Ikaw Na Pala - Part 8
by: hunky jeyd
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: hunky jeyd
Nakalipas ang mga araw at wala pa rin si Francis, Si Christian ang lagi kong nakakasama at dahil dito ay parang nasasanay ako na wala si Francis. Ngunit hindi ko pa rin maisip pag ako nalang ang nasa bahay, at bago matulog ay si Francis pa rin ang naiisip ko. Inaya ako ni Christian na lumabas, manood daw kami ng sine, para naman daw maiba ang amin ginagawa sa araw araw. Pumayag naman ako dahil wala naman din magawa sa bahay. Pasakay pa lang kami papuntang Mall eh sobrang makadikit at makahawak sa akin si Christian, hindi ko nalang inalintana dahil kaibigan ko naman sya. Bumili kami ng ticket at pumasok sa loob. Nanood kami ng The Notebook, habang nasa kalagitnaan ng palabas eh nagpasabi akong mag si CR, at sinamahan nya ako. Kami lang ang tao sa CR. Ninais ko nalang na umihi sa loob ng cubicle at sya naman ay sa labas.. Naka abang sya sa aking paglabas at dito ay hinalikan nya ako at tanong na, "ok lang ba na tayo na Jeyd?", at nagulat ako sa sinabi nya at sabay na may pumasok na bata at mag cr din, kaming dalawa ay patay malisya nalang at naghugas ng kamay at bumalik sa kina uupuan namin. Muli ay tinanong nya ako tungkol sa bagay na yun at sinabi kong maya nalang natin pag usapan nyan, at hinawakan nya ang kamay ko at alam kong nakatingin pa rin sya sa akin. Alam kong nahuhulog na din ang loob ko kay Chris ngunit alam kong masasaktan si Francis pag bumalik sya, at lalong pang malalaman nya kung sa pag balik nya ay wala na pala syang babalikan pa. After nung movie ay kumain kami sa isang resto, at muli ay tinanong ulit ako ni Christian, at dito ay sinabi ko na din na ok lang ngunit kami pa ni Francis, at sinabi nya "wala naman si Francis eh". "Hindi pa kami nagkakaroon ng break at ni hindi nga natin alam kung nasan sya dba". "Naiintindihan kita, nandito lang ako pag kailangan mo at iingatan kita hanggat kaya ko" sabay halik sa noo ko na parang feeling ko protektado ako ng buhay nya sa mga binitawan nyang salita. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami at hinatid nya ako. At sa aming daan pauwi ay parang may nakita na naman akong anino sa may poste at di ko nalang ito muling pinansin, inisip ko na imahinasyon ko nalang yun.. Nagdaan ang araw, at papalapit na ang Prom, pupunta kaya ako? dahil wala naman si Francis at alam kong sya ang makakasama ko pag andito sya. Si Christian naman alam kong aayain ako nun ngunit di ko naman alam kung anong isasagot ko sa kanya.. Umiwas nalang ako at hindi gaanong nagpapakita kay Christian na alam kong mahirap dahil sya lang ang nakakapag libang sa akin ngayon, ni hindi man lang sya nag papakita ng pagkahilig sa sex at sa tingin ko ay masyado nyang iginagagalang ang aking pagkatao. Ngunit iba pa rin talaga pag andyan ang mahal mo. Buti nalang din at naging busy sya sa pag babasketball at ako naman ay sa pag aaral, sa library na ngayon ang bagong tambayan ko. Dito ay nakapag isip isip ako pumunta ng prom. Dahil kahit nasa library ako o pag wala akong ginagawa ay naaalala ko araw araw si Francis. Kahit sa Pagtulog ay di ko talaga maiwasang maisip sya. Dalawang araw nalang bago sumapit ang Prom. Dahil ako ay member ng Student Body, at required din pala kaming umattend. Sa school ay inaayos na ang stage at ang grounds. Lahat ng mga kaklase ko at mga kakilala ko ay halos hindi na mahintay ang nasabing Prom. Lumapit sa akin si Christian at inakbayan ako. "Musta?" ang sabi nya, "Heto hindi ko alam kung pupunta pa nga ako dito eh, nag dadalawang isip pa rin ako" sagot ko sa kanya. "Inaalala mo pa rin si Francis.... Bakit di mo subukang pumunta dito, eh mukha namang masaya ah. at required kayong pumunta dito diba? so no excuse ka talaga para hindi pumunta". "Eh kung sabihin ko sa kanila na may sakit ako, hindi naman sila makakaangal nun, at isa pa wala din nga si Francis kaya yun...", "Ganun?, marami namang iba jan ah, para kahit papaano malibang ka man lang, eh lagi mo nalang iba nasa isip mo eh... so papano kita nlang tayo sa class mamaya" at pabulong nyang sabi "may sasabihin pati ako sayo after ng klase natin ha". Matapos ang aming mga klase ay nag practice kami ng mga huling step, yung iba nag kukwentuhan ng mga isusoot, mga kapartner nila, at mga isasayaw nila. Dahil ang paraan ng pag pili ng kapartner namin ay armband (o parang baller id na Blue sa lalaki at Red sa babae na may nakalagay na "I'm Going With -NAME-" na cute tignan) na ibibigay mo sa isang nagugustuhan mong maging partner at dapat ay nasa KALIWANG KAMAY mo ito, at pag naunahan ka eh kailangan mong humanap ng iba pang wala. Ibinigay lang ito sa amin after ng Practice namin para bukas Before the prom ay makakapamili kami at same time pahinga na din daw namin, sempre ako iwas sa kanila (or ayaw din nila akong kapartner hehe) kasi hindi naman talaga ako mahilig makihalubilo sa mga kaklase ko, at halos babae din ang iba kong kakilala. Nagkukuwentuhan kami kung sino mga kapartner nila, Si Brian ay partner si Winchelle (cute din na medyo chinita) at bagay sila. Ako naman ay tinatago ko ang kamay ko sa loob ng aking bulsa, para na din di nila makita o malagyan ang aking kamay. Halos mga papatapos na ang araw ng klase ay kokonti nalang ang wala pa o hindi pa nalalagyan ng band, kaya ako ay medyo nakahinga kahit papano. Hanggang sa matapos ang klase ay nagmamadali na akong umuwi, ngunit may tumawag sa akin, si Christian, "Jeyd!!... San ka pupunta?", "uuwi na sana, para masukat ko din yung hinire ni mommy na Amerikana" (napansin kong wala pa syang armband at blue ang nasa kamay nya, nabasa ko na ang nakalagay sa kamay nya ay 'I'm with Christian' na nasa kanang kamay nya. Hindi pa pala nya nabibigay kahit kanino ung band nya, "Anong Oras na ba?" patanong nyang sinabi, pag kabunot ko ng kamay ko at sabing "5:23 na", sabay lagay nya ng band nya sa kaliwang kamay ko, "Oh yan meron ka nang kasama bukas, napansin kong wala ka pang band eh", nagulat nalang ako sa nangyari at inisip ko nalang na at least anjan parin sya kahit alam nya ang nararamdaman ko "wah, ikaw talaga ang sama ng ugali mo kahit gwapo kapa!!..... Sige na nga payag na ako alam kong yan din naman sasabihin mo sa akin kung bakit mo ako pinahihintay kanina eh.... Hetong band ko, (sabay lagay sa kaliwang kamay nya)... Ok lang ba na ako na din kasama mo bukas?, pero kung ayaw mo ay sirain mo nalang at sisirain ko din etong sayo hehe para di nila mapansin.", "Sira ka talaga Jeyd, sempre payag ako!!... So pano sunduin nalang kita bukas ha..at mag papapogi pa ako ngayon.. text nalang kita. Bye." at nag paalam na din ako sa kanya at umuwi na rin ako.. Habang nakatitig ako sa band nya ay pumasok nanaman sa isip ko si Francis, 'tama lang ba ginagawa ko? alam kong mali ngunit asan na sya na dapat sya ang partner ko para bukas, kung nandito lang siya siguro eto ang pinakahihintay nming araw para sa sarili namin.' Kung kayat isinukat ko nalang ang aking damit para bukas, kumuha ng necktie, inayos ang sarili sa harap ng salamin, at nakita kong muli ang band, napangiti nalang ako nakita kong si Chris ang partner ko bukas, pero pano namin gagawin un bukas? alam ko naman na meron din mga taong ganun sa school namin kahit mga tibo ay may nakita akong band ng babae sa kanilang kaliwang kamay. Basta bukas ay para sa Seniors at Juniors lang kung kaya't wala na akong paki alam sa iisipin pa ng iba. at hinubad ko na ang damit na bumagay sa akin, bukas ay mag papagupit nalang ako ng buhok para lahat ay ready na. at nag text nalang kami ni Chris kung ano ano dahil ala din daw syang magawa, sabi nya ay kung pwedeng magkita kami, ngunit mga 10:45 na ng gabi un kaya sinabi ko na din na gabi na at saka magpahinga nalang kami, excited kami din pala sya para bukas. Araw ng Prom, umaga ay maganda naman ang gising ko, nag linis ako ng kwarto, nakakain ako ng marami, nakapag pagupit, at nakapag internet pa hehe, dahil din sa walang pasok ng umaga at sa hapon ay prom night na, minabuti kong hindi na magpakita kahit kanino or umiwas man sa mga JRs at Srs na makikita ko. hehe Sempre para surprise ang look for the night (yan ba ang ayaw magpunta)... Nag text ulit si Chris, 'Musta na ang partner ko?", reply ko naman ng "Heto nagpapapogi din kahit alam mong bading ako hehe", "Hehe, loko ka talaga, ako din nga nag papa pogi din eh.", "Kelangan mo pa ba nun? eh kahit nga pang bahay ang suotin mo eh bagay parin sayo un, tsaka gwapo ka na talaga ah!", "Di nga? hehe sige daanan kita mamaya jan ha", "Sige" at hinintay ko nalng ang 5pm upang makapag ayos na din, kumain na, maligo, at lahat ng hindi pwedeng kalimutan.. Ngunit di ko namalayan na nasangga ko ang kabinet ko, nakita ko ang litrato namin ni Francis, na mag ka akap na parang walang problema, bigla akong natulala sa harap ng salamin.. 5:45 na ng hapon, kumatok at pumasok ang mommy ko sa kwarto ko, "Jeyd Brandon, ang ganda mong tignan jan sa damit mo", ngunit nakatulala pa rin ako na parang walang marinig at sabay patak ng luha ko na hindi namamalayan, "Oh bakit anak? Anong problema?" sabay akap sa akin at naupo kami sa kama ko. "Mom, i miss Francis so much that i can't do almost anything without him until Christian came", Para sa nanay ay masakit talagang makita ang anak nyang malaki ang problema, at lalo pa pag hindi nya tanggap na ako ay iba. "Son, just be strong, all of these are just challenges that you have to face in your life, kahit na alam mong tutol ako jan sa relation mo eh may magagawa pa ba ako, so tonight, i want you to be happy, gawin mo lahat para sayo, sa mga taong nasa paligid mo, kung anong nararamdaman mo, basta nandito lang ako para sayo at ako na din ang bahala sa daddy mo.", "Thanks Mom for everything, da best ka talaga," sabay yakap na hindi na mapigilan ang pagluha ko at bumaba na din ang mommy ko, at biglang may nag doorbell, si Christian na pala iyon, "magandang gabi po, daanan ko lang po si Jeyd para sa Prom", "Ikaw ba si Christian?,... Jeyd, andito na si Christian bumaba ka na at baka mahuli pa kayo", bumaba na ako at WOoow ang gwapo talaga ni Chris!! parang gusto ko nang makipag sex kung pwede lang sa oras na iyon, inakap ko nalang sya dahil muntikan ko na syang mahalikan. "Jeyd, itong Rose mo baka malimutan mo,... teka ihahatid ko na pala kayong dalawa, tutal minsan ko lang naman magawa ito at kahit papaano eh makabawi din sayo Jeyd" ================================FRANCIS ============================== "But Mom, You cant just ground me! I..." bago pa ako makatapos, "I just did, so better do what i've said.. no but's" at umalis na ang mom ko sa room.. Ang una kong ginawa ay tinawagan ko ang cell ni Francis ngunit hindi nya ito sinasagot... mga 8 ring ata ang nagawa ko bago nya ito sagutin.. "He..llo.."sagot nyang parang robot, "Francis! bakit iba ang boses mo??..May Problema ba?" tanong ko dahil ibang Hello ang narinig ko at parang ang laki ng problema nya.. "Huy, Jeyd.. i..kaw paala.. Sensya na ha.. usap nalang tayo next time.. got to go", at ibinaba nya, at ako ay parang kinabahan dahil ibang iba ang aura nya.. siguro ay tinawagan din sya sa kanila ng G.Counselor namin... at bumalik nalang ako sa kama at hindi ma-ialis sa isipan ang nangyari. -last conversation namin ni Jeyd, Nung sinagot ko ang tawag ni Jeyd, ay naglayas ako sa amin at nag pakalayo layo.... Sa mommy ko lang din ako nag paalam kung san ako pupunta... Nahiwalay ako kay Jeyd dahil sa mga nangyari din sa akin, sa school, sa bahay... Hindi ko na nagawang magpaalam kay Jeyd, dahil alam na pala ng Daddy ko ang nangyari sa amin, Dahil ang daddy ko ay walang alam kung hindi mag trabaho, hindi na rin nya naalaman ang nangyayari sa akin... at ng umalis ako sa bahay ay iniwan ko ang cellphone ko sa amin... Nagpakalayo ako at nagpunta ng manila.. Sa terminal ng bus papuntang manila ay hindi ko talaga magawang sabihin kay Jeyd kung saan ako pupunta... Sinabi ko nalang sa mommy ko na pupunta akong manila at wag na muna nya akong sundan dahil alam kong hahanapin nya ako. Habang nasa byahe ay hindi ko talaga maiwasan ang maiisip ang mga nangyari habang kasama ko si Jeyd... Sya lang ang nakakaintindi sa akin... at kahit papaano ay nakatulog ako at mga 6 na oras ang byahe patungong manila, at sa taong 16 ay andito ako at hindi ko alam kung saan patungo... Nagtanong ako sa mga tao dun kung saan pedeng umupa ng dorm, apartment, bedspacer, na pede kong tuluyan.. nakahanap ako ng boarding house kung saan puro kami lalaki... 2 tao sa isang kwarto.. dito ay may kasama akong nasa 2nd yr college na ng Nursing sa Isang kilalang school sa u belt.. siya ay si kuya Neil, gwapo din, nasa 5'11 ang height nya, pang gym ang katawan pero moreno at cute ding ngumiti, kaya minsan ay hindi ko maiwasang mapatitig sa harap nya habang nag huhubad sya... pero mas gwapo pa rin si Jeyd hehe.. dito ay naging kapalagayang loob ko na sya... tinulungan nya akong makahanap ng trabaho... nag kasama kaming nag trabaho sa isang fastfood na malapit din sa boarding house kaya hindi gaanong mahirap.. ok naman ang kinita ko... at minsan ay tumatawag ako sa mommy ko para mag meet kami at para na din kunin ang mga dapat kong pag aralan sa school namin... kaya habang nasa malayo ako ay nag aaral at nag tatrabaho ako... ni isang sentimo ay hindi ako humihingi sa mommy ko. alam nyang nahihirapan ako at pati din sya.. ngunit sinabi ko sa kanya na sa araw ng prom ay uuwi ako... dito ay sinabi na din nya sa mga teachers ko na mag aaral sya sa bahay until prom, kayat ibinibigay nalang kay mommy ang mga home lessons ko at sya namang pinag aaralan ko kada ibigay sa akin ni mommy... Meron din namang mga oras na nakikita ako ni kuya neil na umiiyak dahil nga na namiss ko na din si Jeyd, Sumusulat ako sa isang papel araw araw kung anong nararamdaman ko at mga nangyayari sa akin, upang ng sa ganon ay hindi ako malungkot... Isang beses, araw ng sahod, nakuha namin ni kuya neil ang sahod. nag aya sya na kung may gagawin daw ako bukas... sinabi ko na mag aaral lang ako.. inaya nya akong mag inom dahil bukas ay day off namin.. pumayag naman ako, mabait naman si kuya neil, tsaka malambing din.. lagi nya akong kinukwentohan tungkol sa mga klase nya, sa mga barkada nya... inaaya nya din akong manuod ng sine, at sagot din daw nya pag may free day kami.. Kinabukasan ay nag gala muna kami, tingin tingin sa SM manila, libot ng divisoria.. hehe kakapagod pala... Masarap kasama si kuya neil, kahit papaano ay nalilibang nya ako... at nag aya na kaming umuwi na at mag inom sa isang beerhouse malapit sa amin, sagot nya pa din ang bayad, hindi din daw alam sa kanila na nag tatrabaho na sya.. dito ay nakwento ko kay kuya na may naiwan nga ako sa amin... at ito ang taong minamahal ko.... si Jeyd... Dito ay naishare ko mga nangyari sa amin, ngunit sa una ay hindi ko talaga magawang ikwento sa kanya ang ibang detalye dahil nahihiya din ako... nag kwento din sya ng mga bagay bagay tungkol sa kanya... at after nun ay umuwi na kami... sinabi ko munang mag shower ako at sya naman ay mag coffee nalang para mahimas masan daw kami at madaling makatulog... after kong mag shower ay nakita kong may mainit na tubig na.. Patay ang ilaw sa kwarto at si kuya neil ay nakahubad sa kanyang higaan. lagi kasi syang nakabrief lang pag tulog kahit gusto ko syang lapitan ay nahihiya parin ako... "alam ko nasa isip mo" sambit ni kuya neil, "ha?" sabi ko kunwari walang alam. "Halika lapit ka sa akin" na sya namang ginawa ko... ngunit walang ginagawang kilos si kuya neil, at ako naman ay lumapit lang at nakiupo sa tabi nya habang sya ay nakahiga.. "Tungkol dun sa nasabi mong naiwan mo sa inyo... pareho lang pala tayo kung bakit nandito" Nagulat ako sa sinabi ni kuya Neil... dito ay sinundan muli ako ng mga tanong na muling nag pa sakit ng dibdib ko dahil sa aking minamahal... nawala na ang kalasingan ko... nakwento ni kuya na iniwan din nya ang lalaki nyang minahal... unang tanong nya sa akin ay "Kamusta na kayo??" na hindi ko masagot, "Eh anong tunay na pangalan ni Jeyd?", sinagot ko ng buo ngunit sinundan nya ng "Anong Middle name nya?" na hindi ko naman nasagot, tinanong nya ulit ako "Anong paboritong ice cream nya?"..."Anong paboritong kulay nya?".... at kung anu anong mga tanong na hindi ko magawang masagot dahil hindi ko alam ang mga ito.... naiyak nalang ako kay kuya habang naka akap sa kanya... "Alam mo bang ang sakit ng mga iyan?......... Dahil ako din ay hindi ko alam ang mga bagay na yan tungkol sa kanya..." sambit nya... tinanong ko sya.. "Ano naman ang ginawa mo kuya?".... napa hinto sya... at ngumiti... "Yun nga ang masama eh... wala man lang akong magawa at hindi ko man lang maipag laban ang pagmamahal ko sa kanya... kaya ko ito ginagawa sa iyo ay dahil ayaw kong mangyari ang bagay na ito sayo... Kahit nga itong pag hubad ko ay ginawa ko lang test upang masubukan ko talaga ang iyong pagmamahal kay Jeyd." nangiti nalang ako sa mga sinabi nya at hinalikan ko nalang sya sa pisngi nya... at simula nung gabing yun ay gumanda ang takbo ng mga araw ko... nag ipon pa rin ako, nag trabaho, at nag aral, at ang lahat ng ito ay pinaghirapan ko para kay Jeyd at kay mommy.. Nalalapit na ang Prom....... Tinapos ko na ang mga pag susulit na iniwan sa akin ng mga teacher ko... Tinanong na din ni mommy kung anong paborito kong ulam at ihahanda din daw nya yun... sinabi din ni mommy kung anong gusto kong isuot sa Prom night namin, at tumanggi ako ng una ngunit sinabi ni mommy na sagot nya iyon para sa akin... Nagpaalam na din ako kay kuya neil dahil ang bait nya sa akin.. sinabi nalang nya na ipakilala daw nya ang swerteng Jeyd sa akin at sinabi kong swerteng Francis hehe... Umuwi ako sa amin, 2 days before prom.. Hinarap ko ang daddy ko... ngunit talagang ayaw nya sa akin... pero si mommy ay tuwang tuwa sa aking pag uwi, at sinabing wag ko nalng daw pansinin si daddy.. lilipas din daw un.. kinuwento daw ni daddy na namiss nya ako.. na sya namang ikinatuwa ko.. binigay na din ni mommy ang cellphone ko.. ngunit di ko na ito binuksan. Iniisip ko si Jeyd, ano na kaya ang hitsura nya, na miss din nya kaya ako?, at siguradong galit na iyon sa akin... Araw ng Prom, nag ready na ako, nagpagupit na din ako bago umuwi, natulog nalang hanggang sa mag 5 at mag ready... kinakabahan ako dahil marami na din ang makakakita sa akin kung kayat inagapan ko ang punta sa School, si Sir ang una kong nakita at nabigla sya sa akin.. dumiretso ako ng Classroom namin at naupo habang nakatingin sa labas at tinitignan ang mga kaklase namin.. at nagpunta ako ng CR.... ============================ Jeyd / Francis ============================= Lalo akong natuwa sa narinig kong iyon at si mommy pa ay supportado na sa aking mga desisyon. Dala ang Kotse ni mommy at pumunta na kami ng school, bababa na sana ako ng biglang sinabi ni Christian na sya na daw ang mabubukas, (parang prinsesa pa ako ahhh. lol ngunit nahiya na din ako kung kayat binuksan ko nalang din ang pinto at nagpaalam kami sa mom ko), "Christian, Jeyd, enjoy your night, and chris bring jeyd back home safe... Bye" at sabay ngiti nalang namin sa mommy ko... Hawak ni Chris ang kamay ko, at dumiretso kami sa school grounds namin, at medyo marami na rin ang tao, may picture taking sa may entrance, inaya ako ni Christian na mag papicture, para souvenir man lang daw, ngunit ayaw pumayag ng photographer dahil pareho daw kaming lalaki, nilapitan ni chris at sinabing magkaibigan kami, at sayang naman ang damit naming lalong nagpapagwapo para sa gabing yon kaya't hindi narin naka angal ang photographer at kinunan kami ng dalawang beses, sabay abot ng tip ni Chris.. "Ikaw talaga, puro ka kalokohan.. " pasabi ko, "Sempre para naman mag enjoy ka agad." Nag sulat na din kami sa list para at kumuha ng stub para din sa foods at seats. at after naming makahanap ng seat, kalapit mga kaibigan kong babae, sina winchelle, bea, maricar, at mga partner nilang sina Brian, Patrick, at si John. Buti nalang at pinag reserve din pala kami, hindi daw nila inaasahan na si Christian ang partner ko at ganun na din para kay Chris. Nagpaalam muna kami na pupunta ng Cr upang mag ayos dahil medyo na iihi na din daw si Chris kayat sinamahan ko na din. Habang naglalakad kami patunong CR ay sinabi nyang "Salamat ha at di mo ako binigo, hayaan mo, akong bahala sayo sa gabing ito." at pumasok na kami ng CR, pumasok ng cubicle si Chris at tumingin ako sa salamin at may napansing nakaputing suit na pumasok din ng kabilang cubicle, na parang natulala ako at inisip ko na DEJA VU yun. , meron din tao sa cubicle, may Jrs at Srs din na nag papayabangan na maganda partner nila, at pagkalabas ni Chris ay nilagay nya sa akin ang Rose nya at ganun din ang ginawa ko, nanakawan nya sana ako ng halik ng biglan pumasok sa isip ko si Francis, na napigil ko si Christian at lumbas na lang kami at bumalik sa upuan, Nagsimula ang Prom after mga 30 mins dahil andun na daw lahat at kaya pumila na din kami para sa calling of names, nandito ang mga magkakapareha, nakita ko na may magkapareha ngang parehong babae, at iba naman ay parehong lalaki, nahiya ako ngaunit hinawakan ni Chris ang kamay ko, at naglakad na kami, marami ang mga nagulat sa oras na yun dahil kami ni Chris ang magkasama, kabang kaba ako nun, ngunit "wag kang mag alala diba sabi ko sayo, akong bahala" at "Salamat" nalang ako tangi kong nasabi, dito ay nagsimula ang program ng mga formal na sayaw, at yung mga intermission number ng mga 1st year at 2nd year, anjan din ang awarding ng mga excellency, mga future projects ng mga student orgs. Kumuha na din kami ng pagkain, ang iba naman ay panay ang bati sa amin dahil nga sa aming pareho ni Chris, tinatawanan at nginingitian ko nalang sila, Ang gwapo daw naming pareho. Hindi ko maiwala sa isipan ko na may parang nakita akong isang naka puti sa may banyo kanina ngunit hindi ko talaga sya makita hanggang nung nakalabas kami ng CR. Mga past 11 pm na, ay mga love songs na din ang pinatugtog, andito na nag ayang sumayaw si Chris, at ang song ay "Tattoed on my mind" hindi ko malilimutan ang kantang to dahil sa sobrang meaningful nito, "Jeyd, Shall we dance?", "Of course, ikaw pa" sempre anjan na naman ang mga tinginan, pati guro parang mga mangangain ng buhay dahil nga catholic school din un, eh muntik na din ipatigil kaso napag isip isip nila na NIGHT nga namin yun kung kayat di na nila pinansin. "Jeyd, alam mo na hulog loob ko sayo....", wala akong masabi sa kanya na kahit alam ko sa sarili ko ay gusto kong sabihin na 'ako din', "Ok lang, alam kong may iba pa namang laman ang puso mo,..... pero andito lang ako at hindi kita pababayaan", naramdaman ko nalng na may kung anong bagay na ipinasok sa bulsa ko si chris at di nalimutan ko ng may magsalita sa tabi namin ng " Can I dance my Jeyd? " na nagulat ako dahil naka white suit si Francis, sya na pala iyon, ngunit pinagbigyan nalang ni Chris ang sandaling yun at ibinigay nya sa akin si Francis, "Bhe, I miss you", hindi na naman ako nakapagsalita, dahil sa lungkot at tuwang aking nararamdaman ngayon, "Oh, bakit di ka makapagsalita, andito na ako... hindi mo ba ako namimiss?", habang papatapos na ang kanta ay wala talagang lumalabas na boses sa bibig ko. "Ok, tapusin nalng muna natin ang kanta, at marami pa akong ipapaliwanag sayo." at natapos nga ang kanta ngunit ako ay nag tatakbo sa dakong CR at pumasok sa isang classroom at dun ay hindi ako makapag isip ng tama, na kahit sobrang dilim ang kapaligiran ay tila ang liwaliwanag parin, "Jeyd..... I'm sorry.... alam ko nasaktan kita ng sobra, hindi ko din ginusto na malayo sayo, things weren't that easy being away from you... iniisip din kita araw araw. hindi rin ako makatulog... Now that I'm back, i want to patch up the things we have left... start again,..." sabay akap nya sa akin na nakaharap sa mukha ko... "Why now?..... Halos gumuho ang mundo ko nung simula ng mawala ka.... ni isang text man lang wala na akong na receive.... nag alala ako nung lumayo ka.... Napaka makasarili mo talaga!!".. Niyakap ako ng mahigpit ni Francis, dito ay pinunasan nya ng kanyang panyo ang aking mga luha... sabay sabing "I'ts ok now.... Andito na ako" at nag halikan kaming dalawa dala na din ng sabik sa isa't isa... Narinig naming magpatugtog ng love song ulit "More Than Anyone by Gavin DeGraw" ang sweet ng song.... inaya nya akong mag sayaw kahit sa may labas lang ng room.... at that moment we cherished ourselves being with each others arms. after ng song ay mga 10minutes nalang ang nalalabi for the JS Prom's King and Queen.... Dito ay naupo kami sa may malapit sa table namin without being seen... Nakita ko si Christian, alam kong happy na din sya para sa akin.. at ngumiti nalang siya... Time for the King and Queen na... 3 kaming King, ako, si Christian at si Brian, dahil daw sa mga votes na nai cast ng mga Juniors and Seniors, at ang nag Queen naman ay si Winchelle.. at umakyat nalang kami sa stage, ngunit isa lang daw ang King na Crown kung kaya't hindi na namin kinuha at ibinigay nalang kay Brian, ngunit ibinalik nila sa akin ang Crown, para daw sa akin un dahil ako daw ang ibinoto nilang King talaga... natuwa naman ako kaya't isinayaw ko nalang si Winchelle sa gitna... at after ng song ay mga up beat na ang kanta.. Pumunta na ako kung san nakaupo si Francis, at isinayaw ko nadin sya sa gitna... inaya ko na din ang iba ko pang kaibigan kasama na sa si Christian at ang mga ka table ko pa. at natapos ang Prom ng 2am.. Kinausap ko si Christian at nagpasalamat sa lahat ng mga nangyari sa amin at masaya na din daw sya na makitang magkasama ang bestfriend nya at ang mahal nya (ako daw yun)... "Loko ka talaga.. basta andito lang din kami para sayo" sabi ko. "Christian... Maraming salamat sa pagbantay kay Jeyd ko ha... ikaw parin ang bestfriend ko... basta laro tayo minsan ha... paki sabi na din sa mommy ni Jeyd na kasama ko sya ha.. salamat talaga... laro tayo basketball agad pag pasok... dami din ako kwento sa inyo" -Francis. At umuwi na din kami at ako naman ay kasama ko si Francis at inaya naman nya akong mag pa picture ulit one last time sa dun sa may entrance... at dumiretso kami kung saan kami tumambay nung isang gabing tila wala kaming problema... at ito ay sa may tabing dagat.. "Bhe.. sobrang miss kita..." sabi nya habang nakaakap kami sa isat isa at sinabi ko naman na "Ako din nga eh......" ngumiti kaming pareho at tumitig sa buwan na syang nagbibigay liwanag sa amin... Sinabi nyang kunin ko daw ang nasa bulsa ko... at pagkuha ko ay isang Ring na galing pala ito sa kanya at hindi kay christian.... nakalagay ang pangalan nya dito... at sya naman ay meron din.... pangalan ko naman ang nakalagay.. "simula sa araw na ito ay ikaw lang ang mamahalin ko panghabang buhay" sabi nya sa akin... "kaw talaga... ang korny mo hehe.. I love you.." sabi ko sabay halik at akap ng mahigpit sa kanya... "anong paborito mong ice cream?" tanong nya, "Vanilla" sabi ko, "ngek bat naman un eh ang plain nun?", "eh ganun talaga eh ang sarap kasi nya kahit ang plain lang" at sinundan nya akong kulitin ng mga tanong... na natuwa naman kami... lumipas na din ang mga araw,...na sabay kaming nagsisimba, nag de date minsan... mga tipong kulitan, minsan may konting tampuhan, at mga sex hehe pero di na kami ganun kadalas mag sex.. Andyan din na tanggap na kami ng mga magulang namin... dito natapos ang kwento ko... maraming salamat sa pagbasa at pa sensya na kayo kasi natagalan bago ang ending... Enjoy nalang po... sana nagustohan nyo...
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.