Back to stories

kwentongkalibugan.net

Minsan

by: Mark

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
Minsan cover image

by: Mark

Kailan nga ba tamang sabihin sa puso mo na tama na? When is the right time to let go? Minsan sa buhay ko, nangyari ang isang minsan na minsan na ring nangyari sa inyo. Hindi ako masasaktan kung pinili kong wag masaktan, at kahit kailan hindi ko mararanasan ang isang masakit na kahapon kung kahit isang araw bago mangyari ang lahat ay umiwas na ako, lumayo, at tumalikod sa alam kong lulumpo sa akala kong matatag na ako. Sa alak nagsimula ang kwento ko, ang kwento ng puso ko, at ang hindi ko alam sa alak din pala ito matatapos. Tingnan mo ako ngayon, kaharap ko ang dalawang bote ng Whisky. Sa dinami dami ng taong nagsasabi na ang swerte swerte ko, kesyo ang tali-talino ko, heto ako ngayon kausap ang dalawang bote ng whisky at sinasabing ang bobo ko, sobrang bobo ko. Hindi ko alam kung paano ko nakuha ang dalawang bote na ito, basta ang alam ko lang hindi ko matandaan kung paano ako hinatid ng mga paa ko pauwi sa bahay ko matapos makumpirma ng dalawang mga mata ko ang hinihinala ko. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang kwentong ito, masakit isipin na kahit sa gitna pa ako ng mga pangyayari magsisimula, sa dulo ng kwentong ito ay isasalaysay ko ang kwento ng isang puso na ang tanging pagkakamali lang ay makaramdam ng pagmamahal at hinayaang pangunahan ang aking isipan. -oo- "Welcome back Mark." Humigit kumulang isang daang beses ko ata narinig ang mga katagang yoon. But that was exactly what I wanted to hear during those times, and it was giving me this feeling, this awesome feeling of being home. "It's great to be home at last." Simpleng inuman lang with friends, syempre as much as possible dapat andun ang mga closest friends ko. I only got few closest friends, kasi kapag sinabi kong closest alam even the smallest secret that I keep. "So, how's your heart? Massachusetts is such a romantic place, especially Boston, I'm sure you've found someone there." Ayan, yan si Cassie, ang isa sa mga pinaka matalik kong kaibigan. Isa lang sya sa konting nakakaalam ng totoong ako. "Naku, zero pa rin noh, eh ano bang bago sa mga Bi dito sa Pinas?" I must admit, medyo natuwa din ako to notice how gays and bisexuals have been courageously displaying themselves in public nowadays. "Haven't you heard of this gay site, I think it's guys4men.com..." That time, isa na lang ang gusto kong gawin, to check the site. Ano nga bang meron dun? Sa mga sumunod na araw, nakita ko na lang ang sarili ko na paulit ulit at halos magugol ang buong araw ko sa site na yun. Marami kang profiles na mababasa, some can lure you, some can make you feel like asking them out. Nakakatuwa, na medyo iba. Naglagay ako ng pictures, but I made it a point na it would be uploaded under my private photos. Dahil na rin siguro sa wala talaga akong maipakitang pictures sa iba, madalang na may magkaroon ng interes sa akin. Pero isang araw, may isang matyagang member ang nagpapadala ng mga messages sa akin. Based on his profile, mejo magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Ewan ko ba, pero I used to think na internet chatting is not really good, pero now tingnan mo ako nakababad sa computer ko. Nakakatuwa, akalain mo yun, I have this feeling na may hinahanap ako, ang problema hindi ko alam talaga kung ano ang pakay ko sa website na yoon, basta ang alam ko lang nalilibang ako. "Hi, reply ka naman jan. May I please have your password. Patingin naman ng pic." "Hey, bakit ba ayaw mo? Hindi ko naman ipapakita sa iba eh?" "Hi... ano pang silbi ng mga pictures na yun kung ikaw lang nakakakita?" Naaliw talaga ako sa kanya, sya lang yung nabubukod tanging nagtyatyaga sa akin. Sa tuwing maglolog-in ako at makikitang may message ako, alam ko na sya yun. Until one day bumigay din ako, sabi ko bahala na, I know I was really hesitant of entrusting him my private picture password. "Hi, thanks ha. Grabe, I don't understand why ayaw mo pang ipakita mga pictures mo sa akin.... Ano, kailan na tayo magmemeet?" "Sige na pumayag ka na, eto naman, hindi naman ako criminal. I won't do you any harm." Maraming mukha ang G4M (guys4men), binubuo ito ng iba't ibang grupo o clan na nagbubuklod sa mga myembro na may pareparehong paniniwala. Pero ako, inilayo ko ang sarili ko sa mga grupo na iyon. Wala akong clan, at ni minsan hindi sumagi sa isip ko na kailangan kong magkaroon ng ganun. Masaya na akong magbasa ng mga postings sa iba't ibang thread sa forum, may mga opinion din ako sa iba't ibang topic, pero nanatiling mailap ako sa pagsagot kahit na sa mga thread na sa aking palagay ay tunay ngang interesante. "May I just ask for your mobile number na lang?" "Ito naman oh, hanggang kailan mo ba ako papahirapan.?" "Sige na naman please, ano bang silbi ng pagsali mo dito kung napaka elusive mo naman din?" Tama nga siya, kung sabagay, ano nga bang ginagawa ko dito kung hindi ko naman hahayaan ang sarili ko na magkaroon ng mga kaibigan sa site na ito. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang pangungulit niya sa akin. Pero hindi nagtagal nalaman ko din kung bakit. "Hi, are you Erick?" Nakakatawang isipin na apat na oras bago ako makipag kita sa kanya ay halos bawiin ko na ang pagpayag ko. Nakakakaba, first time in my life na makikipag eye ball ako. "Ako nga, Mark? I am so happy to finally meet you." Sabay abot ng kamay nya sa akin. Hindi ko sasabihin na kaharap ko ang isang napaka gwapong lalaki, at hindi ko rin sasabihin na napaka perpekto nitong mama na nasa harap ko. Sa mismong punto na yoon, ang mahalaga sa akin ay ang Makita sya kahit na ano pang itsura nya. Ewan ko, hindi ako eksaheradong tao pero maliban ata sa nakikita ng mga mga mata ko, may dinidikta ang puso ko sa utak ko, if there's such a thing as love struck eh yun na nga siguro yun. Pero at the back of my mind, something tells me na hindi siguro mapagkakatiwalaan ang mamang ito. OK naman si Erik, mas bata sya sa akin, pero the way he projects himself is truly enthralling. Magaling makipag-usap, yung tipong kayang mang gancho ng malaking halaga sa kahit sinong makakausap nito. Sa konting oras na kasama ko sya noong araw na yoon, onti onting dumidikit ang puso ko sa kanya. Alam ko hindi maganda yun, pero yun ang gusto kong gawin. Kumakapit ako, at ang araw na rin na yoon ang naging tanda ng pagkapit ko sa kanya. As we try to learn more about ourselves, we both discovered that we share a lot of interests and; we learned that we enjoy things that are likely the same. Hanngang nalaman ko na lang, halos araw-araw na pala kaming magkasama, magkausap. Masaya ako, sobra, if there's one word to define how I feel – it would be spelled as H A P P Y. Sa ika-apat na beses naming na nagkita, I decided to invite him over to my place. My friends were scheduled to be there, onting inuman lang. Pinakilala ko sa kanila sa Erick. As much as I could remember, everyone seemed to like him. Noong una mejo nahihiya pa sya, pero hindi nagtagal halos lahat nakahulugan na nya rin ng loob. "Erick, it's fine with me kung dito ka na matutulog, late na rin kasi, you can sleep in my bed. I'll just stay here sa couch." I live alone, hindi naman ganun kalaki ang place ko, it's just good enough for me. Mejo tipsy na rin siguro sya sa sobrang dami ng nainom nya, kaya bumagsak na rin sya sa kama. Ako naman, nahihirapan sumalo ng antok, ang daming pumapasok sa isip ko. Ang dami kong naiisip, sumasakit na ang ulo ko pero ang antok na hinihintay ko wala pa din. Masaya ako, pero hindi ko pa alam kung ano nga ba talaga kami ni Erick. Ilang sandali lang, nawala na ako sa iniisip ko. Nakatulog na din ako, pero nagising ako around 2 am to pee. I noticed na mejo wet ang nipples ko pati na rin ang bellybutton ko. Pero, sa isip ko, baka pinawasin lang ako. Bumalik ako sa pagkakahaga, at derecho tulog na rin. Pero hindi pa nagtagal, I started feeling like something was moving in the lower part of my body. Tama ang iniisip ko, I opened my eyes, and there he was sucking every inch of my manhood. Grabe, ibang pakiramdam, it was something you won't want to end. It felt really good so pinabayaan ko na lang. He was good, ibang iba, sobrang sarap. He sucked, licked, and sucked til I cum. To be fair naman, I jerked him til he cummed. Hindi pa kami opisyal na kami, hindi pa klaro kung ano ba talaga yung namamagitan sa aming dalawa.. Sa sobrang pagod, itinulog na lang namin ang mga tanong na iyon, at alam ko kinabukasan masasagot din yoon. "Kung tatanungin mo kung bakit ko ginawa sa iyo yoon kagabi, siguro pareho lang nang isasagot mo yung sagot ko kung itatanong ko naman sa iyo kung bakit ka pumayag na gawin ko yun sa iyo." Pagmulat ng mga mata ko, he was there sa tabi ko, nakatingin sa akin as if waiting for my eyes to open. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko lang sa iyo na ginawa ko yun dahil lang sa hindi ako makapag pigil?" Kitang kita ko ang sincerity sa mga mata nya, halos mabaliw ako sa mga naririnig ko, dahil alam ko na sa mga susunod na buka ng mga labi nya, sasabihin nya ang mga salitang halos katulad ng gusto ko ring sabihin sa kanya. Bago pa sya makapag salita ulit, inunahan ko na sya ng halik. Tumingin siya sa akin, gumanti ng halik. "Kung sasabihin ko na mahal kita, yoon din ba young sasabihin mo?" Halos wala na akong ibang Makita sa paligid ko matapos ko marinig yun mula sa kanya. Yung sandaling yoon, yoon na yoon mismo ang simula ng pag-ikot ng mundo ko sa kanya. Wala akong ibang taong Makita sa mundong ginagalawan ko kung hindi siya. Wala ng iba pang naamoy kung hindi ang pabango nya, lahat siya, lahat ng ganito siya, lahat ng ganyan si Erick. Sa mga sumunod na araw gumigising ako sa isang bagong umaga na siya lang ang nasa isip ko, at natutulog sa isang tahimik na gabi na hangga''t maari gusto ko siya lang ang katabi.. -oo- Ang Pagwawakas - sa ilalim ng gabi itatago ang aking sarili - sisikaping ikubli ang sugat sa kaliwang pisngi - sa pag-ihip ng hangin sa aking likuran - pipilitin akapin ang hampas ng amihan - kahit mahapdi ay patuloy kong pagmamasdan - hanngang sa matiyak ang aking kinatatakutan Sa mga sumunod na sandali kami ang may ari ng mundo; bawat araw kami ang magkasama. Nawala na ang pagdududa ko sa kanya. Buong buo ang tiwala ko, wala naman talaga akong rason para magduda. Sa mga sumunod na lingo naikot na namin ang lahat ng sulok ng Maynila. Kaya ko na ring isa-isahin ang mga pinakamasasarap na restaurant sa kahit saang panig ng siyudad. "Paano kung hindi mo binigay yung password mo? Paano kaya kung hindi ka sumagot kahit isa man lang sa mga messages ko? Paano na lang kung nung pagkakita mo sa akin tinalikuran mo ako?" Tumingin ako kay Mark, nakikita ko ang mga tanong na yun sa kanyang mga mata. Pero hindi ako sigurado kung tama nga ang nababasa ko sa mga mata nya. "May problema ba?" Tanong nya, na parang nagtataka sa sobrang pagtitig ko sa kanya. "Wala, I'm just so happy...Ikaw?" "Masaya din, nandito ka eh." Sabay akbay, di namin alintana ang mga matang nakapalibot sa aming dalawa. May mga sandaling hindi kami magkasama, natural na siguro yun dahil alam naman naming pareho na bukod sa aming dalawa may buhay pa kami para naman sa iba. Pero wala ni isa sa mga sandaling iyon ang nagbigay sa akin ng idea na maaring may ginagawa syang kalokohan, o sadyang nabulag lang ako ng sobrang pagtitiwala na binigay ko sa kanya. Ang Pagsisimula Ang mga buhangin na kumakawala sa palad ko Lumalangoy sa hangin kasama ang mga alaala mo Ang mga bituing nagtatago sa tuwing umaga Kumukubli sa mga ulap tulad ng iniwan mong alaala "San ka na?" "If you receive this message, please give me a call" "Erick, I'm getting worried. Let me know if you are ok asap" "Hello, Mark, Napatawag ka ata?" Hindi na ako mapakali, natatakot ako. Iniisip ko baka may anong masamang nangyari kay Erik kaya naman naisipan kong tawagan si Cassie. "Hello Cassie, si Erick kasi, He hasn't been showing up for 2 days now. Eh mejo natatakot na ako." "Have you called him? Hindi ba sya nagpaalam where to go?" Tanong nya. "Sabi nya he'll be with his mom for a day lang. Kaya lang everytime I try to call him up laging out of reach yung number nya?" "Mark, don't get paranoid okay. Baka naman he lost his phone. Just keep trying calling his number. Uuwi din sa iyo yun." Hindi ko na matatandaan sa sandaling ito kung ilang beses kumabog ang dibdib ko. Kung makailang ulit sumagi sa isip ko ang mga krimen na usong uso nung mga panahong iyon. Natatakot ako sa bawat flash news sa tv, tama si Cassie, ginagago ako ng paranoia ko. Isa, dalawa, tatlo o higit pa nga limang oras na nakatanga ako sa bintana ko. Tinititigan ang doorbell speaker, hinihintay at umaasa na sa susunod na pagtunog nun, pagbubukasan ko na ng pinto ang taong hinihintay ko. Wala ni isa sa mga kaibigan nya ang kilala ko. Wala ni isang kamag-anak ang maaring kong pagtanungan kung nasaan sya. Sa ikatlong araw nang paghihintay ko sa kanya, hindi na ako nabigo. Pagbaba pa lang nya ng taxi, agad akong tumakbo papalapit sa pinto. Pagbukas ko, agad ko syang niyakap. Wala na akong pakialam kung ano pang nangyari sa kanya, ang alam ko lang ok na sa akin na bumalik na sya. "Sorry, kasi umuwi ako sa amin, eh walang kuryente dun, may nasira daw na poste sa isang lugar eh. Nalowbat ako. May sakit si Mama eh, I had to stay there to look before her. I know you would understand." Yoon lang ang natatandaan ko, gaya nga ng sabi ko wala na akong pakialam sa kung anong dahilan pa meron sya. Pero naulit ang mga ganun pangyayari, ang mas malala sa mga sumunod na pagkawala nya inaabot na ng apat na araw, minsan isang linggo. Marami syang rason, iba't iba, laging lumulusot: 1. "Alam mo namang walang kuryente dun, paano ko ba masasabi sa iyo na inatake si Mama, Syempre I had to stay there to look before her." 2. "Hindi ko rin naman ineexpect na magtatagal ako ng ganun dun, hayaan mo babawi ako sa iyo." 3. "Dumating kasi yung tito ko, e nagkaroon ng parang family reunion sa amin." Marami talagang rasons, alam ko nagdududa na ako pero pilit kong pinapaniwala ang sarili na hindi ako lolokohin ng taong ni sa hinagap ay hindi ko naisip na lokohin. Sabi nga ni Cassie, parang kabit daw ako. Minsan nga gustong gusto ko ng itanong sa kanya kung may kahati ba ako. Pero iba si Erick, kahit anong sama ng loob ko, kapag lumapit na sya sa akin, tumitiklop ako. "What? That's a big stupidity Mark. Why don't you confront him?" Si Cassie, naikwento ko kasi sa kanya na kinuha ko isa-isa yung mga contacts ni Erick sa phone. "You are not stupid to do that Mark, ano ka NBI?" Alam ko nagmumukha akong tanga sa ginagawa ko, pero ganun ko talaga siguro sya kamahal. "I've been doing this for 2 months now, alam mo yun, it took me some time para malaman kung sinu-sino yung pwedeng may koneksyon sa kanya more than friends." Halos hindi maipinta ang reaksyon ng mukha ni Cassie. "Mark, paano kung may matuklasan ka? Handa ka bang tanggapin kung sakali? Kaya mo bang tanggapin kung makukumpirma mo yang mga hinala mo." Hindi ko inamin kay Cassie na may ilan sa phonebook nya ang walang pangalan. Hindi ko na rin ginustong ipaalam kay Cassie na dalawa sa mga walang pangalan sa contacts ni Erick ang pilit kong kinakaibigan. Nagtagumpay naman ako sa plano ko. Little by little, I was able to gather information about those two unnamed contacts, I gathered some data without them knowing na lover ako ni Erick. Unang nakilala ko si Bjorn, we became friends and we've come to the point na we go out na rin. Pinagkatiwalaan nya ako, naikwento nya sa akin na he is taken. Sa bawat kwento nya dinudurog nun ang puso ko, sa bawat salitang nagpapahayag kung gaano siya kasaya sa lover nya, yoon mismo ang mga salitang unti-unting tumutunaw sa tatag ko. One time, nagpadala pa sya ng picture nila ng lover nya, mas masakit pa sa suntok ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Sumunod kong nakilala si Mike. Masakit malaman na hindi lang pala isa ang kahati ko, dalawa pala sila. Pero kung tutuusin si Mike ay isang hamak na parausan lamang. Ganun pa man, masakit kapag narerealized ko na ang taong mahal ko ay nakikipagtalik sa isang tao nang mas madalas pa sa akin. Noong mga oras na yoon, noong mga araw na yoon, hindi ko alam kung masasagot ko ang huling tanong ni Cassie sa akin. Kaya ko nga ba? Marami akong nalaman, si Bjorn at Erick pala ay halos isang taon nang sila. Ibig sabihin nauna pa sa akin si Bjorn. Si Erick at si Mike hindi ko na ginustong alamin kung gaano na na nila katagal ginagawa yun, basta ngayon tanggap ko na na mas madalas pa sa pagtilaok ng manok nila ginagawa yun. "Dude, natry mo na ba threesome?" Nagising na lang ako sa isang mensahe mula kay Bjorn. Sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko. "Pare hindi pa eh, pero mukhang Masaya yan." Maluha-luha ako habang tinetext ko yun sa kanya. Masakit talaga dahil iniisip ko palang halos di na ako makahinga. "Sige pare, pumayag na rin yung bf ko, magaling yun dude, tyak titirik mga mata mo sa kanya." Halos mabaliw ako nung mga sandaling yoon, gusto ko na atang iuntog ang ulo ko sa pader. Sa mga sumunod na mensahe, sinabi na ni Bjorn kung anong oras, at mga ilan pang impormasyon tungkol sa threesome. Sinabi ko na magsimula na sila kaagad para sasabak na ako pagdating ko. Aaminin ko, hindi ko talaga maipaliwang ang damdamin ko nung mga sandaling iyon. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere, pakiramdam ko wala na ang mga bituka sa loob ng tyan ko. -oo- "My God, Manang, anung nangyari kay Mark." "Mam Cassie, pagdating ko po sa bahay kanina para maglinis nakita ko si sir sa banyo suka ng suka." "Anong bang pinaggagawa nitong taong to? Sira talaga ulo nito." "Ma'am, are you the sister of the patient?" "I'm his friend doc." "He's still lucky nadala sya kaagad dito, one more hour siguro wala na tayong magagawa." "How is he doc?." "Stable na sya, but we still need to do more observations, we need to make sure na mailalabas ng katawan nya ang mga kemikal na na-intake nya." "What do you mean doc?" "Mam, your friend tried to kill himself by drug overdozing, at hindi pa sya nakontento pati mga hand sanitizer at kung anu-ano pa ininom nya." -oo- Ang Pagmulat Sa Pagpikit ng iyong mga mata Hindi mo na sila makikita Hindi mo maririnig ang bulong ng hangin Wala kang luhang masisilayang babagsak sa gilid Ang tanging gamot mo ay ang kanilang pag-ibig Ang huling natatandaan ko, kaharap ko ang dalawang bote ng whisky. Naaawa ako sa sarili ko, natatawa dahil sa sobrang hinayaan ko ang sarili ko na umabot pa sa ganun. Sa pagmulat ng mga mata ko, akala ko okay na lahat, akala ko natakasan ko na ang katotohanang natuklasan ko. "Friend, Mark, gago ka talaga eh noh. Bakit mo yun ginawa." Lumapit sa akin si Cassie, umiiyak. Katabi nya si Manang, umiiyak din. Doon ko narealize kung ano nga ba ang ginawa ko. "Hindi ko pala kaya Cassie, hindi ko pala naihanda ang sarili ko. Pero tama ka, ako naman ang may gusto nito. Alam ko na naman nung una pa na darating ako sa puntong ito, hindi pa ako umiwas." Tumingin ako kay Manang, "Wag na lang po nating iparating sa parents ko, kung pwede sa atin na lang tatlo ito." "Ano ba talagang natuklasan mo?" Naging malinaw ang lahat kay Cassie, masakit man pero pinilit kong kayanin isalaysay sa kanya ang lahat. "Bjorn invited me over for threesome...at pumunta ako...i ask them na mag umpisa na para pagdating ko ma-stimulate ako sa lovemaking nila. Nang dumating ako ang katulong ang sumalubong sa kin at sinabihan ako na dumiretso na ako sa kuwarto. Sobra ang kaba ko and i feel butterflies in my stomach so i took a deep breath... at yun na...nakita ko si erick na subo subo ang ari ni bjorn and i know that he will be shock to see me...i ran out immediately, without knowing where to go...Basta all i could remember is that nasa bahay na ko at dalawang bote ng whisky ang kausap ko." Wala na akong idea nung mga panahon na yun kung nasaan na nga ba si Erick. Hindi ko na rin ginusto pang Makita sya. Hangga't naaalala ko ang eksena sa bahay ni Bjorn, patuloy pa rin akong sinasaktan ng bawat eksenang natunghayaan ko dun. -oo- Maliit lang ang mundo, lalo na ang mundo natin. Kahit gaano ko katindi gustuhing hindi ko na sya Makita pang muli, hindi ako nakaiwas ng mismong tadhana na ang nagdtugtong sa mga landas namin. I know I was already moving on that time, or at least I was trying to. I thought I was starting to shape myself up; I had been enjoying the company of my friends, I had been given a good position in the company that I work for. Pero ako, I have thought of facing it, but never did I think na it was going to happen sooner than I expected. Akala ko okay na okay na hanngang sa Makita ko syang muli. Lumakad ako na pilit pinapaniwala ang sarili ko na kinaya kong Makita sya na mas matatag.... "Hello Cassie, nakita ko si Erick..." Halos hindi ko masabi ng derecho ang gusto kong iparating. "Mark, are you okay?" "When I saw him, it felt like he scratched my healing wound and let it bleed again." Ang minsang ito na minsan na rin nangyari sa akin ay maaring mangyari minsan sa iyo. Swerte ka kung maimumulat mo pa ang mga mata mo matapos mong masaksihan ang isa sa pinakamasakit na eksena na maari mong Makita. Minsan kailangan mong harapin ang isang minsan na maaring mangyari sa isang katulad mo, sa katulad ko, at sa katulad natin. -End-

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story