Kwento Ni Mr. Yoso - Part 1
by: Justine
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: Justine
Hi to all KK readers! Thank you in advance kay Mr. KK Moderator for posting my stories. Ako ay tubong Cavite. Sa maniwala kayo o sa hnd, ako'y wala pang karanasan sa sex; mapababae man o lalaki (sinong gustong magbigay… bwahaha! Lol.) Baguhan lng din ako sa pagsusulat ng mga Kwentong Kalibigan ngunit malawak na din ang isip ko sa mga ganitong bagay. Marahil na rin sa madalas kong pagbabasa ng mga ganitong uri ng kwento. Paalala ko din na ang aking mga kwento ay hnd ko kinopya sa sinuman. Ito'y produkto lamang ng aking malawak na imahinasyon. Sisimulan ko na ang kwento. Tawagin niyo na lng ako sa pangalang Justine. Noong bata pa ako, ang tingin ko sa mga "gay" ay mga lalaking nagdadamit pangbabae, may make-up, kumekembot at lumalandi. Hindi ko namang sinasabi na galit ako sa kanila. Sa katunayan ay may kaibigan din akong bakla nung gradeschool pa ako ngunit kumportable nmn akong kasama siya. Nagkaroon ako ng girlfriend nung 2nd year highschool ako. Tumagal din kami ng apat na buwan ngunit nakipagbreak din ako sa kanya dahil parang may kulang (kulang sa budget.. haha.. joke..). Hindi ito dahil sa libog kundi sa pagmamahal. Naniniwala kc ako sa eternal love at narealize kong hnd siya ung karapat-dapat pra sa "eternal love" na un. Nung 3rd highschool na ay nakaramdam ako ng kakaibang pagbabago. Napapansin kong mas attracted na ako sa kapwa kong lalake kaysa sa mga babae. Labis akong nabahala dahil dito. Para bang 'man versus himself'. Hindi ko na lang pinansin ito at natapos ko nmn ang school year (na walang nangyayaring milagro.. haha) Akala ko'y makakabalik na ulit ako sa dati. Huling taon ko na sa highschool noon ng dumating ang taong GUGULO ngunit BABAGO sa buhay ko. Malapit lang ang bahay naming sa tabing-dagat. Madalas akong pumunta doon kapag tapos ng klase, weekends o tuwing may problema ako. Sariwa kc ang hangin at talaga naman nakakagaan ng pakiramdam. Wala akong problema nung araw na un. Naisipan ko lng magrelax sa tabing-dagat. Nagmumuni-muni ako nun at nakatitig sa kawalan ng mahagip ng aking paningin ang isang nilalang na pumukaw ng aking atensyon. Isang binata ang tuloy-tuloy na lumulusong sa tubig. Nakatalikod siya ngunit halata mo na ang matipuno niyang pangangatawan. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Naisip kong baka bakasyonista siya at gusto lang magswimming. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglusong hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa aking paningin. Nagpanic na ako dahil kabisado ko ang dagat at alam kong malalim na dun. Tumingin ako sa buong paligid. Walang mga tao. Tanghali kc nun at malamang kumakain ang mga tao sa bahay-bahay nila. Kung tatawag ako ng tulong ay malamang nalunod na ang mokong. Nakakahiya mang sabihin na bagamat malapit kami sa dagat eh takot akong lumangoy lalo na't sa malalim na parte ng dagat. Namalayan ko na lng na lumusong na pala ako sa tubig. Maya't-maya pa ay sumisid na din ako at nakita ko na ang binatang kanina lamang ay nakatalikod. Nakapikit siya sa ilalim ng tubig at inakala kong patay na. Ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ko at nagawa ko pa siyang halikan sa sitwasyon naming un. Natauhan din nmn kaagad ako at sinimulan na siyang sagipin. Dahil na rin sa kabigatan niya at dahil hnd ako sanay lumangoy ay hnd ko siya kinaya. Hindi ko na din maapply ang 'bubbles technique' para di kapusin ang hininga sa tubig. Marahil ay nataranta na din ako. Unti-unti akong nawalan ng hininga, naglabo ang paningin at nawala sa ulirat. Huling larawan na nakita ko sa isip ko ay ang magiging reaksyon ng pamilya ko pag nawala ako. Akala ko'y katapusan ko na ng biglang... To be continued...
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.