Si Kuya Jethro... Mahal Ko
by: JECK
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: JECK
Hi, matagal na ako nagbabasa ng mga stories dito sa KK at minsan na din akong nagpadala ng story 'di ko pa nga natapos yung series noon kaze medyo naging busy ako. Pero instead na tapusin yung series noon ay inuna ko muna gawing itong isang kwento sa buhay ko noong College na talagang isa sa mga pinakakatago kong good memories. Nagsilbing inspirasyon lang ang kwentong ito sa buhay ko kung kaya nais kong ibahagi ito sa inyong lahat. Bago ka ba dito? Tanong ng isang may pagkabaritonong boses mula sa aming likuran ni Harry. Si Harry ay schoolmate ko sa isang kilalang University sa Manila at miyembro ko siya sa Drama Guild na pinamumunuan ko. Si Harry ang nagdala sa akin sa boarding house na iyon at sa kanya ko rin nalaman na marami pang bakanteng room doon. Hindi ko nilingon ang nagsalita sapagkat hindi ko alam kung sino ang tinatanong nya, sa halip ay si Harry ang lumingon. Ay Kuya Jethro, ikaw pala yan. Akala ko naman kung sino na, sambit ni Harry. Bago ba yang kasama mo, tanong uli ni Jethro (nakilala ko kasi binaggit ni Harry ang pangalan niya). Oo kuya, siya nga pala si Jeck-Jeck si Kuya Jethro. Saka lamang ako lumingon upang iabot ko ang kamay ko sa kanya. Pagka-abot ng kamay ko sa kanya ay napako na ang aking paningin sa kanyang maamong mukha. Humanga ako sa ganda ng makapal niyang kilay na akala mo ay palaging alaga sa suklay, sa kanyang gi gaanong matangos na ilong, sa kanyang kulay dark brown na mata na tinernuhan ng malalantik na pilik mata na siyang mas nakakuha ng aking atensyon at ganun din ang kayang mapupulang labi na napakasarap halikan. Siguro mga 5'11" ang height nya pero hindi siya katulad ng ibang lalaki na macho, medyo chubby siya na bumagay naman sa itsura nya. Patuloy ko siyang pinagmamasdan hanggang sa tapikin ako ni Harry. Kuya Jeck, ano ka ba? Kanina ka pa kinukumusta bakit di ka sumasagot, sigaw ni Harry. Noon lamang ako nahimasmasan at ang naisagot ko kay Jethro ay 3rd Year ako dyan sa tapat na school. Sabi nya, ang sabi ko Hi, ako si Jethro, at kumusta ka, ganti ni Jethro sa aking sinagot na siyang ikinapula ng mukha ko sapagkat malayong malayo ang sagot ko sa tanong nya. Sumagot na lamang ako ng okey lang at salamat then tumalikod na ako at nagpunta sa kwarto ko sa sobrang kahihiyan. Yun ang una naming pagkakilala ni Jethro. Mula ng araw na iyon ay iniwasan ko na na makihalubilo sa grupo kapag siya ay nandoon at kahit na ang kumain sa dining hall kapag nandun pa silang magkakapatid na kumakain. Oo, tatlo silang magkakapatid na nakatira sa boarding house na iyon. Dalawa silang nagtatrabaho at ang isa ay nag-aaral. Subalit kahit ano palang iwas ko ay sadyang bibiruin ako ng pagkakataon. Isang araw ng Lunes medyo na-late ako ng gising kaya hindi ako nakapasok sa 1st period class ko, nagmamadali ako maligo para makahabol sa susunod na klase. Nang matapos akong maligo ay dali-dali akong lumabas, pero laking gulat ko na mabungaran ko sa pintuan ng banyo si Jethro. Napako ako sa aking kinatatayuan at di ako makapagsalita. Nakatingin siya sa akin at ako naman ay nakatingin sa kanya matagal hanggang sa binasag na niya ang aming katahimikan. Baka naman gusto mo na akong papasukin sa CR sa halip na nakatitig ka dyan at para kang nakakita ng multo, sambit ni Jethro. Muli na naman akong napahiya sa pangalawang pagkakataon. Tumungo ako at tumalilis para makadaan siya sa pintuan subalit pinigilan nya ako. Hinawakan ng kanang kamay niya ang kaliwang braso ko at nagsalita. Bakit ba tuwing magkakaharap tayo ay umiiwas ka? Kapag nakikita mo ako ay bigla kang lilihis ng daan. Nung minsan na nakita mo akong pababa ng hagdanan ay bumalik ka at nagtago ewan ko kung saan. Kapag nasa study area, dining area, at maging sa sala basta nandoon ako o darating ako ay aalis ka o iiwas ka na lang at magkukulong sa kwarto mo. Jeck sa loob ng tatlong araw mo dito sa dorm ay hindi pa kita nakausap ng matino. Sa iba naman ay very accommodating ka. Nakikitawa ka, nakikisabay ka kumain nakikipagkwentuhan, bakit sa akin hindi. Ano ba problema mo sa akin? Yan ang sunod-sunod niyang tanong na ang tanging naisagot ko lang ay-WALA. Tapos inalis ko ang braso ko sa kanyang kamay at tuloy-tuloy na ako sa aking kwarto. Umupo ako sa aking kama at nag-isip. Bakit nga ba? Ano nga ba ang problema ko sa kanya? Medyo napahaba na ang pag-iisip ko at hindi ko na namalayan ang oras, ng tingnan ko ay relo ay late na rin ako para sa pangatlong subject ko kaya nagdesisyon na lang ako na sa hapon na ako papasok. Nagbihis muna ako ng pambahay at nagpunta sa kusina para kumain ng lunch. Nakakadalawang subo pa lang ako ng biglang umupo si Jethro sa harapan ko dala ang kanyang plato na may laman ding pagkain. Sasabayan kita para malaman mo na hindi ako nangangagat at tao akong kaharap, wika ni Jethro. Napatawa ako sa sinabi nya at duon na nag-umpisa na maging at ease ako sa kanya. Seaman pala siya at kababalik lang niya 1 month ago. Wala pang kasiguruhan kung makakasakay uli siya kasi naibenta ng yung dating barko na sinakyan niya at iba na ang management kaya babaguhin din lahat ng tauhan doon. Tatlo silang magkakapatid at yung pangalawa ay seaman din pero pinili na magtapos muna ng pag-aaral sa kursong Engineering sa kalapit na Unibersidad sa University belt at yung busno na ayaw mag-aral ay nagtrabaho na lang. Puro sila lalaki at ang kanilang pamilya ay galing sa southern part ng Pilipinas. Huwag na lang natin alamin kung saan para maprotektahan ko din siya at ang kanilang buong pamilya. Nalaman ko din na dati siyang sacristan at seminarista sa kanilang lugar at relihiyoso ang kanilang angkan. Marami kaming napagkwentuhan hanggang sa namalayan ko na alas kwatro na pala ng hapon. Sa madaling salita, hindi na ako nakapasok ng araw na iyon. Hindi bale na, basta napagmasadan ko ng husto ang napaka-amo niyang mukha. Kahit mas gwapo sa kanya ang pangalawa niyang kapatid ay mas malakas pa rin ang dating ni Jethro para sa akin. Kinagabihan ay nagluto siya ng ulam at inimbitahan niya akong makisabay sa kanilang magkakapatid kumain kasama ang isa pa nilang roommate na si Arnold. Lahat ng makakita sa amin na boardmate naming ay nagtataka sapagkat halos lahat sila ang nakapuna na iniiwasan ko si Kuya Jethro (yan na ang tawag ko sa kanya mula kaninang hapon) at hindi man lamang nila ako nakikitang kausap ko siya. Masaya kaming kumakain at naging maasikaso si Kuya Jethro sa akin na lihim kong ikinatuwa. Natapos kaming kumain at pumunta ako sa kwarto namin nina Harry para kunin ang mga gamit ko at umpisan na mag-aral. Pagdating ko sa Study area ay naka-upo na sa isang table si Kuya Jethro at sinenyasan ako na duon din umupo. Sumunod naman ako at nagkwentuhan na naman kami ng nagkwentuhan. Inabot na kami ng 3 AM na puro tungkol lang sa buhay namin ang pinag-usapan namin. Dahil maaga pa ang pasok ko kinabukasan ay niyaya ko na siya na matulog na kami. Talagang kinilig ako ng ihatid pa niya ako sa kwarto ko at sinabihan niya ako ng Good Night and Sweet Dreams. Nagtataka talaga ako sa mga ipinakikita niyang kabutihan sa akin kahit na hindi maayos ang trato ko sa kanya noong una. Nakatulugan ko na ang pag-iisip tungkol sa kabaitan ni Kuya Jethro. 3rd Year na ako noon sa kursong Masscom sa isang sikat na University sa University Belt. Isa ako sa mga Year Level officers ng College namin at kasalukuyang namumuno ng Drama Club. Alam ko noon pa man sa sarili ko na mas malakas ang attraction sa akin ng mga lalake kaysa mga babae kaya hindi na ako nagtaka sa nararamdaman ko kay Kuya Jethro. Maraming akong nagugustuhan noon pero sinasarili ko ito sapagkat lihim sa buong University ang aking tunay na katauhan at natatakot akong malaman nila ang lahat, maliban sa mga piling pili kong kaibigan at kasama sa Club. In short, paminta ako sa school. Dumaan pa ang mga araw at mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Inihahatid nya ako sa kwarto bago matulog at siya din ang gumigising sa akin sa umaga para sabay kaming mag-almusal. Ganoon ang naging pang araw-araw naming routine. Alam ko na pinag-uusapan na kami ng lahat ng lalaki o babaeng boardmates naming pero hindi namin ito pinapansin. Misang umuwi ako ng bahay na basang basa dahil sa ulan ay galit na galit niya ako hinarap. Bakit ba hindi ka tumawag para magpasundo? Wala bang landline sa school ninyo? Parang hindi mo alam na pwede kang magkasakit sa ginagawa mo ah, sunod sunod na litanya ni Kuya Jethro sa akin. Tahimik lang ako kasi talaga naman mali ako eh, pero kahit pa ganun eh kinikilig pa rin ako sa mga actions niya. Lahat ng makasalubong naming ay nagugulat kasi hanggang sa kwarto ay pinapagalitan nya ako. Nandyan na utusan nya ako na maligo agad at ng makapagpalit ng damit, kesyo hwag ko na daw uulitin yung pagsugod sa ulan at kung ano ano pa na parang isang matandang kapatid na nangangaral sa bunso. Pagkatapos ko maligo ay nahiga ako at nakaramdam ako ng panlalamig. Pagpasok ni Harry ay nakita nya ako na nakatalukbong ng kumot at lumapit sa akin. Ay Kuya Jeck ang taas ng lagnat mo, sabi ni Harry na alalang-alala ang mukha. Sandali at titingnan ko kung may gamot ako sa cabinet, sambit muli ni Harry. Pahigupin natin ng noodles para pagpawisan, sabi naman ni Elmer na roommate naming ni Harry. Nagvolunteer naman si Lito, isa ko ring roommate na siya na magluluto ng noodles. Ngunit bago pa siya makalabas ng pinto ay nakasalubong na nya si Kuya Jethro na may dalang mainit na sabaw. Umupo siya sa gilid ng kama ko at siya mismo ang nagpahigop sa akin ng sabaw. Nang mahawakan niya ako ay nalaman niya na mataas ang lagnat ko at muli na naman itong nagalit. Inutusan si Harry na pumunta sa kwarto nila at kunin ang gamot sa kapatid nyang si Kuya Chuck. Pagbalik ni Harry ay kasama na ang alalang-alala ding si Kuya Chuck. Pagkapainom sa akin ng gamot ay hinayaan na nila akong makapagpahinga. Iniligpit ni Kuya Chuck ang pinaglagyan ng sabaw at tubig na inumin. Ang mga kasama ko naman sa kwarto ay lumabas ng kwarto para kumain maliban kay Harry na siyang inutusan ni Kuya Jethro na magbantay sa akin at kakain lang siya sandali. Kaloka talaga ito Kuya Jeck ha, alalang-alala sa iyo sina Kuya Chuck lalo na si Kuya Jethro. Bilib na talaga ako sa iyo, ang dalawang pinakagwapo dito sa boarding house natin ay talagang concern sa iyo. Pinag-aagawan ka at bukod pa duon ay magkapatid pa, sambit ni Harry sabay tawa. Ikaw talaga, sabi ko naman. Natural lang iyon kasi magkakasama tayo dito. Bakit sina Elmer at Lito, di ba nag-aalala din sila? Huwag mo nga ako intrigahin, kunwaring galit na sabi k okay Harry. Hmp, kunwari ka pa! Natural na mag-alala sina Elmer at Lito, eh magkakasama tayo dito sa room ano! Eh paano mo ipapaliwanag ang kakaibang closeness ninyo ni Kuya Jethro na malayong malayo sa dati aber? Aba pinag-uusapan na kayo dito ano, kayo daw si Sharon Cuneta at Richard Gomez! Sobra daw kayo sa sweet at halos ayaw ng maghiwalay. Imbierna nga yung mga babaeng boardmates natin na type si Kuya Jethro eh, kasi ikaw daw ang tinik sa dibdib nila. Dati daw sa kanila nakikipag-kwentuhan si Kuya ngayon daw eh palagi ng ikaw hinahanap, mahabang litanya ni Harry. Tigilan mo na nga ako at wala akong pakialam sa obserbasyon nila. Eh di sasabihin ko kay Kuya Jethro yan para limitahan na namin ang aming madalas na pagsasama at pagkukwentuhan, medyo inis kong sabi kay Harry. Sasagot pa sana si Harry ng biglang may kumatok at ng bumukas ang pinto ay si Kuya Jethro kasama ang bunso nilang si Kuya Louie. Kinumusta lang ako at sabay ng lumabas sina Harry at Kuya Louie. Naiwan si Kuya Jethro. Maya't maya niyang tinitingnan ang likod ko kung basa na ito ng pawis at pinapalita nya ng t-shirt kapag kailangan. Nakatulugan ko na ang lahat. Nagising ako kinaumagahan na parang may mabigat na nakapatong sa katawan ko at pawis na pawis ako. Nakita ko na balot na balot ako ng kumot at nakayakap sa akin si Kuya Jethro. Naramdaman yata niya na gising na ako kaya nagmulat na rin siya at naupo sa tabi ko. Nakapasok na ang mga roommates ko kaya kami na lang ang nandun. Tinabihan na kita para mainitan ka at pagpawisan, wika ni Kuya Jethro. Teka, lalabas muna ako at gagawa ng almusal natin para makainom ka na ng gamot, si Kuya Jethro uli. Sinalat niya ang ulo ko at ng maramdaman na medyo mainit pa ako ay nagwika siya na, O, huwag ka na muna pumasok ha at may sinat ka pa. Lumabas siya at naiwan akong tulala at parang nasa ulap. Napaluha ako sa kaligayahang nararamdaman ko. Hindi ko maubos maisip na ang taong iniwas-iwasan ko noon ay pakikitaan ako ng sobrang malasakit at importansya na ganito. Noon ko din naramdaman na mahal na mahal ko si Kuya Jethro. Pagmamahal na alam kong matagal ko ng nararamdaman at natatakot ako na malaman nya sapagkat inisip ko na baka layuan niya ako. Alam ko hindi ko kakayanin iyon. Mula ng magkasakit ako ay mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Walang araw na hindi kami magkasama, kung hindi nga lang ako pumapasok ay alam ko na kami pa rin ang magkasama. Pati sa pagtulog ay madalas kaming magkatabi at masaya na ako na nakayakap lang siya sa akin habang natutulog. May time na hindi ako makatulog at pagmamasdan ko na lang maamo niyang mukha habang natutulog at minsan ay hinahalikan ko siya sa noo at sa pisngi. Napaka-gwapo talaga ni Kuya Jethro, alam ko sa sarili ko kung gaano ko na siya kamahal, mas mahal ko pa siya sa buhay ko. Sa loob ng isang buwan ay alam ko na ganoon na ang nararamdaman ko para sa kanya, ngunit tuwing iisipin ko kung ano kaya ang nararamdaman niya para sa akin ay may kaunting kirot akong nararamdaman sa puso ko. Takot kasi ako na malaman ang katotohanan, na kapatid na nakababata lang ang trato niya sa akin. Iniisp ko na lang na ang importante ay palagi kami magkasama at mahal ko siya, tama na yun. Kahit paminsan minsan ay dinadalaw ako ng takot sa mga katanungan ko sa aking sarili katulad ng hanggang kalian kami ganito-at kung ano nararamdaman niya para sa akin-at kung paano kung sumakay siya ng barko-yan ang pinakatatakutan ko! Minsang umuwi ako galing sa school ay inabutan ko siya na may kausap sa telepono, nakangiti ako sa kanya kasi excited ako sa ibabalita ko sa kanya. Subalit nakita ko ang pag-iwas ng tingin niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin sa pagaakalang parents nya ang kausap niya. Dumiretso ako sa kwarto namin at nagpalit ng damit. Hinintay ko ang pagpunta nya sa kwarto, may isang oras na ang nakalipas ay wala parin siya. Lumabas ako at tumuloy sa kwarto nila. Inabutan ko siyang nakahiga. Kiniliti ko siya sa tagiliran papunta sa kilikili katulad ng madalas kong ginagawa sa kanya subalit nainis siya sa ginawa ko. Ano ba! Sigaw niya na ikinagulat ko. Sorry! Wala ka pala sa mood hindi ko alam, inis na sambit ko sa kanya. Nagpunta lang naman ako dito para magpa-alam sa iyo eh. May leadership training seminar kami sa tagaytay next week at 3 days kami doon. Pero since wrong timing ako ay babalik na lang ako, sige pasencya na, patalikod kong wika sa kanya. Ngunit hindi pa ako nakakalabas ng pinto ay mas nagpanting ang tainga ko sa sinabi nya. Sa susunod kakatok ka muna bago ka pumasok ng kwarto ng may kwarto ha. At saka hindi ako ang magulang mo para magpa-alam ka sa akin kung saang lupalop ka pupunta, paasik nyang sambit sa akin. Sa sobrang galit at pagkapahiya ko ay napasigaw ako sa kanya, Ah ganun ba? Sorry! Hindi ko kasi alam na kailangan ko pa kumatok kasi hindi ko naman ginagawa iyon mula noon pa kapag pumupunta ako dito. At isa pa alam ko na hindi ikaw ang tatay ko dahil napakalayo ng diperensya ninyo. Ang tatay ko ay Pulitiko at ikaw at taga-tiktik lang ng kalawang sa barko! At huwag ka mag-alala, hindi na kita iistorbohin kahit kalian. Pasencya na ulit! Sabay alis ko at bagsak ng pinto na ikinagulat ng mga katabing kwarto nila. Hilam na sa luha ang mata k okay di ko alam na nabangga ko pala si Kuya Chuck habang palabas ako ng hallway papunta sa kwarto ko. Pagdating ko ay nandun na si Harry kasama si Seph na one week na naming boardmate, na schoolmate at kasama ko din sa drama club. Doon ako humagulhol sa sobrang sama ng loob. Inisip ko kung ano ang nagawa ko para magkaganoon sa akin si Kuya Jethro. Wala akong matandaan na naging kasalanan ko sa kanya. Hindi malaman nina Seph at Harry kung paano patitigilin ang pag-iyak ko hanggang sa dumating si Kuya Chuck. Sa halip na kausapin para sagutin ang tanong niya kung ano ang nangyari ay pinakiusapan ko siya na matutulog na ako. Hindi naman siya nagpilit at lumabas na din agad. Nakatulugan ko ang pag-iyak at ang hindi pagkain ng hapunan. Kinabukasan ay nagpasya ako na ibalik sa dati ang distansya namin ni Kuya Jethro. Masakit para sa akin pero mas minabuti kong magmatigas na hindi siya kausapin o pansinin at ganun din naman siya sa akin. Dalawang araw bago ang 3 day Seminar namin sa Tagaytay ay nagpatawag ng meeting ang may-ari ng Dorm namin para sa lahat ng boarders. Nagpasiya siya na magkaroon ng set of officers at dahil sa maraming bilib sa akin at sa barkada ko na si Kuya Kel ay naging Presidente siya ay Vice naman ako. Kami daw ang mamumuno sa katahimikan at pagkaka-isa ng lahat ng nakatira sa Dorm na iyon. Gusto ng may ari na maging magkakapatid ang treatment naming sa isa't isa. Nagpasya din sya na mag-organize kami ng Party sa susunod na weekend para sa aming lahat ay sagot nila ang pagkain. Sa sobrang busy ay nakalimutan ko ang sakit at sama ng loob ko kay Kuya Jethro. Kahit nakakasalubong ko siya at nakikita na gusto niya akong kausapin ay iniiwasan ko siya. Ibinuhos ko ang panahon ko sa school, sa preparation ng party sa dorm at kay Derick na ka-boardmate ko at kasama ko sa committee. Gwapo din si Derick, matangkad, at malambing. ECE ang course nya at tubong Pampanga. At higit sa lahat ipinagtapat sa akin ni Derick na matagal na niya ako gustong maging ka-close. Dumating ang araw ng pagpunta ko ng Tagaytay. Hindi man totally ay medyo naka-move on na ako sa nangyari sa amin ni Kuya Jethro. Pero sa totoo lang ramdan ko pa rin ang sakit, pero dahil sa gusto ko ng totally makalimutan siya o ang nararamdaman ko sa kanya ay minabuti ko na talagang iwasan siya. Paalis na ang bus ng makita kong humahabol si Harry at Seph, at dahil kilala ng driver at ilang teacher na nasa unahan ay pinahinto muna ang bus at kina-usap ang dalawa. Pinababa ako ng isang teacher sandali at kinausap ako ng dalawa. Gusto daw ako kausapin ni Kuya Jethro kahit sandali lang bago ako umalis. Itinuro nila sa akin ang kinatatayuan ni Kuya. Nang mapatingin ako ay nagbaba siya ng mukha, pero sa halip na kausapin siya ay umiral sa akin ang pride ko na nasaktan. Sige na Seph, Harry aalis na kami. Pakisabi sa kanya na saka na lang kami mag-usap, pagbalik ko, wika ko sa dalawang boardmates ko. Pero-pilit na wika ni Harry. Wala ng pero pero Harry-aalis na kami, naabala ang byahe namin at tatanghaliin kami, sabi ko. Sumakay ako ng bus, umupo sa may tabi ng bintana at sinabi sa driver na pwede na kaming umalis. Nadaanan namin ang kinatatayuan ni Kuya Jethro, pero hindi ako tumingin sa kanya. Alam ko na nakatingin siya sa akin at kita ko iyon sa gilid ng aking mga mata. Lumapit sa akin si Kuya Kel, ang boardmate ko, schoolmate at isa din sa mga Student Council officers. Alam nya ang kwento namin ni Kuya Jethro. Nang lumapit siya sa akin ay tuluyan na akong napaiyak hanggang sa nakatulog at ng magising ay nasa tagaytay na. Sa loob ng tatlong araw namin doon ang inalis ko sa isip ko si Kuya Jethro, although sinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko siya naiisip kahit minsan. Pero nakatulong ang mga activities ng seminar hanggang sa dumating ang araw ng aming pagbalik sa Maynila. Buo ang loob ko na pagdating duon ay kakausapin ko si Kuya Jethro at ibinili ko pa siya ng crystal na Rosary. Excited ako ng huminto ang bus sa tapat ng boarding house namin. Ako ang unang bumaba pagkatapos magpaalam sa lahat. Nakita ko si Harry at Seph sa baba, pero nag Hi lang ako sa kanila at patakbong pumunta sa taas ng Dorm. Nakangiti ako sa mga nakita at nakasalubong ko pero ibang expression ang nakita ko sa kanila. Parang gulat na may halong pag-aalala sa kanila na hindi ko maintindihan. Inilapag ko ang gamit ko sa dining area at tumuloy sa direksyon ng kwarto nina Kuya Jethro ng bigla akong tawagin ni Manang, ang caretaker ng dorm. Jeck! Saan ka pupunta? Dalhin mo muna ang gamit mo sa kwarto mo, sigaw ni Manang. Sandali lang Manang pupunta muna ako sa kwarto nina Kuya Jethro, sagot ko naman. Walang tao diyan! Wala sila, sagot ni Manang. Wala? Eh weekend po ngayon Manang, saan sila nagpunta, tanong ko. Ah baka namasyal o kaya naman ay nanood ng sine, dugtong ko pa. Akmang kukunin ko ang gamit ko ng may magsalita. Hindi sila namasyal, hindi rin sila nanood ng sine-..nasa airport sila, si Harry na may halong inis at pag-aalala sa mukha. Bakit sino ang darating? Tanong ko. Walang darating Kuya Jeck-.sagot ni Harry. Unti unti kong nakikita ang gilid ng mga mata ko ang ilan sa mga kasamahan ko sa dorm na palapit sa kinatatayuan namin. Nagtataka ako pero mas kinakabahan ako sa sinabi ni Harry. Umalis na si Kuya Jethro-..wika naman ni Seph. Sa narinig kong iyon ay para akong pinagbagsakan ng langit. Halo ang emosyon ko-.tumulo ang luha ko at hindi ko na naintindihan pa ang mga sinasabi nila. May himig ng paninisi sa boses nina Harry at Seph. Pinahid ko ang luha ko pero tuloy pa rin ang patak nito. Tuwing papahiran ko ang luha ko ay nakikita ko ang iba't ibang expression ng mga mukha ng mga nakapaligid sa akin. May nagtataka, may naiinis, may nalulungkot, may nakatawa, may hindi ko maintindihan. Pero mas alam kong maraming nakikisimpatya sa nararamdaman ko. Tumakbo akong palabas ng dorm at naghanap ng masasakyang taxi. May ilang taxi na may sakay, hinabol ko at naki-usap na pasakayin ako sapagkat may hahabulin ako sa airport pero ang ilan ay nagalit, ang ilan naman ay walang imik, nagsa-walang kibo. Mahigit kalahating oras akong naghanap ng masasakyan, pinipigilan ako ni Kuya Kel pero hindi ko siya pinansin. Hysterical na ako ng mga oras na iyon, at patuloy pa rin nagmamaka-awa sa ilang sasakyan pero bigo ako. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin, si Kuya Chuck. Natuwa ako. Kuya Chuck, samahan mo ako sa airport please. Parang awa mo na, hinihintay ako ni Kuya Jethro di ba? Please parang awa mo na Kuya, pagmamakaawa ko sa kanya. Halika na, umakyat na tayo. Doon tayo mag-usap sa taas Jeck, mahinahong wika ni Kuya Chuck. Ayoko! Nagpumiglas ako pero mas malakas si Kuya Chuck! Pupunta pa tayo sa airport Kuya! Sasamahan mo pa ako, sigaw ko! Bakit ba ayaw ninyo ako samahan, palakas ng palakas ang sigaw ko. Taxi! Habol ko sa isang taxi na walang laman-.P_ _ _ _ g I _ _ mo! Bakita ayaw mo ako tigilan. Tama na! Sigaw ni Kuya Chuck! Halika na sa taas-.medyo inis na rin siya at nahihiya sa mga tao-pero hindi ko siya pinakinggan. Sumisigaw pa rin ako, gusto kong maka-usap si Kuya Jethro! Wala na! Huli ka na! Umalis na siya! Umalis na masama ang loob sa iyo! Pinilit ka niyang kausapin pero nagmatigas ka! Ngayon magwawala ka dahil naka-alis na siya! Huli ka na! Galit na sambit ni Kuya Chuck. Sa sinabi niyang iyon ay nagbalik sa isip ko ang eksena na hinabol ako nina Harry at Seph para maka-usap ni Kuya Jethro sandali subalit nagmatigas ako. Napahandusay na lang ako sa kalsada ay napa-iyak kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Pinagtulungan akong itayo at iaakyat nina Kuya Chuck, Kuya Kel at Kuya Louie. Awang awa sila sa akin pati ang iba naming boardmates. Si Kuya Kel, Harry at Seph tumulong sa akin na maligo. Binantayan ako nila sa labas ng CR, pagkatapos maligo ay inalalayan nila ako na makapagbihis. Naka-upo na ako sa kama ng iabot sa akin ang isang pulang sobre na may card sa loob. Pagbukas ko 3 card ang nasa loob. Ang una ay may nakalagay na I'M SORRY sa ibabaw, pagbukas ko ay may maikling sulat. Dahil nasaktan kita at sinadya ko na saktan kita para mapalayo ang damdamin mo sa akin. Nang araw na mag-away tayo ay yun din ang araw na makatanggap ako ng tawag muna sa opisina na pinag-applyan ko. Noon ko nalaman na aalis na ako in less than 1 week at kailangan ko na maghanda. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi alam ko na masasaktan kita. Pinili ko na saktan ka para magalit ka sa akin at iwasan mo ako. Sa ganoong paraan ay mas madali ko matatanggap ang lahat at ganun din sa iyo. Mas gusto na masaktan kita ng sandali kaysa naman masaktan ka ng matagal, nag isang taon habang wala ako. Ngunit hindi ko pala kaya, maraming beses akong sumubok na kausapin ka pero nakikita ko na hindi ka pa handa. Nang araw na paalis ka papunta ng Tagaytay, alam ko na hindi na tayo makakapag-usap pa dahil sa pagbalik ko ay siya din naman araw ng alis ko at pagsakay sa barko. Pinilit ko na maka-usap ka, habang may panahon pa, sa totoo lang mas pinili ko na noon na huwag na lang munang umalis at maghanap na mapapasukan na kasama ka, pero nakita ko na nakalimutan mo na ako at handa ka ng harapin ang bukas mo kaya iyon na ang naging hudyat na dapat na nga akong lumayo. Alam ko nasaktan kita, at iyon ay paulit ulit kong ihihingi ng I'M SORRY. Ang pangalawa ay may nakasulat na GOODBYE sa ibabaw at may mensahe sa loob na- Sa isang napakaimportanteng tao sa buhay ko. Alam mo ba na hanggang ngayon ay hindi ko pa napapatawad ang sarili ko dahil sa nagawa ko sa iyo. Ikaw ang taong walang ginawa kung hindi ang iparamdam sa akin na mahalaga ako sa iyo. Nagpapaalam ako sapagkat hindi ko kayang tumbasan ang kabutihan ng loob mo, at sa halip ay sinaktan pa kita. Maaaring kapag handa na akong harapin ka, maaring kung napatawad mo na ako o kaya'y kung napatawad ko na ang sarili ko sa nagawa ko sa iyo ay saka lamang ako magpapakita sa iyo. Kaya sa halip na isang taon ay 2 taon ang pinirmahan ko na kontrata. Maaring hindi na tayo magkita sapagkat pagbalik ko ay maaring wala ka na sa boarding house na iyan dahil graduate ka na o di kaya naman ay lumipat ka ng tirahan kaya humingi na ako ng tawad at muli nagsasabi ng GOODBYE. Ang pangatlo ay may nakasulat sa harap na I LOVE YOU sa ibabaw at may mensahe sa loob na-. Maaring nagulat ka sa nakasulat sa harap, pero totoo, yan ang nararamdaman ko sa iyo. Hindi ko malaman kung anong klase ng pagmamahal ang nararamdaman ko para sa iyo basta ang alam ko ay mahal na kita at mamahalin pa rin kita. Ano man ang galit na naramdaman mo para sa akin, isipin mo na ginawa ko lang iyon sa iyo dahil ayaw ko na mas masaktan ka pa sa darating na panahon, ang panahon ng aking pag-alis. Hindi ko kakayanin na saktan ka ng mahabang panahon kaya naisip ko na habang maaga pa ay ilayo ko na ang damdamin mo sa akin sapagkat ayokong masaktan kita dahil I LOVE YOU! I'M SORRY-.GOODBYE-.I LOVE YOU- Jethro Bakit hindi mo agad sinabi, nasambit ko habang ako ay umiiyak. Bakit pinangunahan mo ang nararamdaman ko? Bakit hindi mo muna ako tinanong kung ano ang nararamdaman ko bago ka magdesisyon? Ako din-.mahal na mahal kita-.kung ikaw hindi mo alam kung anong klase ng pagmamahal ang nararamdaman mo para sa akin-.ako, alam ko. Mahal kita higit pa sa buhay ko, patuloy kong wika habang ako any humahagulhol. Awang awa si Kuya Kel, Harry at Seph sa akin. Pilit nila akong pinapakalma. Kuya Kel-.bakit ganun? Unfair sya-bakit mas pinili nya na magalit ako sa kanya kaysa kausapin ako at alamin ang nararamdaman ko-mahal na mahal ko siya Kuya Kel, Harry, Seph-.mahal na mahal ko siya, patuloy kong sinasabi habang umiiyak. Naramdaman ko na lang na may malaking tao na yumayakap sa akin. Si Kuya Chuck pala-inaalo niya ako at huwag na akong umiyak at maaayos din ang problema namin Kuya Jethro nya. Pinatayo nya ako ay niyaya sa kwarto nila. Habang papunta kami sa silid nila ay nadaanan naming si Derick, malungkot ang kanyang mga mata at nagpapakita ng simpatya sa akin, ganun din ang ibang mga babae at lalaki na malalapit sa akin, ngunit ang iba-nagbubulungan at nagtatawa sa nangyayari. Napansin iyon ni Kuya Chuck ay sinabihan nya ang mga iyon na intindihin ang mga sarili nila at huwag pag-usapan ang problema ng iba. Ilang gabi din akong hindi nakatulog sa tindi ng pangungulila ko kay Kuya Jethro. Hanggang sa dumating ang araw ng Party sa boarding house. Ginawa ko pa rin ang obligasyon ko subalit ng mismong oras ng kasiyahan ay pinili ko na magkulong sa kwarto nina Kuya Jethro ay yakapin ang unan na ginagamit niya. Sobrang lungkot ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung magagawa kong tapusin o paano ko padadaanin ang dalawang taon. Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang kumatok si Harry at sinabing kausap ni Kuya Chuck at Kuya Louie si Kuya Jethro sa phone kaya ipinatawag ako. Dali dali akong lumabas ngunit pagdating ko sa opisina ni Manang ay naibaba na nila ang telepono. Muli akong napaluha at tumakbo papunta sa kwarto ko. Nagkulong ako sa sama ng loob at bakit hindi man lang niya ako kinausap. Sumunod si Kuya Chuck, kinausap ako at sinabing mas pinili ni Kuya Jethro na ipagpatuloy ko na lang ang buhay ko at alisin ko muna siya sa aking isipan. Ayaw daw ni Kuya Jethro na isentro ko sa kanya ang buhay ko. Bata pa raw ako at importante ay ang makatapos ako at harapin ang hamon ng buhay basta lagi lang daw siyang magmamahal sa akin. Lalo akong napaluha sa mga sinabi nya para sa akin kay Kuya Chuck. Pinilit kong tanggapin ang desisyon niya at iginagalang ko ito. Nagulat ako ng bigla akong halikan sa noo at sa pisngi ni Kuya Chuck, sabay sabing, huwag kang mag-alala si Kuya Jethro nagsabi noon na gawin ko iyon sa iyo para sa kanya katulad ng madalas mong gawin sa kanya habang natutulog siya. At ipinagbilin ka sa akin, sa amin ni Louie, kami ang magbabantay sa iyo habang wala siya. Muli akong napaiyak hanggang sa makatulugan ko ang aking pagluha. Hanggang dito na lang po at maraming salamat sa pagbabasa ninyo ng aking tunay na kwento. Marami pa akong ibabahagi sa inyo, sana magustuhan ninyo at pagpasensyahan kasi hindi naman talaga ako writer, pero pagsisikapan ko na maibahagi at makapagbigay inspirasyon ang aking mga tunay na kwento. God Bless. JECK
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.