Lihim Na Musika Ni Berdeng Simon
by: akotago
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: akotago
this is one of my piece that i submitted to my professor in Filipino..this is a creative writing..hope u'll like it..this would be a boring story but it has a deeper sense if u'll think of it. i wrote this when i was in second yr hi..3rd yr n ko ngaun. ---------------------------------------------------------------------------------------- Tumutulo ang aking dugo. Iba ang kulay. Kakatapos lang ng rebolusyon sa EDSA. Nalipat na ang kapangyarihan kay Cory Aquino. Malaya na ang konstitusyon, bagong demokrasya na nga ika ng iba. Maraming loyalista ni Marcos ang tinanggalan ng posisyon sa pamahalaan .Pati na ang dating Supreme Court Justice ay pinalitan din. Kinamkam ang lahat ng salapi, kayamanan at ari-arian ng pamilyang Marcos na pinaghihinalaang pera ng bayan. Sa katunayan, laking tuwa ko nang mabasa ko ang mga balitang ito sa pahayagan kani-kanina lang. Ngunit bakas pa rin sa aking alaala ang lupit ng Martial Law. Hinding-hindi ko makakalimutan ang nangyari sa akin diyan sa may Roxas. Gabi n'un. Galing ako sa aking kaklase, kay Tan. Christian ang tunay niyang pangalan. Matalik kong kaibigan, magdadalawang taon. Simo ang tawag niya sa akin. Siya lang ang tumatawag sa akin ng pangalan na iyon. Lagi kaming magkasama. Kapag break na, lagi niya akong pinupuntahan sa aking tambayan sa 4th floor. Sabay kaming bibili ng paborito naming hamburger at Milo na inumin. Araw-araw iyon kapag may pasok. Hindi kami nagsasawa sa kinakain namin. Masaya kaming kumakain dahil may kasama pang kuwentuhan at tawanan. Minasama ng karamihan ang pagkakaibigan namin ni Tan. Masyado raw kaming malapit sa isa't isa. Iniisip nila na may relasyon kami. Wala kaming pakialam sa mga taong tsismoso't tsismosa. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Kilala siya ng magulang ko at ganun din naman sa kanya. Malimit ako sa kanilang bahay kapag walang pasok. Sabay kaming gumagawa ng mga takdang-aralin at mga proyekto sa iskul. Tawanan doon at tawanan diyan. Nagkasundo kami sa paglalaro ng basketbol. Mas magaling siya sa akin pagdating sa pagbuslo ng bola pero mas mataas akong tumalon sa kanya kaya lagi kong nakukuha ang bola galing sa taas. N'ung araw din y'un ay nanuod kami sa Araneta ng PBA. Hindi namin plinano ang panunuod. Wala akong pera kaya't nilibre niya ako pang-entrance fee. Tuwang-tuwa kami. Nakita namin ang paborito naming basketbolistang si Jawo. Para kaming adik dahil hinabol talaga namin si Jawo hanggang sa labas para magpa-autograph sa kanya. Nakakapagod ang mga sandaling iyon sa aming dalawa ni Tan. Kumain kami sa Alimall dahil na rin sa sobrang kapaguran. Naalala ko na ang Alimall ang kauna-unahang mall sa Pilipinas. Sinunod sa pangalan ni Mohammed Ali. Pababa na kami at napansin kong gumagabi na pala. Mag-aalas-sais na. Sinabi ko kay Tan na dalian naming kumain. Masarap ang kinain naming barbeque na may kasamang laing. Paborito ko rin iyon. Libre na naman yu'n. Sobrang bait sa akin ni Tan. Marahil kapatid na rin ang turing niya sa akin. Nagkukwento siya tungkol sa basketbol na pinanuod namin kanina. Tawa kami nang tawa hanggang sa dyip. Nakaupo kami sa harap.Gustong-gusto ko sa harap dahil hindi masyadong malamig roon. Pinanggigitnaan ako ng drayber at ni Tan. Kinakabahan ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Kita ko sa salamin ang mukha ng drayber. Bihira ang gan'ung mukha sa mga jeepney drivers. Mapupungay ang mga mata. Matangos pa ang ilong. Tila may lahing Kastila. Maputi at maganda ang kutis. Hindi bagay sa kanya ang trabaho. Maari siyang maging isang modelo at hindi ko itatangging sisikat siya. Sa tuwing lilingon ako sa harap, lagi ko siyang nasusulyapan sa salamin. Kausap ko si Tan ng biglang kinalabit ako ng drayber. Nagulat ako. Sabay tawa. "Sa'n kayo bababa?" ika ng drayber. Sumagot si Tan, "Diyan lang po sa may General." Kaming dalawa na lang kasi ang pasahero. Biglang may sumakay na isang matandang babae. Bakas sa kanyang hitsura ang kahirapan at mga pinagdaanan niya sa buhay. Marahil kakagaling nito sa isang pagpupulong. Pawisan. Kulay pula ang suot niyang t-shirt. Bataan siguro ito ni Marcos. Muling kinabahan ako. Naalala ko ang aking ina. Isa rin siya sa mga tagasunod ni Marcos. government employee ang aking ina. Malaki-laki rin ang kanyang suweldo kaya siguro napagpaaral ako sa isang eksklusibong iskul. Isa si ina sa mga napatalsik sa trabaho. Pumirma kasi si ina sa dalawang pirasong malinis na papel. Tumutukoy yata ang papel na iyon laban sa pamamahala ni Marcos. Ilang taon na rin siyang nanunungkulan. Pati ako ay sawang-sawa na sa kanyang hitsura. Aminado ako na magaling at matalino siyang pangulo. Kaso lang pinahirapan niya ang aking ina. Naramdaman ko rin ang hirap na dinanas ng aming pamilya. Kinamkam ng mga sundalo ang ari-arian ng aking ina. Pumunta ang mga parak sa bahay namin. Sapilitang pinapipirma si ina sa hindi ko malamang kasulatan. Pagkaalis ng mga parak ay nag-iiiyak si ina. Para kaming pusang inalisan ng siyam na pagkakataong mabuhay. Kinabukasan, pinalayas kami sa aming bahay na mansyon. Doon ko napagtanto ang lahat ng nangyari. Napalipat kami sa isang bahay na hindi gaya n'ung dati. Pati sa iskul na aking pinag-aaralan ay pinalipat din ako. Hindi na raw kaya ni ina ang tuition fee sa iskul na iyon. Hindi ko maipaliwanag ang hinanakit ng aking puso na aking nararamdaman. Gayunpaman, kailangan kong intindihin ang aming sitwasyon. Sa iskul na aking nalipatan, d'un ko nakilala si Tan. Inabot ng matandang babae ang kanyang bayad. Kulang pa ng siquenta centimos sabi ng drayber. Bumunot si Tan ng gan'ung halaga at binigay sa drayber. Nahulog y'ung barya sa aking kaliwang paanan. Kinuha ko at sabay kuha rin ng drayber. Nahawakan ko ang kamay niya. Artistahin, parang si Jawo! Nagkauntugan kami. Tawa nang malakas si Tan. Sumunod ako sa pagtawa at y'ung drayber ay nakitawa n rin. Hindi maalis sa aking isipan ang nangyaring iyon. Ang lakas na naman ng pintig ng aking puso. Parang bulak ang tekstura ng kamay ng drayber. Mabalahibo ang kanyang kamay. Hindi ko aakalain na ang kamay na iyon ay para sa manubela ng dyip. Dapat hawak n'un ay bolpen at mga papeles sa opisina o dili kaya'y stethoscope o thermometer. Naisip kong biktima rin ang drayber. Walang hiya-hiyang tinanong ko ang drayber. "Matagal na po ba kayong drayber ng dyip?" tanong ko. "Wala pang isang buwan. Mga magtatatlong linggo pa lang. Hirap nga ako. Hindi ito ang aking nakasanayan," sagot ng drayber. Napatunayan ko ang aking hinala. Mayaman nga siguro ang drayber. Inalisan din ng ari-arian gaya ng nangyari sa amin ng aking ina. Pati si Tan siguro, napansin ang gan'ung hinala. Mahina kong sinabi kay Tan ang mga katagang pareho kami. Napatango si Tan. Sa mga sandaling iyon, nalaman kong may pagkakapareho si Tan at ang mamang drayber. Pareho silang may hitsura. Hindi mo kakikitaan ng taghiyawat sa anumang parte ng mukha. Makinis ang balat. Matangkad din ang dalawa. Nanliliit ako. Makikisig at malalaki ang katawan. Parehong mapupungay ang mata. Matangos din ang ilong. Mapupula ang kanilang mga labi pero alam kong hindi naglalagay ng lipstick si Tan. Mabalahibo rin gaya ng drayber. Higit sa lahat, malambot ang kamay ni Tan pati na ang drayber. Sa isip ko ay natatawa ako. Napapangiti ako. Nakikita iyon ni Tan. Parang gusto akong tanungin ni Tan kung bakit ako napapangiti. Kinabahan ulit ako. May isa uling sumakay. Mamang may hawak ng gitara. Maugat-ugat ang kanyang mga kamay. Naisip kong trabaho niya ito. Kumuha siya ng pambayad sa kanyang lata. Naririnig ko ang kalansing ng barya. Magaling siguro ang mamang iyon sa pagtugtog ng gitara. Biglang banggit ni Tan, "Simo, may gitara oh!" Alam ni Tan na magaling akong maggitara. Miyembro ako ng isang organisasyon para sa mga talentadong nilalang sa mundo. Ilang beses na akong nagwagi sa mga patimpalak sa paggigitara. Hilig ko ang mga love songs na tugtugin. Iyon lagi ang aking piyesa kapag ako'y sumasali sa mga contest. Mayaman na ako siguro dahil ang dami kong napanalunan. Nakapag-uwi na ako ng washing machine at marami pang mga appliances sa bahay. Nakabili na rin ako ng mamahaling gitara galing sa aking pinagpaguran. Sa katunayan, malimit akong mapadaan sa Sta. Mesa dahil marami doong tindahan ng mga gitara. Nakailang bili na rin ako ng gitara. Ginagawa kong koleksiyon ang mga ito. Pangarap kong kurso ang Conservatory of Music sa isang kilalang unibersidad dito sa Pinas pagkatapos ko ng haiskul. Magaling din akong mag-piano. Ilang beses na rin akong sumali sa mga kompetisyon. Noong bata palang ako ay tinuturuan ako ngunit mula n'ung nauubusan na kami ng pera, natigil ang pag-aaral ko ng piano. Ngunit pinagpatuloy ko ang aking nasimulan. Hindi ako humihingi ng tulong sa propesor ko dati kapag malapit na ang kompetisyon. Lagi kong pinanglalaban ang piyesang Fur elise at lagi rin akong nagwawagi. Malaki-laki na rin ang naibibigay ko kay ina. Masaya ako dahil kahit papaano ay natutulungan ko si ina sa mga gastusin sa bahay. Mayroong hindi alam si Tan tungkol sa akin. Hindi niya alam na tumutugtog din ako ng violin. Sa lahat ng aking alam na instrumento, ito ang aking paborito. Malambing at malamig ang tunog nito. Kapag may problema ako, sa violin ko sinasabi ang aking problema. Tuwang-tuwa si ina at ang aking mga kapitbahay kapag naririnig nila akong tumutugtog ng instrumentong ito. Minsan nga ay may nag-alok sa akin na tumugtog sa isang kasal. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang alok. Napahanga ko ang maraming tao dahil ang bata-bata ko pa ay nakitaan ako ng kagalingan sa pagpapaiyak ng tao gamit ang violin ko. Hindi lang si ina o ibang tao ang aking napaiyak, pati sarili ko ay napaiyak ko rin. Malimit akong maiyak kapag tinutugtog ko ang Ikaw lang ang Mamahalin. Hindi ko malaman kung bakit sa tuwing ilalapat ko ang fiddle sa mga strings ng violin ko at tutugtugin ko ang kantang ito, sobrang naiiyak ako. Matagal ko nang iniisip kung bakit, sa katunayan ay inalam ko pa ang lyrics ng kantang ito pero walang kahulugan ito sa buhay ko. Marahil ay nakakaiyak lang talaga ang melody ng kantang ito. Isa pang hindi alam ni Tan ay kumo-compose ako ng kanta. Mahigit sampu na rin aking nagawa. Karamihan ay tungkol sa pag-ibig. Ang iba naman ay tungkol sa kahirapan. Binabase ko ang paggawa ng kanta sa aking mga karanasan mula pagkabata ko magpahanggang ngayon. Sa tuwing tutugtugin ko ang aking mga komposisyon, naaalala ko ang king mga dinanas namin ng aking ina. Sumasagi rin sa isip ko ang aking unang pag-ibig, ang aking unang halik at ang aking unang panliligaw. Sa katunayan ay may nagawa na rin akong kanta para sa isa kong matalik na kaibigan na si Tan. Hindi niya alam ito. Binabalak kong tugtugin ito sa araw ng kanyang kaarawan. Alam kong matutuwa si Tan sa aking ginawang kanta para sa kanya. Bilang ganti sa mga kabutihan niya sa akin, ito ang regalo ko sa kanya. Napapangiti ako.Nakikita ako ni Tan. Kinabahan ulit ako. Malapit na kaming bumaba. Nagpasalamat ako sa drayber dahil maganda ang nangyari sa akin sa loob ng dyip niya. Kinamayan ko pa nga ang drayber. Natatawa ako sa sarili ko. Kinabahan na naman ako. Naglakad kami ni Tan pauwi sa kanyang bahay. Naikwento ko sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat sa Maykapal dahil nakilala ko siya. Pinaalala ko sa kanya kung gaano siya kabuti sa akin. Kinuwento ko rin sa kanya lahat ng kanyang kabaitan mula noong kami ay nagkakilala hanggang ngayon. Nagpasalamat ako sa kanya dahil nakita ko sa kanya ang pagiging mabuting kaibigan at kapatid. Gan'un din ang ginawa ni Tan. Pareho kaming nagpapasalamat sa isa't isa. Malapit na kami sa Deropa Street. Tanaw ko na ang bahay ni Tan. Mabuti at hindi pa kami inabutan ng curfew. Sinabi sa akin ni Tan na huwag na akong umuwi at magpalipas na raw ako ng gabi sa kanilang bahay. Maaga na lang raw akong umuwi. Tinawagan ko si ina at sinabi ko ang nangyari. Naintindihan ito ni ina. Dumiretso na kami ni Tan sa kanyang kuwarto. Busog na naman kami kaya hindi na kami kumain. Ilang beses na rin akong nakapunta dito kina Tan ngunit ngayon ko pa lang makikita ang kanyang kwarto. Tabi na lang daw ako kay Tan sabi ng kanyang ina. Malaki ang kama ni Tan. Kasya siguro ang tatlong tao. Tinanong ko siya kung siya lang ang natutulog dito. Sagot niya ay siya lang at wala siyang kasama. Ang daming posters na nakadikit. Puro basketball players ang nakakabit. Naupo ako sa kama niya. Malambot ang kanyang kama. Ang dami rin niyang unan. Sa kaliwa ko ay puro laruan. Sa kanan naman ay ang kanyang closet na puro mga mamahaling damit. Binuksan ni Tan ang cabinet niya at kinuha niya ang isang damit at tuwalya. Hinagis niya ito sa akin. Maligo raw muna ako bago ako matulog. Sanay si Tan na mag-shower muna bago matulog. Nauna akong maligo. May sarili siyang banyo sa loob ng kwarto niya. Mabango ang ginamit kong sabon. Napakasarap sa pakiramdam pagkatapos kong maligo. Sumunod naman si Tan sa panliligo. Nauna na akong mahiga sa kama niya. Sarap sa pakiramdam. Nakapatay ang ilaw maliban sa loob ng banyo. Napansin kong nakabukas ang pintuan ng banyo. Naisip kong makakalimutin talaga itong si Tan. Pagkahawak ko ng door knob, sabay hila naman ni Tan ng pinto. Walang saplot si Tan. Napangiti ako. Kinabahan ulit ako. Pinaabot niya sa akin ang tuwalya. Nakapatong ang tuwalya sa ibabaw ng kama. Kinuha ko ito at dali-dali kong binigay kay Tan. Pagkatapos ay humiga na kami sa kama niya. Hindi kami makatulog. Nagkukwentuhan pa kami. Pareho din kaming naiinitan at naghubad kami ng damit. Bumalik ang usapan namin tungkol sa pagkakaibigan namin. Umulit ang mga pahayag namin sa isa't isa n'ung naglalakad kami. "Salamat Tan sa lahat," wika ko. "Wala y'un, ikaw pa malakas ka sa akin eh," sagot ni Tan. Humingi ako ng permiso na yakapin ko siya. Ayos lang iyon sabi ni Tan. Niyakap ko siya nang mahigpit at ganundin naman siya. Ang init ng kanyang katawan. May kasama pang konting pawis. Napangiti ako at kinabahan ulit ako. Bigla kong nakita ang isang case ng isang instrumento. Binuksan ko ang ilaw at tinanong ko kung kanino iyon. Binili pala niya iyon sa Sta. Mesa. "Marunong ka palang tumugtog nito," sabay kuha ko ng violin. Napailing si Tan. "Hindi ako marunong niyan," sabi niya. "Bakit ka mayroon nito?" "Ibibigay ko yan. Ireregalo ko." Binuksan ko ang case at napakaganda ng violin. Talagang pinasadya. Marunong talaga akong kumilatis ng violin. Napa-wow ako sa ganda. Kakulay ng vilon ko sa bahay kaso mas maganda ang hawak ko. Hinawakan ko ang fiddle. Makapal ito kaysa sa fiddle ko sa bahay. Inagaw niya ni Tan sa akin ang mga ito. Binigay ulit sa akin at sabay na sinabing regalo ko ito sa'yo aking kaibigan. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang mga pangyayaring ito. Sa tuwa ko'y napayakap muli ako kay Tan. At maraming beses kong sinabi ang salamat, salamat, salamat. Napahiga kami sa kama niya. Napangiti ako at kinabahan ulit ako. Tuwang-tuwa ako at ganundin naman siya. Tinanong ko kung bakit niya ako binigyan nito. Mahal ang magpasadya ng instrumentong ito. Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tinugtog ko na lang ang violin. "May regalo rin ako sa'yo," sabi ko. Tinugtog ko ang ginawa kong komposisyon para sa kanya. Hinayaan ko na tugtugin ito kahit hindi niya kaarawan. Bugso na ito ng puso ko. Bakas sa mukha ni Tan ang saya. Maluha-luha ang kanyang mga mata habang naririnig niya ang malambing kong pagtugtog. Naramdaman niya ang musika kong ginawa. Kahit walang lyrics ay tuwang-tuwa si Tan. Nilapitan niya ako pagkatapos kong tugtugin ang musika kong ginawa para sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit at winika niyang salamat, hinding-hindi ko ito malilimutan, mahal kita. Napangiti ako. Muli akong kinabahan. Sinabi ko rin sa kanya na mahal ko siya. Inakay niya ako sa kama at doo'y nagyakapan kami. Nadala ako sa mga nangyari. Halong saya at kaba ang aking nararamadaman. Hindi ko ito mapaliwanag. Tumigil ang oras sa sandaling iyon. Tila bagang may nahuhulog na mga petals ng rosas mula sa itaas. Ramdam ko ang kagalakan ni Tan. May bigla akong naisip. Naisip ko kung bakit ako masaya at kinakabahan. Medyo nalaman ko ang dahilan. Dali-dali kong kinuha ang aking mga gamit. Sinuot ko na ang damit na binigay sa akin ni Tan. Naiwan ko ang violin. Bumaba ako ng hagdan at lumabas ako. Tumakbo ako papalayo. Alam kong sinundan ako ni Tan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko matanggap ang napagtanto ko. Hindi ko akalaing gan'un ang kalalabasan ng matagal naming pagsasama ni Tan bilang magkaibigan. Ngunit naguguluhan pa rin ako. Tumakbo ako nang tumakbo nang biglang may pumito. "Hinto!" sigaw ng sundalo. Napahinto ako. Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil lumuluha ako. Nakayapak pa ako. Para akong gusgusing bata na nakikipaghabulan sa mga kalaro niya. Malakas ang loob kong sumagot sa sundalo kung bakit ako nasa labas pa. Wala akong pakiaalam kahit anong kaparusahan ang naghihintay sa akin. Alam kong hinahabol ako ni Tan. Hindi niya ako makita. Bigla kong naalala na curfew pala. Binigyan ako ng panyo ng sundalo. Mabango ang panyo niya. Dinala ako ng sundalo doon sa headquarters nilang maliit na kubo at doon na raw ako magpaliwanag. Nakita ko na may dalawa pa siyang kasama. Matatangkad silang lahat at malalaki ang mga katawan. Maputi ang sundalong pumito sa akin kanina. Mapupungay ang mga mata at matangos din ang ilong. Maganda ang kutis. Katulad ni Tan at ng drayber, mabalahibo rin ang sundalong ito. Ang isa naman sa kanila ay naggigitara. Naalala ko ang mamang nakita ko sa dyip. Maugat din ang kamay ngunit may hitsura rin gaya n'ung isa. Mapupungay ang mga mata at matangos ang ilong. Makinis ang balat at mabalahibo rin. Tahimik ang isang kasamahan nila sa isang sulok. May hitsura rin gaya ng dalawa, gaya ng drayber, gaya ni Tan. Mapupungay ang mata at matangos din ang ilong. Makinis at maputi ang kutis at mabalahibo. Mabait ang approach nila sa akin. Tinanong ako kung bakit gabing-gabi na ay nasa labas ako at tumatakbo pa. Sinabi ko na nagkaproblema lang kami ng aking kaibigan. Sinabi ko rin na hindi ako dito nakatira. Napansin ko na may hitsura ang mga sundalong ito. Naisip ko na namang hindi bagay ang mga taong itong magsundalo sa halip ay magmodelo na lamang. Napangiti ako at kinabahan. Nag-iinuman pala sila. Ilang bote na ang kanilang naubos. Masarap siguro ang pulutan nila. Nakita kong laing ang kanilang pulutan. Wala silang chaser. Masarap din siguro ang kanilang kuwentuhan gaya ng kuwentuhan namin ni Tan. Pinatagay nila ako. Uminom ako sapagkat hindi rin maganda ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Masaya kaming nag-iinuman. Tila bagang matagal na kaming magkakakilala kahit na malayo na ang edad ko sa kanila. Naisip kong mabuti na lang at nakasundo ko ang mga ito. Ayoko talagang makulong o magmulta. Hindi ako handa at wala akong pera. Hindi ko namalayan na tumatakbo ang oras. Nakalimutan ko na rin na hinahabol ako ni Tan. Napahiga ako habang nagkakasiyahan pa ang mga kasama kong mga parak. Nakalimutan kong dahil sa kanila ay nawalan kami ng ari-arian, dahil sa kanila ay nahirapan ang aking ina, dahil sa kanila ay lumipat kami ng tirahan na maliit, dahil sa kanila ay pati iskul kong pinag-aaralan ay nabago, ngunit dahil sa kanila nakilala ko si Tan. Medyo papikit na ang aking mga mata sa kabila ng aking pagod. Bumabalik sa aking isipan ang lahat ng nangyari mula n'ung nanuod kami ng laro sa Araneta hanggang tumakbo ako palayo kay Tan. Inalisa ko ang lahat. Sa kabila ng aking pag-aanalisa ay naguguluhan pa rin ako. Nakita ako ng isang sundalo na nakaupo sa sulok na tila malalim ang aking iniisip. Inakay niya ako sa labas at doon ay umupo at nakipagkuwentuhan. Sinabi ko sa sundalong ito ang lahat ng nangyari. Sinabi ko rin na naguguluhan ako sa sarili ko. Hinawakan ako sa kamay ng sundalo at niyakap. Napangiti ako at kinabahan. Habang niyayakap ako ng sundalong iyon ay naalala ko na naman si Tan. Mainit din ang katawan ng sundalo gaya ng katawan ni Tan. May konting pawis pero nakakagaan ng pakiramdam. Masarap palang may kayakap dahil unti-unting nawawala ang sama ng aking pakiramdam. Hinawakan din ng sundalo ang aking mga kamay. Napaisip na naman ako at may naalala. Malambot ang kamay niya gaya ng kamay ng drayber at ni Tan. Hindi ko itataging maluha-luha na ako. Lumuha ako sa harap ng parak. Wala akong pakialam sa mga oras na iyon sa mundo. Iniisip ko lang ang sarili ko. Napuno na lahat ng mga hinanakit at sama ng loob ko sa mga sandaling iyon. Naintindihan ako ng sundalo. Pinapagaan niya ang aking loob. Pinapatawa niya ako gaya ng pagpapatawa sa akin ni Tan. Nakita ko ang isang bola ng basketbol sa tabi ng kubo. Sumagi na naman sa aking isipan ang mga sandaling naglalaro kami ni Tan ng basketbol. Napangiti ako. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Mahigit sampung beses na yata akong kinabahan sa buong araw na iyon hanggang gabi. Nag-uusap kami ng sundalo. Dahil na rin siguro sa sobrang inom ko, si Tan ang nakikita kong mukha, hindi ang sundalo. Nagpasalamat ako at muli kong niyakap ang sundalo na inakala kong si Tan. "Salamat sa regalo mong violin. Ito ang pinakamagandang regalo na aking natanggap mula sa aking matalik na kaibigan. Biyaya ka sa akin ng Maykapal. Hulog ka ng langit," pabulong kong sinabi sa sundalo. "Mukhang malalim talaga ang problema mo. Hindi ako ang matalik mong kaibigan," sagot ng sundalo habang hinahaplos ang aking likuran. "Ano bang sinasabi mo diyan? Hindi mo na ba ako nakikilala? Ikaw ang matalik kong kaibigan," hirit kong sinabi. Inintindi ako ng sundalo. Lumabas ang dalawa pang parak at nakiramay sa akin. Niyakap nila ako nang mahigpit. Binahagi ko sa kanila ang aking mga hinanakit. Maiinit ang kanilang mga katawan gaya ni Tan. Nakakagaan talaga sa pakiramdam. Tumigil na naman ang oras. Naiisip kong may bumabagsak na mga petals ng rosas mula sa langit. Napakasarap ng pakiramdam. Inakala ko'y payapa na ako sa mga sandaling iyon. Mayroon pala silang ibang motibo sa akin. Napapansin kong kung saan-saan na pumupunta ang mga kamay nilang parang bulak ang tekstura. Wala akong palag. Malalaki ang kanilang mga katawan. Wala akong pag-asang manlaban at gusto kong kalasin ang kanilang pagkakahawak sa aking mga kamay at paa ngunit hindi ko magawa. Binuhat nila ako sa papunta sa loob ng kubo. Hindi na ako makalaban. Napangiti ako at kinabahan. Kinakabahan ako dahil alam kong may masamang mangyayari sa akin sa mga oras na iyon ngunit hindi ko alam kung bakit napapangiti ako. Inakala siguro ng mga sundalo na nagugustuhan ko ang ginagawa nila. Ramdam ko ang init ng kanilang mga katawan. Pagdilat ng mata ko ay nakita kong wala na silang mga saplot gaya ng pagkakakita ko kay Tan n'ung hinawakan ko ang door knob. Napangiti ako at kinabahang muli. Mainit talaga ang pakiramdam ko. Masakit na aking katawan. Kung anu-anong sakit ang aking nararamdaman. Nadagdagan pa ang sama ng aking pakiramdam. Kung anu-anong tumutusok sa aking katawan. Sa harap, sa likod, sa tagiliran, ang sakit talaga. Para akong sinusuntok na hindi ko malaman. Tila sinisipa ako ng isang daang kabayo. Biglang pinatugtog ang Ikaw lang ang Mamahalin sa radyo. Medyo gumaan ang aking pakiramdam. Naalala ko tuloy ang komposisyon ko kay Tan. Gayundin ang pagtugtog ko sa kanya nito. Napangiti ako at kinabahan. Biglang may pumutok. Tinamaan ako sa tagiliran sa kanang bahagi ng aking katawan. Bumaon ang bala sa loob. Ang init sa pakiramdam. Tila gusto kong pumikit at matulog nang matulog at ayoko nang magising. Hinawakan ko ang aking tama. Alam kong wala ng pag-asa para ako ay mabuhay. Tumakbo ang mga parak. Natakot siguro. Dumating si Tan. Sa wakas ay natagpuan niya ako na nakadilat pa. Humingi ako ng tawad sa ginawa kong pag-alis. Umiiyak siya. Napaiyak na rin ako. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit gayundin naman siya. Napakasarap ng pakiramdam at tila may bumabagsak na mga petals na rosas mula sa taas. Ang init ng kanyang katawan. Nakita ko ang aking kamay na duguan. Naliligo ako sa dugo. Tumutulo ang aking dugo. Iba ang kulay. Iba sa mga karaniwang dugo na kulay pula. Hindi na ko kinabahan. Napangiti na lamang ako. Alam ko na ang sagot sa aking katanungan. Ngayon ay hindi na ako naguguluhan. Payapa na ang aking kalooban. Nalaman ko na ang kasagutan pagkakita ko sa kamay ko. Berde ang dugo ko.
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.