si Chay at mga iba pang bisita. Katabi ni Cora si Benjie, ang kanyang bf. Nilapatan ng isang matamis na halik ni Benjie si Cora sa pisngi pagkatapos hipan ni Cora ang labing siyam na kandila sa ibabaw ng cake. "u-uy ang sweet naman!" tugon ni Chay. "Oo nga" ang sarap talagang mag-birthday pag guwapo ang bf mo tulad ni Benjie", ayon ko. Nangiti si Noli. "Ta-nge!" bulalas ni Chay. "Hindi si Cora't Benjie ang tinutukoy ko, no!" at tinuro niya sina Ronnie at Macky na naka upo sa sofa, masiglang sinusubuan ni Ronnie ng pagkain si Macky. Parang kinurot ang aking dibdib sa aking nakita. Sa dami ng lalaki na naipakilala sa amin ni Ronnie at sa dami din ng mga nakilala naming lalaki nina Noli. tanging si Macky ang sa aking palagay ang kasagutan sa mga bagay-bagay na hinahanap ko sa isang tao at makapagbibigay sa 'kin ng kasiyahan at tapat sa aking damdamin. I feel na malapit agad ang loob ko Kay Macky kahit ngayong gabi lang kami nag kilala. Tipong love at first sight, sabi nila. Biglang akong nalungkot ng maisip ko na si Macky pala ay nasa poder ni Ronnie at wala akong karapatang agawin sa aking matalik na kaibigan ang isang lalaking kanyang rin tinatangi. Nang matapos matikman ang masarap na cake, nag-umpisa ng magpaalam ang ibang bisita at naisip ko na rin na magpaalam dahil sa lungkot na nadarama ko habang nakikita kong masayang nag-uusap sina Macky at Ronnie. "Well, I got to go!" paalam ko sa grupo, at dinampian ko ng halik si Cora at handshake naman kay Benjie. "Sabay na ko sa yo, Dadang"... bulalas ni Chay habang nagsimulang magbalot nang natitirang pagkain. "Ipagbalot mo na din si Dan," wika ni Noli kay Butchay. Lumapit si Ronnie at Macky sa akin. "ba't aalis ka na, sabado naman bukas!"...tanong ni Macky. Pinilit kong ngumiti. Itinago ko sa aking damdamin ang lihim na pagka-ingit kay Ronnie "me overtime ako bukas.." sagot ko sa kanya. At tuloy na kong nag-paalam sa lahat. Mabigat ang loob ko habang inaya ko na si Chay na maglakad papalabas ng bakuran. "Acheng!"...umpisa ni Chay, "tuwa si Acheng Ronnie at umalis ka na", Namangha ako sa sinabi ni Chay. "Bakit siya matutuwa? tanong ko. "Eh, baka ma-agaw mo si Macky sa kanya, alam mo na, insecure si Acheng pag nandiyan ka" "Ha?" naguguluhan ako. "kasi pareho kayong beauty...at parehong snake, ha! ha! ha! tawa si Chay at napangisi din ako pero hindi ma-alis sa isip ko si Macky, ang kanyang mga ngiti, ang maamong mukha. Gusto kong maluha sa lungkot. "Acheng, ano ba't parang kang malungkot?".. "Wala, ganun lang talaga pag pagod ako? " sagot ko kay Chay. "Tayo sa Araneta Circle, Acheng!" anyaya ni Chay, "magpalamig tayo at makipag 'chika-han' sa mga guwapitong "Bakal Boys"- mga teenager na nakabalandra sa rehas na bakal at nag-aantay ng aliw at bayad sa mga uma-aligid-aligid na mga alaga nina 'facifica falayfay' at 'zsa zsa zaturnina' "Uwi na lang tayo,Chay!" at ang butihin kong kaibigan ay pumayag nang umuwi. Ayon sa aking pag-u-unawa kay Macky sa tulong ng impormasyon na binigay ni Chay. Si Macky ay panganay sa apat na magkakapatid at silang apat ay mga anak sa labas ng kanyang ama. Ang kinaksama ng kanilang ama ay ang tunay na asawa at me dalawang anak. Sila Macky ay nububuhay lamang sa sustentong bininigay ng kanilang ama na namamasukan bilang assistant manager sa isang restaurant at ang kanila ina ay nag ta-trabaho sa isang pabrika ng tela sa Marikina. Sa limitadong sustento ng kanilang ama, salat ang magkakaptid sa karangyaan sa buhay dahil na din sa gastos sa pag-aaral at pang araw-araw na gastusin sa pagkain. Masuwerte na kung makabili ng bagong damit at pantalon si Macky sa loob ng anim na buwan o makagayak manood ng sine sa isang lingo. Sa pamamgitan ng pakikisama nya sa kanyang barkadang si Rico at Ricky ay saka siya nali-libre sa kanyang mga bisyong uminom, manigarilyo at magbabad sa bilyaran. Lagi siyang walang pera. Mabait si Macky at masunuring anak sa kanyang ina. Siya ang sumusundo sa kanyang ina sa trabaho pag ito ay gina-gabi sa pabrika. Ma-alalahanin sa kanyang mga kapatid at na lalo ko siyang hinangaan sa pagiging mabuting kapatid. Lumipas ang mga araw. Subsob ako sa trabaho sa opisina. Overtime gabi-gabi at ng sa gayon ay matapos ang mga plano ng isang gusaling itatayo sa Legasipi City.. Nawala sa isip ko si Macky. Biglang tumunog ang telepono sa tabi ko at nasa kabilang linya si Ronnie. "ano ba? tagal na tayong hindi nagkaka-usap ah!." Tugon ni Ronnie... "kita tayo nina Noli sa parlor ni Chay mam'ya, me surprise ako sa inyo..." "Okay, sige, .kita tayo" sagot ko. Excited akong malaman kung ano yung surprise na sinasabi ni Ronnie, baka nakuha nya na si Macky sa kama. Sana hindi pa, dasal ko sa sarili ko! "Si Jake" pakilala ni Ronnie sa amin. Nagulat kami at ibang lalaki na naman ang dala ni Ronnie sa parlor. "Nice to meet you" tugon naming tatlo. Hinila ko si Chay palabas at tinanong kung anong nangyari kay Macky . "split na, no!" wika ni Chay, "biruin mo ni hindi naka-first base si Acheng Ronnie...ha!..h!..ha!" Lihim akong natuwa sa aking narinig, pero me kahalong awa kay Roniie. May maselan na dahilan kung bakit binitiwan ni Ronnie si Macky. "halahin mo kaya si Macky?" suhesyon ni Chay. "Tigil ka nga diyan, nakakahiya kay Ronnie," sambit ko. Biyernes ng hapon at ako'y namasmasyal sa mall para tumingin ng ireregalo sa isa kong kasamahan sa trabaho na ikakasal ng me bigla tumapik sa aking balikat. "Dan!" bumalikwas ako ng tingin sa likod. "Macky!" shock at tuwa ang aking naramdaman Kasama nya si Rico at Ricky na namamasyal sa mall. Bigla akong nagyayang mag meryenda sa Pizza Hut at nag order ng isang malakihang pizza para sa apat at dalawang mug ng beer. "Sige, blow-out ko 'to, akong taya" offer ko sa kanila. Ang saya ng puso ko at nakita ko uli si Macky. Maramig kuwento, biruan at kantsawan, inuman, napunta ang usapan tungkol kay Ronnie. Magkatabi kami ni Macky sa mesa katapat si Rico at Ricky. "Ba't di nalang kayong dalawa?" biro ni Ricky kay Macky. "Bagay kayo ni Dan, pare!...dugtong naman ni Rico, sabay kindat sa kin. Hindi ako naka-imik. Gayon din si Macky. At biglang sa ilalaim ng mesa hinawakan ni Macky ang aking kaliwang kamay at pinisil. Nanatili ang mga biruan tungkol sa aming dalawa. "Ok ako, ok ka ba? bulong ni Macky sa kin, "papano si Ronnie?" sambit ko! Meron ng ibang date si Ronnie sabi ni Rico. Ang saya-saya naming apat . "puwede ako, puwede ka pa ba? tanong ko kay Macky at nagkatinginanan kaming dalawa, sabay tumango at nagtawanan. Isa sa masasayang araw sa buhay ko pag na-a-alala ko pa hanggang ngayon.. At umabot na sa oras ng pagpapa-alam at mag ha-hatinggabi na. Pinatawag ko si Macky ng taksi para ihatid silang tatlo. Lasing na si Rico at Ricky. Sabay-sabay na silang bumaba sa bahay ni Macky at ako naman ay tumuloy ng umuwi. Dinampian ako ng halik ni Macky sa pisngi bago siya bumaba ng taksi. Sa madalas naming pagkikita, tuluyan ng nahulog ang aking kalooban sa kanya. Lagi akong masaya sa trabaho. Ako lahat ang nasusunod sa mga lakad dahil ako ang may trabaho at lagi naman siyang walang pera. Lagi kaming lumalabas ng barkada. Sa kaarawan ni Macky, kumain kaming lahat sa labas kasama si Chay at Ricky, si Noli naman at Rico, si Ronnie at Jake, pati na rin si Cora at Benjie. Sinagot ko ang lahat, at pagkatapos nagtungo kami sa isang gay bar at inubos ang oras sa kasasayaw, at tuksuhan. Masayang -masaya kaming lahat lalong-lalo na si Macky. "Itong pinaka masayang birthday party ko!" wika nya. Sina Noli at Chay ay nag-ambag para ibili siya ng Nike shoes. Binigyan siya ni Ronnie ng isang mamahaling T-shirt at si Cora't Benjie ay pabango. Umuwi kaming lahat halos madaling araw na, at nang maiwan kaming dalawa sa loob ng taksi, inabot ko sa kanya ang isang sobre na me lamang limang daang piso. Hinalikan nya ko sa pisngi at nasabing bibigyan daw nya ang kanyang tatlong kapatid ng perang mampanood ng sine. Ganoon nya kamahal ang kanyang mga kapatid dahil siya ang panganay at sumusubaybay at nangangaral sa kanila. Madalang silang bisitahin ng kanilang ama. Isang araw, buwan ng Junio, ang lakas ng ulan at na-isip kong gagabihin si Macky sa paglabas sa universidad kaya minabuti kong sunduin siya ng taksi sa campus. Tuwang -tuwa siya sa ginawa kong pagsundo dahil ayaw nyang mabasa ang suot nyang nike. "Ibig mo sabihin nagtaksi ka para lang ako sunduin?" "Oo, naman ?" sagot ko. "Thank you sa sundo ang bait mo, talaga!"... nakangiti siya at napaka amo ng mukha at mga matang nagsasaad ng katapatan. "mahal kita Macky! mahina kong sagot.... "Mahal din kita, Dan" at sabay yakap sa kin. Ibinaba kami ng taksi driver sa isang retuarant sa timog avenue.. Umorder siya ng paboritong nyang pagkain na daing na bangus at nilagang baka, at habang sinasabi nya sa 'kin ang nalalapit nilang basketball game sa kanilang liga, bigla ko siyang tinanong kung payag siyang magpa-gabi kami sa isang motel sa Pasig. "Dan"...mahina ang boses at parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig "hindi pa ata ako ready sa ganon.." Hindi ako nakakibo, at tinuon ko ang aking pansin sa aming kinakain..."masarap tong sabaw ng nilaga kapag malamig ang panahon". Nahalata ni Macky na para akong natigilan sa kanyang isinagot. "Kailangan ba talagang gawin natin yon? Ganon ba ka-importante yun sa' yo? Sunod-sunod ang kanyang mga tanong... "kung ayaw mo, ok lang" at ako'y nagsawalang kibo. Matapos kong bayaran ang aming kinain, hinatid ko siya ng taksi sa kanilang bahay na walang kibuan at pinatuloy ko ang taksi sa parlor ni Chay. "Acheng, ba't di kasama si pogi? tanong ni Chay,. "na-ikama mo na ba? sunod na tanong. Umiling-iling ako "Etching naman, baka matulad ka ke Acheng Ronnie, gumatos ng malaki tapos walang nangyari...." padyak ni Chay. "Puwes, dalawa na kami ni Ronnie ngayon"...at sumalpak ng tawa si Chay, at lalong lumakas ang ulan na para bang nagbabanta na me unos na padating. Pinalampas ko ang maraming araw na hindi nakikipagkita kay Macky. Ibig ko ding mawala na siya sa aking isipan nang sa ganon ay ma-asikaso ko ang mga papeles na kakailanganin ko sa aking planong pag-alis patungong Saudi Arabia. Nag-apply ako ng trabaho sa Riyadh. Isang araw ng suweldo, nag-ring ang telepono sa opisina at ako ang nakasagot. Laking gulat ko at si Macky ang nasa kabilang linya. "Puwede ba tayong mag-usap mamaya? Mahinang boses na parang nagmamaka-awa. Na-antig ang aking kalooban sa aking narinig at pumayag akong makipagkita sa kanya tapos ng trabaho. Sinundo ko siya at inayang mag-hapunan sa paborito nyang restaurant.. Tahimik siya at pinag-a-aralan ang kanyang sasaabihin. "Mahal mo pa ba 'ko?" tanong nya habang hawak ang tinidor at nilalaro ang natitirang pagkain sa kanyang plato. "Ano sa palagay mo? balik tanong ko sa kanya. At doon nya nasabi na me problema siya sa kanyang pag -aaral. Patapos na ang semester at nakatanggap siya ng sulat galing sa dekano ng universidad na hindi siya pumasa sa apat na subject, at siya ay kailangang maghanap ng ibang eskuwelahang mapapasukan sa susunod na semester. Hindi siya maaring tanggapin uli sa universidad dahil sobra ang units na kanyang binagsak. Tinanong ko siya kung bakit nagka-ganon. Dahil daw sa laging nyang kasama ang kanyang bagong girlfriend na si Jingjing kaya lagi siyang absent sa klase. "Dan, help me please!" Humihingi siya ng tulong na gumawa ako ng paraan para hindi siya mapatalsik. At pag nangyari yon, hindi na siya paa-aralin ng kanyang ama. "Bakit ako, ba't hindi ka humingi ng tulong sa girlfriend mo?" me halong pagka-inis at awa. Nag-isip ako ng paraan para matulungan ko siya sa kanyang problema. Mahal ko siya at hindi ko matitiis na nakikita siyang malungkot. Ganon ata pag umiibig. Tinawag ko ang waiter at binayaran ko ang aming kinain. Nagsabi ako kay Macky na uuwi na at ihahatid ko na siya sa kanilang bahay. "Ayoko pang umuwi." Tugon nya. Namalas ko sa kanyang mukha ang pagkalungkot. "Dalhin mo ko kahit saan mo gusto, sasama ako sa 'yo!" karugtong na salita. Idinahilan ko na hindi ko siya maaring isama sa bahay. Pumayag si Macky na mag-usap kami sa motel sa pasig. Pagdating namin sa isang malamig na silid sa motel, humiga siya agad sa kama na parang pagod na pagod habang ako'y nag order ng beer sa room boy. "Akala ko ba, mag-u-usap tayo?" tanong ko. Maya-maya kumatok ang room boy at me dalang apat na bote ng beer. Sabay kuha si Macky ng isa at sinimulang inumin habang naka upo sa kama. "Magagawan mo ba ng paraan ang problema ko?" tanong nya. "susubukan ko". sagot ko. At sinabi ko sa kanya ang plano, pakiki-usapan ko ang dekano sa universidad na bigyan siya ng conditonal enrolment ng sa ganon ay makabawi siya sa kanyang mga binagsak na subjects. At ilalahad ko ang totoong dahilan kung bakit panandaliang nawalan siya ng interest mag-aral dahil sa napag-alaman nyang anak sila sa labas ng kanilang ama, magmamaka-awa akong tanggapin siyang muli dahil pag siya'y napatalisk, hindi na siya pa-a-aralin pa ng kanyang ama. Ako ang tatayong guardian nya habang siya'y naka conditional enrolment. Parang na relaks si Macky sa kanyang narinig, "pagnagawa mo yan bilib na 'ko sa 'yo" sambit nya. Habang patuloy nyang nilalagok ang beer, hinayaan nya kong kapain ang bukol sa kanyang maong at marahan siyang humiga sa kama, dahang-dahan binuksan ang zipper at binaba ang kanyang maong. "wag mong kakagatin ha!" patawa nyang sinabi... "patayin mong ilaw"...dugtong nya. At sinimulan ko ang ritual sa kama. Mataba at nakaba-baliw ang laki ng kanyang ari. Masarap laruin sa loob na aking bibig. "nakuha ka ba ni Ronnie?' Tanong ko habang labas pasok ang subo sa kanyang ari. Umiling-iling siya. "walang silbi si Ronnie sa buhay ko" sagot nya "eh si Jingjing, me silbi ba?" ...hindi siya sumagot. Tinuloy ko ang ritual hanggang sa dumating sa climax. "ahhhhhh" ungol niya. "ang sarap pala, para ding gumamit ng babae," kanyang tugon at ako'y lihim na natuwa. Sabay kaming nagtawanan at nagyakap. "Mahal mo pa ko?" tanong nya. "Oo naman no, bakit mo ba kong laging tinatanong kung mahal pa kita?" At ako din ang sumagot sa aking tanong. "dahi ba insecure ka sa father mo? " tumango siya habang inu-ubos ang huling bote ng beer at nasambit, "pa'no mo nahulaan, iiwanan mo din ba 'ko?" Nangilid ang aking luha sa aking narinig. Gusto kong maiyak pero pinigil ko at sinumpa ko sa aking sarili ng tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya. Sa aking isipan, ako'y nagpasalamat sa Diyos at nakilala ko si Macky, ang lalaking mahal ko at mamahalin habang buhay. "Ano yan?" tanong ko sa napansin kong kuwintas sa kanyang leeg na me palawit na lumang desenyo ng krusipiho. "pamana 'to ni Lola bago siya namatay!" sagot nya. "Tingnan ko nga!" pinilit kong hingin sa kanya ang kuwintas, at sabi ko pa ay para naman meron akong mahalagang alalang galing sa kanya tanda ang aming pagkakaibigan pero hindi siya pumayag. "ni si tatay hinihingi ito hindi ko binigay" sabi pa nya, "kahit kanino, kahit si nanay pa hindi ko maaring ibigay". Medyo sumama ang loob ko at naisip kong hindi pala ako ganoon ka halaga sa buhay. "isinumpa ko 'to ke Lola bago siya namatay" Mahal nya ang ala-ala ng kanyang Lola dahil sa kanya siya lumaki at nag-kaisip hanggang kinuha siya ng kanyang ina ng mamatay si Lola. Hindi na 'ko nagsalita pa tungkol sa kuwintas. Alam nyang sumama ang loob ko..."sorry, Dan hindi ko puwedeng ibigay sa yo 'to." Usapan namin ni Macky na magkikita sa universidad ng ala-una ng hapon at kakausapin namin ang pinaka-puno ng unibersidad na si dekano Morales. Sa tamang oras ng appointment nakipag-usap sa amin si Mr. Morales sa kanyang opisina mismo. Mahigit dalawang oras ang pag-u-usap naming tatlo, at sa awa ng diyos ay nakumbinse ko si Mr. Morales na mabigyan si Macky ng pre-enrolment application at sa madaling salita, makakapag-a-aral siyang muli sa unibersidad. Matapos kong pirmahan ang guardianship agreement na ako ang tumatayong guardian ni Macky, kami'y nagpaalam na.. "Mag-aaral na po ako ng mabuti,, Sir' sagot ni Macky kay Mr. Morales. "Biruin mo makakabalik uli ako" halos tumalon si Macky sa tuwa at niyakap ako ng niyakap kahit maraming nakatingi sa amin. Tumuloy kami sa Jolibee at nag order ng double burger at coke. "matutuwa din si Jingjing pag nalaman nya 'to." sabi nya. Hindi ako kumibo. Hiningi ko uli ang kuwintas na suot nya katumbas sa tulong kong nagawa, at nabigo uli. "sorry talaga Dan" sagot nya. " hindi ko puwedeng ibigay sa yo ang kuwintas, ibibili ktia ng bago pagnaka-ipon ako pero wag 'to" padugtong nya.. "Di bale na, minsan lang akong humingi ng alaala at nabigo pa" pa-damdam kong sagot sa kanya.. Alam nyang gustong-gusto ko ang kuwintas ngunit hindi nya ito maibibigay. "Dan" patuloy nya. "Meron pa akong isang bagay na hihilinging sa 'yo, pwede ba? Tumingin siyang deretso sa aking mga mata. "Ano yon?" "Gusto kong kaibiganin mo si Jingjing, mabait din siya, para lang sa 'kin!" minungkahi ko din daw nya ito kay Jingjing" "Ha!...bakit?" nai-irita kong tanong. "Kasi pareho ko kayong mahal" namumula ang kanyang mata. "ayokong mawala ka sa buhay ko ng dahil lang sa kanya" malungkot ang kanyang tinig. Tumango-tango ako. Sinabi kong magiging magkaibigan kami ni Jingjing para lang sa kanya. 'Mahal din pala nya ko' bulong ko sa sarili ko. Mula ng araw na yon, naging magkaibigan kami ni Jingjing at itinuring ko siyang parang isang kapatid. Kaarawan ni Chay at kaming lahat ay nanood ng sine sa Cubao tapos maghapunan kasama ang buong barkada. Naupo si Macky sa gitna namin ni Jingjing. Maganda si Jingjing at napakabait at napamahal na din ako sa kanya. Magaan ang loob namin sa isa't isa. Hindi mapakali sa kaligayahan si Macky. "Dan...ang suwerte ko ang daming nagmamahal sa kin..lalong- lalo ka na" pisil ang kamay ko habang nagsisimula ang palabas na pelikula.. Binanggit ko uli ang kuwintas sa kanya pero umiling-iling ang kanyang ulo. "sabi ng hindi puwede! At inakbayan nya si Jingjing. Alam kong galit na siya at ako'y tumahimik na lang.. Matapos ang pelikula, nag kayayaan ang barkada sa karaoke bar. "Kuya, anong gusto mong awitin ko para handog nating dalawa kay Macky?" tanong ni Jingjing. Alam kong marunong kumanta si Jingjing sabi nila. At pina-awit ko kay Jingjing ang kanta ni Shania Twain na pinamagatang "From This Moment On" na aking paborito. Napaganda ng rendition ni Jingjing na hindi ko napigil mangilid ang luha sa aking mga mata. Palakpakan ang lahat ng tao sa bar at dinampian nya ng halik si Macky sa lips. Tumingin si Macky sa akin at nilayo ko ang tingin sa kanya. Sa mga sandaling yaon ang aking isip ay tapusin na ang pakikipag-unayan kay Macky. Lumipas ang mga araw at tinawagan ako ng agency na dumating na ang work visa ko sa Saudi Arabia at kailangan kung umalis sa loob ng apat na buwan. Mag-kasunod namang tawag ng aking supervisor sa opisinang pinapasukan ko, at humiling na bisitahin ang pinatatayong gusali sa Legaspi City at subaybayan ang mga trabahador. Sa loob ng tatlong buwan, ako ay nadestino sa bikol at dawalang beses lang kaming nag-usap ni Macky sa telepono. Maraming problema sa trabaho na kailangang ayusin at palagay ko'y abala siya kay Jingjing. Nakalipas ang tatlong buwan at ako'y nakabalik ng maynila at ang una kung binisita si Noli. " kamusta na, labas tayo mam'ya?" sabi ko sa best friend ko. Tinanong ako ni Noli kung nagka-usap na kami ni Macky bago ko siya binisita. Umiling ako at sinabi kong siya ang una kong pinuntahan at hindi ko pa natatawagan si Macky. "Bakit, Noli?" Tanong ko uli. Inabot sa 'kin ni Noli ang isang imbitasyon at kanyang pinabasa. Isang imbitasyon sa isang kasalan na gaganapin sa susunod na buwan ng alas-sais ng hapon sa isang maliit na simbahan sa San Juan, Greenhills. Natigilan ako at hindi ako makapaniwala. "hindi ko alam 'to Noli" nangilid ang luha ko. Inalo ako ni Noli at pumayag siyang samahan ako sa bahay nina Macky upang liwanagin ang nalalapit na kasal ni Macky at Jingjing. "Dan, I'm sorry"...bungad ni Macky, kaharap ako at si Noli sa loob na kanilang bahay. "I'm marrying her for the worst dahil wala talaga akong balak pakasalan siya, kailangan kong matapos ng pag-aaral "dugton nya, habang ako'y nakikinig at walang kibo sa aking pagkaka-upo. "Eh, bakit mo siya pakakasalan?" tanong ni Noli. "Nabuntis ko si Jingjing at kailangan kong panagutan yon dahil ayokong lumaki ang anak kong isang bastardo na tulad naming magkakapatid!" Tumakbo akong papalabas ng kanilang bahay dahil hindi ko na mattis ang aking narinig at ayokong umiyak na kaharap si Macky. Pumara ako ng taksi at sumakay kasunod si Noli. Umiyak ako ng umiyak pagdating ko sa bahay at nagkulong ako sa kuwarto. Walang tigil ng katutunog ang telepono. Alam kong si Macky ang tumatawag pero hindi ko na sinagot at inangat ko ang receiver. Nakatulog ako sa sobrang pagod at pag-iisip. Mula noon, itinuon ko ang aking oras sa pag-asikaso ng aking mga papeles upang makapagtrabaho overseas. "O, sa makalawa na ang alis mo" sabi ng Manager sa employment agency..."mag-i-ingat ka sa mga arabo...magpatubo ka ng balbas para hindi ka nila ligawan..." pa-alala sa kin ng butihing manager. Sa mga sandaling iyon, inabot ako ng lungkot kay Macky. Nilunok ko na lang ang namuong laway sa aking lalamunan at ako'y nag-paalam na sa manager habang hawak ko ang aking plane ticket, pasaporte at employment contract. Maraming tao sa Airport, alas-tres pa lang ng hapon, ako at si mama at ang ate ko ay nasa loob na ng airport. Ala singko pa ang alis ng eroplano. Nakita ko ang aming agent at tinulungan akong mag-check-in ng aking mg maleta at pagkatapos labas uli kami at pinuntahan ko sina Mama at nag-iyakan kami nila ate. Dumating din sina Noli, Chay, Ronnie at Rico. Biglang napawi ang aking lungkot ng makita ko ang barkada at nagbaka-sakaling kasama si Macky, pero wala siya sa grupo. Nag beso-beso kaming lahat at pinilit naming huwag mabanggit ang pangalan ni Macky. "Acheng, mami-miss ka namin" yakap ni chay. Lumuluha na rin si Noli at Ronnie at sabay yakap din sa kin. Sinuot ko ang aking sunglass para ma-itago ang pamamaga ng aking mga mata sa kai-iyak. Malapit na ang oras ng pagpapasok sa departure area at sumiskip ang aking dibdib. Gustong-gusto kong itanong sa barkada kung nasaan si Macky at bakit hindi man lang siya naghatid bago ako umalis. Pinigil ko ang pagluha dahil nakatingin si mama sa akin "Sa-saan si Ricky?" mahinang tanong ko, at napag-alaman ko na abala si Ricky sa preparasyon sa kasal ni Macky ng hapong iyon. Si Ricky ay isa sa mga abay. Hindi ako kumibo at ako'y nagpaalam na sa kanilang lahat at oras na para tumuloy sa departure area. Umiyak si Mama, si Ate, pati na sina Noli, Chay, Ronnie. Si Rico ay tumulo ang luha. At bago ako tuluyang tumalikod, me sobreng inabot si Rico sa akin. "Pinabibigay nga pala ni Macky!" sabay yakap si Rico at agad kong isinilid sa bulsa ang sulat. Sa loob ng eroplano, tinulungan ako ng flight attendant na ilagay sa compartment ang aking dalawang hand carry at na-upo ako sa tabi ng bintana sabay ayos ng seat belt. Pumaimbulog sa himpapawid ang malaking eroplano at biglang nagtago sa mga mapuputing alapaap habang tinatahak ang malawak na karagatan patungo sa Saudi Arabia. Habang tinatanaw ko sa bintana ang mga mala-sutlang alapaap, ang isip ko ay na kay Macky. Tumingin ako sa relos at parang sabay ng pagimbulog ng eroplanong sinasakyan ko ay ang pagkalembang naman ng kampana sa simbahan sa San Juan, hudyat nang pagkaka-isang dibdib ni Macky at Jingjing. Sa aking pagkaka-upo sa tabi ng bintana, bumalik sa aking alaala ang mga masasayang araw namin ni Macky sa mga nakalipas na panahon. Magmula sa araw ng aming pagkakilala sa party ni Cora hanggang sa naging problema nya sa universidad. Lahat ng yon ay aking naalala. Daloy ang luha sa aking pisngi at ako'y nakaidlip. Na-alimpungatan ako sa ingay ng mga ibang pashero at naa-alala ko ang sulat na bigay ni Rico. Agad kong kinuha sa aking bulsa at binuksan at binasa ang sulat na galing kay Macky. Dear Dan, Sana mapatawad mo ako sa hindi ko paghatid sa 'yong pag-alis. Mahal kita at hindi kita maaring kalimutan sa buhay ko sa lahat ng tulong na nagawa mo para sa kin, at sa mga kapatid ko, pinasaya mo kaming lahat sa gitna nang aming kalungkutan ng malaman naming anak kami ni Tatay sa labas. Thank you, Dan sa lahat-lahat. Sana pagbakasyon mo, muli tayong magkita kung 'mahal mo pa rin ako' . Malungkot ako sa iyong pag-alis. Mamayang hapon ang kasal namin ni Jingjing. Macky P.S. 'wag mong iwala itong kuwintas na nagpapatunay na mahal kita...ingat ka! Tinignan ko ulit ang laman ng sobre at meron isang bagay sa loob na nakabalot sa napkin. Tulo ang luha kong isinabit ang kuwintas ng lola nya sa aking leeg. Gustong kung bumalik sa Manila at yakapin si Macky.... Gusting kong lumipad pabalik. Natuwa ako at nagdasal ng pasasalamt sa Panginoon Diyos. Pinagdasal ko si Macky na sana maging masaya sila ni Jingjing sa buhay nilang mag-asawa. Marami akong dinasal sa Panginoon para kay Noli, Ronnie, Chay, Rico, Ricky , Cora't Benjie, Mr. Morales at sa pinaka-ma-mahal kong ina at si ate... Sana ay nagustuhan nyo ang aking kwentong pagibig. Sa ngayon, apat na taong gulang na ang anak nina Macky at Jingjing at ako ang ninong ni JayDan... hango sa aking pangalan. Nakatapos na din si Macky ng engineering at kasalukuyang nagta-trabaho sa isang beer company sa Maynila. Suot ko araw-araw ang kuwintas.

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story