Bukas Sana - Part 2
by: shadow boi78
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: shadow boi78
part 2 ng kwento ko.. di ko alam na mahaba pala.. hehehe.. simula nung nangyari sa amin ni kuya ariel ay mas pinili kong mapag isa.. natatakot akong madagdagan pa or makakilala pa ng ibang lalaki at tapos may mangyayari na naman.. cguro natatakot na rin ako na baka may makaalam.. nag aalala kasi mag highschool na rin ako at sa catholic school pa ako mag aaral.. ah basta para akong gulong gulo ng panahon na yun.. nag iba ang tingin ko sa mga lalaki.. iniisip ko puro libog ang alam nila.. ewan ko ba.. naiinis na ako sa sarili ko.. mas mabuti pang mag isa.. graduating na ako sa elementary at kahit papaano ay may honors naman ako.. mas pinili kong mag aral at mag basa ng basa.. mas pinili ko ring makipag kaibigan sa mga babae.. nasanay na rin ako kasi laging wala ang tatay ko at nasa abroad kaya kami lang ng nanay ko at mga kapatid na babae.. nakasanayan ko talaga na puro babae na lang sa paligid ko.. kahit makita kong nagbibihis ang mga kapatid ko nakasanayan ko na lang din.. kulang na lang eh magsuot at magkilos babae na rin.. hehehehe.. pero matino pa naman ako.. alam kong di ako darating sa ganung punto.. di nga alam ng mga kapatid ko na may isa pa silang kasamang dalaga sa bahay.. .bwahahahahaha.. . sa madaling salita, nakatapos ako ng elementary.. and from public ay pinilit kong pumasa sa catholic na gusto kong pasukan.. naisip ko chance na cguro para maging matino naman ang pag iisip ko at baka dito ko makita ang peace of mind ko.. first year highschool ay naging maayos naman.. pero ganun pa din.. umiiwas bumarkada sa mga lalaking kaklase.. naging loner ako kumbaga.. nakilala ko nun ang isang kaklase ko at cya pala ang magiging best friend ko hanggang ngayon.. (hoy best friend ko lang talaga cya.. ).. sya si mel.. alam kong pareho kami ng kilos ni mel.. first time ko palang nakausap cya at nakita ko cya i know we have the same feathers.. wahahahaha.. matalino si mel.. may itsura at morenong pilipino talaga.. una ko cyang nakilala eh parang nerd nung first year highschool kami.. biruin mo ba naman 2 bags ang dala nya pag pumapasok sa school at parehong malaki at punum-puno ng mga books namin.. well matalino naman talaga cya.. pero nagulat lang din ako kasi nagbago rin cya after ng first year namin.. mabilis lumipas ang panahon.. 2nd year ng nagkahiwalay na kami ng section ni mel pero magkasama kami kumain tuwing break time.. at as usual same baon,fried chicken,ang dala nya.. actually hanggang grumaduate kami ng highschool eh un ang baon nya.. hehehe.. (mel peace!!!).. kulang na nga lang eh tubuan ng balahibo at tumilaok tong best fried chicken ko este best friend pala dahil sa baon nya.. ( iluvu best.. ).. hehehehe.. nung nag 2nd year kami meron akong crush na lalake nun.. actually 1st year pa lang nung nakita ko cya eh gusto ko na talaga si cris.. un na lang itawag natin.. di naman gwapong gwapo si cris.. actually maliit na tao lang cya.. cguro mga 5'3".. sobrang tahimik.. bihira mag smile pero minsan akong nangitian eh sobrang kinabahan ako at sobrang ewan.. nabaliw ata ako.. hehehe.. in short.. sobrang mysterious ng lalaking to.. pero sa totoo lang wala naman nangyari sa amin ni cris.. hanggang tingin lang ako nun at masaya na ako.. buo na araw ko sa school kapag nakikita ko cya.. kaso may pagka bad boy pala ang loko.. laging nag cu-cutting classes.. at palaging napapasama sa mga rumble.. akala mo malaking tao.. hehehe.. wala namang unusual na nangyari sa akin nung 1st and 2nd year highschool.. no sexual adventures.. in short naging dyeta ako at palaging ang kamay kasalo ko sa pagpapaligaya.. hehehe.. ok lang naman.. medyo tinago ko kasi ang sarili ko sa ganung sitwasyon.. at dahil nasa catholic school ako, mas pinili ko magpaka madre.. wahahaha.. as if.. namalayan ko na lang 3rd year highschool na ako.. at ang masaya magkaklase na naman kami ni mel.. same baon pa rin cyempre.. hehehehe.. nagkaroon pa ako ng ibang mga kaibigan na katulad ko at madalas ko silang kasama kapag break time.. actually magkakasama na kami halos sa maraming activities.. pati ng maging varsity ako ng volleyball sila rin ang nakasama ko.. ang hindi ko alam sa panahong ito matutunan kong magmahal ng sobra.. magmahal ng walang kapalit.. magmahal ng totoo.. isa sa mga kaklase ko si Lorenz.. average looking guy cya.. actually di cya ang tipo ko.. isa nga cya sa mga kinaiinisan kong kaklase.. at dahil may pagka suplado at seryoso ako, walang ibang mabiro at mapagdiskitahan itong lokong to.. bad trip talaga.. first grading, dahil iba iba na naman kaming magkakaklase, alphabetically arrange ang seat plan namin.. natapat pa sa likod ko ang gagong si lorenz.. well di ko naman cya kinakausap.. mas madalas kong kausap ung 2 katabi kong babae kaso magkaklase pala tong 3 last year.. nakilala ko cya ng maaga dahil sa 2 babaeng katabi ko.. madalas ko ng ka-chika tong 2 babae kaya lahat ng assignments, quizzes, projects sila ang nakikisama sa akin.. eto namang si mel eh natututo na ring mag cutting classes.. ang dating medyo nerd naging wild na.. ito namang si lorenz nakikisiksik at chikahan sa amin ng mga katabi kong babae at nagpapansin talaga.. grrrrr.. pero di ko alam kung bakit mainit dugo ko sa kanya.. ewan talaga.. "andrew.. .andrew.. ", si lorenz pala.. di ko nililingon.. nagsusuplado na naman ako.. eh alam ko wala naman cya kailangan sa akin bakit ko cya kakausapin.. ah basta deadma.. "..hoy andrew.. ", sabay sundot sa tagiliran ko.. shet natamaan ang kiliti ko.. "..aaayy..",nagulat talaga ako sa ginawa nya.. di ko naiwasang mapasigaw ng konti.. "..ano ba kailangan mo?.. ".. sama ng tingin ko sa kanya.. "nandyan pala kiliti mo ha.. alam ko na ngayon kung pano mo ako lilingunin.. ",sagot ng loko sa akin sabay ngisi ng kakaiba.. "may kailangan ka ba ha!!..",panggigil ko kay lorenz.. ".. wala.. hehehe.. ",sagot ng mokong.. grrrrrrrr.. lalong nadagdagan ang inis ko sa gago.. ".. andrew, seriously itatanong ko lang kung natapos mo na ung assignment mo sa filipino.. ",tanong ni lorenz.. " eh ano naman paki mo?.. kokopya ka?!!..", inis kong sagot.. 'hindi ah.. papakopyahin sana kita.. eto oh..", sabay abot ng notebook nya.. tinignan ko ang notebook at hmmmm.. cute ang sulat ng loko.. lalaking lalaki.. hehehe.. "thanks na lang.. tapos na ako kahapon pa bago umuwi ng bahay.. "..maaga ko talaga ginagawa homework ko kapag naghihintay ako mag start ang training ng volleyball.. medyo na-touch din ako sa ginawa nya pero nangibabaw pa rin ang tanong sa akin.. baka malamang may kapalit to.. or baka mawili eh sa akin naman mangopya ng assignment.. well di tayo close.. sabi ko sa sarili ko.. hehehehe.. . araw-araw,simula ng malaman ni lorenz ang kiliti ko,di na nya tinigilan ang pagsundot sa tagiliran ko.. nagpapansin talaga ang loko.. chemistry subject namin.. buti na lang close ko ang teacher namin at medyo favorite ako kaya nagawa ko umupo sa ibang upuan maiwasan lang pangungulit ni lorenz.. nasa likod lage nakaupo ang bestfriend kong si mel kaya dun na rin ako umupo.. sinabihan naman ako ng teacher namin sa chemistry na bantayan ko si mel kasi laging delikado ang exams nya.. kaya talagang tinuruan ko rin tong bestfriend ko.. nang lumipat na ako sa likod,nakita kong may sinisilip si mel sa kabilang room.. may butas kasi sa wall namin at kitang kita ang classroom sa kabila.. at si cris pala ang sinisilip ng bruha.. ang gaga crush din pala si cris.. nagulat talaga ako at na-excite dahil mas makikita ko na lage si cris.. kaya ang sistema.. everytime ng chemistry eh lumilipat na ako sa likod katabi si mel and bago dumating ang teacher namin eh nagpapakasawa kami ni mel kakasilip kay cris sa kabilang classroom.. sobrang saya ng araw ko at lalo akong ginanahan mag aral at pumasok.. lalo nat madalas eh napapansin ni cris na may sumisilip sa kanya at ang loko super smile naman at namumula kapag naramdaman nya.. lalo akong kinikilig.. wahahaha.. . one day,bago mag-chemistry class.. nagmamadali akong lumipat sa likod katabi ni mel para syempre silipin si crush.. (kaka-adik silipin si mokong eh.. hehehe.. ).. habang nakasilip ako sa butas may bumato ng bolang papel at sapol talaga ako sa ulo.. "sinong loko bumato sa akin!!.. ".. galit kong nasabi.. nakita ko si lorenz na nakatitig at ngingisi-ngisi.. alam ko na cya ang bumato sa akin.. pinulot ko ang ung binato nya at talagang bumwelo ako ng todo para makaganti ako.. hard training ata ako sa volleyball at kahit bola ng basketball kaya kong ibato ng malakas.. sapol ang loko sa noo.. namula ung tinamaan at tinitigan ko pa ng masama sabay irap.. at cyempre balik ulit sa pagsilip sa crush ko.. maya-maya tinawag ako ni lorenz at ang gusto ng loko eh magpasahan kami ng bolang papel.. "loko talaga to ah.. papansin.. ", nasabi ko sa sarili ko.. umiral na naman ang pagka salbahe ko kaya pumayag ako sa trip nya.. "sige saluhan tayo.. ".. pagpayag ko kay lorenz.. "o eto saluhin mo na.. ".. sagot ng mokong na si lorenz.. maayos nyang binabato sa akin ang bolang papel pero kapag ibabalik ko na sa kanya ay talagang nilalakasan ko at sakto sa mukha nya.. hahaha.. bad ko noh.. loko cya eh.. hehehe.. mga naka-apat na beses akong tama sa mukha ni lorenz at talagang namula ang loko.. hahaha.. akala nya siguro.. maya maya umayaw na cya.. siguro nakahalata na sa mukha ko talaga cya pinatatamaan.. buti nga.. .beeeehhhh.. .pero nagtaka ako nung tinitigan nya ako.. di ko nakikitang galit or masama loob.. nakita ko sa mga mata nya na maraming tanong at parang iiyak.. "bakit?.. anong mero?.. ".. nasa loob ko.. siguro nasaktan sa mga bato ko sa kanya.. imbes na maawa natuwa pa ako.. "o bakit parang iiyak ka na.. masakit ba?.. siguro naman di ka na papansin.. di naman tayo close di ba.. ".. nasabi ko na lang sa kanya.. ang sama ko talaga.. natapos ang klase pero di nawala sa isip ko ung reaction ni lorenz.. alam ko di cya galit.. alam ko di rin masama loob nya.. nakita ko sa mata nya ang lungkot.. nakita ko sa mata nya ang pagsusumamo.. pero bakit?.. ah ewan.. baka guilty lang ako sa ginawa ko.. simula noon nagbago ang lahat.. sa classroom umiwas na ako kay lorenz.. di ko alam kung bakit.. ramdam ko na nag iba rin ang pakikitungo nya.. kung dating lagi cyang nang iinis at nagpapapansin, ngayon eh normal na cya ng pakikitungo sa akin.. kahit nasa likod ko lang cya parang may haliging naghahati sa aming dalawa.. nahihirapan akong kumilos.. madalas kapag nararamdaman kong may nakatingin sa akin at lumilingon ako nakikita kong cya ang nakatitig ng napaka malalim sa akin.. mga matang nagtatanong.. nangungusap.. lalo akong naguguluhan.. sana magpalitan na ng seat plan since patapos na ang first grading.. ganun sa amin, kada palit din ng grading period.. second grading na at sinabi na ng adviser namin na kailangan nang magpalit ng seat plan.. ito ang pinakahihintay ko.. that same day naiayos na ang bagong seat plan.. nalipat ako sa first row at talagang natutuk ang pag aaral kong mabuti.. after a week, naninibago ako sa bago kong upuan.. and honestly nami-miss ko ang pangungulit ni lorenz.. one day, after ng lunch break namin and chemistry subject ang kasunod, lumapit sa akin si lorenz.. di ko sana papansinin pero iba ang tingin nya sa akin that time.. sige na nga.. baka di naman mang iinis tong loko na to.. yun ang naisip ko.. "kamusta ka na andrew?.. mukhang tahimik dito sa pwesto mo.. pede bang umupo sa tabi mo?.. ", yun ang unang bungad nya sa akin at sabay smile.. aba ok pala smile ng loko.. dun ko napansin na cute pala cya.. pareho kame ng buhok n medyo wavy.. moreno.. matangos ang ilong.. almond eyes.. maninipis na labi.. kissable.. hmmm.. hoy andrew.. ano yang iniisip mo.. ok ka lang ba,saway ko sa sarili ko.. bakit ko napupuna to ngayon.. grrrrrrrrr.. kakainis.. "ah.. uupo ka ba dyan.. di ko alam kung pede.. tanong mo muna kay jen.. cya ang bagong seatmate ko.. .", sabi ko kay lorenz.. "kinausap ko na.. di daw cya uupo dito ngayon.. gusto mo ng chocolates?.. ".. aba may suhol si lorenz.. for what?.. hmmm.. baka nanliligaw.. hahaha.. di cya type ko.. hindi!!.. grr.. anu ba nangyayari sa akin.. bakit ganito iniisip ko.. di naman ako puyat.. at lalong di ako nagdru-drugs.. haarrrr.. awayin ko na lang kaya.. wag.. aahhhhh.. naiinis ako.. ano ba to.. "o tig-isa tayong chocolate.. binili ko kanina yan.. kain na tayo.. ", sabay abot ni lorenz ng chocolate sa akin.. mabait pala ang loko.. "baka may lason to ha.. ",bigla kong sinabi pagkaabot ng chocolate nya.. "hindi ah.. ako muna kakain para sigurado ka.. peace offering ko yan sayo.. alam ko lage kita kinukulit.. ", seryosong si lorenz.. haayy.. ano ba nangyayari sa lokong to.. baka may binabalak na namang masama.. watch out andrew.. wag maxado mag tiwala.. sakyan mo lang muna.. "ok thanks.. kung may binabalak kang kalokohan wag mo na ituloy.. baka mag away lang tayo.. ", prangka kong sinagot kay lorenz.. "ano ka ba.. honestly gusto ko maging magkaibigan tayo.. "seryoso na naman nyang sagot.. ok sige.. sakyan mo lang andrew.. di mo alam iniisip nyan.. sakyan mo lang.. everyday naging ganun cya.. at after ng lunch, during chemistry class, may dala cyang chocolate lage at pinaghahatian namin.. mukhang di nauubusan ng chocolate to ah.. honestly nahulog ang loob ko dahil sa ginagawa nya.. most of all, di na cya nangungulit.. nag iba talaga lahat.. naging sweet si lorenz.. madalas ko cya nahuhuling nakatitig sa akin kapag napapatingin ako sa kanya.. sheet.. bakit ginagawa mo to.. halong kaba.. excitement.. at ewan.. "wag mo ako iiwan ha.. gusto ko magkasama tayo lage.. gusto ko katabi kita lage.. gusto ko nakikita ko ang mukha mo nakangiti.. dito ka lang lage sa tabi ko.. wag mo ako iiwan ha.. dito ka lang.. ", paulit-ulit na sinasabi ni lorenz sa akin habang naka-unan cya sa hita ko.. "huh?.. ano bang mga sinasabi mo?.. ", nalilitong tugon ko.. "basta.. gusto ko magkasama tayong lage.. gusto ko ikaw lang at ako.. ipangako mo.. dito ka lang lage sa tabi ko.. ".. sasagot pa sana ako sa kanya kaso tumunog yung alarm clock ko.. grrrrrrrrr.. bad trip.. pero bakit ako nanaginip ng ganun.. honestly gifted ako in some ways and sometimes kapag may napapanaginipan its a sign or warning of something to happen.. pero bakit ganun.. teka, kailangan ko na palang mag prepare for school at baka ma-late pa ako.. pagdating sa school si lorenz agad ang nakita ko sa gate.. bigla kong naalala yung panaginip ko.. kasabay nun ang biglang paglukso ng puso ko.. nakangiti cya sa akin.. ang cute nya talaga ngumiti.. ako ba hinihintay nito?.. tumingin ako sa likod kasi baka di ako ung hinihintay or nginingitian nya.. " may sumusunod ba sayo?.. sino hinahanap mo sa likod?.. ", tanong ni lorenz.. "ah wala.. ikaw may hinihintay ka ba?.. "sagot ko naman.. "ah eh.. ikaw talaga hinihintay ko.. gusto ko sabay tayo pumasok.. ",nakangiting sagot ni lorenz.. niyaya ko na cyang pumasok sa campus at malapit na mag flag ceremony.. halos ganun araw-araw.. di lang kami nag kikita kapag weekends.. well before yun.. since catholic school kami, may mga activities kami kapag weekends at nagkikita at magkasama pa rin kami ni lorenz.. tuluyang na-inlove ako sa kanya.. mahal na mahal ko na nga cya eh.. ah ewan ko ba.. napalambot ni loko ang puso ko.. sabi ni mel iba ang dating ko nung mga nakaraang araw.. at napapansin na pala ng klase ang ibang closeness namin ni lorenz.. natatakot tuloy akong malaman nya ang tunay kong nararamdaman.. baka kaibigan lang ang tingin nya sa akin.. ayokong umiwas cya.. di rin naman lingid kay lorenz na ganun na ang napapansin ng mga kaklase namin.. minsan binibiro nila kami pagpumapasok ng room.. sinasabi nila 'ayan na mag syota'.. pero walang reaction sa aming dalawa.. minsan naman habang magkatabi kami at kumakain ng chocolates nagtanong si jen sa amin.. "kayo na bang dalawa?.. ang sweet nyo lage.. di kayo nag hihiwalay.. ".. pero ngumiti lang si lorenz sa kanya at aakbay sa akin.. minsan naman kapag inaasar kame eh lalo pa nyang pinapakita na magiliw cya.. ako tuloy ang nahihiya sa nangyayari.. gulong gulo sa sitwasyon.. di ako sanay ng ganito.. sinubukan kong gumawa ng sulat sa kanya kaso wala akong lakas ng loob ibigay kay lorenz.. ang ending, sa basurahan ang kinapupuntahan ng sulat ko.. napag pasyahan ko ang isang bagay.. gaya ng dati.. sasakyan ko na lang kung anuman ang nangyayari.. sabado.. katatapos lang ng isang activity sa school, napagpasyahan ng barkada ko na mag mall.. dahil sa may mga barkada din si lorenz, ganun din pala ang napagkasunduan nila.. aayain ko sana cya na sumama kaso baka lalong magduda ang mga barkada ko at baka ma-out of place lang cya.. nilapitan nya ako niyayang mag mall kasama barkada nya.. sabi ko nahihiya ako sa kanila at mag mall din kami ng barkada ko.. "ganito na lang.. paunahin natin sila tapos sabay tayo pumunta sa mall.. tayo muna mag mall tapos kitain na lang natin sila dun.. ok sau?.. ", yun ang naisip ni lorenz.. pumayag naman ako at sinabihan ang mga barkada ko na mauna sila sa mall dahil may babalikan ako sa bahay,ganun din ang naging dahilan ni lorenz.. magkasama kami sa bus papuntang mall.. magkatabi.. nagpapakiramdaman.. maya-maya hinawakan ni lorenz ang kamay ko.. pasmado pa naman ako dahil nga varsity ako ng volleyball.. di maiwasang mag-basa ng kamay after ng training.. "ang lambot pala ng kamay mo.. di ka siguro kumikilos sa bahay nyo.. ", nakangiting sabi ni lorenz.. "tange ka ba.. halatang bolero ka.. kita mong varsity ako.. pano lalambot ang kamay ko.. at saka ako ang naglilinis sa bahay namin ah.. ang tigas nga eh.. ",sabay bawi ng kamay ko.. hinawakan nya ulit ang kamay ko.. "malambot talaga andrew.. parang kamay ng babae.. ", sabi ulit ni lorenz.. actually maalaga talaga ako sa lotion kaya siguro di tumitigas ang kamay ko.. pinabayaan ko na lang cya na hawakan ang kamay ko.. nagkwento naman cya ng kung anu-ano.. sa family nya.. sa plano nya after highschool.. pati magiging trabaho nya.. di ko maiwasan na mahulog ng tuluyan ang damdamin ko sa kanya.. si lorenz.. simpleng tao lang pala.. simpleng mga pangarap.. andun kaya ako sa mga pangarap nya.. napapikit ako sa nararamdaman ko.. bakit po ganito Lord.. ano ang papel ni lorenz sa buhay ko.. di ko namalayang naluha na pala ako sa sobrang nararamdaman ko sa kanya.. "o bakit umiiyak ka?.. masakit ba ulo mo?.. inaantok ka ba?.. ", pag aalala nyang tanong sa akin.. "medyo sumakit lang ulo ko.. ", nasabi ko na lang.. "sige umidlip ka muna.. mukhang medyo trafik eh.. dito ka na sa balikat ko sumandal.. ", alo ni lorenz at sabay hila ng ulo ko sa balikat nya.. di na ako nakatanggi.. gusto ko nang yakapin si lorenz.. gusto ko na cyang halikan.. gusto ko nang sabihing MAHAL NA MAHAL KITA LORENZ.. MAHAL MO RIN BA AKO?.. takot.. duwag.. yan ang nauna sa akin.. hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.. nagtulug-tulugan na lamang ako.. pero pinakiramdaman ko ang bawat kilos nya.. bumibilis ang tibok ng dibdib ko.. sana wag na matapos ang byahe.. sana wag na kami pumunta ng mall.. sana wag na kaming bumaba sa bus na ito.. sana wag na kami maghiwalay.. paminsan minsang nararamdaman ko ang kanyang mga daliri na habang hawak ang kamay ko ay humahaplos sa balat ko.. minsan naman hinahaplos nya ang buhok ko.. ano ba talaga nararamdaman mo sa akin lorenz?.. bakit mo ginagawa ito?.. " robinson's na po.. lahat ng bababa.. robinson na po!!.. ", sigaw ng konduktor ng bus.. hhaayy.. tapos na ang sweet moments.. andito na kami.. ano pa kayang mangyayari?.. nag ikot muna kami sa mall.. pinuntahan ang ilang tindahan na kadalasan nyang binibilhan ng damit kaya nagka-idea ako kung ano hilig nyang suotin at porma.. simple talaga si lorenz.. after nun kumain kame sa isang fast food bago napagpasyahang hanapin ang aming mga barkada.. alam ko naman kung san madalas tumambay ang barkada ko kapag nag mall.. nasa arcade madalas.. hinatid nya muna ako worlds of fun at nandun nga ang mga barkada ko.. bago tuluyang magpaalam kinuha nyang muli ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.. "ingat kayo ha and enjoy your time.. what time kayo makakauwi?.. ", tanong ni lorenz.. "mga 6pm or 7pm.. pero di kame pede gabihin.. ", tugon ko.. nagpaalam na ako sa kanya at sumama sa mga barkada ko.. natapos ang buong araw kakalaro ng video games at kakaikot sa mall.. sa totoo lang, wala ako sa sarili at iniisip kung nasan na kaya si lorenz.. kung ok ba cya.. kung ako rin ba iniisip nya habang kasama ang barkada nya.. haaayy.. sana kasama ko na lang cya ulit.. 6pm nag aya na akong umuwi sa mga barkada.. whew.. ang daming tao sa sakayan.. tayuan sa bus.. grrrr.. kaya ayokong gumagala eh.. nakasakay din kami ng bus.. medyo maluwag pero wala ng upuan.. bigla na lang may tumawag sa akin.. "andrew.. andrew!!.. ".. hinanap ko kung sino ang tumatawag.. si lorenz pala.. pinalapit nya ako at mukhang nag iisa cya.. nasan kaya mga barkada nito.. "pauwi ka na rin pala.. asan na mga barkada mo?.. ",tanong ko agad pagkalapit ko sa kanya.. "iniwan ko na.. manonood pa daw sila ng last full show.. ikaw na umupo dito sa upuan ko.. ",sabay tayo ni lorenz para paupuin ako.. "wag na.. nakakahiya.. ok lang ako.. ",nahihiya kong tugon.. nakita ko ang mga barkada kong nagbulungan.. di ko na lang pinansin.. "sige na.. upo ka na.. ma-trafik kaya mangangawit ka.. ",pagpupumilit ni lorenz.. "eh pano ka.. eh di ikaw naman mangangawit.. ",sagot ko naman.. "ok lang ako.. sanay na ako sa tayuan.. basta umupo ka na.. ",pagpilit nya ulit.. umupo na ako at dahil nasa aisle ang pwesto nya, tumayo naman cya sa tabi ko.. akala ko di ko na cya makikita bago umuwi.. pero andito cya ulit kasama ko.. ano kaya ibig sabihin nito?.. napuno na ang bus pero hindi cya umalis sa tabi ko.. habang bumabyahe nakapatong ang kamay ko sa may upuan eh nakapatong din ang kamay nya sa akin.. lalo tuloy napapamahal ang taong to sa akin.. mabilis lumipas ang panahon.. since 3rd year kame, kasali na rin sa JS Prom.. dancer din ako sa school kaya pinatawag kami sa PE department para ayusin ang steps para sa prom at kami na rin ang magtuturo sa 3rd year students.. sobrang busy ako.. lage naman akong excuse sa class dahil sa mga school activities.. medyo na-late man ako sa mga lessons, di naman ako pinabayaan ni lorenz.. lage nyang pinapahiram ang mga notes nya at lage rin nya ako tinuturuan during break time.. sobrang saya ko talaga at nandyan sya lage.. di ko maubos maisip na ang taong kinaiinisan ko nung una ay sya pang magtuturo sa akin ng tunay na love.. nabuo ang sayaw para sa prom at kailangan na ituro naman sa mga 4th year and 3rd year students.. 3hours ang practice everyday for a week para maging maayos ang lahat.. sobrang init nga lang kasi nasa labas kami at nagkataon na palapit na rin ang summer.. sa sobrang pagod na rin at bilad sa araw, nakaramdam ako ng konting pagkahilo.. buti at nagpapahinga na rin ang lahat ng 3rd year sa pag-practice.. di ko na rin kinaya ang nararamdaman ko kaya muntik na akong mawalan ng malay.. sakto namang naalalayan ako ni lorenz at dinala sa clinic.. namumutla na pala ako sa sobrang init.. si lorenz ang nagbantay at nagdala ng mga gamit ko sa clinic.. nagdala rin cya ng bottled juice drink para daw mabalik yung fluids na kailangan ng katawan ko.. nakatulog na rin ako sa sobrang pagod.. 5pm na ako nagising at sinilip ko agad si lorenz.. sabi nung nurse pinabalik na daw sa practice ulit.. malamang patapos na rin sila kasi hanggang 5pm lang kame.. bumalik na ako sa lugar ng practice at patapos na nga sila.. nakita ko agad si lorenz.. nginitian nya ako at sumenyas kung ok na ako.. sumenyas naman ako na ok na.. ang sarap talaga ngumiti ng mahal ko.. dati loko ang tawag ko.. ngayon mahal na.. di ko na kasi maikakaila, lalo na sa lahat ng pinapakita nya, na mahal ko na talaga si lorenz.. after ng practice, nilapitan agad ako ni lorenz at tinanong kung ok na talaga ako.. kitang kita ang pag aalala sa mga mata nya.. binawi ko ang paningin ko at tinanong ko naman kung nakuha na nila ang steps para sa prom.. alam na daw nya at sinabihan pa ako na wag na ako maxado mag papagod sa mga activities.. sabay na kaming umuwi kaya di ko na hinintay ang mga barkada ko.. balak nya pa sanang ihatid ako sa bahay subalit tumanggi na ako.. sinabi kong pagod lang talaga ako at pahinga lang ang katapat.. wala na rin cyang nagawa kaya hinatid na lang nya ako sa sakayan.. pinagmasdan ko cya habang papaalis ang jeep na sinakyan ko.. nakangiti cya at di umaalis sa kinatatayuan hanggang sa di ko na cya maaninag.. pinakiramdaman ang sarili.. mahal na talaga kita lorenz.. mahal na mahal.. pero hanggang saan?.. last day ng practice para sa prom.. ok na ang lahat.. inaayos na lang ang pagpasok ng juniors at seniors pati na rin ang program.. di na rin gaanong nagpractice ng sayaw para di na gaano mapagod ang mga estudyante.. bukas na rin kasi ang prom.. natapos ang practice at nag uwian na rin mga estudyante.. may konting inasikaso pa ako kaya akala ko umuwi na rin si lorenz.naiwan pa pala ang mahal ko.. pina-uuwi ko na cya para makapag prepare sa prom bukas pero nag insist na hintayin ko cya.. ok.. at least kasama ko pa rin cya.. hehehe.. pauwi na sana kami pero pinigilan nya muna ako.. may kinuha cya sa bag iniabot sa akin.. 2 neck tie at parehong pareho.. sabi nya kailangang parehong necktie ang isuot namin bukas.. ibinigay nya sa akin ang isa sabay pisil sa mga kamay ko pagkaabot ko naman.. di ako nakapag salita sa nangyayari.. "isasayaw kita bukas sa prom.. pangako ko sa iyo yan.. ", nakangiting sabi ni lorenz.. "hahaha.. parang kaya ah.. ", balik ko sa kanya.. "ah basta sasayaw tayo bukas.. akong bahala.. wag kang iiwas ha.. ", makulit na sabi ni lorenz.. pagdating ng bahay di ako dalawin ng antok.. bumabalik.. paulit ulit.. ang mga binitiwang salita ni lorenz.. "isasayaw kita bukas sa prom.. pangako ko sa iyo yan.. ".. loko talaga tong mahal ko.. pano kaya mangyayari un.. nakatulugan ko na kakaisip.. tanghali na ako nagising.. since walang pasok at mamayang gabi pa ang prom, inayos kong mabuti ang damit ko mamaya.. ok na ang leather black shoes ko.. naka pressed na din ang slacks and tuxedo ko.. kinuha ko ang necktie na binigay ni lorenz.. dark blue and tazmanian devil ang prints.. favorite cartoon character ni mahal.. mga 3 hours na lang at call time na.. kailangan kong dumating ng maaga kasi may aasikasuhin pa rin ako sa school.. nag prepare na ako at sa school ko na lang ilalagay tong necktie at suit ko.. pagdating sa school, nag check lang ng mga ayos sa stage at mga program details.. ok na ang lahat.. ang bilis ng oras.. ilang minuto na lang JS Prom na.. may mga dumarating na ring estudyante.. ready na kaya si lorenz?.. ano kaya itsura nya?.. nasa taas ako ng school building malapit sa entrance ng campus para makita ko lahat ng dumarating.. 10 minutes na lang.. wala pa si mahal.. may nakaagaw ng aking pansin na pumasok sa campus.. clean cut ang buhok.. pure black ang suot.. gwapo ah.. malakas ang dating.. nakita ko yung necktie.. same ng necktie ko.. si lorenz ba to.. tinitigan kong mabuti.. sheeet.. ang mahal ko nga.. ang gwapo nya ngayon.. kahit moreno bumagay ang ayos ng buhok at damit nya.. papatalo ba ako.. dala ang suit ko at necktie, dali-dali akong pumunta sa faculty room.. may malaking salamin dun.. inayos ko ang tailored fit suit ko pati necktie.. pinsadya ko talaga lahat dahil ayoko ng malalaking damit.. gusto ko sakto lang.. "gwapo mo andrew.. ".. bati ng mga teachers sa faculty room.. blooming ata ako.. hehehehe.. bumaba na ako at pinuntahan ang table namin.. actually dinaya ko ang table namin ni lorenz para magkatabi kami sa upuan.. hehehe.. palapit na ako sa table namin.. kinakabahan ako na ewan.. excited siguro.. bumalik na naman yung sinabi ni lorenz kahapon.. "isasayaw kita bukas sa prom.. pangako ko sa iyo yan.. ".. parang ako tuloy ang naduduwag.. bahala na.. nakaupo si lorenz.. tumayo sya ng makita akong palapit sa table.. nakatitig sa aking mga mata.. gusto ko nang matunaw.. ngumiti ako sa kanya.. eto na ang mahal ko.. ang gwapo mo pala, sa loob loob ko.. "andrew you look good.. lalo kang naging mestizo ngayon ah.. may dimples ka pala.. ngayon ko lang napasin.. ", bungad sa akin ni lorenz.. "hahaha.. ngayon mo lang ba ako nakitang nag-smile?.. ah.. kasi lagi mo ako kinukulit kaya ngayon lang kita nginitian.. kasi madalas naiinis ako sa iyo.. hehehehe.. ", yun ang sinagot ko.. "ah ganun ba.. di bale.. di ko na gagawin un.. gusto ko lage ka nang naka-smile sa akin ha.. ",sabay ngiti ni lorenz.. "gwapo ka rin ngayon ha.. di kita nakilala sa gupit mo.. bagay pala sa iyo ganyan.. mas fresh tignan.. ",bati ko sa kanya.. "cyempre inspired ako ngayong gabi.. first JS Prom ko ata to.. at alam ko magiging masaya ako.. ",nakangiting banat ni mahal.. haay.. ang bango ng mahal ko ngayon,amoy ko agad pag upo ko sa tabi nya.. ang ganda ng gabi.. sana ganito lage.. di ko pina alala sa kay lorenz ung sinabi nya kahapon.. malamang di nya magagawa un.. nag-start na ang program.. nagkaroon muna ng entrance ang buong 4th year tapos ang 3rd year.. tapos pinasayaw na ang mga juniors.. tapos ang mga seniors.. then may pinasa ang seriors sa mga juniors tanda ng pagtanggap sa responsibilities ng susunod na taon as seniors.. then may mga kumanta.. tapos mga teachers naman ang sumayaw kasama ang ilang piling estudyante (cyempre andun ako.. hehehe.. ).. then nag serve na ng food.. after nun disco muna sandali.. nagsayaw kami ng mga barkada ko sa dance floor.. si lorenz nanonood lang sa akin.. kada tingin ko sa kanya lage lang syang nakatitig.. inaaya ko sya sumayaw pero mamaya na lang daw cya.. nalungkot ako.. sabi ko na nga ba di nya magagawa ung sinabi nya kahapon.. haay.. pinigilan ko umiyak pero basa pa rin ang mata ko.. buti na lang medyo madilim.. nagpaalam muna ako sa barkada na mag-cr.. para na rin ayusin ang sarili ko.. pinakawalan ko ang luhang namumuo sa mata ko.. sandali kong nilabas ang lungkot.. naghilamos ako at pilit ngumiti.. bakit ko ba seseryosohin ung sinabi ni lorenz kahapon eh pareho kaming lalake.. besides magkaibigan lang naman kami.. wala namang namamagitan sa amin.. lilipat na ako ng table sa mga barkada ko paglabas ko dito sa cr.. huminga ng malalim at ngumiti ulit.. lumabas na ako at pabalik na sa mga barkada ko.. saktong napalitan ang music.. sweet dance ito.. para sa mga mag-jowa.. alisan ang mga barkada ko.. somebody by depeche mode ang song.. sinabayan ko pa ang kanta.. "i want somebody to share.. share the rest of my life.. share my inner most thoughts.. ", biglang may humawak sa akin at humila sa gitna ng dance floor.. si lorenz pala.. "di ba sabi ko isasayaw kita.. ",seryosong sabi ni lorenz.. "huh.. eh.. bakit sweet?.. ", lito kong sagot.. "basta.. pakiramdaman mo na lang.. ",nakatitig na sagot ni lorenz.. nahihiya ako at aayaw sana kaso hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko.. nanghina ako sa ginawa nya.. nilagay nya ang dalawang kamay ko sa dibdib nya.. alam ko pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante.. kaba.. tuwa.. pagkalito.. un ang nararamdaman ko.. nararamdaman kong kinakabahan din si lorenz.. un ang naririnig ko sa puso nya sa mga kamay ko.. di ako makatingin sa ibang tao.. yumuko ako.. "tumingin ka lang sa akin andrew.. please.. tumingin ka lang sa akin.. ",seryosong sinabi ni lorenz.. tumitig ako sa mga mata nya.. meron akong nakikitang mukha.. sino un?.. tinitigan kong mabuti.. mukha ko.. ako ang nasa mga mata ni lorenz.. lalo akong kinabahan.. lalo ko cyang pinagmasdan.. ang buo nyang mukha.. kinakausap ang kanyang mga mata.. ano ba tayo lorenz?.. bakit ganito pinapakita mo sa akin?.. mahal na mahal kita.. pero paano?.. mahal mo ba ako?.. mga tanong na pinasa ko sa kanyang mga mata.. nangungusap ang mga mata ni lorenz.. shhh.. tayong dalawa lng.. kung anumang meron ang mahalaga masaya tayo.. walang iwanan.. importante ang ngayon.. at importante magkasama tayo.. pakiramdaman mo lang.. nandito lang ako.. sshhhhh.. .. "i dont want to be tied to anyones' strings.. i'm carefully trying to steer clear of those things.. but i'm asleep.. i want somebody.. who will put their arms around me and kiss me tenderly.. though things like this.. make me sick.. in a case like this.. i'll get away with it.. hhmmmm.. ." natapos ang kanta pero di nya binitawan ang kamay ko.. pinisil pa nya lalo at saka kami lumakad papuntang table namin.. sobrang saya.. di ko maipaliwanag.. feeling ko umaangat mga paa ko sa lupa.. sheeet.. im deeply inlove with lorenz.. hindi na nawala ang mga ngiti ko mukha.. ganun din si lorenz.. umupo kami.. hawak pa rin ang kamay ko.. nagtaka ang mga barkada ko sa nangyari.. marami ring tanong sa kanilang isip pero di nila magawang lapitan kami ni lorenz para mag usisa.. pinaubaya na lang nila ang gabi sa aming dalawa.. nagpatuloy ang program ng JS Prom pero wala na akong pakialam.. hehehe.. kaming dalawa na lang ni lorenz ngayon.. di na ako muling sumayaw kasama mga barkada ko.. di man kami gaanong nag uusap ni lorenz, di rin naman namin binibitiwan ang kamay ng isa't isa.. nakaupo lang kami.. nagpapakiramdaman.. titigan.. nag uusap.. puso sa puso.. isip sa isip.. mata sa mata.. lumipat kami ng pwesto sa may bandang likod.. magkahawak kamay pa rin.. nakasandal kame sa upuan at nakatingala sa kalawakan.. malinaw ang gabi at sobrang dami ng mga bituin.. "alam mo ba maraming falling stars tuwing madaling araw",naisambit ni lorenz.. "naniniwala ka ba na pede kang mag wish sa falling stars?.. ", dugtong nya.. "hhmmm.. ewan ko.. di ko pa na-try eh.. nasubukan mo na ba?.. ",tanong ko sa kanya.. mga 2:30am na nun kaya naghintay kami ng falling stars.. instead na mag wish binilang namin ang falling stars.. bigla naming itinaas ng sabay ang magkahawak na kamay para ituro ang isang mahabang falling star.. sabay kaming ngumiti.. dahan-dahan binaba ang mga kamay.. nagkatitigan na naman kami.. nilapit nya ang kamay ko sa mukha nya at hinalikan.. napangiti ako.. hinalikan nya ulit ang kamay ko.. nagkatitigan.. nag usap ang mga mata.. palapit ang mga mukha namin.. nagtama ang ilong namin.. kinakabahan ako sabay pikit.. naramdaman kong nagtama ang labi namin.. banayad.. puno ng damdamin.. matamis ang halik.. nakaka-darang.. inulit namin ng inulit.. kakaibang pakiramdam.. dumilat ako.. gusto ko cyang makita.. nakatitig pala si lorenz.. naghiwalay ang mga mukha namin.. ngumiti.. inulit sandali.. di nagsalita ang isat isa.. buti na lang at madilim sa puwesto namin at ang mga estudyante ay busy sa pagsayaw.. feeling ko tapos na nga i-announce ang JS king and queen.. eh ano.. may sarili kaming prom ni lorenz.. hehehe.. masaya ang gabi.. dalawang pusong magkasama.. nagkakaunawaan.. bukas paano pa kaya?.. . hey guys.. thanks sa matyagang pagbabasa.. ung mga gustong makipag kaibigan, email nyo lang ako.. kwentongmalilibog2026@gmail.com.. cnxa na sa mahabang kwento ng buhay ko.. nire-recall ko pa ang past.. thanks ulit KK moderator..
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.