Back to stories

kwentongkalibugan.net

Window Period: Lalayo Ka Ba?

by: Chef Jeo

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
Window Period: Lalayo Ka Ba? cover image

by: Chef Jeo

"Gaano ko nga ba kakilala ang sarili ko? Tanong pa ba yun, alam ko lahat ng kasalanan ko, alam ko lahat ng mga ginawa ko, pero ang hindi ko alam, hanngang kelan ko mapapaniwala ang sarili ko na okay lang ako?" "Hey it's you again, remember ako yung nakabangga sayo sa bookstore din sa Glorieta?".. Sino nga bang mag-aakala na pwede pa lang mangyari ang ganito, kung sabagay hindi lang basta maliit ang mundo, napaka sikip pa. Tuwing papasok ako sa eskwelahan, sa jeep merong ilang pamilyar na sa akin, yung tipong pareho kayo ng oras ng pagpunta sa iba't ibang pupuntahan nyo. "Yeah, sorry about that, good thing naka tsinelas lang ako, and naka sapatos ka." Naapakan ko ata yung paa nya, nagmamadali kasi ako, lagi naman kasi akong nagmamadali eh, pero wala naman akong hinahabol nagmamadali lang. "Naku, wala yun, hindi ako nasaktan, buti na lang hindi ako ang nakaapak sa paa mo." Noong una kong makita tong lalaking to, pormal, naka dark green sleeves at slacks na grey, sa kakamadali ko nagkabanggaan kami, nahulog ang phone ko, pero buti na lang hindi nasira. Ngayon, same bookstore pero ibang branch nga lang, pero nakashorts, shirt, at sneakers naman sya. "By the way, I didn't get your name last time, my name is Alex." "My name is Jeo.." Sabay abot ng kamay… Marami akong gustong pagsisihan sa mga bagay na ginawa ko, marami akong gustong balikan, maraming gustong itama. Pero sa dami noon, hindi ko alam kung saan nga ba ako mag uumpisa. May mga taong dumadating, pero ako, umiiwas. "Alex, as obvious, I'm in a hurry talaga, sorry, I have to go." Umalis ako, umikot ikot sa mall, pumunta sa mga boutiques, nagsukat, iniisip ko kung bakit lagi kong nakikita ang lalaking yoon. Kung sya, dalawang beses nya akong nakita, ako madalas ko syang makita. Alam kong halos magkalapit lang ang tirahan nmin, madalas kaming magkasabay sa mass every Sunday, pero hindi nya ako nakikita. Naisip ko ng umuwi, hindi ako oobra sa jeep, kelangan ko na rin magtaxi, masakit na ang binti ko, at isa pa sobrang init, baka mabiktima pa ako ng heat stroke. "Hey Jeo,!!" Naku naman akala ko wala na sya.. pero sa pila, pangatlo na syang sasakay, at wala pang taxi.. kung pipila pa ako baka the next day na ako makasakay. "Hey Alex, pwede ba akong sumabay? Tinanong ko sya, sabay tabi sa kanya sa pila. "Saan ka ba, sa may Evangelista ako." Tanong nya. "Sige doon na lang din ako." Sumagot ako, pero hindi ko naman sinabi sa kanya na taga doon ako. Sa taxi nag-usap kami, nalaman ko kung anong streets sya, sinabi ko rin naman na malapit lang ako, he was insisting na idadaan na nya ako, pero I told him na mauuna sya. Mabilis lang simula MOA hanngang evangelista, sa area ni Alex mas ok kung thru EDSA pero sa akin sa BUENDIA mas ok. Nauna akong bumaba sa kanya kasi sabi ko may dadaanan pa ako noon. It was Saturday, and I was meeting my tita. The next day was Sunday, I knew it na makakasabay ko sya pagsimba, pero gaya ng dati hindi nya ako makikita. Paano? Madalas ko siyang makita tuwing communion, nakaupo lang ako or minsan nakaluhod habang sya pumupunta sa unahan para mag communion, kaya lagi ko syang nakikita, pero ako hindi naman nya napapansin. Noong Sunday, papunta pa lang ako sa church, iniisip ko na he's been so good, a good friend to be, sa isip ko lang. sa kakaisip ko hindi ko napansin na halos kasabay ko na pala sya, "Jeo, wala kang kasama, we go the same church pala noh." Sa isip-isp ko, matagal ko ng alam noh. "Wala ako kasama, bakit ikaw?" Bakit kaya tinanong ko pa yun eh for the past 4 months na nakikita ko syang magsimba lagi syang mag-isa. "Kanina wala, pero ngayon meron na, diba?" Hmmp.. kikiligin ba ako? After noong mass, tinanong nya ako kung may lakad pa daw ako after ng mass, eh wala naman talaga, inaya nya ako na maglakad lakad or pumunta sa kahit sang place. Kung sabagay mas ok naman sigurong mamasyal at maglakad lakad keysa panoorin ko na naman si Korina at si Sharon. For a change. "Bakit parang nagmamadali ka? Alam mo, kung natatakot ka sa akin, ngayon palang sinasabi ko, hindi ako masamang tao." "Alex, hindi naman ako nagmamadali noh, mabilis lang ako maglakad." "Hmmp,,, ganun? Okay, eh nung una kitang makita nagmamadali kang umalis, kahapon obviously tinatakasan mo ako!" "Hoy hindi ako tumakas noh, basta, isipin mo nga, kung pinsan kita o classmate malamang hindi kita iwan, eh hindi pa naman kita kilala nun noh, malay ko ba kung stalker kita." Sabay tawa.. "Ako magsstalk sayo? Wow Jeo, assuming ka masyado ah." "Oh sige, if I stayed sa bookstore kahapon, ano naman mapapala ko?" "Well, mas maganda sana yung start ng friendship natin kung nasa loob tayo diba, unlike sa loob ng isang taxi. Alam mo, kung hindi pa kita nakita kanina sa church, malamang, maghahanap na naman ako ng fate intervention bago ka makita ulit." Fate intervention – yun nga ba yun? So anong ibig sabihin ng taong ito, the first he saw me, he had this urge of finding me? Could this be love? -00- Ring Ring Ring. "Hello, Alex, bakit ka tumawag" "Kasi, sabi mo hanggang 1 pm lang class mo ngayon, dito na ako sa baba ng school mo. Kausap ko nga yung guard eh… kaw ha.. dami mo palang sekreto sa akin." "waah! Sira ulo.. at talagang pumunta ka pa dito, sige mamaya nalang matatapos na ako." Isa po akong culinary student sa isang culinary school jan sa makati, maliit lang yung school namin, nasa 2nd floor ng isang maliit na building. Madaling mahanap kasi nasa pagitan ng mga main streets ng Makati. "Oh sir, dito na po yung pinsan nyo ah, kanina pa yan dito mga 30 mins ago." Si Manong guard. "naku manong, hindi ko naman po pinsan yan, stalker ko po yan, tatlong araw na akong sinusundan nyan." Sabay turo kay Alex. Nagtawanan kami, pinakilala ko din sya sa ilang mga classmates ko. Wala naman kaming kotse ni Alex, pero most of my classmates may mga Honda, toyota, etc.. eh ako, tamang SARAO lang. Isa sa mga classmates ko ay pupunta ng Glorieta, kaya nakiusap ako na baka pwedeng makisabay na kami ni Alex sa kanya, kasi ang init kung lalakarin pa namin yung sakayan ng Jeep. Natapos ang araw na yun na wala kaming ibang ginawa kung hindi magkulitan, kumain, kwentuhan, at asaran.. marami ako nalaman sa kanya. Si Alex, pala, ay isang loan center franchisee.. hmp good enough para sa isang newly grad. Swerte kasi suportado ng mga magulang at ilang kapatid sa states. Si Alex, na may masakit na nakaraan, matapos umibig, nagkamali lang ng isang beses iniwan.. Si Alex, turn off sa mga promiscuous at perverted na tao.. Malinis sa katawan, matino ang kaisipan, pero naghahanap ng isang taong magmamahal sa kanya…… -00- Ngayon gabi, natatakot ako, paano kung meron akong Hepatitis B? Paano kung infected ako ng HIV? Hindi lang ito ngayong gabi, gabi gabi, oras oras, basta maiisip ko, natatakot ako.. Alam ko kung ano ang pinahihiwatig ni Alex, pag-ibig? Ano pa nga ba? Pero ako??? Hindi ko alam, hindi ako yung hinahanap nya……. Promiscuous? Oo.. may isang lugar akong pinananabikan,,, isang sinehan sa may pasay,,, May mga lalaki, naghahanap ng aliw, may bata at may matanda.. lahat sila natikman ko na ata. Ngayon, nandidiri ako sa sarili ko,,,Sa ngayon, apat na buwan na nang huli akong pumunta doon, sa loob ng halos dalawang taon, ilang beses din akong nagparaos at pinaraosan ng hindi ko naman kilalang mga lalaki. Masaya ako, maligayang maligaya, makaisa lang kontento na, pag sumobra sa isa heaven na heaven na talaga. Sa totoo lang, kaya kong kumuha ng malinis na lalaki, may pera naman ako, pero ang hindi ko lang alam, kung bakit pabalik balik ako sa lugar na yun. Matapos kung mabasa ang isang libro, OROSA-NAKPIL MALATE, marami akong natutunan tungkol sa HIV/AIDS transmission, prevention… lahat.. Nagsimula akong matakot…. Paranoid ika nga, nagsimula akong magresearch about AIDS and HIV, nagsimula akong suriin ang sarli ko kung may kakaiba ba akong nararamdaman… Naglakad lakad, tumingin sa iba't ibang mga tao, naghanap ako ng pagkakaiba at pagkakapareho ko sa kanila. Napapansin kong marami mga tao ang mapuputi ang mata, pero yung sa akin mejo may brown discoloration. From then, nagresearch ako about the difference of it from Jaundice.. Jaundice, paninilaw ng mata at ng balat. Hepatitis B… Natatakot ako, maraming tao ang may ganito, tatlo sa mga pinsan ko ang alam kong meron nito. Matapang ako noong una, kasi alam ko, complete ang vaccinations ko against Hepa. Pero bakit ganoon, ngayon ko narerealize ang mga kagaguhan ko. May mga kaibigan akong bi at bakla, pero ni minsan hindi daw nila naisip na pumunta sa mga ganoong lugar, ganun pa man hindi nila nalaman na ang dahilan nang pagtatanong ko ay dahil pumupunta ako sa mga ganoong lugar… Grabe, maski sa loob ng sinehan sa Robinson's Ermita may ilang lalaki rin akong nachupa, at ewan ko ba, kung bakit pati yung janitor dun pinatulan ko. Nasusuka ako sa sarili ko tuwing maaalala ko ang mga sandaling yun na sobrang saya ko, hanggang sa mabago ang pananakaw ko dito. Hindi pa ako nagpapakonsulta, I learned about the window period of HIV, six months ang window period nito from the time you got infected. Ang hepatitis b, alam ko killer yun. Pero hanggang kelan lalaban ang mga vaccines ko, kung 20 na ako ngayon, and I had it 13 years ago pa? Marami akong pangarap, pangarap kong maging chef abroad, pero paano kung sa medical ko madetect nila na may ganun ako? Paano ang parents ko? Paano ang mga pangarap ko? Paano ako?......... -000- "Oh, Alex, ang aga mo ah, why'd you go here?" "Wala kasi akong magawa sa bahay, may gagawin ka ba? Are you free to go out? Wala lang magpapalamig sa kahit saan na malamig." Ang agang pumunta ni Alex sa bahay, hindi ko pa nga naayos yung kama ko, kahit kape wala pa akong naiinom, buti na lang nakapagtoothbrush na ako, "Is there anything that I may offer you, coffe? Cereal…" "No Thanks Jeo," Kung sana alam lang nya na halos umaga na rin ako natulog kagabi, dahil sa paranoia ko.. Nalulungkot ako.. tinitingnan ko pa lang ang mukha ni Alex, alam ko kahit mamaya lang pwedeng pwedeng maging bf ko ang lalaking to, at isa pa nagpaparamdam naman sya. Halos isang buwan na rin kaming magkakilala ni Alex.. Marami na kaming napagkwentuhan, marami rami na rin kaming napuntahan… "Jeo, ayaw mo ba sa akin? Panget ba ako?" Nagulat ako ng nasa likod ko pala si Alex. "It's not that, kung ayaw ko sayo di sana matagal ko ng sinabi yun?" I knew from then, na ito na yung araw na hinihintay ko at araw na kinakatakutan ko. Paano ko sasabihin ang dahilan kung bakit mas gusto ko na lang mag-isa sa buhay? "Jeo, nahihirapan ako, alam kong alam mo na gusto kita at may feelings ako sa iyo, pero bakit ganoon, everytime na malalapit lang sa ganoong topic umiiwas ka na, lumalayo ka. Sana sabihin mo sa akin kung hanggang saan langa ko para alam ko kung saan ako hihinto, at saan ko ilalagay ang sarili ko…" Sa mga sinabi ni Alex, halos isubsob ko na ang sarili ko sa kamang inaayos ko. Naupo ako, humarap sa kanya…. Iba ang mukha ni Alex ngayon, he seems so tired.. parang mas wala pa syang tulog sa akin. "Hindi mo pa ako kilala, hindi mo nga alam ang mga bagay na ginagawa ko…kapag sinabi ko bang mamatay tao ako, lalayo ka ba?" Lumapit sa akin si Alex, at sinabing, "Kahit gaano kahalang ang bituka mo, hindi ako lalayo.." Isang buwan na halos officially na kaming friends, not to count the days na madalas ko syang makita. Fate intervention, yun nga ba yun? Alam ko liligaya ako sa kanya, alam ko sya na yung taong matagal ko na rin pinagarap na makasama,,, Nakakatawa.. pero ngayon na anjan na sya.. I've got one reason to stay.. away… Natatakot ako na in the end sya pa ang umiwan kapag napatunayan ko ang mga paranoia ko.. "Jeo, kahit isang chance, I know we're good friends, but don't you think we can be a better lover, … partner?" Sa mga oras na yun may mga pumipitik sa isip ko. May nagsasabing, tanungin mo kung mamahalin ka nya kapag nalaman nyang may aids ka, tanungin mo kung willing syang magkaroon ng Hepatitis B….. Nagsimula akong umiiyak, sa mga oras na yun, nararamdaman ko wala na akong karapatang magmahal,, magmahal ng isang tao alam kong madudungisan ko lang.. sumigaw na rin ako sa galit… at ang mga sumunod na oras, ako na ang namomroblema sa sarili ko. Lumapit sa akin si Alex, inakap, at tinanong kung bakit.. Alam ko sya ay gulong gulo nung mga sandaling yun…. "Paano ako magsisimula? Hah Alex? Gusto mong malaman? Lahat?" Hindi ko maigalaw ang braso ko dahil akap akap nya ako,,,, nakasubsob ang mukha nya sa kaliwang braso ko. "Alex, madumi akong tao, hindi ko alam kung anong sakit meron ako…natatakot ako baka meron akong HIV, o baka naman AIDS na yun sa ngayon, natatakot ako na baka may Hepatitis B ako…madumi akong tao… yung sinehan sa pasay, alam mo ba kung ilang lalaki na ang nagpaputok ng tamod nila sa bibig ko? Kasi ako Alex, hindi ko na matandaan kung ilan sila… paano kung isa o dalawa sa kanila may Hepa? Paano kung isa sa kanila may AIDS….." Umiyak na ako ng umiyak,,, halos matakpan ng luha ang buong paningin ko… sa mga pagtangis kong yoon, kasama ang panalangin, ang paulit ulit kong dasal na sana hindi ako magkaroon ng mga sakit na yoonn…. "Sabihin mo sa akin, mamahalin mo pa ba ako? Mahal mo pa ba ako? Pag sinabi mong oo hindi ako maniniwala sa iyo, dahil matapos kung marealized ang mga yun, pati ako Alex hindi ko na alam kung paano ko mamahalin ang sarili ko… Umalis ka na… Umalis ka na…." Hindi umalis si Alex, naririnig ko umiiyak din sya,, tumayo ako, nakaakap pa rin sya sa akin, Gustong gusto kong mawalan ng malay noong mga oras na yun, at sana pag gising ko wala na si Alex.. wala na sya… "Jeo, hindi mo pa naman sigurado diba?" Tuimgin ako sa kanya. "Bakit gusto mong kumpirmahin ko, gusto mo bang pumunta ako sa doctor para kumpirmahin nya ang hinala ko? Tapos ano, para malaman mo ang gagawin mo, pag positive ako mawawala ka?" Bumitaw sa pagkakaakap nya sa akin sa Alex, humarap sya sa akin, "Pero Jeo, ikaw lang ang nagsasabi nyan, paano kung mali ang hinala mo, oo alam ko guilty ka dahil sa mga pinaggagawa mo, pero alam ko nagbago ka na diba.., sasamahan kita sa doctor, kasama mo ako, mas maraming bagay akong minahal sa iyo, at hindi yun mawawala dahil sa Hepa at Aids na hindi mo naman alam kung meron ka talaga.." Natapos ang diskusyon namin, nailabas ko lahat ng takot ko, mga pangamaba na ilang buwan ko ng kinikimkim sa sarili ko. Mabait si Alex, mabait na kaibigan, alam ko mahal nya ako, pero hanggang dito lang muna..Napagkasunduaan namin na magpapatest ako the next day for Hepa b…. "Alex, whatever the result is, sana anjan ka pa rin…" Nakakapit ako sa mga braso nya habang nakasakay sa elevator papunta sa medical clinic na pinagdalhan nya sa akin somewhere in Makati. Aside from Hepa B, kinuan din nila akong iba pang specimen for other routine examination. Natatakot ako, tinanong ng doctor ang dahilan ko at sinabi ko lahat sa kanya. Isa sa mga nurse doon, lumapit sa akin, he prayed me over.. Naiiyak ako, hindi ko alam kung tatawag ba ako sa Diyos, ganoong alam ko naman na hindi ko dapat pinaggagawa ang mga bagay na yoon… "Alex, ikaw na lang kumuha ng result bukas, itext mo na lang sa akin yung resulta, hindi ko kayang tanggapin ang isang bagay na buong buhay kong pagsisisihan…" "Jeo, im sure negative yun, trust in God, God is good all the time." -0000- Bukas malalaman ko na ang kahihinatnan ng mga kasalanang ginawa ko, bukas mababago na ang buhay ko, Panginoon, tulungan nyo po ako, tinataas ko ang sarili ko sa inyo, ang puso ko, ang buhay ko, at ang aking kaluluwa….. -00000- 3:00 PM I message received: Got your result, Im on my way to your place. 5:30 PM Sobrang tagal, dapat dumating na sya… sa mga sandaling ito, takot na takot na ako, malamang positive ako at naisip nyang magpakalayo layo na. Sa sobrang lungkot at sakit sa dibdib, nakatulog na langa ko… "Jeo, wake up.. dito na ako, wake up" Pagmulat ng mata ko nakita ko si Alex, hindi sa mukhang inaasahan ko.. may ngiti.. may saya… "Jeo, I told you, negative ka…" Sa sinabi nyang yoon, halos mapatulon ako sa tuwa, kinuha ko yung results, binasa ko, at napaakap ako kay Alex, "Salamat. God, indeed, is good." "sabi ko sa yo?" Paglabas ko ng kwarto, may cake, may flowers, at may balloon,, kaya pala sya natagalan. "Alex, kung nag positive ba ako, lalayo ka ba?" "Hindi, lalo akong lalapit….." "May isa pa tayong test, HIV/AIDS…hindi pa tayo nakakasiguro…" "Basta ako sigurado na ako sa iyo"….Sabay akap at halik sa akin… -- Safe sex? Alam mo ba yun? Importante yun.. hindi puro libog lang.. kailangan mag ingat ka din… Isang taon na kami ngayon ni Alex,, tapos na rin yung window period ng HIV/AIDS… negative ako… yung sinehan matagal ko ng hindi nakikita at wala na akong planong balikan… Si Alex na lang… Positive man o Hindi… alam ko.,.. hindi na sya lalayo….

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story