Back to stories

kwentongkalibugan.net

My Past

by: tom olano

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
My Past cover image

by: tom olano

I am fascinated with all the stories here sa KK, now its my turn to give my stories to all the readers of KK, especially to Mr. Moderator na naging bridge na mabuo ang ganitong site... I'm now 22 years old. Itatago ko nalang ang pangalan ko sa tawag na "tom." Mahirap kasing itago ang tunay mong kulay lalo na sa mga parents mo at sa mga kapatid mo, lalo na kung strict ang parents mo, especially my dad na nasa US, para suportahan kami. Alam ko malayo ang loob ko sa father ko. Dati siyang AFP, o sundalo - lahat silang magkakapatid naging sundalo, Pang-apat ang father ko sa kanilang lima. Nakilala ng father ko ang Mother ko sa Zambo, dahil dun siya nakadestino, at sa iba pang province ng Mindanao. Malapit ako sa mother ko, obvious naman lahat nman kasi kami close kay Mama, pero ang pinaka bunso nmin ang close kay Dad, dahil siya ang bunso eh, pangatlo pala ako sa magkakapatid. Sa unang tingin sa akin lampa, duwag, tanga, at ano pa, minsan nasa2bihan akong "bakla" dahil madalas kong kalaro eh mga babae... Iyon ang tingin sa akin ng iba... pero iba para sa Mama ko, dahil nagmana nman ako sa kanya! Namana ko sa kanya ang pagiging cook ko! And music lover... Sa side ng mother ko, musikero ang father ng Mama ko... Sa aming magkakapatid ako ang nahasa sa "singing" eh paano kasi madalas akong turuan ng mama ko... Madalas akong pagalitan ng father ko... lalo na sa gawaing bahay... "careless" daw ako, kapag naghuhugas kasi ako ng pinggan minsan nadudulas ung mga baso, malas ko kung babasagin un! Sa simula't sapul takut na takot ako kay dad... Strict siya sa lahat ng bagay... Bawal Maglaro, pagdating ng skul, diretso uwi, naka skul bus kasi kami ni bunso nun. Pagkatapos nun aral then gawin ung mga assigned responsibilities sa bahay. Ala nman kasi kaming katulong. Si Mama lahat gumagawa pati sa laundry... pero kapag nakauwi na kami, nababawasan na ung gawain niya. Dad ko kasi lagi niya iniisip ay magtipid, gusto niya kasi makabili ng ganito ganyan. Dad ko kasi may kayang pamilya, pero di niya tinapos ang pag-aaral niya, natapos lang niya 3rd yr. High school. Tamad daw kasi siya nun, puro bulakbol ang inaatupag... Marami rin siyang chicks... marami ring naging gf's nung kapanahunan niya. Mama ko naman galing sa mahirap na pamilya, ang laki ng sakripisyo ni Mama sa parents ng dad ko, napakabata niya kasi noon, nasa 17 nang magpakasal sila sa huwes. Maganda ang Mama ko, plus matalino pa, kaya nmana nmin lahat katalinuhan niya... Gaya ng nasabi ko kanina madalas na kalaro ay babae, minsan nga eh, napag tripan kong maglaro ng Chinese garter!!! haha!!! Hindi alam ni Dad dahil nasa abroad siya. Hindi ko naman alam na hindi nilalaro un ng mga lalaki nung bata pa ako... wala kasi si Dad sa mga panahon na kailangan ko siya, sa pag-papatule, maglaro ng basketball, mag-aral ng carpentry at kung anu-ano pa... Kaya ng lumaki ako di ko gaanong natutunan ang maglaro ng basketball, nagtatanong pa ako sa mga kalaro kong lalaki, minsan pinagtatawanan ako. Sabi nga nila, nasanay na akong walang ama sa tabi ko... tama sila, lagi ang Mama ko na nasa tabi ko, pag nagsabit ng medals at awards andun si Mama.. kapag maysakit ako lagi siyang nariyan na bantayan ako at alagaan... kapag nagugutom ka, nariyan si Mama na ipaghain ka. Kaya di kataka-takang matutunan ko ang gawaing kusina kaysa sa carpentry, electronics... Minsan naiiyak ako kapag nakakatanaw ako sa bintana na may mag-ama na naglalaro ng basketball, nagtataguan, ung kinakalong ka, kinakarga ka, ni hindi ko naransan un... Minsan sinasabi ko sa sarili ko sana ganyan din si dad... feeling ko nun naghahanap ako ng perfect dad sa buhay ko... Nang mamatay ang Mama ko feeling ko nun wala na kaming ka2mpi... Namatay siya sa sakit na Tuberculosis, (napabayaan ni mama ang kalusugan niya sa dami ng gawain niya bilang ina) pero nagkamali ako, ang malakas na loob niya naging malambot... umiiyak siya... na parang wala ng ganang kumain... alam ko marami siyang iniisip, iniisip niya paano kaming mga anak niya. Naawa ako kay dad sa mga panahon na yun... naawa rin ako sa bunso namin she's only 10 yrs old ako naman nasa 12 na... Malaking pagsubok sa amin un... pero ang mga tinuro ni Mama sa amin especially me, narito pa rin sa puso't isipan ko... Idinadalangin ko kay Lord na sana., may time na magkaayos kami I mean, gumaan ang loob sa isat-isa, na maging close sa isat-isa... Dahil hinahanap ko yun kay Dad... Hanggang sa mag-college ako, bitbit ko ang sama ng loob kay dad pero kahit masama ang loob ko sa kanya mahal na mahal ko siya dahil ama ko siya... Sana makabawi man lang siya sa akin sobrang ikatutuwa ko sa puso ko un... <Itutuloy>

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story