Back to stories

kwentongkalibugan.net

Baywalk 0907

by: nice mice

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
Baywalk 0907 cover image

by: nice mice

"oist, ano gawa mo? Meet tayo, u want?" text ko sa matagal ko nang textmate na si Ronnie. Last week na ng August, katatapos lang ng mid-term exams namin, kaya pwede na munang mag-unwind, hirap kasi mga exams ng school namin, parang final exams palagi. "ah, eh may racket kami ng kada ko mamaya eh. Next time na lang po" reply niya. Kakaasar. Inuna pa ang barkada kesa sa akin. Sabagay, ok lang, 6 months pa lang kaming text buddies ni Ronnie kaya hindi pa kami ganon ka-attached sa isat-isa; ako na lang aalis mag-isa. Alas siyete ng gabi ng umalis ako sa bahay namin sa Las Pinas papuntang Malate sana, eh napadaan ako sa Baywalk sa Roxas Boulevard, para kasing mas masaya, kaya doon muna ako pumunta. Lakad-lakad muna ng kaunti, hanap-hanap ng magandang kainan at yung masayang setting, syempre hanap na rin ako ng cute guys. I ended up sitting sa nag-iisang Japanese themed restau doon, may bandang tumutugtog…ang husay nila sa pagtugtog at pagkanta ng acoustic songs ang siyang nakahalina sa akin na doon na lang muna kumain ng dinner at tumambay. "sarap pala dito baywalk, di kasing gulo ng nakpil area, wer u? sama u hir f u want. " text ko uli kay Ronnie habang naghihintay ng inorder kong pagkain. "sumwer in manila. basta, be there later, wait u lang. surprise kita." reply niya. Siyempre medyo kinabog ako sa reply niya. Naka body hugger shirts na blue, jeans, naka-cap at rubber shoes ako….pwede na itsura ko sabi ko sa sarili ko. Nagpabango ako para anytime na dumating siya dito ay maayos ako at mabango. Kala ko pa naman kasi ay hindi kami magkikita. "sige dito po me y.d., isa lang me dito table. Naka cap ako white at blue shirt. Kaw?" text ko sa kanya habang inuupakan yung inorder kong kararating lang. "black polo at jeans po. Malalaman u na ako na ang paparating pag nakita mong may kasama akong 3 guys at 1 girl. Sama ko friends ko, para hindi masyadong boring meet natin?" reply niya. "k lang, pero dyahe ata. Kaw bhala. Cge enjoy kau werevr u r." Text back ko. Napansin kong nagpalit na ng magpeperform na banda, sana mas magaling sila sa nauna para hindi ako mainip. Mga isang na oras ang lumipas, umorder ako ng light beer. Tapos na ako kumain. Nakikinig ako sa banda, ang galing din nila katulad nung nauna, mas angat lang ng kaunti kasi cute yung guy na singer. Inaawit nya ang ang kantang "incomplete" ni sisqo nang mapatitig ako ng husto. Sana siya na lang si Ronnie. Nasa kalagitnaan sila ng performance ng may nakita akong paparating na anim na taong naglalakad, yung isa ay naka-black na polo at jeans. Nang maaninagan ko ang itsura niya ay madali akong tumayo at naglakad papalayo sa puwesto ko. Hingal na hingal ako nang tumigil ako sa isang coffee shop sa U.N. Avenue. Umorder ako at naupo sa labas at nag-yosi. Pucha! Mukhang kargador sa pier yung guy na nakita ko. Ang itim na, ang liit pa. Ang tipo ko sa isang lalake ay matangkad at maputi. Ang sama ko ba??? Pasensya. Tao lang, may standards na kailangang abutin. Hehe. Papaalis na sana ako nang nagtext muli sa akin si Ronnie. "Bryan, andito na kami. Tapos na sa racket, san ka na ba? Nakita na kita, tapos bigla ka nawala. Got prob?" text niya. Hindi na ako nag-reply. Natatawa lang ako sa sarili ko ng pumara ako ng taxi pauwi….."manigas ka diyan" tanging nasambit ko habang nakatitig sa phone ko. Kinaumagahan, paggising ko ay agad kong binuksan ang phone ko. 4 ang texts mula kay Ronnie. "Sana mag-reply" "ayaw mo ata eh, bahala ka. Gud pm na lang" "Morning! May mali ba ako nagawa or nasabi? Bakit di ka na nagpakita?" "Salamat talaga, ang bait mo pala. Wag na tayo magtext kahit kelan" "Mukha mo" ang pasigaw kong sambit sa harapan ng cell ko, halos ibato ko na ito sa inis. Sinong hindi magagalit. Ang sabi niya dati, chinito siya, 5'8'', maputi, cute daw. Eh pucha….kabaligtaran yung nakita ko kagabi. Saturday morning. Walang magawa, walang mapuntahan…..nag-text na lang ako kay Jicca…."friend labas tau, kahit san. Please?!?!" text ko sa babaeng best friend ko. "pag sinabi kong gusto ko sa baywalk, sama ka?" reply niya na parang galit. Dati kasi ayaw ko talaga sa baywalk. "sure. Kelan naman? Andun kaya me kagabi. May kuwento me sau mahalaga. Sama mo sila Mike at Japet." reply ko sa kanya ng buong tuwa. Ikukwento ko si Ronnie sa apat kong tropa. "may sakit ka brye?!?! Talaga sama ka? Walang bawian. Mamaya na, kagabi pa namin plano. Text ko sila. Confirm ko sau later." Reply niya. Mas masaya ang bestfriend ko, kasi siyempre, sa loob ng 3 buwan, ngayon lang kami labas ulit para gumimik. So, naayos nga ang date namin thru texts and calls. Excited akong ikuwento sa kanila yung nangyari kagabi. Hanap kami magandang puwesto, at ewan ko ba bakit dun na naman sa restau na yun ang bagsak ko, but im with my friends this time. Umupo kami sa exact place na inuupuan ko kagabi. Mga bandang alas-7 nun, medyo maaga pa…kuwentuhan at kainan muna kami. Balak din kasi naming pumunta sa Malate para mag-disco. Nyehehe. Kiunwento ko yung nangyari kagabi and my disappointment can really be seen on my face, sabi ni Jiccs mukha daw akong kamatis sa pagkainis. We just finished eating nang may nag-approach sa aming girl, she asked kung pwede daw ba kami magbigay ng kanta, at ipeperform daw nila mamaya. Well, I insisted na ako na lang magrerquest. I chose the song "Incomplete" ni Sisqo, kasi naalala ko pa rin yung cute vocalist kagabi. Pinalagay nya rin name ko, nilagay ko naman ng buo. So yun, umalis na yung girl, sinabing enjoy daw at palakpakan naman daw namin sila. Siymepre naman, why not?!?! Nakakagulat lang, nang magpalit na ng performers, yung guy kagabi ay andun na naman sa mini stage. Ang cute talaga niya, tigas titi ako sa kanya hanggang langit. Hehe. Nauna kumanta yung babae, at siya rin yung babaeng kumuha sa amin ng request. "Shucks!" …yan lang nasabi ko sa sarili ko. Siyempre kilig ako, eto namang sila Jicca…puro tukso at pambibiro. Pakasalan ko na daw yung guy. Pwede kaya?!? Anyways, mas nanigas ako sa kinauupuan ko nang binasa niya yung request ko at sinabi niya ng buong lakas (abot hanggang coastal mall) ang name ko. Sabay sabing…"Ei! To Bryan Escasinas, bakit di mo daw sinipot si Ronnie Javier kagabi?" Nagulat siyempre ako, ano siya…messenger ni Ronnie?...buti na lang nagtinginan yung mga tao at hindi nahalata kung sino yung Bryan na tinutukoy niya. Medyo napahiya ako sa sarili ko at naawa naman ako kay Ronnie. Basta, the night ended na mabigat ang loob ko, nakasampung sorry texts na ata me kay Ronnie pero ayaw talaga magreply ng panget na yun. Tinatawagan ko pa nga, hindi naman sinasagot, ring lang ng ring. Galit nga siguro. Ang bait ko kasi. As I reached home, mga 3 am na ata yun pagkagaling Baywalk at Malate, patulog na sana ako…nagtext sa akin bigla si Ronnie (pinalitan ko name nya sa fone ko na "kargador sa pier"..….hahaha)….. "Ewan ko b,bkt d ka pumunta kgb. D ako galit, pro sna pagbigyan mo ako na mamit kta nx Friday same place. Pls b der." Text nya. "sensya,hav 2 leav erly kc nagtxt mom ko na uwi na daw me"…pasinungaling ko sa kanya. "cge, dis tym il tel d nstructions how and exactly wen nd wer. K? nyt! Ay gud am na pala." Reply nya. Tapos nun, tulog na agad ako, pagod me kakasayaw with friends sa Malate at sa biyahe pauwi, tsaka ngenge na ata ako. Weekdays came and its been a boring week, siyempre katatapos lang exam week. Wala masyadong activities kundi lecture. Wednesday na nung makareceive ako uli ng text from Ronnie aka "kargador sa pier". "Friday night, 8 pm, same place, be wid huevr u wnt, dnt be late. gud pm. " Parang galit ba sya or what?! Hindi na ako nagreply sa kanya, pagpasok ko kinabukasan sa school eh inaya ko si Jicca na samahan uli ako, ang gaga naman ay mabilis pa sa alas singko kung umoo. Dalawa lang kaming magkasama bukas kasi hindi pwede yung iba pa naming barkada. Friday came, excited si Jicca kasi gusto daw niya mahusgahan kung totoong mukhang kargador sa pier si Ronnie. Mas nag-ayos nga siya kesa sa akin. Todo porma si "best" samantalang ako eh naka polo shirt, maong shorts, rubbers at cap lang (weird ba!?). Papunta na kaming baywalk nang magtext si Ron uli "naka white polo ako, naka-maong pants at kasama ko uli tropa ko". "ok po. Papunta na kami. Im wid Jicca, bestfriend kong naka white skirt at pink top." reply ko naman sa kanya. Hindi ko na dinescribe sa kanya suot ko. Alam na naman niya itsura ko kasi ilang beses na niya akong nakita sa webcam. Siya naman kasi ayaw magpakita thru webcam. Takot sigurong mabuking ko na mukha siyang kargador. Balak ko uli siyang i-one way. Bale si Jicca ang pinaupo ko sa meeting place namin samantalang ako eh nasa isang malayong lugar, pero tanaw ko pa rin yung kinalalagyan ng bestfriend ko. Mga pasado alas otso nang lumapit yung babaeng humingi ng song request sa akin last week kay Jicca. May pinagbulungan sila, hindi siguro magkarinigan sa ingay ng paligid. Nakita ko na lang na nagkamayan ang dalawang babae, mamaya-maya pa niyan ay may tinawag yung isang girl…si mr cute vocalist! Nagkamayan si Jicca at si Cute Vocalist. Nagbeso-beso pa, as if close sila. Umupo sa tabi ni Jicca yung guy. Nagkuwentuhan na ang dalawa. Sa loob-loob ko, siguro nanliligaw na agad yung guy. Sayang, akala ko para sa akin siya. Aliw na aliw ako sa panonood sa mga nangyayari nang biglang maisip ko si Ron. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tiningnan kung nagtext siya. 2 messages ang natanggap ko… "asan ka na ba?!?" "sana magpakita ka na, kanina pa kami dito". Sasagutin ko sana ang text ni Ron kaso inunahan na naman ako ng pagkapilyo nang maisipan kong wag na lang ituloy ang e.b. namin. Ayaw ko na talagang mangilo pag nakita ko yung kargador sa pier. Tumayo ako mula sa puwesto ko at lumapit kay Jicca na kasalukuyang kausap si Mr. Vocalist. "Jics, nagtext na naman si Ron. Kala niya magpapakita ako sa kanya. Tama na yung nakita kong mukha siyang kargador sa pier. Mali-mali pa description niya sa akin." Dire-diretso kong hinaing sa kaibigan ko na parang wala ba siyang kausap na ibang tao. Pagtingin ko sa mukha ni Jicca eh nakangiti lang ito na pasarkastiko at itinuturo ng mata niya yung kausap niyang singer na nakatingin naman sa stage, siguro parang ayaw niyang marining yung pinagsasabi ko kay Jiccs. Natural na namula ako kasi parang napahiya ako sa inasal ko. "Ay sorry. Im Brye nga pala. Friend niya ako." Bati ko sa cute guy na kausap ni Jics at inabot ang aking kamay. "Bad trip ka ba Brye?! Wats the prob tol?" sagot niya at nakipagkamay nga. "yung katext ko kasi, magkikita sana kami ngayon. Eh nakita ko siya last time, lahat ng pinagsasabi niya, kabaligtaran ng itsura niya. Kakaasar diba? Pwede naman niyang aminin ang totoo, hindi naman ako mapanghusga. Pag ganitong alam kong in-loved na ako sa kanya kasi sweet siya." Buntong ko sa lalakeng kausap na parang matagal na kaming magkakilala. "Ah...baka naman nagkakamali ka" sagot niya sa akin sabay tapik sa balikat ko at ngumiti. Sasagutin ko sana siyang hindi ako nagkakamali nang biglang tinawag ng babaeng kausap kanina ni Jicca yung lalakeng kasama namin ngayon. Tinawag niya yung guy na ka-table namin paakyat ng stage. Magpeperform na ata sila. Nagulat na lang ako ng tawagin ng babae yung guy sa pangalan na Ron. Ron siya ng Ron. Tumayo si cute vocalist at bago umalis ay kumindat ito at sinabing hintayin ko daw siya at maguusap kami. Shit! Napa-shit na lang ako. Nanigas ako sa kinauupuan ko habang ihinahatid ko ng ngiti si Ron papuntang stage. Nang makaramdam ako ng kaunting katinuan ay binalingan ko agad si Jicca. Wala pa akong sinasabi nang bigla siyang magsalita... "Puki mo may latik! Ano ka ba!? Hindi mo ba nagets? Siya kaya yung katext mo. Kilala ka na niya. Kaya nga sila lumapit sa akin diba ako ang ipinain mo. Kung alam mo lang, nagtatampo siya sayo. Ikaw ang pinaguusapan namin kanina" dire-diretsong dada ni Jiccs. "talaga friend?!?!" yun lang naisagot ko. "kiniss niya ako sa cheeks. Isa lang yun hah. Wag magselos." Sagot ni Jiccs. Hindi ko na alam tuloy kung ano ang dapat kong gawin. Tatalon na lang ba ako sa manila bay, pupukpukin ko ba ng bote ang ulo ko, maglalaho na lang ba akong bigla, kainin na lang kaya ako ng lupa, sisigaw na lang ba ako ng "asnamon voya nazar!" para mapunta sa kaharian namin sa encantadia (feeling?!?!) ah ewan!!! Hiyang-hiya ako kay Ron, siya pala ang vocalist na crush ko. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang kumakanta siya sa entablado na parang wala lang sa kanya ang nangyari kani-kanina lang. Professional kumbaga. Naaawa ako sa kanya sa inasal ko, hindi ko makuhang ngumiti nagyong nakita ko na ang katextmate ko ay sobrang guwapo at sobrang galing kumanta. Hindi ko kasi alam kung pag nag-usap kami mamaya eh magiging kami ba talaga o eto na ang una't huli naming pagkikita. Wag sana! "Jiccs we really have to go" anyaya ko kay best. "Aysus! Andito na tayo aalis ka na naman. Upo ka na lang diyan Brye maguusap daw kayo ng jowa mo" kinikilig na sagot ni Jicca. Hindi ako mapakali. Naiihi ako pero parang hindi naman. Pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi ko na alam gagawin ko. Umorder na lang ako 10 beer at isa-isa kong ininom na parang tubig lang. Red horse yun kaya lakas tama na ko nung panlimang bote pa lang ako. Si jiccs naman eh pahigop-higop na lang ng iced tea at grabe kung makpalakpak sa bawat kanta ng banda nila Ron. Natapos magperform sila Ron at ramdam kong wasted na ako, ngenge uli ako part two. Yumuko ako at binabaan ang bull cap ko nang makita kong papalapit saamin si Ron at yung girl na kabanda niya. "Ron! Mitchie! Galing ah" sigaw ni Jiccs na parang walang paki sa mga nakapaligid. "Uuy best. Uuy!!" ani Jiccs habang niyuyugyog ako. Hindi ko na talaga kaya. Halu-halong emosyon tapos nagpakalasing ako sa beer na walang yelo, sakit sa ulo sobra. Kaya ayun nakatulog ako. Ang huli kong narinig eh ang mga tanong ni Ron kung ok lang ako. "Ei! Saturday morning na po, wake-up" narinig kong mula sa isang lalakeng hindi ko maaninagan kung sino. Pagmulat ko kasi ng mata eh malabo ang paningin ko, kinusot-kusot ko ang mata ko at nagulat ako nang malaman kong hindi ko kuwarto ang kinahihimlayan ko. "You threw up kagabi, then you could barely walk, kaya I decided to bring you here." Patuloy niya. Nang umayos ang paningin ko eh para kong nakakita nang multo kaya hindi man lang ako makapagsalita. Si Ron ang kaharap ko na naka-boxer shorts lang at may dala-dalang pagkain na inilapag naman niya sa side table. "Dont worry. Jicca is also here. She texted na your parents na your gonna spend the night sa bahay ng friend mo." Dagdag niya. "Eh asan na si Jicca?" tanong ko habang naguunat ng kamay at tinatapik-tapik ang aking ulo. "She's downstairs, having her breakfast with my friends." Sagot niya. "Andito rin friends mo?" tanong ko uli. "Hindi ko pala nasabi sa'yo. We decided kasi to share a house since we spend most of our time performing and rehearsing. Mas convenient sa amin lahat." Paliwanag ni pogi. "Ahh...okay...eh...teka, bakit ganito suot ko?" pagtataka kao nang makitang ibang shirt ang gamit ko at naka-boxer shorts na rin lang ako. "Diba sumuka ka? Sobra ka naman kasi eh. Pasalamat ka nga at dinamitan kita" sagot ni Ron tapos ngumisi. Cute talaga. Hindi nga talaga siya mukhang kargador, mukha ngang anghel eh. Habang iniisip ko gaano siya kaguwapo at kabait eh naalala kong hindi pa ako nakakahingi ng dispensa sa kanya sa mga inasal ko. "Uh, Ron, tungkol po doon sa nangyari, I'm sorry." Dudugtungan ko pa sana nang nilapatan ni Ron ng hintuturo niya ang labi ko. "It's ok, kasalanan ko naman kasi at hindi man lang ako nagpapakita sayo kahit isang picture. Gusto ko kasi na hindi mo ako matitipuhan dahil sa itsura ko lang" tugon niya. "Nyak ang corny mo!" sagot ko tapos tumawa ko ng malakas. Parang nakaramdam ako ng ginhawa ng sinabi niya 'yon. Tapos bigla niya akong niyapos at kung anu-ano ang pinagsasabi niya. Kesyo mahala na mahal daw niya ako, hindi na daw niya ako pakakawalan, na ang dami niyang plano para sa relasyon namin. Kiniliti ko siya sa tagiliran tapos hinalikan niya ako sa noo papuntang labi. Grabe ang sarap humalik ng angel ko. Magaling palang humalik at mambola ang mga anghel. Hehe! Pagkatapos naming mag-usap eh bumaba na kaming dalawa. Ipinakilala niya ako sa iba pa niyang kaibigan. Nakita ko naman ang bestfriend kong si Jicca na tawa nang tawa at parang at home na siya sa barkada ng "asawa ko". September 7 nun. Mahaba pa ang araw para hindi kami gumawa ng mga bagay na maari at dapat naming gawin. Nagpalusot na lang kami uli ni Best para magpagabi na ng uwi. Nalaman ko na rin lang na nanliligaw na pala kasi si Edward na ka-banda rin ni Ronnie. Isa at kalahating taon na ang nakalilipas at kami pa rin ng angel ko. Hindi ako nagsasawang panoorin siya t pakinggan ang tinig niya habang kumakanta siya ng mga awit na nirewrequest ko at ng mga nanonood sa kanya. Siyempre minsan din meron kaming pinagtatalunan, pero hindi natatapos ang araw na hindi namin inayos yon. Siguro yun ang dahilan bakit kami patuloy na nagmamahalan ni Ron. Tinatanggap namin ang pagkakamali ng bawat isa at handa namin itong patawarin. Pareho pa kaming bata, hindi namin inaasahan na maging perpekto ang relasyon namin. Nakagawian na rin namin na hindi palalagpasin ang isang araw na hindi nakakapag-usap kahit sa text man lamang. Ginagawa namin ang gusto ng bawat isa basta ito ay makakapagdulot ng ligaya hindi lamang sa isa kundi para sa aming dalawa. Minsan nag-iiwan pa rin ako ng kaunting mga "misteryo" na dapat siya ang tumuklas, kasi sabi nga ni Oprah, mas maganda na may "hinahabol-habol" sa'yo ang karelasyon mo. Hay mahal na mahal ko si Ron. Napagkamalan ko man siyang panget at hinusgahan eh napatawad din niya ako. Laking pasalamat ko sa Baywalk at sa araw na September 7, at pati na rin sa bestfriend ko. Nga pala, habang isinusulat ko ang istorya na ito eh katabi ko si Ron, siya ay natutulog sa kama ko. Wala kasi sila Mama at Papa, sa isang linggo pa ang uwi. Solo ko ang bahay, este solo pala namin ni Ron. Ano kaya ang pwedeng gawin mamaya, bukas, bukas makalawa? Excited na ako. Nyahahaha! ---o0o---

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story