Kapag Nagmahal
by: markus
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: markus
ewan ko ba kung bakit ako ganito. palagi kong sinasabi sa sarili ko na ayokong mainlove kasi pag tinamaan ako, talagang damang dama, tagos hanggang buto. ang hirap sa akin, pag nakaramdam ng init, nagiging bulag ako, lahat gagawin ko para lang masunod ang tawag ng laman, pati sarili ko pinapaniwala ko na totoo ito, na totoo iyon. kahit ako lang naman ang may alam. marami nang nagdaan sa akin. at marami na akong dinaanan, pero malas pa rin. palaging mali. palaging walang nangyayari. bakit ba kapag nakipag sex ako, lahat hanggang sex lang. sabi nga nila kapag nagsimula sa kama, sa kama rin magwawakas. siguro ako rin ang may kasalanan lahat sinisimulan ko sa sex. kasi ang katwiran ko, at least merong nangyari sa amin na maybe, meron akong aasahan. dahil kahit tawag ng laman, meron akong naramdaman. kailangan yata sampalin ko ulit ang mukha ko para magising. bumabalik na naman ako sa istorya na napanood ko na at alam ko na ang ending. iba kasi sya. o ganon yata. lahat sila ay iba. may sariling ugali. iba iba ang gusto. minsan alam ko minsan kahit ako nalilito. pero baka sakali, iba siya sa lahat ng iba. nakilala ko sya kahapon. tapos ngayon, pinagnanasahan ko na sya. tiyak, sa kama ang bagsak at ako ang iiyak. lumaki ako sa yaman. lahat ng gusto ko nakukuha ko. kahit wala na akong magulang, ok lang, sanay na ako. dahil wala naman sila palagi. minsan tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. bata pa ako, 26. hindi naman ako pangit, guwapo. lahat ng gusto ko makukuha ko. hectic ang trabaho ko, maraming responsibilities, lahat minamanage ko negosyo sa mall, export business at ang modelling agency, na sya namang pinaka paborito ko sa lahat ng business ko dahil, exciting, at siguro voyeur ako at may pagka pervert. lahat ng modelo ng agency ay dumaan sa screening ko. at lahat ay naging successful, model ng major products, iyong iba nag artista, nang una kong makita si michael ay akala ko nag-aaply na modelo, dahil sabi ng secretary ko ay gustong magtrabaho sa agency. pero ng makita ko sya ay namangha ako talaga. umayos ako ng upo, at tinitigan ko sya talaga. matangkad, mahiyain guwapo, college graduate. tinanong ko sya kung gusto nyang magmodelo. sabi nya ang inaaplayan nya ay clerk sa export business ko, pero kung may chance daw ay gusto nyang subukan. inamin nya sa akin na wala syang experience sa modeling. napangiti ako. kinuha ko ang checkbook ko, at tinawag ko ang secretary ko upang iprint ang kontrata. ganito ako sa business. mabilis. i know. i am sure super panic ang secretary ko sa pag print ng contract. pero after some minutes, binigay nya sa akin ang papel. sabi ko kay michael. kung pipirma ka ngayon bibigyan kita ng advance salary. and you will start the pictorial para sa portfolio mo by friday. nabasa ni michael ang mukha ko, kinuha nya ang pen at pumirma sya. tumalikod sya sa akin at nilock ang pintuan ng opisina ko. dahan dahan nyang tinanggal ang suot na long sleeves. ibinaba nya ang zipper ng pantalon nya at ilang segundo lang ay nakatayo sya sa akin na brief lamang ang nagkukubli sa kanyang katawan. napatitig ako sa pubic hairs na naglalaro sa ibabaw ng brief nya. alam ko na from this point. lahat ibibigay nya. gusto nyang maging successful. at alam nya kung paano laruin ang baraha. ibababa na sana nya ang brief nya, ng narinig ko ang boses ko at sinabi ko sa kanya na sandali lang. tumingin sya sa akin. bumalik ang pagkamahiyain nya. guwapo talaga ang loko. tinanong ko sya kung sigurado sya sa gagawin nya. tumingin sya sa akin na halos matunaw ako. sabi nya, matagal nyang pinaghandaan ang sandaling ito. sa mga mata nya nakita ko ang lahat ng naikama ko. ang lahat na kinama ako. ang lahat na nagsimula at nagwakas sa kama. at narealize ko na malungkot pala ang buhay ko.
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.