Ulan
by: Stoic
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: Stoic
"Pano pag ipagpalit mo ako sa babae?" biro niya, "Eh pano kung ganon rin gawin mo sa akin, cge nga?" sabi ko, "Basta pag nangyari yun... hindi ko maisip kahit na I know it would be possible. Kase bakit ako maghahanap ng iba, mapababae man or lalake, eh na sa iyo na hinahanap ko at binibigay mo... unconditionally and without anything in return" napatahimik na lang ako at pasimpleng nginitian siya sabay hawak sa kamay niya ng sobrang higpit ng para bang hindi ko na bibitawan. I can't tell kung pano nangyari na naging ganito ako, I mean falling for a guy and actually accepting myself as gay samantalang mga pinagagagawa ko sa buhay eh taliwas sa pagiging bakla. Just call me, Jake. And my story begins one day when... Pagkatapos ng class ko every MWF, mga 4:30 nun. Didiretso ako sa smoking area ng school which is sa tapat ng Chowking sa tabi ng school mismo, sabay sabay kame ng mga kaibigan kong mag-yosi... Bonding time kung baga. I was a freshman college that time, and maski bagong salta pa lang ako sa college sa isip ng iba eh alam ko na buhay college. Second course ko na yun, masasabi mong angat buhay namin kumpara sa iba. Nag-aral ako ng culinary arts sa ibang bansa pero hindi ko ito tinapos dahil sobrang pressured mag-aral sa ibang bansa knowing na kayod marino ka sa pag-aaral. Gaya ng pagsisikap ng nanay kong mapag-aral ako. Mga 1 taon lang akong nag-aral sa australia sa aking napiling kurso, ang ginawa ko para makatakas sa buhay sa abroad eh sinabe ko sa nanay ko na magbabakasyon lang ako sa Pinas. Pero nag-apply na ako sa mga magagandang kolehiyo at natanggap naman ako, at nabalitaan na lang ng nanay ko na nag-enrol na ako. Kahit papano, ate ko naman ang sumustento sa akin nung mga panahong iyon dahil hindi ko sinabe sa nanay ko at alam kong hindi niya ako padadalhan ng pera. Di nagkalaon, naging okay naman sa nanay ko yung naging sitwasyon ko sa dahilan na alam niya naman na seryoso ako sa pag-aaral at nakita naman niya yun. Yun nga lang, masyado talaga akong napressure na mag-aral sa ibang bansa. Pagkatapos ng yosi session with friends, uwian ko na nun. Syempre block section pa kame that time kase freshman so lahat ng barkada ko wala na ring klase. Usually, tatambay kame sa condo ng bestfriend ko sa tapat lang ng school. Or minsan tambay sa starbucks para magkwentuhan or kung ako lang, aral to the max ika nga or magbasa lang ng libro. Hilig ko kaseng mag-basa on my spare time. Nung araw na yun, tumambay ako sa tinatawag naming airport ng school. Para bang yung tipo ng arrangement ng mga upuan eh tulad sa ospital na tabi-tabi oh mismong tulad sa airport. Iyon yung tambayan ng mga estudyanteng naghihintay ng sundo, or wala lang... tambayan kung baga. Ang ginawa ko, dun ako tumambay since maaga pa kung umuwi na ako. May date kase yung bestfriend ko at nung girlfriend niya kaya hindi kame tumambay sa condo niya at umuwi na rin iba kong kabarkada that time kaya ako naiwan sa school. So umupo lang ako dun sa airport at nagbasa ng libro, dahil ayoko sa library at sobrang lamig ng aircon. Saktong pagkaupo ko sa airport, sabay na tumabi sa akin ang isang matangkad na lalakeng nakacap, naka fit na black shirt, nakashorts, nakarubber shoes, nakabackpack na semi-kal yung buhok. Hindi ko siya masyadong pinansin, masyado kase akong busy sa pagbabasa ng libro. Nag-side glance lang ako sa kanya at hindi ko siya masyadong kinilala pa. Paglipas ng isang oras, bumuhos ang sobrang lakas ang ulan. Sabi ko sa sarili ko, pano ako uuwi niyan eh hindi ako nakadala ng payong. Inisip kong magpahupa na lang muna ng ulan sa school since mga 6:30 pa lang naman nun. Mga 9:30 pa naman magsasara MRT. Naisipan kong lumabas at magyosi muna dahil sobrang lamig, mahina kase resistensya ko sa dampi ng lamig sa katawan. Onting baba lang ng temperature, nangagatog na ako. Maski bumubuhos ulan, sumugod pa rin ako papunta dun sa Chowking sa tabi ng school. Nakahanap ako ng pwesto, sabay kuha ng yosi at sindi...hithit then buga. Nakatingin lang ako sa madilim na ulap sa rumaragasang ulan, sabay buga ng usok. Nagulat na lang ako ng biglang may umubo sa harapan ko. Hindi ko naman namalayan na yung lalakeng katabi ko pala yun sa airport. Tumabi siya sa akin, nagyosi rin tulad ko. Hindi ko siya masyado pinansin, parang isang estangherong kasama sa isang lugar dahil sa iisang hilig namin which is ang manigarilyo. Then he approached me, na yun naman ay aking ikinagulat. Sabi niya, "You left your book in the chair at the airport." agad kong namang sagot, "Thanks." Sabay tapon ng yosi at balik sa school at dumiretso sa airport. Masasabi mong suplado akong tao which is totoo nga naman, ako yung tipong hindi namamansin ng hindi ko lubusang kilala. Pagkaupo ko sa airport, hindi na ako nagbasa ng libro. Baka kase maiwan ko pa. Ang ginawa ko eh nagtext na lang ako sa ate ko na pauwi na ako at nagpalipas lang ng ulan. Pagkapasok ko ng cellphone sa pocket ko, biglang dumaan sa harap ko yung taong nagsauli ng naiwan kong libro. At binigay yung lighter ko, sabi niya... "Dude, you left something again." Sabay tawa na may halong pang-aasar, "Talaga bang burara ka?" Hindi ako nagsalita at dalidaling kinuha yung lighter sa palad niya na may halo ng emosyon ng pagka-inis. Bigla siyang nagbulalas ng, "At suplado ka pa, sinauli na nga lighter mo eh hindi ka man lang magpasalamat." Sabi ko, "Let my first thank you equate with you returning my book to me, once is enough and twice is too much. I accept myself as being stupid kaya I left something for the second time. Yun lang." Bigla siyang natawa at sabi niyang, "Iba ka rin...astig sagot mo ah." Sambit ko naman, "Hindi naman, minsan lang pag-feel kong mamilosopo. Swerte mo at in the mood ako ngayon." Sabay tawa. Nagulat ako sa bigla niyang sabi na, "Patulong naman sa Manalog... pabagsak na kase ako dun. Alam kong ikaw pinakamatalino sa class natin dun, cge na pls... I'm begging you." Sabi ko naman, "Ha! Ano! Kaclassmate ba kita, eh wala naman akong natatandaang classmate kita dun ah!" Sabi niya, "Magkclassmate tayo, ako palagi yung late dun sa class kaya sa pinakadulo ako nauupo. Madadrop na nga ako this coming mid-term pag hindi ako nakakuha ng 90% sa exam." Sabi ko naman, "Ah ikaw siguro yung palaging nakacap na irregular student. Hindi kase kita namumukhaan. Palagi kaseng nakatakip mukha mo pag dumadaan ka sa harapan. O cge, I can tutor you. When ka ba available?" Ako kase pag MWF lang ako hindi busy. Tuesdays and Thursday schedules ko, eh hectic talaga sa mga araw na yun." "Ah ganon ba, o cge... MWF tayo, pagkatapos ng lang ng class mo ng 4:30. Mga isang oras lang siguro okay na, masyado naman akong sagabal nun sa iyo." Pagtataka kong narinig. "Pano mo nalaman schedule ko, stalker kita?" natawa siya sa sinabi ko. "Hindi, nalaman ko kay Bong. Yung bestfriend mo, pareho kase kaming nasa varsity ng basketball ng school." Sabi niya. "Ah ganon ba, gago yun ah... hindi nagsasabi sa akin. Mamaya kinakwartahan ka na nun." Sabi ko. "Hindi naman. Andami nga niyang sinasabing good things about you na matalino ka raw at kung ano ano pa. Teka, ano pa lang arrangement natin... I mean, magkano ba gusto mong payment? P500 pesos per hour pwede na ba yun?" sambit niya. "Hindi...ayoko..." bigla kong sagot. "Ah, o cge P750 na lang... pumayag ka na." Namamakaawa niyang request "Ayoko nga..." nakasimangot kong sagot. "Grabeh ka naman, ang mahal mo naman maningil. Tuturuan mo lang naman ako sa lintek na subject na yan." Makulit at galit niyang bulalas. "Hindi... ah, eh... kase ito... ang ibig kong sabihin eh ayokong tumanggap ng pera. I'll do it for free if you like." Sabi ko. "Wow ang bait mo naman, pero hindi rin naman ako abusado at papayag na hindi kita bayaran. Cge eto na lang, sinabe rin kase ni Bong na baka nga hindi ka tumanggap ng pera. Well, nasabi niyang taga pasig ka daw actually taga dun rin ako. Hatid na lang kita sa inyo. Sabay na lang tayo umuwi. Okay lang ba iyon sa iyo?" Sabi ko, "Sure... free ride. Pwede na...Kaya lang wag mo akong sisingilin sa gas ah. Gago ka, ibagsak kita sa Manalog makita mo. Turuan kita ng mali." Natawa siya sa sinabe ko at napangisi rin ako, "Wag naman, ikaw na nga lang pag-asa ko dude. Your actually my lifesaver alam mo ba yun!" Sagot niya. "Hindi, hindi ko alam yun... thanks for telling me though." Sabay kameng natawa. "Wow, kwela ka palang kasama. Akala ko palagi kang seryoso, suplado, seryoso at suplado. Tao ka rin pala." Sabi niya. Ang sagot ko,"Ay, bago ito. May kalbong bolang kristal sa harapan kong nagbibiro." napansin kong tumigil na ang ulan at nagpaalam na ako sa kanya, "Well, gabi na... sinayang mo dalawang oras ng buhay ko at magsasara na MRT kaya I have to make haste." Sabay tayo ko at hinanda ang aking mga gamit. "Teka, hatid na kita. Pauwi na rin ako. Sabay na tayo. Oh wait, I haven't introduced myself. I'm Jeremy by the way." "I'm Jake", sabay ngiti at nag shake hands. Nung papunta kami sa kotse niya, hindi ko lubos maisip kung gano ako kadaling nakasunduan ng loob si Jeremy, kung tutuusin mga isang school term rin bago ko naging close si Bong at halos lahat mga kablockmates ko dahil sa sobra kong tahimik. Wala akong pinapansin, ika nga ng aking kabarkada akala daw nila eh patay daw ako na bata. Isang geek na walang ginawa kung hindi mag-aral, pero loko-loko at gago rin pala daw ako nung lubusang nakilala nila ako. Hindi nila inexpect na asa loob ang aking kulo. Kase naman, ang ginawa kong purpose na pagpunta sa school eh mag-aral lamang. Pero narealize ko rin na "No man is an island..." na kahit anong gawin ko eh hindi ko maititiis na hindi makisalamuha sa iba lalo na't natural akong madaldal na tao. Pagpasok ko sa kotse, nagulat ako sa kanyang sinabe kase nag-aya muna siyang kumain dahil nagugutom na daw siya. Sabi ko, okay lang since baka ligpitan na naman ako ng pagkain ng mga katulong dahil baka akala nila eh hindi na ako kakain. So pumayag naman ako, sabi niya kain daw kame sa Greenbelt. Ang nasa isip ko, eh "Gago ito ah, mapapagastos pa ako sa hindi oras.". Kasya lang kase ang pera ko sa pag-commute kaya problema nga kung sa mamahaling restaurant kame kumain. Ng may nadaanan kaming McDonalds sa Makati eh bigla akong nagmungkahi ng, "Ayan oh may McDonalds. Diyan na tayo kumain..." pasimpleng excuse dahil wala na akong pera. "Eh, sawa na ako sa McDo, puro McDo na lang kinakain ko sa Taft. Sobrang nasusuka na ako dude." Wala naman akong nagawa kung hindi sumang-ayon na lang dahil siya ang nag-dridrive. Nagpark siya at nauna siyang bumaba sa kotse. Nag-aalangan akong bumaba dahil naisip kong mapapa- widthraw ata ako sa atm nung gago. Pagbaba ko sa kotse, sinabi kong pupunta lang ako sa toilet kunyare pero maghahanap talaga ako ng atm machine. Pero nahalata ata niyang sa iba akong direksyon pupunta, hindi ko naman kase masyadong alam ang Greenbelt. Bigla niyang sabi, "Don't worry I'll treat you dude." Sa kapalan ng mukha ko dahil libre nasabi kong, "Ok fine... ako pa, aayaw sa libre. NAMAN dude! Ok, go!" natawa siya sa aking sinabi. The whole time na asa restaurant kami, tanong siya ng tanong ukol sa aking buhay. Sa bakit yun daw ang aking napiling kurso, asan na daw magulang ko, pano ko daw naging bestfriend si Bong at kung ano ano pa. Sinasagot ko naman ng walang alinlangan ang mga tanong niya at aking ikinagulat na sobrang kong daldal sa harapan niya at sobra naman niyang tahimik na pakiramdam ko eh naiirita na siya sa sobrang pagiging outspoken ko. Sabi ko, "I'm sorry if I'm so talkative in front of someone whom I've just met. Since you would be my student then let us see it as a teacher-student professional relationship. Hahaha!" "Wag ka mag-alala... your stories are amusing. Your not a bore as I would have imagined you to be." "Bakit naman ako boring, gusto mong masaktan...sabihin mo lang." Patawa kong mungkahi. "Eh kase, sobra mong tahimik sa class. Sobrang seryoso, unapproachable, unfriendly, palaging nakasimangot. The only thing I know about you is that you are really smart. Honestly, I've never seen you smile. Ngayon lang." "Ganon talaga ako, I barely show any emotions to other people... I keep my private life as it is. Since you're my student, you don't have anything to worry about me being a snob." Seryosong kong mungkahi na may halong patawa. "Talagang student tawag mo sa akin ah..." sabi niya. After the dinner and our intimate conversation, hinatid niya ako sa bahay at nagapasalamat ako ng lubusan. Sabi niya, "Thanks for the date dude." Ikinagulat ko naman sa kanyang sinabi kaya nagbulalas ako ng, "Anong date?" "Date... Diba sabi mo, Teacher-Student Relationship. Hahahaha" Sabi ko, "Gago... umuwi ka na... para kang timang." Nung mga sumunod na araw tuwing Mondays, Wednesdays and Fridays eh tinuturuan ko siya ng Manalog sa library. Yun kase yung Philosophy subject ng school namin. Araw araw rin niya akong hinahatid pauwi. Pagkatapos ng practice nila ng varsity pagkatapos ko siyang I-tutor, tumatambay ako sa starbucks at nag-aaral. Tapos I tetext niya na lang ako na tapos na daw practice nila at uwi na daw kame. Pag hindi niya ako masusundo eh sa text niya rin ako sinasabihan, pag hindi rin naman ako sasabay eh sa text ko na rin sinasabi. Naging ganun ang buhay ko for the whole third term. Nagmistula ko siyang chaperone at ako naman eh parang professor niya. Dumating ang summer break at natapos na ang aming kontrata ika nga, nagpasalamat siya ng lubusan kase nakapasa siya sa subject na yun dahil daw sa tulong ko. Ako naman kahit papano, eh nalungkot dahil naging close na rin kame pero I never expected na that was just the beginning of everything good to come. Bawat araw kase, naging diary niya ako sa buhay niya. Minsan nababatukan ko pag tinututor ko siya kase siya yung makwento at ako naman, feeling professor talaga eh seryosong magturo... walang kaibigan kaibigan kumbaga pero hindi ko naman minsang hindi matiis na hindi magcomment kaya nagiging diskusyon tuloy ang aming tutorial session. Nung dumating ang bakasyon, sinabe kong magbabakasyon ako sa Australia, kinagawian ko na kaseng bisitahin nanay ko sa abroad. Either magpart-time job sa shop niya or singilin siya pag nililinis ko bahay. Hahahah! Para may kita ako sa bakasyon at working experience na rin tutal angkop naman yung business niya sa kursong kinukuha ko. Sabi ni Jeremy bago natapos ang third term eh sana hindi magbago ang aming pinagsamahan. Para ko na kase siyang nakatatandang kapatid. Incoming third year siya sa padating na pasukan, ako naman incoming sophomore. Nung dumating ang pasukan sa taong iyon, sinalubong niya ako ng sandamakmak na regalo tulad ng sapatos, bag, wallet, at kung ano ano pa galing sa states. Hindi niya sinabeng nagbakasyon rin pala siya sa magulang niya. Sabi ko sa kanya, wala naman akong pakialam sa regalo, nakakahiya nga kung tutusuin. Nagoffer ako na babayaran ko na lang kase mga de-signature items at clothes pa yung mga binili niya sa akin. Pero sabi niya, wag na daw. Kaya nga daw naging regalo ang sinabi niya at hindi pasalubong dahil hindi naman daw ako nagpabili or nag-iwan ng habilin sa kanya para maging mga pasalubong ito. Na-touch naman ako sa ginawa niya kaya sabi ko, "Cge, kung may problema ka sa mga back subjects mo eh tulungan kita." Sabi naman niya, "O cge, salamat talaga. Parang mahihirapan kase ako this year, sobrang bigat ng mga major subjects ko. Tambak pa sa practice sa varsity. Thanks talaga dude." Nung first term nung taong yun, tinulungan ko ulit siya sa isang subject niya maski walang kapalit. Hindi na akong pumayag na sumabay sa kanya pauwi dahil nakakahiya na at naiilang ako na kasama siya sa kotse. Medyo wala akong ka-alam alam sa subject na yun kase major niya. Eh malayo ang kurso niya sa kurso ko. Pero inintindi ko yung subject niya na yun para maturo ko naman sa kanya ng lubusan. Isang hapon, pagkatapos ng klase ko... bumuhos ang ulan. Galing ako sa isang computer shop malapit sa school para magpaprint ng requirements ko. Narealize ko na magkikita na nga pala kame ni Jeremy nun sa library para sa tutorial niya, kaya ako napilitang sugurin ang ulan. Syempre, dala ng sobrang katangahan eh nabasa mga libro ko. Hindi naman yung mga libro para sa mga subjects ko pero yung mga librong binabasa ko sa spare time ko. Hindi ko kase nilalagay sa bag ko yun, palagi ko siyang hand-carry kaya nabasa ng ulan. Pagdating sa library, nakita ko si Jeremy na nagbabasa ng diyaryo. Pinatuyo ko muna sarili ko sa aircon, nag wisik sa sariling pagkabasa bago ako tumungo sa kanya para magsorry na nalate ako. Sabi niya, "Bakit ka sumugod sa ulan?" Bulalas ko naman,"Eh kase malalate na ako. Usapan natin 5:45 PM... anong petsa na. Mga mag 6 PM na kaya. At alam ko may practice ka pa ng basketball mamayang 7 PM. Baka hindi tayo matapos niyan." "Okay lang yun dude, wala kaya si Coach ngayon eh tinatamad akong magpractice. Kaya maski hanggang 8 PM tayo dito okay lang." Sabi niya. "Sure ka... gago ka talaga tatakasan mo na naman practice niyo. Wala ka talagang kwentang captain ball ng varsity nyo!" "Eh syempre mas importante ang studies no." sabi niya. "Bahala ka..." sabay upo sa silya, sabay lapag sa mga nabasang libro. Napansin niya ang mga nabasang libro at sabing, "Bakit ka kase sumugod ka sa ulan, ayan tuloy nabasa ang dahilan kung bakit ka nabubuhay.!" Sabay tawa. "Sira, okay lang yan... basta readable yung text okay na yun. Bakit ka ba nangingialam... mag-aral ka na nga, sinasayang mo oras ko. Walang kwentang captain ball." Seryosong sabi niya ng, "Hindi na nga ako magprapractice para lang makasama ka ganyan ka pa!" "Anong sinabe mo?", pasigaw kong sabi. "Wala wala... sabi ko, turuan mo na ako. Diba nasasayang oras mo dude, why don't we start na. Nagugutom na rin ako, treat pa kita dinner later." "Ay, galante... mapera ka ata ngayon." Sabi ko. "Hindi naman masipag ka kaseng turuan ang isang mangmang na tulad ko." Sabi niya. Patawa kong sinabi na, "Wow ang deep..." Hindi mawala sa isip ko nung gabing yun ang sinabe niyang hindi na daw siya nag-atend ng practice nila para lang makasama ako. Pero sinabe ko na lang sa sarili kong, "Nagbibiro lang yun... wala yun." Nung sumunod na tutorial session namin, binigay niya sa akin ang mga bagong libro na binili niya kapalit daw ng mga nabasang libro ko dahil sa aking pagmamadali nung nakalipas na mga araw. Ako naman ay namangha dahil hindi ko ineexpect na bilhan niya ako. Sabi niya ulit, isipin ko na lang na regalo daw niya yun para hindi ako makonsensya. Napangisi na lang ako sa sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. --- Magfifinals na nun nung first term... as usual, nagpapaturo na naman siya sa akin. Nagpaubaya naman akong turuan siya kaya mas maaga akong nag-aral ng mga lectures ko for the upcoming final exam. Inaya niya akong pumunta sa bahay nila at dun na lang daw siya turuan since isang jeepney ride lang naman ang layo ng bahay nila sa amin. Nagoffer naman siyang sunduin pa ako sa bahay pero hindi ako pumayag, nakakahiya naman kase yung ganon. Laking gulat kong makita ang mapalasyo nilang bahay with a matching swimming pool, tennis court and basketball court pa sa loob. Hindi ko inakalang sobrang yaman nila. Low profile lang naman kase ang dating niya sa akin pero alam kong may kaya sila. Hindi ko lang inexpect na todo mega yaman sila to the highest level. Pagdoorbell ko, sumalubong sa akin katulong nila. Pinapunta ako sa dining hall kung saan nakahanda ang putaheng sobrang dami na parang may fiesta. Nakita ko si Jeremy, bitbit ang Caldereta at nilapag sa dining table. At home na at home ang hitsura niya kase naka boxer shorts lang siya at sando. Mga saktong mag 1PM pa lang nun; sabi ko sa kanya, "May party? Anong meron... bakit ang daming food. Ikaw nagluto?" Sabi niya, "Oo... hinanda ko yan for you since nalaman ko kay bong na magaling ka daw na chef. Nakakahiya naman kase mga pinoy foods lang alam kong lutuin. Hindi ako humingi ng tulong kina Manang ha, for your information. Baka kase sabihin mo, I'm taking credit for the food served." "Hindi naman, I believe you kahit may konting pagdududa. Hahahaha." Pabiro kong sabi. "Ang sama mo, kanina pa akong mga 8AM niyan nagluluto since alam kong darating ka." Sabi niya. "Ang weird mo talaga, bakit naman kase kelangang maghanda pa. Ano ito gathering. Putcha maski patay gutom ako eh, hindi ko kayang ubusin ito lahat. Feeling mo sa akin, vacuum? Gago ka talaga. Pero thanks for the effort ah. Hindi ko alam na marunong ka magluto." "Oy hindi naman, nahiya lang ako sa iyo." Sabi niya. "Parang dinner date ah, may kandila pa talaga. Hapon pa lang, may nakasindi na agad na kandila. May lamay ba, sabi ko na nga ba kaya ka nagluto ng maraming pagkain." "Loko ka talaga. May candles kase... special today. First time mong makapunta sa bahay namin right." Patawa niyang sinabe. "Oo nga eh, nalula ako sa laki ng mansion niyo. Pakidnap na kaya kita. Teka... so ibig sabihin, pag first time kong manglibre sa iyo ng lunch or dinner eh kailangang may kandila pa. Baka masunog pa bahay niyo sa ginagawa mong yan. Tara patayin na natin, at mukhang mamahalin pa yung mga kandilang sinindihan mo, gago ka talaga." Dali-dali akong pumunta sa table para hipan ang kandila ng sabi niyang, "Uy, ano ka ba...wag... wag mong patayin... special nga today ang kulit mo. Subukan mong patayin hindi kita papakainin." "Ah okay fine, may sinabe ba akong papatayin kandila... Go ahead, magsindi ka pa. Tulungan pa kita." Natawa na lang kame sa aking mungkahi. We had lunch together, and medyo awkward ang scenario sa akin dahil first time na may naghanda sa aking ng food na ganon kadami sa wala namang espesyal na okasyon. Nagulat ako ng may biglang boses ng batang babae ang sumalubong sa akin, "Daddy... I miss you. You cooked my favorite foods. Love you po talaga." Tumayo si Jeremy sa kanyang inuupuan at inakap at kinarga ang batang babae, syempre obvious naman na anak niya yun. Sabi ni Jeremy sa kanyang anak, "Oh sweetie, meet uncle Jake. He is a close friend of your dad." Ako naman ay napatigil sa pagkain at napangiti sa bata ng may halong pagtataka. Sabi ko kay Jeremy, "Wow, may anak ka pala." Napatango na lang siya sa aking mungkahi. Kumain ako kasama anak niya, nakikinig lang ako sa kwentuhan ng mag-ama. Halata kong bibo ang bata, at maganda ang pagapapalaki ni Jeremy sa kanya. Pagkatapos kumain, tinour ako ni Jeremy sa kanilang buong bahay, at hindi ko mapigilang magtanong ukol sa kanyang anak, "So when did you have your child? I guess she is 8 years old if I'm right." Sabi ko, "Hindi, she is just 6 years old. I had her when I was 14, syempre out of curiousity kaya ako nakabuntis. The girl was in college at that time. Hindi naman love ang nangyari, parang sexual attraction lang kaya ko siya nabuntis. Hahahaha. You could say that curiousity killed the cat." Patawa niyang sinabi. Nagulat ako dahil walang-alinlangan niyang sinagot ang komplikadong tanong ko. "So asan na yung mom niya?" sabi ko, "Her mom is in Europe she was already in college that time. Pagkatapos niyang manganak sa bata. Kinuha na agad ng parents ko and her family and my family agreed na kami na mag-aalaga sa bata. She was not ready to be a mother and my parents are so into having an apo. Ako lang kase only child. Kaya si Trish, hindi siya lumaki sa akin. She grew up with her grandparents." Natanong ko bigla kung asaan ang kanyang mga magulang, sabi niya na asa abroad daw sila. Siya na daw ang nagmamanage ng company nila at his age with the help of his uncle. Sabi kase ng dad niya, his father managed the company at the same age as he is. Sinabi kong nakakamangha siya kase nakuha niyang mabalance lahat ng oras niya, pati schooling, family time at the same time yung pagiging basketball player niya. Sabi niya na against na against daw dad niya sa pagbabasketball niya, sagabal lang daw yun sa kanyang pag-aaral kaya niya pinipilit na mabalance ang kanyang hilig sa kanyang studies. Natapos ang first and second term ng hindi kame masyadong nagkikita. Nung second term kase, masyado kameng naging busy sa aming majors. Nung dumating yung Valentines Day, tyempo yun na third term ng school year. Meron kaseng mini booths sa school ng mga students and different orgs. Yung iba, pwede kang bumuli ng different sets of flowers or bouquet of flowers sa crush mo sa school or crush sa kabilang campus. Yung racket ng iba, harana naman sa crush mo or coming from your secret admirer. Nakarecieve ako ng 5 roses, 2 bouquet at 3 harana sa iba't ibang class ko. Tumambay lang ako sa cafeteria eh may nagbigay na sa akin ng bulaklak. Ilang na ilang ako nun pakatapos ng buong araw, kinantyawan na ako ng barkada ko. Sabi nila, "Hayop ka pare, ibang alindog mo sa chicks... ilan kaya diyan sa nagpadala mga bading. Teka, magkano ba bayad mo sa kanila para padalhan ka ng bulaklak at haranahan ka. Sana ginawa ko rin yun sa sarili ko this year." Naiirita na ako sa kanila kase naglalakad ako sa campus ng may daladalang bayong na dinonate ng babae kong kabarkada para paglagyan ng mga bulaklak at kung ano ano pa, eh tadtad pa sila ng hirit. Wala na lang akong magawa kung hindi makitawa sa kanila. Pero ang pinakagulat ko ng araw na yun, tumambay ako sa starbucks at syempre iniwan ko yung mga bulaklak sa condo ni Bong. Pagkaupo ko, eh nagulat ako sa pagdating ni Trish na may daladalang flowers at binigay niya sa akin. Asa likod niya si Jeremy, nakangiti lang sa akin. "How nice of you Trish, why do you have to give me flowers. I'm not a girl, flowers should be given to girls like you. Did your dad give this to you this Valentines?" sabi ko, "Nope, papa said that you don't have any date this Valentines Day that's why he said that why don't the three of us have a Valentine's Dinner altogether. Cge na uncle Jake." Napatingin na lang ako kay Jeremy ng may halong pagtataka, sabi ni Jeremy "Wala akong sinabe, it's her idea. Alam ko namang loveless ka. Kaya why don't us single guys celebrate Valentines together." Napa agree na lang ako despite sa aking pagaalangan, dahil mapilit rin si Trish at kinokonsensya naman ako ni Jeremy na minsan lang daw ang Valentine's day sa isang taon. Umuulan ng gabing yun, kaya medyo baha na yung ibang area na dinaanan niya papunta sa dinner date namin kasama ang kanyang anak. Pero siya yung nagmapilit na nagpareserve na daw siya at sayang naman yung araw at event. Pagkatapos kumain, hinatid niya si Trish sa bahay ng uncle niya dahil magfifishing daw sila bukas ng kanyang uncle at siya naman ay susunod na lang daw. Pagkahatid kay Trish, natraffic kame dahil sa baha. Mga isang oras kame nung asa kotse, hanggang nakarating kame sa bahay at nahatid niya ako. Makalipas ang mahigit 30 mins, nagulat ako ng may nag bip-bip na kotse sa harapan ng bahay. Sabi ko, "Bakit hindi ka pa umuwi?" "Eh sobrang baha sa entrance ng village niyo! Hindi kaya ng kotse, papasukin na ako ng tubig ulan sa loob. Can I stay here for the night?" Sabi niya. "O cge, dito ka muna matulog sa bahay." Pinapasok ko siya sa bahay, sabi ko "Sorry ha, our house isn't as big as yours. We don't have a pool nor a tennis court. Haha, but I consider this home. Home sweet home." Papunta ako sa kitchen nun para kumuha ng toilet para ibigay sa kanya ng sabi niya na "Ano ka ba, ang cozy and comfortable nga ng house niyo. Where's your sister pala?" "Ah, baka sa boyfriend niya yun magstay tonight. Si dad naman kase, palaging wala sa bahay. Kaya I've gotten used to me being alone in the house with all the helpers." Sabi ko. Nagtungo siya sa music room at nagbulalas ng,"Wow! You have a grand piano in your music room. Do you know how to play?" "Yup, I've studied playing the piano since I was 4. My dream was to become a pianist. But then, things change." "Cge nga, tugtugan mo ako please. Pretty pretty please!" Tinugtugan ko siya sa sandaling iyon, hindi ako sanay na tumugtog pag may ibang taong nakatingin sa akin. Kaya puro mali mali yung natutuldok ko sa piano. Sabi ko sa kanya, "Wag kang titingin, hindi ako sanay na may tumitingin sa akin. Dun ka sa likod ko, sagabal ka sa aking concentration... hampas lupa!" Patawa kong hirit sa kanya. Sabi niya, "You should never hide your talents, pano ka masasanay niyan." "Eh, sorry pero hindi talaga ako sanay. I'm camera shy talaga. Cge na please kung ayaw mong ihampas ko tong buong grand piano sa mukha mo." Medyo seryoso ngunit pabiro kong sambit. Pumunta siya sa likod ko habang tumutogtog ako, tinapik ang aking balikat. He gently grabbed my chin looked into my eyes in a soft and gentle manner. At siya'y nagsabi ng "Open your eyes, bakit ka nakapikit. Ayaw mo bang, may tumitingin sa iyo while you are doing something you are good at. Here, tatabihan pa kita para mawala pagiging shy mo." Bigla akong tumayo sa silya ng piano, pumunta sa may kitchen at napabulalas ng, "Pag-akyat mo sa taas, go straight ahead. You'll see the guestroom. Punta na lang ako sa kwarto later ihatid ko yung pangtulog mo." Sabi niya, "Ah, okay... cge I'll take my shower muna upstairs." Sabay akyat niya sa hagdanan Lumabas ako at pumunta sa garden, at nagyosi. Pagkatapos eh hinatid ko yung damit sa guestroom, nakatapis lang siya ng twalya at kakatapos lang maligo. Pansin ko ang ganda ng hubog ng kanyang katawan, ang malaporcelana niyang balat sa puti at halatang siya yung tipong maalaga sa katawan. Sabi niya, "Wow, alagang alaga pala ang guestroom niyo." Sabi ko naman, "Ah oo... kase yung sister ko palaging may bisita kaya dito niya pinapatulog yung mga kumag. At pag nag-aaway sila ng boyfriend niya, dito niya pinapatulog sa guestroom." Sabi niya, "Sorry pala kung abala ako sa inyo, baka kase nakakadistorbo ako at nakakahiya sa ate mo na dito ako natulog." "Hindi okay lang yun, minsan lang naman ako magkabisita. Sa totoo lang, never pang natulog dito sina Bong at ni isa sa mga kabarkada ko... kase ang layo daw. Eh maarte yung mga yun. Hahahaha." Sabi niya, "San pala kwarto mo? Pwedeng makita, you've seen my room when you came to tutor me remember and you saw my messy room. Nakita mo pagiging makalat ko." Pinilit ko siya at sinabing wag ko ng ipakita kwarto ko pero mapilit siya, sabi niya unfair daw. Hinintay ko siyang magbihis at tinour ko rin siya sa bahay, at pinkahuli ang kwarto ko. Pagpasok niya rito, "Wow, ang linis... lalake ka ba? Ni wala man brief na nakakalat. Hahahaha!" wika niya, "Hindi naman kase ako dito natutulog, dito ako tumatambay pagkauwi ko sa bahay pero sa folding bed ako natutulog sa music room malapit sa piano." Sabi ko. Nagtaka siya sa aking sinabi, "Bakit naman... ang sarap ngang tulugan ng kama mo, ang ganda pa." Sabi niya habang tumalon sa aking kama na parang bata. Napatahimik na lang ako, at siya naman ay tumungo sa dresser... "Sino tong babaeng kasama mo sa pic? ...Ang gandang babae ah, pakilala mo naman sa akin." sabi niya habang hawak hawak ang picture frame. "Ah, ex-girlfriend ko." Aking tahimik na bulalas... Napatahimik rin siya at humingi ng pahintulot kung pwede siyang magtanong. Sabi ko, okay lang. "So where is she now? How did you break up?" "Well, mahabang kwento. We were highschool sweethearts back then. Everybody expected even my mom, my dad and even my sister na we would end up happily together. Botong boto magulang niya sa akin pati family ko sa kanya. Kulang na lang ikasal kame after highschool graduation para matapos na expectation nila. Sa sobrang close ng family naming dalawa, pinapayagan siya ng family niya na dito minsan matulog sa bahay namin, sa mismong kama ng kwartong to." Sabi niya, "So why did you break up?" pagmamapilit niyang tanong. "I broke up with her. I was the one who ended our 5 year relationship. I caught her cheating sa isang kabarkada ko. She begged me for forgiveness and everyone was shocked about our break-up. I never told anyone about the reason, only to my sister. Ang sinabi ko lang sa kanila, ako ang may problema." Sabi niya, "Why did'nt you forgive her dude? If you really love her then there is always a second chance right? For you to even make such a lie about yourself." Nag-isip ako ng saglit at sinabing, "If the love is gone, then there is no use for me to push her into loving me. I don't want her to pretend loving me just for the sake of our families wishes, dreams and hopes for us. I love her so much but it isn't enough for me to continue our lie...I just had to end it." "Kaya ba never ka nagka-girlfriend ulit." wika niya. "Hindi naman, merong mga flings for a week or even 2 weeks relationship pero I just lost the feeling of being in love again. Ewan ko, masyado akong naging frigid. Hahahaha." Sabi niya, "Ang drama pala ng love life mo, buti pa ako makulat at mabuhay." Tinanong ko siya, "Bakit may love life ka? Gago ka hindi ka nagkwekwento tapos ako dito nagdradrama. Punyeta ka, sana kase nagkwekwento eh noh. Para naman kaseng ikwekwento ko sa madlang people na malibog kang hayop ka! Bwahahahah!" Natawa na lang kame sa isa't-isa at bulalas niyang sinabe, "Basta, I'm so happy with the one I love right now. Hindi ko pwedeng ireveal kung sino siya kase sensitive yung taong yun. Maarte at insecure yun sa mga tao. Gusto nun, secret lang. Basta, if everything works out between the both of us, ikaw unang makaka-alam Jake...about us." Sabi ko, "Sure ka ah! Alam mo namang chismoso ako. Hahaha... Oy cge, matulog ka na alam kong pagod ka today. Ang may lakad pa kayo ng anak mo remember. Cge goodnight Jeremy." Hinatid ko siya sa kwarto, at pagsara ko ng pintuan bumulong siya ng "Goodnight, thanks for everything." Pumunta ako sa baba at hinanda yung folding bed at natulog. Pagkagising ko, laking gulat ko na makita si Jeremy sa tabi kong naka-akap sa akin at walang t-shirt. Sa isip ko, "Pano to napunta tong kumag na to dito?" Tinanggal ko sarili ko sa pagkayakap niya, at pumunta sa kusina para kumuha ng cereal for breakfast bago maligo. Gulat kong nakita ang ate kong pababa sa hagdanan. "Oh anong ginagawa mo dito? Akala ko kina Albert ka natulog? Oy, alam mo ba kung bakit ko naging katabi si Jeremy. Alam ko pinatulog ko siya sa guestroom kagabi." Sabi ng ate ko, "Ah kase sobrang lasing na ako kagabi ng inakyat ako friends ko sa kwarto. May event kase that's why I had to attend, alam mo naman ang fashion industry. You have to be always present at these gatherings." Sabi ko, "Oh bakit nga siya napunta sa music room. Nakakahiya, pinaalis mo ba siya?" "Aba ewan ko, basta pag-gising ko asa guest room na ako. Akala siguro nila that was my room kaya dun na lang nila ako nilatag. And pagkagising ko this morning, wala naman akong katabi." Pumunta siya sa music room kung saan nakalatag si Jeremy sa folding bed na himbing na himbing ang tulog. Bumalik siya sa kusina at sinabing, "Oh my GOD! Siya ba si Jeremy, the one whom you have been talking about. He is so hot, kung gising lang ako kagabi nirape ko na siya. Oh my gosh! This is so embarrassing, nakita niya akong lasing." Sabay batok sa akin at galit na sinabing, "Gago ka, why didn't you tell me that you would have a hunky visitor sleeping over!" Bigla akong nagwika ng, "Eh malay ko bang mastranded siya kagabe sa entrance ng village. Sobra kaseng lakas ng ulan noh!" "Are you sure? Eh never naman ako nastranded diyan sa village entrance even when it is raining heavily. Aminin mo, nag drug session kayo kagabe noh! Or baka naghire kayo ng prostitute at binaboy ang aking house! Hindi pwede yan sa akin ah!" sabay batok ulit sa akin. "Aba malay ko, basta dito siya natulog tapos!" sabi ko na halatang nairita ako sa kanyang ginawa. Nagising si Jeremy sa aming ingay, pagpunta niya sa kitchen at nakabihis na siya. Inexplain niya na dun na lang siya natulog sa folding bed since nakakahiya na tabi sila matulog ng ate ko sa isang kama or magstay sila sa isang kwarto knowing na medyo lasing ate ko. Nagcomment naman ate ko na gentleman daw si Jeremy at nagpaparinig pa yung gaga na sana hindi na daw siya umalis kagabe sa kwarto. Nahihiya na lang ako sa pinagagagawa ng ate ako at tumatawa na lang si Jeremy pero halata kong naiilang na. Tinanong ko siya about sa fishing trip nila at sabi niya baka nacancell na daw since ang lakas ng bagyo kagabi. Dun siya kumain ng tanghalian at naligo bago lumarga. Nung asa gate na siya, sinabihan ko siya ng, "Oh, ingat sa may gate baka baha pa rin..." sabay pasimpleng tawa. Nginitian na lang niya ako sabay pasok sa kotse. Pagkaalis niya, nakarecieve ako ng text na salamat daw sa lahat at napa accommodating ko daw sa kanya. Natapos ang third term, sa padating na pasukan nun ay third year na ako. Siya naman, thesis project na pagkakaabalahan niya in other words eh graduating na siya. Running ako for cumlaude, kaya kelangan kong seryosohin studies ko nung mga panahong yun. Nung dumating ang summer vacation, niyaya niya akong magbakasyon sa rest house nila sa subic. Pumayag naman sa ako pagkakataong yun kase nagalit nanay ko sa ate ko kase hindi man lang daw siya binibisita sa Australia. Kaya siya naman ang bumisita sa nanay namin nung summer. Aking ipinagtaka kase sabi niya mga kabarkada daw niya kasama niya sa rest house, pero aking ikinagulat na kaming dalawa lang pala. Hindi na lang ako nagreact kase kung ano-anong dahilan ang binigay niya. Mga caretaker lang ang nagbabantay sa malaking bahay sa tabi ng beach. Seaview ang buong bahay, ang ganda ganda pa ng kwartong tinulugan ko dahil may malaking balcony itong langhap na langhap mo ang simoy ng hangin at kitang kita ang dagat.Halos wala kaming pinagagawa kung hindi maglakad sa tabing dagat, minsan uminom, magkaraoke at mag-usap. Marami kaming napag-usapan sa mga buhay buhay naming dalawa. Isang gabi, asa tabing-dagat kame nakaupo, habang ako naglalasing for no apparent reason since wala naman kaming magawa. Nag-open up ako sa kanya. Sinabi kong lumaki ako ng may tatay pero walang amang gumagabay sa akin dahil sobrang busy siya sa trabaho. Nanay ko lang at ate ko ang tumayong magulang ko. Nung naghiwalay nanay at tatay ko nung elementary ako, inexplain ko kay Jeremy na parang wala akong naramdamang galit dahil ni kailanman hindi ko naramdamang buo kameng pamilya kaya kung may maghiwalay man eh alam walang nasira. Ate ko ang affected sa separation nila kaya she promised herself that she would keep her obligation as a parent to me, kase sa panahong yun nakahanap mom ko ng bagong australianong lalake sa buhay niya in which she later married at iniwan kame ng tuluyan sa pinas. Eh sa panahong yun may trabaho na ate ko at pinadadalhan na lang kame ng nanay ko at tatay ko ng pera. Sabi ko, "Kaya hindi pumayag ate ko na sa Australia ako mag-aral nung balak akong kunin ng nanay ko para dun na ako mag highschool. Pero nung pagdating ng college, mas naisip kong mag-aral sa poder ng nanay ko for future reasons dahil mas stable ang future ko sa abroad. Ang laki ng tampo sa akin ng ate ko that time. Siya actually yung main reason why I went back to the Philippines, alam kong hindi niya kayang mag-isa, I know that she needed me." Sabi niya, "Alam mo, I really admire you... you always take care of others. Wala kang pakialam sa sarili mo. Why?" "Masaya ako kung masaya tao sa paligid ko. That's just me..." tahimik kong mungkahi. "Eto maiba usapan, if there is something you regret in your life... what would that be?" wika niya. "Siguro, yung mga panahong I could not put up a smiling face anymore." Sabi ko. Tinitigan niya ako sa mata sabay sabi ng, "If you need to cry then cry. It's the best feeling in the world knowing after you cry, you get to laugh afterwards." Hindi ko alam pero napatitig ako sa malayo, sa hampas ng along pumipigil sa patak ng aking mga luha...pero napaiyak rin ako. "Oh, are you crying... I'm just joking dude. Here, if you need a helping hand you can cry on my shoulders." Hinila niya ang aking ulo papunta sa kanyang balikat sabay kumanta ng "Lean on me..." Patawa kong minungkahi na, "Ay ang corny na... sira na moment. Wala, tulog na ako." "Eto naman pikon, hahahah!" pabiro niyang sinabi. "It's my turn, what is that something you regret in your life?" seryosong tanong ko sa kanya, "That would be, by not thanking that special someone for changing me into a better man. Helping me be the best Jeremy na nakikita mo ngayon. Alam mo kung hindi dahil sa taong yun... hindi ko alam kong san ako pupulutin ngayon. My life's a mess before I met that person. I've made everyone suffer, even my daughter which I regret the most." Nagtaka naman ako sa biglang pag-iba ng tono ng kanyang pananalita na hindi ko pa nakita sa kanya "Bakit naman?" tanong ko, "Dapat pahihintuin na ako sa college ng parents ko. I've been staying in college for how many years already, shifting into different courses. It's my sixth year this coming schoolterm. Buti nga, asa thesis na ako. I never imagined I would reach this far." Sabi niya. "Talaga! Adict ka sa pag-aaral ah! Life changing incident pala ang nangyari sa iyo at kung hindi dahil sa taong minemention mo eh hindi ka pa matatauhan!" pabiro kong tanong na may halong pagkagulat. "Nakiusap kase ako sa taong to kung pwedeng makahingi ng favor eh namomoblema ako sa isang bagay nung panahong yun. Hindi niya ako pinagbigyan, naglagay ako ng P1000 bill sa notebook niya para gawin niya assignment ko. Sinulatan lang niya ng: Money doesn't make the world go round. For me... it will never be" sabi niya sa akin. "Teka, sa iyo pala galing yung notebook na yun na pagkapangit pangit na handwriting." Sabay tawa ko ng malakas na halatang nang-aasar. "Oh, nanglait ka pa! Alam ko kaseng ikaw lang makakatulong sa akin sa subject na yun kaya naghanap ako ng paraan. Nalaman ko na bestfriend mo si Bong at kinilala kita through him." Sabi niya, "Sabi ko na nga ba, stalker kita eh! Hahaha! Alam mo you don't need to say thank you, for all the things you've done for me. What you are feeling right now, wala pa yan sa nararamdaman ko for everything you have done!" sabi ko habang nakangiting tinapik ang kanyang balikat. Tinitigan niya ang aking kamay while I was patting his back. Bigla akong nagulat sa kanyang sinabe, "I think I love you already... Jake." Sabay tingin sa kanyang talampakan. Hindi makalabas sa kanyang bunganga ang kanyang gustong sabihin kaya nauutal siya at napapbuntong hininga sa bawat salitang kanyang binibitawan. "I...ii...I'm sorry if you are weirded out by this, pero hindi ko na kaya!" "Ma... mah...mah... mahal na kii....taaa..." Hindi ako makagalaw sa aking kinuupuan, parang walang gustong salitang lumabas sa aking bunganga. Wala akong maramdaman kung hindi kaba, excitement, takot, pagtataka, pagdududa at kung ano-ano pang pumasok sa isip ko. Lumipas ang 5 minutes of silence, bago siya nagsalita at nagsabing "Alam mo, I never intend to fall for you, a friend... It's just that..." At that exact moment, I grabbed his head and kissed him. Hindi ko alam kung anong gusto niyang isipin that time, pero that was my answer to his statement. He grabbed my head and pulled it closer. Mga 2 minutes of simple plain kiss... it was a pure kiss which we never took advantage of the moment and just enjoyed every second of it. Tumayo ako pagkatapos, hinila niya kamay ko at medyo malakas pagkahila niya kaya napaupo ako sa tabi niya. Sa ibang direksyon siya tumingin sabay sabi ng, "Seryoso ako when I said I love you. And I'm not taking it back..." Sabi ko, "Don't worry, I'll never kiss you again unless provoked." At that exact moment, it was clear to me that I had feelings for him. And pagkatapos kung sinabe about the kiss, he pulled me so hard na napa patong ako sa dibdib niya, and we kissed passionately for as long as I could remember. The next day... the sun was shining from the windowpane, he was hugging me so tight na nagising ako. He kissed me on the cheek ang greeted me goodmorning. I turned over him, slid my fingers down his face. Dun ko lang narealize how handsome he was, yung kanyang matangos na ilong. The brownish colored eyes that turns ash grey pag nasikatan ng araw, his flawless skin and his red supple lips. Then he said to me, "Bakit?" "You're so perfect, that's why." I said to him "Nothing's perfect... but for me, your perfect to be imperfect." Then biglang kumulog, then umulan... we spent the whole day snuggled and in each other's arms. It was clear to me, that officially kame na. And it was also cleared to me, That the day he bought me those books, I started to like him... The moment he opened up his intimate details to me about his daughter, his life... I got curious about him. The time he pretended to sleep over sa bahay, I found him amusing. The instant that he stared into my eyes for the first time and got me to open up my eyes and see reality as it is, I started to fall for him. And now, there is nothing more to analyze about him but the only thing I know that... by that time I was hugging him, kissing him, caressing him unrelentlessly... I know that... I already love him. We spent 2 weeks sa rest house nila sa Subic and after that we didn't have any contact after that incident sa subic. We saw each other sa school, pero hanggang hi and hello lang. Hindi ko alam if it what happened sa subic was just a dream of mine... dahil I was so busy to think about what had happened. Nabalitaan ko na lang na he graduated, nung third term of my third year in college. I didn't even dare text him or ask about him what happened. I graduated with honors, on the day of my graduation and while I was making my speech. I saw him, looking straight into my eyes smiling as ever. Mahaba buhok, medyo tumaba or mas lumaki lang katawan. Hindi ko na masyadong napansin kase when I was trying to look for him pagkatapos ng speech ko... he was already gone. Sinabi lang ni Bong na Jeremy was sending off his congratulations to me. Pinigilan kong umiyak that time, with the simple emotion lingering sa buong pagkatao ko of the pain of being unanswered by him to my simple question which is: "What went wrong?" 5 months have passed after I graduated, nag-apply ako sa makati for a job. I got promoted eventually into a higher position, and for almost 4 years I still kept thinking about Jeremy. By that time I was already 24 years old, singe and successful to whatever carreer I chose. I was assigned sa London and I accepted the position. Within 3 months, I have already adjusted to the climate, the people, the job and to me being single for the rest of my life nung mga panahong yun. Hahahaha. One time, I was wearing a thick trench-coat since winter season nun. I grabbed a couple of beagles and some coffee after work and after nun, pupunta dapat sa house ng friend ko then afterward maybe umuwi na sa condo. "That would be 3 pounds and 45 cents, thank you!" sabi nung lalake sa counter while giving me my beagles and coffee. "Jake? Jake... is that you?" coming from a mysterious guy inside the caf.... Asa labas na ako at papunta sa kotse ng narining kong may lalakeng humihingal at hinila ako at sinabeng, "At last..." Hindi ko alam kong ihahampas ko yung beagles at itatapon ko sa mukha niya yung coffee sa nararamdaman kong galit. Pero nasapak ko siya, out of the blue. Sabi niya, "I was expecting this from you!" I was rushing to enter my car, and just get the hell out of there...when he tried to stop and and begged for my time that he wants to explain things. Sabi ko, "Why explain now! Bakit ngayon lang... I fucking waited for you for the whole fucking 7 years Jeremy without expecting you to explain anything to me. Putangina, ni isang tawag sa iyo, ni balitaan mo man lang ako kung patay ka na or buhay ka pa... Wala! Tapos ngayon, you want to explain? What for!" I said angrily like wanting to punch him again. "Kase, I wanted you to think about yourself kahit minsan. That's why I never bothered to bother. I thinked about us, that night, that time we were together... I wanted what we had to last. Sa tingin mo pag nagsama tayo maasikaso mo pag-aral mo. Sa panahong kinilala kita, puro ibang tao na lang asa isip mo, puro kapakanan nila ni hindi man lang iniisip sarili mo. You always thinked about me, my sake...Kung nagsama tayo when we were in college, you wouldn't reach this far... And baka dun pa lang, we would have ended things...I know everything that happened in your life, your achievements, your goals. Bong kept me updated, and he promised not to tell me about me knowing about these things." he said to me in a harsh voice. His voice mellowed, "Alam mo ba, na walang araw na hindi ako nagdasal after your graduation that you reach your dreams and get wherever you want to be in your life ng hindi ako nakakasagabal. Pero higit sa lahat, I prayed to God na hindi mo kalimutan ang pangako kong mahal kita, and maski ngayon it hasn't changed. I love you so much, for me to wait all these years. I can't take it any longer" He bursted into tears... I invited him to get inside the car since biglang umulan. As soon as we got calmed down in the car, napansin ko yung kanyang bigote at balbas na parang hindi man lang naisipang I shave, his slightly long hair and his weight. He has gotten thinner, far from the Jeremy I've known. Sabi ko, "I never did forget that promise of yours, I did not even get that chance to say I love you too.. Until now, kahit anong pilitin kong kalimutan yun all these years... hindi ko magawa. Do you know how fucking hard it is for me to forget you. Everday seemed like hell, kase wala ka sa tabi ko." At that second, he hugged me so tight and I thought about the moments we spent nung asa subic kame. All the feelings came back to me, na parang nangyayari ulit ang aming pinagsamahan. Ang mga unang katagang sinabi niya sa akin, the most painfull and sweetest word coming from anyone, the words "I love you!" After that, I decided to go back to the Philippines and quit my job. He promised not to let go of me, I promised not to hold back what I felt. Ayoko ng magdusa ulit sa sarili kong kagagawan, for I lacked the courage before to tell him how I really felt. As for him, he continued to live in London for a month while following me back sa Pinas. He managed his family's company while continuing his passion which is photography. Ako naman, I opened up a bar restaurant here sa makati. Well, as for her daughter... Trish is studying abroad, dalaginding na... may boyfriend na ngang foreigner. And as for Jeremy's family, they recognize our relationship and they are so proud of him and proud of us. Matagal na palang alam ng family ni Jeremy about his sexuality. Isa rin pala sa mga main reasons bakit nagbreak up sila ng mom ni Trish is because he openly admitted and said to Trish's mom na "I'm gay." Hahaha, nakakatawang isipin pero naintindihan na lang ng babae kaya na rin siguro naging magkaibigan sila hanggang ngayon. As for my bestfriend which is si Bong, matagal na rin niyang alam about our situation. Kaya nung tinanong ko siya about us, one word came out from him... and it was, "Finally..." As of now, Trish calls me dad. Sabi niya, she is so lucky to have a mom and two dads na parehong gwapo daw... Bwahahahahah! My family knows about us also, except my dad because he passed away right after I got my job. For my sister, hindi pa rin niya tanggap na kami nagkatuluyan kase crush na crush niya daw si Jeremy. Hindi niya aakalaing hindi pala sila talo. Pero she accepts me as I am. Our relationship seems to get stronger by the minute, we argue and fight and minsan sa bahay pa yan ng sister ko natutulog pag pinapalayas ko siya sa condo namin. The only good thing about us, is we know our mistakes and try to make up for it kaya siguro we have lasted this long. I wrote this story kase naalala ko na every important event in our lives... palaging umuulan. Napansin ko na after the rain... it's always a start of a bright fresh new day. Minsan may nasabi siya sa akin, naalala ko... kakagaling ko lang nun sa work. Naabutan ko siyang humihilik sa sofa, ginising ko para lumipat sa kama. At ayun, papunta sana ako sa kitchen about to cook us dinner ng biglang hinila ako at sabay kaming napahiga habang akap akap ako na parang sandayan... sabi niya sa akin "Sandali lang hon, I have something ask you." "What's that... alam mo bang, magluluto pa ako." Sabi ko sa kanya. "Wait lang, ito naman minsan lang tayong maging sweet. Pagbigyan mo na ako, we both know we are so busy about our jobs. Cge na, please... ngayon lang." Nagmamaka-awa niyang pakiusap. Sabi ko, "5 minutes, I'm giving you 5 minutes okay. Damn you. Ano nga pa lang tanong mo sa akin?" pabulong kong sinabi sa kanya. "Pano pag ipagpalit mo ako sa babae?" biro niya, "Eh pano kung ganon rin gawin mo sa akin, cge nga?" sabi ko, "Basta pag nangyari yun... hindi ko maisip kahit na I know it would be possible. Kase bakit ako maghahanap ng iba, mapababae man or lalake, eh na sa iyo na hinahanap ko at binibigay mo... unconditionally and without anything in return" Napatahimik na lang ako at pasimpleng nginitian siya sabay hawak sa kamay niya ng sobrang higpit ng para bang hindi ko na bibitawan. Pumikit na lang ako, habang asa likod ko siya at magkahawak kamay namin at pinakikinggan at patak ng bumubuhos na ulan... PS: I hope you enjoyed my own personal story. I changed our names for the sake of our privacy. Hehe. Thanks for reading my true story....
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.