Dorm Companions - Part 1
by: mint_blue
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: mint_blue
Hello...nais ko lang pong ibahagi sa inyo ang mga pangyayari sa aking buhay na hindi ko na cguro malilimutan... ********* Kiko po ang tawag nila sa akin, sa ngayon, may taas po akong 5'10" at 150 lbs. I can say na chubby ako pero sabi ng friends ko bagay naman po sa height ko. Currently 3rd year comsci po ako sa isang college dito sa amin. On the other hand, alam ko pong iba ako, pero ayokong aminin sa sarili ko, dahil sa father ko. Pero nasa dugo ko na po siguro ang pagka pusong mamon, kaya nalaman ng iba, ngunit hindi ako gumagawa ng bagay na ikakahiya ako ng magulang ko, meaning, iilan lang ang nakakaalam kung ano talaga ako. Masaya mabuhay sa mundo kung maraming nagmamahal sa iyo, masaya kung meron kang minamahal, pero paano kung lahat ng makakaya mo ay ginagawa mo na pero hindi ito ma- appreciate na mga taong pinapahalagahan mo? Minsan bigay tayo ng bigay, hindi natin alam, nasasaktan na pala tayo. Kasi hindi na natin naiisip ang sarili natin, tapos minsan nababalewala pa ang mga sinasakripisyo natin. sana masundan nyo ang mga kwento ko... ********* Ang kwento... After I graduated Highschool, nakarecieve ako ng tawag galing sa isang Gov't Office at sinabing pumunta ako in their office as soon as possible... May 4 2005, nang sinamahan ako ng father ko patugong sa nasabing office, at sinabing pumasa ako sa Scholarship Exam at nirequire akong mag attend ng Orientation Seminar na gaganapin sa isang University malapit sa amin sa loob ng isang buwan. Ganun daw talaga ang mga Government Scholar, may seminar for 1 month tapos titira sila sa dalawang dormitory, syempre hiwalay ang babae sa lalaki... ********* Isang buwang pagkakaibigan… Hinatid ako ng father ko sa University kung saan gaganapin ang orientation tsaka nya lang ako iniwan ng pinapasok na kami sa silid aralan kung saan ipapakilala na nila ang mga tao sa likod ng scholarship na ipagkakaloob nila sa amin. Orientation pa lang iyon ay kinapapalooban ng mga pumasa sa buong region 3... kakaunti lang at mukhang matatalino lahat, ako naman ay nanliit kasi feeling ko ay sinwerte lang dahil hindi naman ako pumasok sa top 10 nung highschool graduation, pero proud kong sabihin na ako lang ang tanging nakapasa sa school namin sa top 20 na kumuha ng pagsusulit. Pagpasok ko sa room,, naghanap ako ng mauupuan,, at may boses ako narinig sa aking likuran sabay sabi, "Dito tabi tayo", cyempre wala akong kakilala duon at pumayag na lang ako at sabay pasalamat sa kanya, ilang minuto pagkatapos kong maupo, bigla nyang hinawakan ang aking kamay, at sabi "Ako nga pala si Patrick, ikaw?", sa gulat ko hindi ako kaagad naka sagot. Tinapik nya ako at nagtanong ulit, "hoy, anong pangalan mo?", dun lang ako natauhan at nakatitig pala ako sa kanya.. "tawagin mo na lang akong kiko... "ah okey," yun lang ang nasabi nya... Si Patrick, 5'8" ang taas at slim ang katawan, maitim ang kanyang medyo may kahabaan na buhok at bagay naman ito sa kayumangi nyang balat. Naging magaan ang loob ko kay Patrick dahil nalaman kong sa pareho kami ng probinsya na pinanggalingan hindi katulad ng iba naming kasamahan... Nang matapos kami sa first orientation, dinala kami sa dormitory na aming tutuluyan, si Patrick pa rin ang kasama ko, habang naglalakad kami, sinasabi nya na sana magkasama daw kami sa iisang room para daw hindi na cya manibago sa maga kasama niya. Sa kwentuhan namin ni Patrick biglang may nakisabay sa amin. "Hello, pare," sabay yakap sa aming dalawa. "Ako nga pala si Michael", at cyempre nagpakilala kami ni Patrick... at sabay kaming tatlo naglakad papunta sa dorm.. Dahil inayos kami sa kwarto alphabetically, hindi kami nagkasama ni Patrick. 16 na lalaki kami sa dorm, 6 sa kuwarto namin - si sam, chubby pero pinaka matalino; si MJ, ang naging bestfriend ko for 1month; si mike, jeff, and dondee… Si Patrick naman ay nasa kabilang kuwarto, kasama niya si Michael. Si Michael ang pinaka maliit sa amin pero gwapo siya at makinis ang balat, halata din sa mukha niya ang pagkababaero... Kasama din nila sa si Billi na cya naman pinaka gwapo sa dorm.. crush si billy ng mga babae kasama naming na nasa kabilang dormitoryo… Nung unang gabi namin sa dorm, kwentuhan ang lang ang nangyari, kinilala namin ang isa't isa para naman hindi kami mailang tutal ay isang buwan din kaming magkakasama, nang maramdaman namin ang antok, nagpasya na kaming magpahinga at maaga pa ang first class naming kinabukasan. Nakahiga na ako sa aking kama ng bilang may kumatok sa pinto namin, dahil siguro sa sobrang antok ay nakatulog na silang lahat at ako nalang ang gising kaya ako na ang nagbukas ng pinto. Si Patrick ang kumakatok, at nagyayaya na makipagkwentuhan... Tanging anak pala si Patrick sa kanila, at sya lamang ang inaasahan ng ina, wala na ang ama ni Patrick at labandera lamang ang inay nito. Lumabas kami ng dorm at kita sa mukha ni Patrick ang lungkot kaya ng maupo kami sa bench ay kaagad ko cyang tinanong kung bakit mukha cyang malungkot... "Alam mo, bago ako pumunta dito, nag-away kami ng gf ko, pinipilit nya akong sumama sa kanya sa maynila para duon magaral, kahit alam niyang hindi ko kayang iwan ang aking inay, at itong scholarship lang na ito ang tanging paraan ko para ipagpatuloy ang aking pagaaral..." tuloy tuloy nyang sabi pakaupo nya sa tapat ko. "Bakit hindi mo ipaliwanag sa kanya ng mabuti?" sabi ko naman sa kanya. "Huli na, sinabi nya sa akin na kung tutuloy ako sa seminar na ito na tatagal ng 1 buwan, ibig sabihin wala na kame, pero talagang ganun lang siguro, kahit naman hindi ako tutuloy dito malabo ding magtagal kame kasi pinipilit nya akong sumama sa kanya…" patuloy nya sa kanyang kwento, at ngayon ay may makikita ka ng mga luha sa kanyang mga mata. Natapos ang kwentuhan naming ng mga alas-3 ng madaling araw ay niyayaya ako ni Patrick na duon na matulog sa kanilang kuwarto at may isa pang bakanteng kama... tumanggi ako dahil baka ano pa ang isipin ng mga kasamahan namin. Kaya pumasok na ako sa kuwarto at nagpasalamat siya sa akin sa pakikinig ko sa kanyang problema at kahit papaano daw ay gumaan ang loob nya... Kinabukasan, gising na halos ng mga kasamahan ko ng akoy tumayo, may nagaalmusal, ang ibay papunta na sa banyo para maligo, kinuha ko ang towel ko at toothbrush at dumeretso sa banyo. Nabigla ako sa nakita ko, sabay sabay maligo ang ilan sa aming mga kasamahan ng naka brief lang. Siguro nga ay inosente pa ako kaya hindi ako sanay sa ganun, pero hindi ko maiwasan mapatingin kay Michael at Patrick na kapwa patapos na nung pumasok ako sa CR, "Kiko, hiindi ka pa ba maliligo, baka malate ka, first day natin ngayon", sabi ni Patrick ng lumapit sya sakin, "mamaya na kagigising ko lang", sagot ko, "hoy pare, parang concern ka kay Kiko ah," biro ni Michael kay Patrick. "Sige, kita na lang tayo mamaya", paalam ko sa kanila, "ok, sabay sabay tayo pumasok ah," ang sabi ni Patrick at patuloy na silang lumabas sa CR. Sabay sabay nga kaming pumasok, halos kumpleto na ang mga scholar, kung hindi ako nagkakamali, around 30-40 kami kaya nagging masaya ang pamamalagi naming ng isang buwan na sama sama. Lumipas ang isang lingo, nagging malapit na kami sa isa't isa, lalo na kami ni Patrick at ng luko lukong si Michael pero gwapo ang gago. First Saturday namin sa dorm, half day lang ang activities kaya umuwi ang iba sa kani kanilang probinsya at iilan lang kaming naiwan sa dorm upang duon matulog. Dahil siguro konti lang kami, naisipan naming bumili ng maiinom (alak) kahit alam naming pinagbabawal iyon, dahil na rin siguro may mga babae sa kabilang dorm, pero mapilit ang iba lalo na si Michael na sabik sa alak... kaya nagpasyang lumabas ang iba. Pag dating ng alak, kanya kanyang kuha ng pagkain para magawang pulutan, at pumunta na kami lahat sa sala at nanood... lima lang kami, yung dalawa kong kasama sa room, ako, si Patrick, at si Michael... Nasa gitna ako ni Michael at Patrick, yung dalawa naman ay nakaupo sa baba, hindi pa ako sanay uminom ng mga panahong yun kaya dahan dahan lang ako, tuwing sa akin na ang tagay, si Patrick ang umiinom nun para sa akin. Nakarami na rin kami ng tumahimik ang paligid, siguro ay hilo na sila lahat at lasing na, tumayo na si dondee at sabi "una na ako sa kuwarto, bukas na natin iligpit yan." "'tol sandali sabay na tayo" sabi naman ni jeff. Dahil silang dalawa ang kasama ko sa room naisip ko na rin sumabay, "sandali,, sabay na rin ako, baka tulugan nyo ko", tatayo na sana ako ng biglang hinila ni Patrick ang kaway ko sabay sabing, "duon ka na sa kwarto naming matulog, kwentuhan pa tayo", "oo nga naman, wala kaming kasama sa kwarto eh," sabi naman ni michael at pumalupot sa leeg ko. "o sige, una na kami, antok na kami" sabi ni dondee "sige kami ng bahala kay kiko"... ****************** Itutuloy: first Saturday night… first sex, wrong person...
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.