Back to stories

kwentongkalibugan.net

Kuya Ed - Part 1

by: Marco

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
Kuya Ed - Part 1 cover image

by: Marco

Ito maari ang kaunaunahang pagkakataon na magkwekwento ako sa mga naging karanasan. Sa ngayon 25 anyos na ako at patuloy parin naghahanap sa kasagutan sa mga nangyayari sa aking buhay. Masaya at magulo ang buhay nang isang bading/silahis pero masasabi ko ito ako at ito ang pinili kong buhay. Simple akong tao. 5'9", Moreno, broad shoulders, may kagandahan ang katawan (swimmer kasi ako kaya alaga), malambing at tahimik. Latino ang father ko at intsik ang mom ko. 21 anyos ako nung una akong nalantad sa ganitong mundo. Isa akong programmer at natural para sa akin ang nakaonline halos maghapon dahil sa trabaho ko. Single ano nuon at nais magkaroon nang relasyon... babae ang hanap ko nang mga panahong iyon dahil ang alam ko ayun ang dapat, ngunit mali at nagbago lahat dahil sa isang pagkakataon. Isang gabi naisipan kong mag OT. Nag search ako kung ano ano ang mga online community na pwede ko masalihan at habang naghahanap ako ng isang online community for dating napadpad ako sa isang website ang Filipino Friend Finder (FFF). Maari karamihan sa inyo ay alam ang website na ito... So sinubukan ko kung paano ang sistema niyon. Fill out ko yung registration form at hindi nagtagal nagkarron ako nang accnt... nag upload ako nanng pics, kinumpleto ko lahat nang kailngan. Pero hindi ko sineryoso iyon at hindi umaasa na may mangyayari at makakahanap ako nang gf. Busy ako sa trabaho, bilang programmer hindi maaiiwasan ang OT everynight at pati narin weekend so ayun maari ang dahilan bakit hirap din ako maghanap nang gf. Minsan nagging maluwag ang schedule ko wala masyadong ginagawa sa opis naalala ko bigla yung account ko sa FFF. Sinubukan ko icheck kung may nabihag ba ako hehehee... 8 ang email na nasa inbox ko binasa ko isa isa yung ibang babae nasa ibang bansa yung iba nasa pinas... pero ang kinagulat ko eh ang pang-7 email sa akin. Si KuyaEd (nickname niya sa FFF that time). Buburahin ko sana ang email na iyon dahil nga lalake siya. Pero hidni ko ang kung bakit parang nacurious ako at sinubukan kong basahin. Natatawa tawa pa nga ako nung nabasa ko iyon hanggang ngayon nasa akin pa ang unang email na iyon... "Musta tol single ka rin pala, hanap ka ba gf here? Mukhang new account ka ha Ingat tol madaming manloloko din dito... Programmer din ako san ka nagwowork" Ayan ang unang mga linyang kanyang binitawan. Wala pa sa isip ko kung bakla or silahis siya. Walang malisya sa akin ang email na iyon at ni hindi ko rin napansin ang picture niya at pati profile niya. So nagreply ako sa email... "Ganun pa 'tol, salamat. Oo medyo naghahanap gf baka may magkamali dito. Ortigas office ko sa may ******** ikaw 'tol? Ano technology gamit niyo? Wala sa akin ang pagsagot ko sa email niya... parang casual na usapan lang at umiikot ang email naming sa katanungan sa trabaho. Sa 7 babaeng nag email sa akin 2 lang sa kanila ang nagging constant ko na kapalitan nang email. Isang taga cebu at isang taga davao at isa naman ay si KuyaEd. Ilang lingo din kami nagpapalitan nang email at YM chat narin nung 2 babae. Pero si KuyaEd sa email lang. Lumipas ng ilang lingo parang nagigigng madalang usapan naming nanag 2 babae, marahil nawawalan din ako nang gana dahil sa malayo siya at hidni ako sanay sa Long distance relationship. Hanggang sa dumating sa punto na mawalan ako nang komunikasyon sa 2 babae. Patuloy parin ang pagpapalitan naming nang email ni KuyaEd. Mahigit 3 buwan din kami nagkakapalitan nang mga kalokohan naming sa trabaho at sa babae. Naikwento minsan sa akin ni KuyaEd ang tungkol sa anak niya. May 2 taong gulang na anak na babae siya at hiwalay sa asawa. Pinili daw nang babae na manirahan sa amerika kasama ang pamilya. Naging masakit para kay KuyaEd iyon dahil mahal na mahal niya ang babae. Kaya magmula nuon hidni na niya naisipan muna mag GF. Focus siya sa anak niya na siya mismo ang gumagastos nang lahat sa nakalipas nang 2 taon. Naikwento rin ni kuyaEd ang buhay niya sa Manila at mga pinagdaanan niyang hirap sa trabaho. Duon ko lang naisipang tignan ang profile ni KuyaEd. 25 anyos siya nung panahon na iyon, apat na taon ang agwat naming. May isang anak, hiwalay sa asawa. Nakatira siya sa Pasig at nagtatrabaho sa ortigas. Sa mga panahong iyon ayan lang ang impormasyon na mahalaga para sa akin. Naispan kong burahin na ang account ko sa FFF. Sinabahin ko si KUyaEd tungkol duon. Hiningi niya YM account ko at personal email para duon nalang magkausap. Wala parin sa aking malisya ang mga nangyayari. Para sa akin isang ordinaryong usapan ang lahat. 4 na buwan narin halos kami nagpapalitan ng email at nag uusap sa YM ni KuyaEd. Isang araw hndi ko siya nakitang mag online sa YM at hindi rin nakakasagot sa email ko. Isang lingo halos na wala siya. Naispan ko na busy lang siguro siya kasi nga sa klase nang trabaho naming. Pagkalipas nang isang linggo nakatanggap ako nang email mula sa kanya. Agad agad kong binasa iyon na hindi ko alam kung bakit para akong isang batang niregaluhan at atat na ata buksan ang regalo parang ganun ang nararamdaman ko nung panahon na iyon. Ito ang ilang bahagi ng kanyang email sa akin... "Marco, musta na pasensya na medyo hidni ako nakakapag email lately at YM... biglaan akong pinadala dito sa Singapore nang boss ko at kailngan ko mag-stay nang ilang buwan. Hindi na kita nasabihan kasi madalian. Kamusta na ? May gf naba, ang papangit nang babae dito puro sakang haha..." Hindi ko alam kunng bakit parang ang gaan nang pakiramdam ko habang binabasa ko email niya. Marahil dahil narin sa pagkakaibigang nabuo nang 4 na buwan at sa paraho naming linya nang trabaho. Or marahil may iba at mas malalim na dahilan.

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story