Back to stories

kwentongkalibugan.net

May Buhay At Pag-Asa Sa Gitna Ng Kawalan - Part 5

by: mac

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
May Buhay At Pag-Asa Sa Gitna Ng Kawalan - Part 5 cover image

by: mac

… gaya po ng dati sana ay nagustuhan ninyo ang part 3 & 4 at welcome ang comments/suggestion – salamat po ulit sa inyo at kay Moderator. God bless. Nakarating kami ng mapayapa sa Pampanga, di ko alam basta nabasa ko eh Angeles, hanggang nakarating kami sa bahay nila, simple lang di kaliitian, yari sa kahoy at ang sahig ay semento na may lagay na linolium , maayos naman ang bahay, walang masyadong gamit ang bahay, may isang maliit na sofang kahoy na may 2 throw pillows, may black & white na tv, isang electric fan , 2 ang kuwarto, separate ang banyo, may maliit na kusina, malinis pero nakikita mo na medyo naroon talaga ang kalumaan ng bahay, umuupa lang daw sila dito. Bali ang may-ari ay kumare ng dating kasamahan ng Mama nila sa club. "tuloy ka babes, sensya na sa bahay namin na, medyo hindi ito kasing laki ng bahay nyo" "ikaw talaga wala yun ang mahalaga eh buo ang pamilya nyo, nasaan ang kapatid at nanay mo" "mamaya pa ng konti sila darating baka nasa palengke pa or baka may dinaanan pa sila, pero alam nila na darating tayo dahil tinawagan ko sila" "ok ka lang ba talaga, halika ka nga mis na mis ko na ang kiss mo sa akin" at hinalikan nya ako sa labi "kaw talaga baka may makakita sa atin eh kung ano na lang ang isipin nila sa iyo" "wala yun ok lang yun, ang mahalaga eh napagbigyan mo ako, saka isa pa babes, salamat at sori, salamat dahil napakababait ng magulang at kapatid mo sa akin, talagang inasikaso nila ako ng mabuti at sori pala talagang binalak ko na talagang di ako uuwi kagabi gusto ko talaga na magkasama tayo sa bahay mo at makilala ko ang mga magulang at kapatid mo, di ko sinabi ito kasi baka di ka pumayag dahil sa relasyon natin di ba" di ako ako agad nakapagsalita, naisip ko na totoo ba ang lahat ng mga sinasabi nito sa akin o talagang may mga plano siya sa akin at sa pamilya ko, pero bakit nya ako sinama dito kung merong intensyon siya sa pamilya namin at sa akin, naguguluhan ako pero kahit naguguluhan ako ay masaya ang feelings ko sa oras na yun. Nasa ganon kaming paguusap ng biglang dumating ang nanay at kapatid niya. "O Alex andyan ka na pala, at kasama mo na pala ang bisita natin" "Opo Nay – siya po ang sinabi ko sa inyo" "magandang tanghali po, musta po kayo" bati ko "walang anuman, ah siya ba anak ang sinasabi mo sa akin na kaibigan mo si Mac " Bakas sa mukha ng nanay na bata pa, kaya lang dahil sa mga problema siguro ay parang tumanda ng konti dahil siguro nga sa kahirapan, pero may angking ganda ang nanay ni Alex, kaya lang dahil sa sinabi sa akin ni Alex na may karamdaman ito na di naman niya binanggit kung ano, parang masigla naman sa nakikita ko sa oras na yun. "oo nanay, siya po si Mac, ah eh Mac ito pala ang kapatid ko si Brian" "hi gud morning" bati ko, at kinamayan ko, ang gandang lalaki rin pala ni Brian, super guapo rin, magkaiba sila ng mukha, pero talagang mga mestiso, mabalahibo rin ang mga braso at makapal din ang balahibo sa mga binti ni brian kasi nakashort at kahit 18 or 19 pa lang siya, medyo makapal ng konti kilay at mapula rin ang mga labi, talagang di mo rin pagsasawaan tingnan ang kagwapuhan, magkaiba man ang laki ng katawan at ganda ng katawan ng kuya niya pero may hubog na rin ng konti, may kaputian din at sa kanipisan ng damit nito eh makikita mo ang makapal na buhok sa katawan ni Brian, kaya lang napansin ko na medyo parang mahiyain ng konti kasi pag katapos na magpakilala ay tumuloy na sa kusina dala ang pinamili nito na nakayuko ang ulo. "Sensya ka na Mac sa bahay namin, buti naman at napasyal ka, nabanggit ka na nga sa akin ni Alex" litanya ng nanay ni Alex, habang nagsasalita ay nakatingin ako kay Alex na pangiti-ngiti lang. "Brian, dalhin mo dito yung binili nating mamemeryenda, sandali lang anak at iluluto ko lang ang ating pananghalian , pasensya na kayo at tinanghali ako ha mga anak " at dumating si Brian na may dalang mamemeryenda sa amin, habang kumakain kami kasalo naming si Brian na medyo tameme ayaw magsalita derecho lang ang kain na paminsan minsan ay tumitingin sa akin at nginingitian ko naman at yumuyuko ang ulo siguro medyo nahihiya pa sa akin, at si Alex naman ay nagsabi na medyo mahiyain ng konti ang kapatid niya pero pag tumagal na ay mas walang hiya pa sa kanya at mabilis na kumain si Alex at at maya maya ay nagpaalam sa amin si Alex na pupunta lang siya sa kuwarto magbihis lang daw at sinabi pa niya na kung gusto ko daw na magbihis ay sabay na daw kami para mapreskuhan ako, sabi ko naman mamaya na, ok lang ako kaku. Pero talagang pinilit nya akong magpalit ng damit para daw hindi ako matuyuan ng pawis, so wala akong magawa kundi ang sumunod na rin sa kuwarto niya, ok naman ang room nila isang maliit na papag at isang cabinet na luma na may salamain sa isang pintuan nito at dito nila nilalagay ang damit at kung ano pang mahalagang bagay pampersonal, may maliit na mesa sa tagiliran ng papag at may isang maliit na lamp shade. maayos ang kuwarto, at nakita ko ang litrato nilang magiina, nakapatong sa isang maliit ng salaminan, pinagmasdan ko at talagang kita ko kung gaano sila nagmamahalan ng kanilang pamilya, bagama't nababakas ang kahirapan ay may saya sa kanilang labi sa litrato na nakita ko, at may napuna pa ako isang litrato ni Alex may kasama siya isang babae ba at lalaki kasi parang may takip ba ang mukha nong lalaki o parang nagfade na dahil parang nabasa yata at isang litrato ni Brian na nakahubad ang t-shirt na parang nagbubuhat ang isang barbel at ang balbon at ang lago rin pala ng batang ito, susme nakakalibog ding tingnan,mestiso talaga parang ang sarap sarap niya hehehehe. "lalabas muna ako at titingnan ko si Mama kung tapos na ang niluluto nya ng makakain na tayo ng tanghalian ha" sabay halik sa akin ni Alex , oo napakaromantiko ng taong ito, tanong ko sa sarili ko na ganito rin kaya ang ginagawa niya sa iba? Habang nasa kuwarto ako ni Alex ay kung ano ano ang pumapasok sa aking isipan at naiisipan kong tingnan at magcheck ng mga gamit nya baka may makita akong kakaiba, binuksan ko ang maliit na tokador, mga damit nya at siguro ang isang division ng tokador ay para kay Brian, konti lang laman pero di yun ang importante, so nagcheck ako ng damitan niya, buklat dito buklat doon parang asawa ako ni Alex na may karapatan ba akong magbulat-lat ng mga gamit nya, pero may napansin ako na isang maliit na kahon, pinagmasdan kong mabuti parang may naalala ako sa kahon na ito, parang pareho sa kahon ni Kuya Dex, teka masilip nga, ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at "o babes luto na ang pananghalian natin… labas ka na diyan at nakahanda na ang pagkain, tekaaa eh ano ba ang ginagawa mo diyan.. babes.." ang bungad ni Alex , nabigla at namutla ako di ko lam kung ano ang isasagot ko, kunwari ay naghahanap ako ng damit "sige lalabas na ako, sensya ka na pala naghahanap ako ng damit dito, medyo yung damit na binigay mo sa akin parang masikip (kahit ok naman at komportable nga eh), kaya heto nabuksan ko ang damitan mo" "haaa ah..eh, sige ok lang, bakit di mo ako tinawag para naihanap kita ng masusuot, kaw talaga Babes… oh siya sige na tara na at kain na muna tayo" na parang nabigla siya , ah ewan ko kung nainis siya di ko na tiningnan ang mukha nya habang nagsasalita siya at tuloy na lang akong lumabas ng kuwarto kasunod niya. "kain na tayo mga anak, sige upo na kayo, pagpasensyahan mo na ang pagkain natin ha" "ayy naku po wala naman pong problema sa akin, alam kong masarap na masarap ito" Naroon na si Brian na medyo titingin tingin lang sa akin at kain lang siya habang ako naman ay inaasikaso ni Alex at ng nanay niya, habang kumakain ay maraming kwentong pampamilya ang napagusapan, kung saan maraming pagsubok ang dumating daw sa kanila, ang paglaki ng mga kapatid na walang ama, at kung ano ano pa ang aking narinig sa nanay ni Alex, habang si Alex at Brian ay nakatingin at nakikinig lamang, na parang nahihiya pero okey lang naman at least alam ko kung anong klaseng pamilya ang mahal ko, parang naroon ang awa, pagmamahal ang tumusok sa aking puso, dama ko ang hirap na kanilang mga pinagdadaanan. Nalaman ko rin na lahat ng trabaho ay napasok na ng ina ni Alex buhat ng ito ay magretiro daw sa club ay hindi nahihiya na maging isang dishwasher sa restaurant, naging katu-katulong sa isang maliit na karenderya, naglalabada at kung ano ano pa para lang mabuhay ang dalawang anak niya, at hindi raw niya pinagsisihan ang nangyari sa kanya. Kung wala man nagisnan na ama si Alex at Brian ay hindi pumasok sa isip niya na ipalaglag ito noon at ipaampon sa iba bagkos ay maluwalhati niyang inalagaan ang magkapatid kahit na hirap na hirap at walang tumulong sa kanya at maging ang kanyang pamilya ay hindi sila tinulungan dahil nga sa nangyari sa Mama ni Alex, pero hindi siya nanlupaypay dahil alam niya na may katapusan din ang paghihirap nilang magiina at naipamulat niya sa magkapatid na maging mabuting tao lang sila at may paggalang sa kapwa, may takot sa Diyos at ipinakita niya na agad sa dalawang anak niya na mahirap lang sila kaya hindi namulat ang magkapatid sa mga bagay na mamahalain dahil sa kung anong meron ay maging kampante sila at hindi dapat maghangad ng bagay na hindi nila pinagpaguran at si Alex at Brian. Kahit na ganon ang nangyari ay lumalaban sila sa takbo ng buhay, si Alex nalaman ko ng sa edad 11 ay naging katulong ng ina sa pag hahanap buhay, kasa-kasama na ng ina si Alex sa palengke upang mangatulong sa mga maggugulay at nagbebenta ng supot na plastic, at tulong silang magina na maglako ng isda at gulay sa palengke na ito ay hinahango lang nila bali may porsyento lang sila, pero pinilit ng nanay nila na kahit hirap na hirap sila sa buhay ay makapag-aral sila. Yun lang ang pangarap ng nanay niya na kahit elementary or high school ay makapagtapos ang kanyang 2 anak. Marami pang sasabihin sana ang nanay ni Alex ng umeksena siya at "ooy Nanay tama na po yan, ako na lang magkwekwento kay Mac, para naman makapahinga na muna kayo, o Brian, sensya ka na 'tol ha kaw muna ang toka ngayon ha me bisita ako hehehehe sensya na tol" tumango lang si Brian, walang imik na nagligpit ng kinainan namin, at ang nanay ni Alex ay dumeritso sa kusina na rin. Kami naman ay naupo sa sofa at binuksan ni Alex ang TV "sensya ka na black & white ang tv namin, di pokpok at hulugan pa yan, surplus hehehehe" Maya-maya ay lumapit ang nanay niya at "Mac pagpasensyahan mo na anak ko ha, makulit yan pero mabait naman yan, buti naman at ikaw ang naging kaibigan ng anak ko, alam mo ba na mapili yan sa kaibigan, 2 o 3 lang kayong kaibigan ang naisama nya dito, matagal na rin na wala siyang kinakaibigan siguro alam nila ang buhay namin" paglalahad ng nanay ni Alex. "Sana nga ay makaalis o makapag-abroad na ang anak ko, talagang kahit di niya sabihin sa akin ay nahihirapan na siya sa aming kalagayan, kaya lang Mac wala akong magagawa, buti na lamang at may nagpapahiram ng pera sa anak ko at minsan ay nakakapagtinda ako sa palengke kaya kahit paano ay may nagagastos ang anak ko sa pag-aaplay niya sa Manila, At salamat at ikaw ang naging kaibigan niya alam ko anak na mabait at napakabuti mo kay Alex at hindi kami nagkamali sa iyo, salamat anak" at pinisil ng Mama ni Alex ang aking kamay at parang naluluha pa siya. ".. salamat po kung ganon, sana nga po ay maging maayos ang aming pagkakaibigan ng anak nyo at salamat po rin sa tiwala nyo sa akin" Marami pang sinabi ang nanay ni Alex peron nakikinig lamang ako at sumasangayon lamang sa mga sinabi ng nanay niya, pero kita ko kay Alex ang parang nagugulat sa mga sasahihin ng Mama nya kaya nagpasya si Alex na yayain na lamang ako sa room at may pakikita daw siya kunwari sa akin. "Ma' doon muna kami sa kuwarto ha may pakikita lang akong papeles at ipachechek ko rin kay Mac kung ok ito para di kami magpabalik balik sa agency" "sige anak at ako ay punta na muna sa kusina at may gagawin pa ako sa paninda bukas" At si Brian ay nasa kusina pa rin, siya ang nagligpit ng pinakainan namin. At niyaya na ako ni Alex sa kuwarto nila , pagkasara ng pintuan ni Alex sa kuwarto at gaya ng dati ay hinalikan nya ako sa labi. "ikaw talaga .. ang libog libog mo " "ang sarap mo kasi heheheh" Saka kami umupo sa papag, at may kinuha siyang mga papeles at pinakita nya sa akin isa-isa, naroon ang kanyang diploma ng high school at diploma sa vocational school 2 year course ay natapos nya ng 3 years, at kung ano ano pa, bawat papeles na ipinakikita nya sa akin ay may kwento siya na talagang hahanga ka hindi mawawala ang awa pero mas nananaig ang kanyang kasipagan, pagmamahal sa pamilya at di siya nahihiya kung ganon ang pamilyang nagisnan nila, na kahit maraming paghihirap at mga pagsubok ang kanilang dinaanan ay di sila sumuko bagkus ay hinarap nila ang ito kahit na ano pa ang sabihin ng mga tao na halos alipustain at minsan ay hamakin sila ngunit di nila ito pinansin lalo silang lumalaban sa takbo ng mundong ginagalawan nila. At napagisip ako sa sarili ko, hanga ako sa tatag at tibay niya sa mga unos na dumating sa kanya kung sa akin dumating ang mga ganitong pagsubok baka di ko kayanin, di ko alam kung ano tuloy ang naging feelings ko sa oras na yun sa kanya ….awa ba o tunay na pagmamahal .. baka both awa at pagmamahal talaga ganon! Di ko napansin na habang nagsasalita siya ay medyo nangingilid ang luha sa aking mga mata, di ko napigilan ang damdamin ko sa mga kuwento niya na talagang madadala ka naman, sa hirap at mga pagsubok na dumating sa kanya at kung paano niya ito hinarap. Nakita pala niya ang luha na namuo at dumaloy sa akin pisngi at pinahid niya ang luha at sabi niya sa akin ay wala pa ito sa mga dinanas nyang mga sakripisyo. Maya-maya ay may kinuha siya sa ilalim ng kama, at nakita ko na hawak niya ang kahon ng nakita ko kanina, di ako nagsalita na nakita ko na yun... "alam mo ba ang kahon na ito, ay isa sa pinakamahalaga sa akin" kwento niya, di naman ako umiimik pinagmamasdan ko lamang at tumatango lang ako, ngunit di pa rin niya pinakikita ang laman ng kahon na yun. "Alam ko nakita mo na ito kanina pero sasabihin ko rin sa iyo ang mga bagay na ito" Nagulat ako pero deadma ko lang. "sana babes, ipangako mo sa akin, na kahit anong mangyari ay di mo ako tatalikuran, o magagalit sa akin at sa kung ano man ang malaman mo tungkol sa bumabalot na kwento ng kahon na ito" "haaa bakit naman ako magagalit, ito ba ay may kaugnayan sa akin… sa atin" "mahirap ipaliwanag, pero mangako ka muna sa akin please! babes" Di ko alam kung ano ang sasabihin ko, pero ramdam ko na kinakabahan ako, kasi parang may nakita na akong kapareho ng kahon na ito, tekaaaa parang… "alam mo love parang may kahawig ng kahon na yan, pero sana hindi kasi parang …" At tinakpan niya ang aking bibig, magpapaliwanag daw siya at muli ay hiniling nya na mangako ako na di magbabago at mahal daw niya ako ako lang daw ang minahal niya ng ganito kahit ang mga naing syota niya ay di niya pinaalam ang kwentong ito. "please babes, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo at saka mo ako husgahan, pero sana ay di ka magalit at nawa ay maunawaan mo lalo ako, at hiling ko lang na wag kang lalayo sa akin alam kung masasaktan ka dito, at kung ano man ang maging desisyon mo ay di ko lam basta ang mahalaga ay masabi ko sa iyo ang lihim kong ito sa iyo" "oo pangako, pero sana lang, kung ano man ang mangyari , sige pipilitin ko na maintindihan kita at unawain pero ewan ko bakit sobrang iba ang pakiramdam ko love di ko alam" sinasabi ko ito sa kanya na 2 na pala kaming umiiyak, kasi alam at dama ko na may bahagi ang kuya ko dito ramdam ko dahil sa kahon na ito, dahil ito nga pala ang kahawig ng kahon ni kuya na first time kong nakita sa silid niya, lagi naman akong pumapasok sa kuwarto ni Kuya pero nong gabing pinakuha ako ng mapupulutan ay don ko lang ito nakita. Habang binubuksan niya ang kahon ay …. ... ITUTULOY

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story