Picture
by: ynan
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: ynan
"Wag mo kong iiwan ha... isusuko ko ang lahat lahat sayo, basta ipangako mo lang n wag mo kong iiwan..." "Promise Mahal, hinding hindi kita iiwan... Mahal n mahal kita..." Yan ang mga katagang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Steven, habang patuloy ang pagdaloy ng luha s namumugto niyang mata... pilit na hinahabol ang paghinga. Hindi parin siya makapaniwala na sa ganun lang matatapos ang lahat. Hindi niya alam kung san siya nagkulang, ibinigay niya ang lahat... Lahat ng oras at pagmamahal. Pero nagawa parin siyang lokohin... Lokohin ng taong pinakamamahal niya... At lalo pa siyang humagulgol dahil dun... Para siyang tanga, buti nalang wala masiyadong tao ng mga oras na iyon sa park... Sa Park na madalas nilang pinipuntahan ni Gab... Oo si Gab ang lalaking dahilan kung bakit siya parang tangang nagiiiyak ngayon! Ano nga bang nagyari??? FLASHBACK Malate night!!! Siyempre friday ngayon... Weekly routine na yan ni Steven with his friends, Rest Day niya kasi... Time to relax, super hectic kasi ng buong linggo for him. Pero sa totoo lang wala naman siya masiyadong ginagawa sa work, tanggap lang ng tanggap ng calls. He's working in a call center in Ayala, Why in a call center??? Y Not!!! E yun lang yung kaya niyang gawin e... Tamad kaya siya... Before sa Malate, dumadaan muna siya kanila Will(bestfriend niya). sabay kasi silang pumupunta sa Malate with Tom, Will's bf. Sabay silang nagdidinner para go na after... MALATE (12 M.N.) Maingay madaming tao, karamihan mga bisexual... Nagsasayawan, nagkakatuwaan, naglalandian... Oo ganito lang ang mga nangyayari sa Malate... Paulit-ulit... Pero bakit paulit-ulit ding pumupunta dito sina Steven??? Dahil katulad ng iba, ng karamihan sa nandito ngayon... Dito niya natagpuan ang taong nagpabago ng buhay niya, nagpatigil sa takbo ng ikot ng mundo niya... Ang taong minahal niya at patuloy na minamahal... Si Gab... 3 months ago ng magkakilala sila ni Gab sa Malate, sa bar na palagi nilang pinupuntahan. Tandang-tanda pa niya ang gabing yun, isa sa pinakamasayang gabi ng buhay niya... Sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang lalaking magpapa-ibig sa kaniya... Napakabilis ng mga pangyayari, naging sila agad. Naging masaya ang pagsasama nila, kahit medyo mahirap... Pareho silang busy sa trabaho, peo hindi naging hadlang yun kay Steven. Lahat ng effort ginawa niya, pinupuntahan niya to sa place niya kahit malayo, sinusundo sa work kahit puyat... Ganiyan siya magmahal, gagawin ang lahat... Pero hindi si Gab... Wala siyang effort, walang ginagawa... Pero kahit ganun, hindi parin nagsasawang magmahal si Steven... Ok na yung malaman niyang mahal siya nito...Lalo pang tumindi ang pagmamahal ni Steven kay Gab ng ibigay niay ang virginity niya dito... Nung una ayaw niya, takot... Hindi dahil sa masakit... Takot siya dahil sa baka pag naibigay na niya ang lahat, bigla siyang iwan... Pero dahil nga sa mahal niya nagpaubaya siya, tiniis ang lahat... Ang sakit... Sa totoo lang walang sarap, kahit konti... Pero isipin lang niya na masaya ang lalaking pinakamamahal niya, napapawi ang lahat... Ang sakit... Ang hapdi... "Mahal na mahal kita Steven... Hindi kita iiwan... Ikaw ang buhay ko" yan ang mga katagang lalong nagpaalab ng damdamin niya at ang dahilan kung bakit tinitiis niya ang sakit na nararamdaman. Pawang panaginip lang pala ang lahat... Bangungot... Puro kasinungalingan... Papasok na sila ng bar... masikip, ang daming tao kahit na biyernes palang, payday kasi... Hmmpf same crowd, wala ng iba, puro sila sila nalang every friday... Pero ok lang magsasaya lang naman siya, konting inum at maraming sayaw. Habang papalapit na siya sa gitna isang pamilyar na mukha ang nakita niya, bigla siyang kinabahan... tinitigan niyang mabuti ang lalaki para makasigurado, hindi nga siya nagkamali si Gab yun! Diba susunduin niya yung Mom niya kaya di natuloy yung date nila kanina. Nag init agad ang ulo niya, at ang mas lalong nagpagalit sa kaniya ay ang tagpong nadatnan niya... Nakikipaglandian ang BF niya sa ibang lalaki! Kitang kita niyang magkayakap ang dalwa at nagahhalikan pa ang mga hayup... hindi niya alam kung anu ang irereact, pero nanatili siyang kalmado, lumabas ng bar at nagiisip ng gagawin. Kinuha ang phone... May tinawagan... Nagriring... May sumagot... "Hello... O bakit ka tumawag andito pa kami ni mommy sa daan, tawag ka nalang uli." Gab "A talaga! Ang ingay naman ata sa daan, may sounds pa!" Steven "Ahh... Ehh... sa cab kasi kami... basta tawagan nalang kita pag houz na ko ok... Love You... Sige na maya nalang" Gab Lalo siyang nairita sa mga narinig... Nanloko na! nagsinungaling pa! Pigil ang emosyong pumasok sa bar, nakasalubong niya sina Will at Jake pero parang wala siyang napapansin. Pinigil siya ni Will, kilala niya ang kaibigan, napagtimpi ito pero hindi sa ganitong sitwasyon. Alam ni Will na kaya ng kaibigang magskandalo, lalo na't siya ang agrabyado... Pero diredirecho lang si Steven, walang emosyon ang mukha pero alam mong may galit sa dibdib... Lumapit kay Gab, tinitigan siya... Natulala si Gab, hindi makapag salita di alam ang sasabihin... Magsasalita palamang siya ng... Bigla siyang hinalikan ni Steven... torrid, walang sensasyon pero may galit... Hindi nakapag-react si Gab sa nangyari... "Steven, pls. let me explain..." Gab "You made me believe Gab, I gave you my everything... Binigay ko yung pagtitiwala ko dahil pinaniwala ko yung sarili ko na mahal moko at di moko magagawang lokohin... Pero napaka tanga ko... Nagpakatanga ako sa tulad mo... Huwag ka ng magpaliwanag Gab..." Steven "Steven... Pls. wag kang magskandalo dito... Mag-usap tayo sa labas." Gab "No... Hindi tayo lalabas... Bakit nahihiya ka?! Kanino?! Jan sa kalandian mo!!!" Steven "Ano kaba, halika na nga, iuuwi na kita!" Gab "Ayokong umuwi! Gusto mo magpaliwanag?! Dito... Gusto ko dito! Bakit nahihiya ka sa mga pinaggagawa mo!" Steven "Wag mo kong hayaang sumbatan ka Steven... Ginagawa mo din naman to ah!!! Diba lage karin naman dito!!! Just face the truth... Parepareho din lang tayo lahat dito. Pero hindi kita sinita o sinumbatan!" Gab "Oo... sige Oo... Tama lahat ng mga sinabi! mo parepareho lang tayong lahat... Mga putah!!! But Gab I want you to know that, Yes I'm a Slut but I'm not Stupid...!" Steven Nagmamadali siyang lumabas, walang pakialam kahit na malabangga, sinundan siya nina Will and Jake pero hindi siya naabutan, nakasakay na agad siya ng cab... nagpahatid sa village nila sa New Manila, pero hindi siya dumerecho ng bahay... Sa Club House siya tumuloy, sa may park... Hindi niya alam kung bakit dito pa siya tumuloy, napaka tanga niya, lalo pa niya tuloy naalala si Gab. Dito sila noon madalas nagkikita, tumatambay... Umupo siya sa dulo ng slide... Dito niya ibiuhos ans kanina pa tinitimping emosyon... Umiyak siya ng umiyak... Walang tunog pero puno ng emosyon, sakit at poot... Nguinit ang mas masaklap hindi yung mga masasamang bagay pangyayari ang naiisip niya tungkol kay Gab kundi ang mga masasayang nakaraan nila... Ang mga pangako, na hindi na ata matutupad... At mga pangarap na hindi na ata magkakatotoo... "Wag mo kong iiwan ha... isusuko ko ang lahat lahat sayo, basta ipangako mo lang n wag mo kong iiwan..." "Promise Mahal, hinding hindi kita iiwan... Mahal n mahal kita..." Sinisisi niya ang sarili kung bakit niya ibinigay ang lahat, at walang itinira sa sarili... Bigla nalang siyang napahinto, dahil sa mahapding mga mata sa kaiiyak ay agad na nasilaw sa liwanag... Click... Click... Hindi siya pwedeng magkamali ang ilaw na iyon ay mula sa flash ng isang camera... Hindi niya masyadong mamukhaan ang kumukuha pero sigurado siyang lalaki ito... Ngunit di niya alam kung siya ba ang kinukuhanan ng litrato... E bakit naman siya??? Hindi na niya nagawang sitahin ang lalaki... nagmamadali na siyang umuwi... Pagdating sa bahay tulog na ang lahat kaya derecho na agad siya sa kwarto... Nag quick bath nagbihis at derecho na agad sa kama... Ngunit hindi parin siya makatulog, itinuloy niya ang pagiyak... Hindi talaga niya matanggap ang mga nangyari, niloko siya, sinaktan!!! Nakatulugan na lang niya ang pag iyak... Mataas na ang araw nang nagising siya,mahapdi padin ang mga mata sa kaiiyak kagabi... Magang maga ang mga mata nito... Panu yan may pasok pa siya mamaya, mag sheshades nalang siya para di mahalata ang mga mugto niyang mga mata... Bumaba lang siya para kumuha ng pagkain buti nalang wala na ang parents niya pumasok din... Ang nakababata niyang kapatid may pasok. Pagkatapos kumain, nagsoundtrip kaya lalo siyang nalungkot at naiyak nanaman dahil sa tugtog... Saying goodbye Is never an easy thing But you never said That you'd stay forever So if you must go Darling I'll set you free But I know in time That we'll be together Ohhh I wont try to stop you now from leaving Cuz in my heart I know Love will lead you back Someday I just know that Love will lead you back to my arms Where you belong Sure Sure as stars are shining One day you will find me again It wont be long One of these days Our love will lead you back Nakatulugan nalang niya ang kanta... 4pm na! May pasok pa pala siya ng 6. Nagmamadaling inayos ang mga gamit at naligo... Matagal siyang kumilos kaya 5:30 na ng makaalis siya... patay malalate siya nito... Nasa tapat siya ng gate ng Village at nagaabang ng cab... Ayan na may padating ng cab buti nalang... Pinara... Huminto ang cab... Papasok nalang siya ng biglang may sumingit, nagmamadali, naunahan siya sa cab... "Hoy cab ko yan dude! ayos ahhh..." Steven Nakatalikod ang lalaki, nakaharap sa pinto, papasok na sa cab... nang humarap ito sa kaniya.... "Bro sorry ha nagmamadali kasi talaga ko..." Guy Natulala lang si Steven hindi na nakapagsalita... Na amuse siya sa nakita niya... "Ang cute naman niya, wala lang breeding" Sabi sa sarili. "Hindi ok lang sige sayo na..." Steven "Thanks bro, san kaba? baka isang way lang tayo... Makati Med lang ako, sinugod kasi yung friend ko" Guy "Ahhh... Ok... RCBC lang ako" Steven "O isang destination lang pala sige na sabay na tayo." Guy Tumango nalang siya at sumakay sa cab... ok na nag rin yun kasi malalate na talaga siya, and hellooo isang cute guy na ang nag aaya sa kaniyang sumabay, tatanggi pa ba siya... Sa daan... "Matt pala" Sabay abot ng kamay sa kaniya "It's Steven" maikli din niyang sagot Yun lang wala na silang ibang napag usapan... paminsan-minsan napapasulyap siya sa kay Matt, namangha talaga siya sa cuteness nito... Fair complexion, pointed nose, full lips at ang pinaka nagustuhan niya ay ang mga mata nito napaka expressive... Un lang di ito katangkaran, mga 5'6" lang ito samantalang siyang mga 5'9". Pero ok lang dala naman ng get up... Outfitera, naka black fitted lacoste top, skinny jeans and white chucks... Positive bi din to... sa isip-isip niya! Hindi na sila nakapagusap hanggang sa ibaba siya nito sa RCBC. "Sige bro ako na bahala, cab mo naman talaga dapat to e... Tnx uli ha". "Ok sige... Thanks din... Yngat" Steven Yun nalang ang nasabi niya... Hindi talaga siya makapagsalita... Ewan ba niya, may problema pa nga siya kay Gab eh... Haaaay pero atleast kahit papano nakalimutan niya yung mga masamang naganap kagabi... Isang ngiti ang pinakawalan ni Matt... Isang ngiti na halos magpalutang kay Steven... Hindi na niya namalayan na palayo na pala ang cab. Sa office... "Friend, what happened??? Are you ok?" Will "Mukha ba kung ok?!!" Steven "Magkwento k kaya, what happened?" Will "Let me set-up first, late na kaya ko!" Steven Lunch Break "Di ko alam kung san ako nagkulang Will, ang alam ko nabigay ko ng lahat... Alam mo yun!" Steven "Oo alam ko yun, it's not you fault and not your lost anyways, tanga lang talaga siya, marerealize din niya yan..." Will "Pero hindi ko parin talaga kaya Will, I gave him my all wala na nga kung tinira sa sarili ko!" Steven "E anung gusto mong mangyari? Wag mong sabihing makikipag-ayos ka ang magpapakatanga nanaman?! Will "Kung yun lang ang paraan just to save this relationship, gagawin ko Will..." Steven "Naku bahala ka nga, buhay mo yan e... Puso mo yan! Basta di ako nagkulang ng paalala sayo! if that's gonna make you happy, I'll support you nalang... friend kita eh... Kahit tanga!" Will "Napaka supportive mo talagang Friend!"(Sarcastic) Steven Sinubukan ni Steven na makipag-ayos kay Gab, binabaan ang pride halos lumuhod at umiyak na siya sa harap ng madaming tao, pero wala paring nangyari... Nagmukha lang siyang tanga! "Please Gab... We can work it out pa naman diba? Kakalimutan ko ang lahat ng nangyari, ayusin alng natin to. I ca'nt afford to loose you!" Steven "Steven, lalo mo lang sinasaktan sarili mo eh... Masasaktan ka lang uli... Hindi na kita mahal!" Gab "San ba ko nagkulang?! Ginawa ko naman lahat para sayo!"(umiiyak, hinahabol ang paghinga) Steven "Hindi ka nagkulang sumubra ka nga eh... dumating sa point na nasasakal na ko! Hindi na natin to maaayos... Ayoko ng ayusin... Steven I need to go... Bye!" Gab Of all the things I've believed in I just want to get it over with tears form behind my eyes but I do not cry Counting the days that pass me by I've been searching deep down in my soul Words that I'm hearing are starting to get old Feels like I'm starting all over again The last three years were just pretend and I said Goodbye to you! Goodbye to everything I thought I knew You were the one I loved The one thing that I tried to hold on to I still get lost in your eyes And it seems that I can't live a day without you Closing my eyes and you chase my thoughts away To a place where I am blinded by the light but it's not right Oras... Araw... Linggo ang lumipas, pilit nilimot ni Steven ang mga nangyari... Ang mga sakit ng pagkawalay sa lalaking pinakamamahal... Nagfocus sa work... Sa pamilya at sa mga kaibigan. Nagkunwaring walang nangyari na hindi apektado... Pero sa likod ng mapagkunwaring maskara ay isang kaluluwang lugmok sa dusa at pighati. Lunes... Pasok nanaman, maaga siya ngayon nakapagpahinga kasi ng buong araw ng linggo. Sa tapat ng gate nag-aabang ng cab... Nang may tumabi sa kaniya... "Hi... kmusta? Going to work?" "Oi kaw pala...???" Steven "Matt... Dali mo naman makalimot... hehe" Matt "Ay sori bro medyo matagal na din kasi yun e, sensya talaga! Bakit name ko ba natatandaan mo pa?" Steven "Yup... Steve, right???" Matt "Huwaw galing ahhh, mataas siguro IQ moh.... Hehe"(Infairness natandaan niya ko... kiligkiligkilig) O yan na yung cab, sige mauna kana mikhang nagmamadali ka e." Steven "Dun uli ako sa hospital e, kung ok lang sayo sabay nalang tayo... madalang kasi yung cab baka malate ka." Matt "Ahhh oo naman. sige... Ok lang ba talaga sayo?" (Kinikilig) Steven "Oo naman no kaya nga kita inaya e... O sige sakay na..." Matt On Their Way... "I assumed that we're on the same village, right?" Matt "I guess so..." Steven "Tipid mo naman magsalita, ganiyan kaba talaga? Hehe... Xenxa na ha makulit talaga ako e." Matt "Sorry madami lang kasi kong iniisip.." Steven "Sino Girlfriend mo?" Matt' "Hindi... Ahhhh hindi pa ba magaling yung dinadalaw mo?" (Iniba ang usapan) Steven "Uhmmm hindi pa e..." Matt "Ahhhh Ok." (hindi na makapag salita... di niya alam kung bakit" Steven "Panu yan malapit kana... Hope to see yoo soon Steven" (Sabay ngiti) "Ahhh Ok, Yes sana nga..." (Muli nanaman siyang namesmerized sa smile ni Matt... Haaay) Ako na sa fare... Sagot mo na yung nakaraan e." Steven" "Sige kaw bahala, Para ako uli next time." Matt Hala may next time pa!!! Saya naman.... (Sa isip ni Steven) Yun lang at bumaba na siya... Lumiaps ang araw at linggo... Sinasadyang abangan ni Steven si Matt sa gate ng village pero hindi na niya to nakikita.Kahit sa village hindi niya to matyambahan... Haaay kalungkot naman. Isang araw he decided to go to the Mall para makapagrelax naman... Kumain mag-isa, nanuod ng movie mag-isa at nagshopping mag-isa... Siyempre wala naman siyan Bf now, kaya mag-isa lang xa... Di naman niya maaya si Will kasi 4 sure magkasama sila ng bf nito. Haaay... Anu pa nag bang magagawa niya kundi magsaya(ngaba?) nmag-isa... Habang nasa isang boutique may biglang tumapik sa kaniyang... "Hi Steven... Sinong kasama mo?" Matt "Ooooy kaw pala... Wala e, kaw sino?" Steven "Wala din e, tara dinner tayo gutom nako e kanina pa ko naglalakad." Matt "Ok tara gutom nadin ako e..." (sa totoo lang katatapos lang niyang kumain) Steve Habang nagdidiner, napakaraming anikwento ni Matt kay Steven tungkol sa buhay nito, family, studies... Only child pala xa and yung parents niya nasa States na pareho, sya nalang ang nasa Philippines with his cousin. Tapos siya ng HRM sa isang university sa Manila. Ang dami pa niyang kwento... Si Steven naman ayon nakatunganga, sa totoo lang parang wala siyang naiintindihan sa mga kinikwento ni Matt. Masaya lang siyang tinititigan ang maamong mukha ng lalaki. Pero ang di niya kinaya ay nung inamin ni Matt na bisexual ito, na nakikipagrelasyon sa lalaki, though may nakarelasyon narin siyang babae before pero mas preferred niya ang lalaki... Well hindi sa realidad na yun nagulat si Steven kasi nung una pa man silang magkita naobviuz na niya to, sa pananamit palang... Ang ikinagulat niya ay ang pag-amin nito, hindi niya akalaing aaminin nito sa kaniya, samantalang ngayon lang sila nagkakilala... "Steven, I'm gay... Well bisexual siguro, ok lang naman sayo diba? Hindi mo naman ako siguro lalayuan dahil lang don..." Matt "Ha... Oo naman, bakit naman kita lalayuan... Sa totoo lang masaya nga ako kasi pinagkatiwalaan mo ako. matagal ko ng alam yan... Alam ko dahil pareho lang tayo ng kalagayan... bakla din ako, nakikipagrelasyon sa lalaki, o maski sa kapwa ko bakla..." Steven "Yup alam ko na din yan, kaya nga malakas ang loob kong sabihin sayo e kasi alam kong mauunawaan mo ko, salamat Steven..." Matt Mula non lalo pang naging close sina Matt and Steven, magkasamang nagmmall, tumatambay sa bahay ni Matt at minsan kanila Steven... Nakilala narin ni Matt ang mga friends ni Steven gayundin siya. Every friday and saturday silang nagbabar hopping, at kung anu-anu pang mga activities... Haaay para na silang magbestfriend... magjowa pa nga. Pero hindi. Dahil dito lalong nahulog ang loob ni Steven kay Matt, nakalimutan niya ang problema niya sa puso... Ang hirap lang, hindi niya alam kung pareho ba sila ng nararamdaman... Mahal narin ba siya ni Matt, o hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa kaniya dito... Saturday afternoon sa house ni Matt, may mga nakitang photo album, si Steven na nakapatong sa ilalim ng center table... Nacurious siya kaya inisa-isa ang mga ito... Puro pictures ng mga tao, mga hindi niya kilala, sa tingin niya ay mga stolen shots ang karamihan... Puro masasayang mukha, mga batang nakatawa, meron ding litrato ng mga tanawin...Kung saan-saan... Magagandang tanawin... Pagbuklat niya ng pangalawang album... nagulat siya sa nakita niya... Hindi siya pwedeng magkamali, picture niay yun... Ang litrato na kinuhanan sa Club house nung gabing umiiyak siya dahil sa panloloko ni Gab... Hindi niya alam ang irereact... Si Matt pala ang lalaking yun, ang misteryosong lalaking kumuha sa kaniya ng litrato habang umiiyak siya... ngunit bakit??? Bakit niya kelangang gawin yun?! Nakatingin padin si Steven sa picture niay ng lumabas si Mattt sa kitchen bitbit ang kanilang miryenda... "Matt... Anu to??? Bakit may picture ako dito?!" Steven "Let me explain Steven... Yup ako yung kumuha ng picture na yan, pero wala akong intensiyon na masama... Hindi ko na sinabi sayo kasi kumplekado ang sitwasyon." Matt "Ano nga??? Bakit?! Makikinig ako." Steven Nagsimulang magkwento si Matt ng buong pangyayari... "Naalala mo ba yung lagi kong dinadalaw sa hospital? Yung sinabi kong kaibigan ko? Si Lance... boyfriend ko siya..." Matt "Ano?! bakit di mo manlang kinuwento sakin!" (Maiyakiyak na siya, feeling niya muli nanaman siyang naloko, pero anung karapatan niyang magalit... Hindi naman sila) Steven "Hayaan mo muna akong magpaliwanag Steven... Oo Bf ko siya, hindi ko na nabanggit kasi hindi ganun kaganda ang kwento... Sorry." Matt "Kahit na kaibigan mo ko sana nakwento mo manlang... Alam ko wala akong karapatan na magalit sayo pero nagtatampo ako kasi hindi mo pala ako ganung pinagkakatiwalaan!" Steven "He's sick... He's dying... May taning na ang buhay niya, he has a cancer, final stage na... morethan a year na siya sa hospital... sensitive yung case niya kaya di siya hinayaang makalabas sa hospital... Hindi ko alam ang gagawin ko... Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko ng mabawasan manlang yung sakit na nararamdaman niya. 2 months ago... Lage akong nasa labas... kumukuha ng mga pictures ng masasayang tao at pangyayari... Naisip ko na kung di siya pwedeng pumunta don... Ako ang magdadala sa kaniya sa masasayang lugar..." Matt Hindi na napigil ni Matt ang pag-iyak, pati si Steven nadala na din... Nakunsensiya siya dahil masama ang mga iniisip niya kay Matt... "Yang picture mong yan, hindi ko dapat ipapakita yan kay Lance, dahil napakalungkot mo diyan, damang-dama ko yun habang tinitingnan ko ang picture mo... Pero di sinasadyang nasama pala yan sa photo album... Nakita niya, pero imbes na panghinaan siya ng loob, lalo siyang lumakas dahil sa litrato mo... Nung una daw akaka niya siya na ang pinaka malungkot na tao... Pero ng makita niya yan, narealized niya na mas may malungkot pa pala sa kaniya... naging insperasyon niya ang picture mo, naging inspirasyon ka niya Steven... Dahil diyan pinilit niayng magpagaling... Tiniis niya ang masasakit na chemo theraphy... Every session hawak-hawak niya ang picture moh... Natauhan si Steven... Hindi siya makapaniwala sa mga kinuwento ni Matt. Nung araw din na yun inaya ni Steven si Matt na dalawin si Lance sa hospital. Nahabag siya sa kalagayan ng binata... Halata ang paghihirap sa mukha nito, pero kahit na ganun ang kalagayan nito, kitang-kita padin ang magandang mukha ni Lance... Maamong mukha, kung tutuusin mas gwapo pa to kay Matt, kung di lang nagkasakit... Masakit man tanggapin, bagay na bagay silang dalawa.... Nag-usap sina Steven at si lance... Iniwan sila ni Matt... "Ikaw pala Si Steven, palagi kang kinukwento ni Matt sakin... Salamat at dinalaw moko, matagal na nga kitang gustong makilala ng personal." (Nanghihinang kwento ni Lance) "Salamat... Sa totoo lang wala akong masabi sayo... Maswerte ka kay Matt, mahal na mahal ka niya." Steven "No... Ikaw ang maswerte kay Matt, Steven... Matagal ka na niyang ikinukwento sakin, Ikaw ang laging laman ng bibig niya... ng isip niya ng puso niya... hindi lang niya masabi sayo pero... Mahal ka niya, mahal na mahal.... Matagal na kaming wala, hindi ko kayang makita siyang nasasaktan... Hindi nako magtatagal kay gusto ko bago manlang ako mawala... Mging masaya siya... At alam kong magiging masaya siya sayo. Alam ko ding mahal mo siya Steven, ingatan mo siya gaya ng pag-iingat niya sayo. Salamat Steven..." Lance Nang araw na yon, sabay ng pagbuhos ng ulan ay lumaya narin si Lance... sa sakit at dusa... Natapos na ang libing ni Lance... "May gusto ka bang sabihin?" Steven "Ha?! Wala bakit?" Matt "Alam ko na ang lahat, sinabi na ni Lance bago siya namatay." Steven "Ang ano nga?! Wala akong alam jan ha... Kayo talaga first time nyo lang magkita, pinagtulungan niyo niyo na ko! Hehe." Matt "Hmpf ewan ko sayo... Bahala ka dadalawin ka nun, sinungaling ka talaga..." Steven "O cge na... cge na... Una sa lahat hindi ako nagsinungaling sayo Steven alam mo yan! Meron lang akong hindi inamin sayo..." Matt "O anu nga yon?!" Steven "Steven... Mahal kita... Sa picture palang naramdaman ko na yon, nung makasabay kita sa cab, nung makita kita sa mall... Ang sayasaya ko non Steven... Alam lahat yan ni Lance, kahit na nakokonsensiya ako, dahil feeling ko niloko ko siya... Pero kahit ganun naging masaya parin siya para sakin... Hindi lang si lance ang nabigyan ng buhay ng picture mo, pati ang puso ko Steven muling sumigla... muling nabuhay dahil sa picture nayon... Dahil sayo... Mahal na mahal kita Steven!" Matt "Mahal din kita Matt kung alam mo lang... Ako din muling binuhay ng pag-ibig mo... Kung alam mo lang ang mga naranasan ko bago ka dumating sa buhay ko ... Pero ng dahil sayo... Muli akong natutong ngumiti, tumawa, mabuhay at MAGMAHAL... Mahal na mahal kita Matt..."
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.