Back to stories

kwentongkalibugan.net

Ang Lalaki Sa Buhay Ko

by: balisong 27

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
Ang Lalaki Sa Buhay Ko cover image

by: balisong 27

April 10, 2007… Araw ng aking kamatayan.. Ang araw kung kelan huminto ang pagtibok ng aking puso, ang araw kung kelan ang pinakamamahal ko ay manunumpa s harap ng Panginoon… Si JUN, ang lalaki na nagmahal at nagpahalaga sa akin ng lubusan. Tanda ko pa noon ng magkakilala kami sa isang chatroom. Naghahanap ako ng trabaho noon, naisipan ko na mag online upang makahanap ng mga bagong kaibigan. Nagkwentuhan kami sa loob ng chatroom, nagbigayan ng numbers hanggang sa lagi kaming nag uusap. Lumipas ang isang buwan at nagkita kami sa lugar nila, hindi ko inakala na ang lalaki kong laging kausap ay isa palang mala Adonis ang dating, matipuno ang pangangatawan, maputi at magandang lalaki. Mula noon ay lalo ko siya hinangaan at nalimit ang aming pagkikita. Hindi nagtagal ay naging magkarelasyon kami ni JUN. Masaya kami sa mga unang araw ng pagiging mag boyfriend namin. Ngunit dahil sa pressure sa paghahanap ko ng trabaho, napabayaan ko ang aming relasyon, hindi ko naibigay ung kanyang pangangailangan bilang isang kapareha. Umiiwas ako sa mga lakad namin, hindi na ako ganun ka lambing sa kanya. Naging mapaghanap siya sa aking mga pagkukulang na siyang naging malimit naming pinag aawayan. Naging masalimuot ang aming naging relasyon, my mga espesyal na araw sa aking buhay na pilit nyang ginagawang memorable pero hindi ko pinahalagahan. Kaarawan ko nun, sorpresa sana na dadalhin nya ako sa tagaytay upang dun ako mag celebrate ng aking kaarawan, ngunit hindi ako nagpakita sa kanya, ni hindi ko man lang siya kinausap ng araw na yun. Nasayang lang ang mga plano nya para sa aking kaarawan sa halip ay ako pa ang nagalit sa kanya. Hindi naglaon ay nagkahiwalay kami. Tumagal lang ang aming relasyon ng 5 buwan. Nakipaghiwalay cia hindi dahil sa hindi na nya ako mahal, kung hindi dahil ayaw nya mawala ang pagmamahal at respeto na ibinibigay nya sa akin. Dumating ang araw na nagkaroon ako ng trabaho. Iyon ang araw na nagkahiwaly na kami ni JUN. Mapagbiro talaga ang tadhana. Napapasok ako sa trabaho sa mismong lugar nina JUN. Hindi ko akalain na sa mga pasakit na ginawa ko sa kanya ay makikipagkita pa rin siya sa akin. Doon nabuo ulit ang aming naputol na pagmamahalan. Sa kabila ng pagkukulang ko sa kanya, lagi pa rin cia sa tabi ko. Inamin ko sa kanya na sa sandali na nagkahiwalay kami ay mayroon akong nakatalik. Hindi nya matangap yun, umiyak siya sa harap ko at sinabi nya na bakit ko nagawa yun. Iyon ung unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak sa harap ko. Awang awa ako sa kanya, ngunit buo pa rin sa isip ko na hindi muna makipagbalikan.Halos araw araw nya ako sinusundo sa aking opisina. Pagkatapos ng aking trabaho ay naghihintay na siya sa labas. Sinusulit naming ang mga sandali na magkasama kami. Gusto nyang makipagbalikan sa akin, pero ako na rin mismo ang tumanggi. Sinabi ko na mas maganda na maging magkaibigan muna ulit kami. Hindi nya ako pinilit, pero andun p rin cia sa tabi ko. Lumipas ang mga araw na ganun ang naging buhay namin, masaya kami sa sitwasyon namin. Lalo cia napamahal sa akin, na alam ko sa sarili ko ngaun lang ako nagmahal ng totoo at sa kanya ko naramdaman yun. Minsan sa aming pag uusap ay naitanong ko sa kanya kung pwede pa kaming magkabalikan. Ngunit, huli na ang lahat! Sinabi nya na masaya na siya at tanggap na nya na magkaibigan na lang kami Nasaktan ako, sa unang pagkakataon nun lang ako nakatanggap ng kabiguan. Masakit pala! Tinanggap ko yun dahil inisip ko na lang na iyon yung kabayaran sa mga pgkukulang at pagpapahirap ko sa kanya. Masakit para sa akin na magkasama kami ngunit kaibigan na lang ang turing nya sa akin. Unti unti akong nasasanay sa ganung sitwasyon, ngunit sa kabila nun ay MAHAL ko pa rin siya. Pinipilit kong wag lumayo sa tabi nya sa kadahilanang ayaw kong mawala cia ng tuluyan sa buhay ko. Ginawa ko ang lahat upang manumbalik ang pagmamahal nya sa akin. Masakit pero hindi ko na maibalik ang dating init ng aming pagmamahalan. Hanggang dumating ang panahon na natangap ako papuntang Dubai. Umalis akong nangangamba para sa kanya. Natatakot ako na baka kung ano masamang mangyari sa kanya. Nalulungkot ako dahil sa mga panahong kaylangan nya ang kausap nandun ako para sa kanya, ngunit ngayon ay iiwan ko siya. Umalis ako na dala ang pangambang iiwan ko siyang nag iisa na walang karamay sa mga panahong kaylangan nya ako. At ngaung andito na ako sa Dubai, hindi pa rin naputol ang aming komunikasyon. Halos araw-araw pa rin kami nag uusap sa internet. Araw-araw ko pa rin sinasabi sa kanya kung gano ko siya kamahal. Kung gano ako naging maswerte sapiling nya. Lahat ng bagay ay may hangganan. Inamin nya sa akin na magpapakasal na sila ng girlfriend nya. Napakasakit ng sinabi nyang yun. Alam ko na darating din sa punto na pakakasal sila ng kanyang nobya. Ang babaeng kaagaw ko sa puso nya. Mula nun, halos araw araw akong umiiyak, araw-araw ko siyang naiisip. At ngaun nga, itinakda na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib, ang araw kung kelan ang pagtibok ng aking puso ay tuluyan nang hihinto. Ang araw kung kelan mababago ang takbo ng aming buhay. Sa bawat kalembang ng kampana ay ang unti unting paghina ng pintig ng aking puso. Sa bawat patak ng kandila ay siyang pag agos ng aking mga luha. Sa bawat mga talulot ng bulalak na kanilang dinadaanan ay ang paglimot sa aming nakaraan. Masakit isipin na sa aking pagbabalik ay wala na akong babalikan. Wala na ang taong minsan ay nagmahal at nagpahalaga sa akin. Wala na ang taong pinapangarap kong makasama habang buhay, ang taong "PINAKAMAMAHAL KO", SI JUN...

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story