Back to stories

kwentongkalibugan.net

I Love You, Mahal

by: nice mice

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
I Love You, Mahal cover image

by: nice mice

Matagal nang chatmates si Ron at Timothy. Halos taon na ata nang simula silang magkakilala sa internet at naging malapit sa isa't-isa. Noong buwan ng Pebrero ay medyo naputol ang kanilang pag-uusap sa dahilang parehong busy para sa final exams ng huling taon sa kolehiyo ang parehong binata. Pareho kasing may angking talino at sadyang hindi nagpapabaya sa pag-aaral. Abril, unang sabado ng madaling araw noon…hindi makatulog si Ron sa hindi malamang kadahilanan. Tumayo siya mula sa kama at nagbukas ng computer upang mag-internet. Kakamustahin niya sana si Timothy kung ano ang nangyari sa ka-chatmate. Tamang-tama naman at naka-online pa rin si Tim. Nagpadala ng mensahe si Ron sa messenger ni Tim. Ronnie: Hi there! Still up? Timothy: Oh geez, grabe! Ang tagal mong nawala. Miss na miss na kita. Napano kaba? Ronnie: Wala naman, eto ok lang. kaw? Musta na? Siguro may bf ka na no? Timothy: Sira! Alam mo namang ikaw lang hinihintay ko. Ronnie: Asus! Ayan ang gusto ko sa'yo, bolero. So…tuloy na graduation mo, ganon din ako, baka pwede nang manligaw uli. Tutal tapos na tayo sa pag-aaral. Timothy: Kailangan pa ba iyon? Wala na dapat ganon!? Ang tagal na natin eh. Ehehehe. Ronnie: Oo nga, tagal na nga natin pero hanggang ngayon hindi mo pa rin binibigay cell number at address mo. Yung akin lang alam mo. Unfair k tlg! Timothy: Sorry na. Pag binigay ko kasi baka ikaw na lang ng ikaw ang atupagin ko sa araw-araw. Ronnie: Bolero nga ang bata! Teka, paubos na kasi internet card ko. Tawag ka naman sa amin. Alam mo naman diba landline tsaka cell number ko. Timothy: Sige, teka lang try ko muna cell mo. (Sinubukang tawagan ni Tim sa cellphone si Ron pero hindi siya makakonekta. Not active or out of service area daw ang numero ni Ron). Timothy: Uuy. Ayaw talaga magconnect sa cell, sira ba phone mo? Ronnie: Hah? Hindi ah? Teka tingnan ko…nyak! Patay pala, siguro empty battery. Try mo na lang sa landline Timothy: Ay ang talino?! Paano kita tatawagan eh nakakonekta tayo sa net. Ronnie: Oo nga noh. Sige, bukas na lang tayo mag-usap. Este, mamaya pala. Penge nga pala ako cell number mo, mahal?!? Timothy: Hehehe. LOL@mahal. 0922xxxxxxx po. Tawag ka agad pagkagising mo hah? Ronnie: Opo! Promise mahal! Sarap talagang ulit-ulitin, Mahal! Mahal ko! Mahal na mahal kita! I love you, mahal! Mwah Mwah Mwah! Timothy: Oist! Bawal magsabi niyan kung hindi mo naman talaga nararamdaman. Ronnie: Ano ba naman yan. Halos isang taon ko nang nililigawan tapos pinaghihinalaan pa rin ako sa nararamdaman ko. Mahal naman! Alam mo namang mahal na mahal na mahal na mahal kita. Timothy: Sige na. I love you too! Pahinga ka na, mahal! Hehehe. Nga pala, balita ko may nasunugan ng bahay diyan sa subdivision niyo kailan lang. Baka kasi malapit sa inyo. Buti hindi ka napano. Ronnie: Sarap naman na concerned yung isa dyan. Siyempre hindi ako napano, eto nga at tumitibok pa rin ang puso ko sa'yo Timothy: Ehehe! Baliw! Pinag-iingat lang po kita. Sige na, good night na po. Pa-kiss nga sa lips mong mapula…mmmmmmmmmmmmmmmmmmwwwaaahhh! Sarap naman ng laway mo. Ronnie: Mmmmmmmmmmmmwwwaaaaahhhhhhhh with lots of laway! Sayo lang iyan, swear! Nightie! I love you, mahal! Timothy: Nytnyt din po. Matapos ang pag-uusap ay magdi-disconnect na sana si Ron ng biglang may nagpop-up sa kanyang computer. Isang balita na nagpatindig sa kanyang balahibo. Isang pamilya ang nasunugan at lahat ng mag-anak ay namatay. Tanging ang aso lamang ang nabuhay. Ikinagulat niya ang nabasa sa kadahilanang malapit lang ito sa kanilang bahay. Ngunit wala naman siyang nakita o napansin. Siguro ay nasa eskuwelahan siya o natutulog siya ng mahimbing nung maganap ang insidente. Babasahin pa sana niya ang detalye upang ikuwento sa mga magulang ngunit bigla na lang siya nadiskonek sa internet. Ubos na nga ang laman ng internet card niya. Napabuntong hininga na lamang siya. Bago bumalik sa kama ay nagtanda muna siya ng krus. At nagsambit ng maikli at taimtim na dasal. Pagkatapos ay lumapit siya sa bintana upang isara nang biglang humangin ng malakas. Nanindig na naman ang kanyang balahibo. Napatakbo siya sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nararamdaman niya ang lamig ng panahon, siguro babagyo. Matapos ang ilang sandali ay nakatulog na si Ron. Kinaumagahan, pagkagising ni Ron, ay tumungo agad siya sa kuwarto ng mga magulang. Walang sumasagot, sinubukan niyang buksan, hindi naka-lock. Pagtingin niya sa loob ay walang tao. Pati ang mga kapatid niya ay wala rin. Tinawag niya ang kanyang mga magulang hanggang pababa ng bahay. Ngunit talagang wala ang mga ito. Napatingin siya sa orasan sa dingding ng silid kainan. Alas-otso na ng umaga. Kaya pala. Pumasok na sa trabaho ang mama at papa ni Ron, baka isinama rin ang mga kapatid niya. Palagi namang ganoon, siya lagi ang bantay sa bahay, tutal may pagka-home bud is Ron. Tiningnan niya ang hapagkainan at walang nakahain. Hindi rin naman siya nagugutom, Umakyat siya at muling natulog. "Tulungan niyo kami! Para niyo nang awa. Hindi kami makalabas!" pagsisigaw ng isang boses. Malabo ang kanyang hitsura. Natatakpan ng dilim ang kanyang pagmumukha. Isa itong binata, sigurado si Ron. Tumalikod siya sa pinanggagalingan ng boses. Tumakbo papalayo, tanging pangalan lang ni Timothy ang nababanggit ni Ron, naisisigaw na niya ito kasi parang ang layu-layo ng pintuan palabas. Paghawak sa pihitan ng pintuan ay may kung anong humawak sa kamay niyang napakainit. Nagising si Ron at napaupo sa kama. Binabangungot siya. Tagaktak ang pawis mula sa noo at dibdib niya. Hinihingal siya. Pag tingin sa kanang kamay ay madumi ito. Puro abo. Tapos paglingon niya sa pintuan ay may imahe mula sa isang napakakapal na usok. Naghugis tao ito, anyong lalake. Papalapit na ito ng papalapit sa kama niya nang siya ay napasigaw sa takot. "AAAHHH!!! Timothy!!!" sigaw ni Ron. Pagkatapos ay nagising na naman siya. Double dream. Masama ito, baka may dumating na peligro. Nagdasal si Ron. Pinagpapawisan pa rin siya. Matapos magdasal ay minulat niya ang mata. Tiningnan niya ang kanyang kanang kamay, sumunod ang kaliwa, pati na rin ang mga palad niya at buong katawan. Walang abo o bakas ng dumi dito. Tumingin siya sa pintuan, walang imahe mula sa usok. Napabuntong hiniga si Ron ng malakas. Pagkatapos ng nangyari ay tumungo si Ron sa kanyang computer table. Binuksan niya ang drawer at tila naghahanap. Hindi niya alam ang gagawin nang biglang lumitaw ang isang internet card na selyado pa ng plastic. Napa-yes siya sa tuwa. Baka bigay ng magulang niya. Makakpaginternet siyang muli. Dali-daling niyang binuksan ang balot ng card at ang computer. Nais niyang ikuwento sa bagong boyfriend ang nangyari. Pagbukas niya ng kanyang messenger ay may ilang itong offline messages. Timothy: Gud am mahal! Nanaginip ako kagabi na tinatawag mo daw ako, umiiyak ka daw sa takot. May nangyari ba sa'yo? Timothy: Siguro tulog ka pa. Timothy: BUZZ Timothy: Mahal, you won't believe this. May nag-investigate sa kaso dun sa nasunugan sa subdivision niyo, and paranormal experts say na hindi pa daw natatahimik ang kaluluwa nung mga nasunog. Timothy: Neighbors reported that they we're haunted in dreams by the victims asking for help. Ikaw ba? Kayo ba ng parents mo? Are you still ok? Timothy: I'm trying to download an image of the house and the victims but laging napuputol or super labo. Matapos basahin ang mga offline messages ni Timothy ay nagsimula nang mag-type ng mga sasabihin si Ron. Ngunit napatingin siya sa labas. Nakasara ang bintana kaya pala mainit. Binuksan niya ito, tapos biglang humangin ng malakas. Isasara niya sana uli nang malaman umaambon pa rin sa labas ng mapatingin siya sa baba, tumatahol ang kanilang asong si Smoochy. Tinawag niya ang aso. Tumingin naman ito sa kanya. Tinawag niya muli si Smoochy pero nagsimula itong kumaripas ng takbo. Sinisi na naman niya ang mga magulang kung bakit nakalabas ang aso, malamang kanina nung umalis sila. Bumalik si Ron sa pagtatype at nagsimulang makipag-usap sa nobyo. Ronnie: Mahal, last night was so freaky. Timothy: Uy! Mahal, online ka na. Bakit? What happened? Ronnie: I was also haunted in my dreams. I even had a double dream. Timothy: Oh shit! Are you ok? Ronnie: Yup! Im feeling ok now. But the atmosphere still gives me goosebumps. Timothy: Gusto mo puntahan kita? O di kaya ikaw na lang punta dito sa amin? Ronnie: Thanks but I think I'm gonna be okay. Timothy: Are you sure? (nang biglang nag-ring ang cell ni Ron) "Ron. It's mom. We've been trying to wake you up kanina but umiral na naman ang pagiging mantika mo. We're here na sa Island Paradise. Dad and I wont be able to go home. If you want sunod ka dito, you know naman how to get here." At biglang naputol ang linya sa cellphone ni Ron. Wala na namang karga ang baterya ni Ron. Napakunot siya ng noo kung paano ito nabuksan eh alam niyang kagabi pa ito nakapatay. Binalewala niya ito at bumalik sa pakikipagusap sa nobyo. Timothy: Hey! Are you sure? Timothy: Ay nawala?! Timothy: BUZZ Timothy: Earth calling mahal! Timothy: BUZZ Timothy: Mahal kong mahal na mahal na mahal ko! Timothy: Ayan na yung mga multo sa inyo. Hala ka! Awwooo!!! Ronnie: Assht! Wag ka ngang manakot diyan. Teka. Serious ka sa offer mo sa akin? Can I really go to your house. Timothy: Wink! Wink! Ronnie: Ano? Timothy: Oo nga sabi! Ngayon na, alam mo naman address ko diba? Ronnie: Teka, I'll just pack some stuffs. Timothy: Bakit pa? Magtatagal ka ba dito? Ronnie: Isang gabi lang sana. Hindi naman makakauwi kasi sila Ermats. Anniv nila ni Dad ngayon…hindi ko nga nabati eh. Timothy: Pakigreet them for me. Kasama ba mga kapatid mo? Bakit hindi ka kasama? Ronnie: Ayoko sumama, palagi nalang may outing, kung saan-saang lugar. Kapagod kaya. Ano? Pwede ako pumunta diyan?! Timothy: HEHEHEHE! WINK! WINK! Wag ka na pala magdala ng damit, hindi rin naman kita pagsusuotin ng damit pagpasok mo sa room ko. Nyahahaha! Ronnie: Che! Sige hintayin mo ako diyan. Diyan na rin ako makikicharge ng cellphone. Timothy: Teka, it's already 3 pm. Mga what time ka makakapunta dito para makapagayus-ayos man lang ako. Ronnie: Mga 2 hours lang andyan na ako. Timothy: Okies! It's a plan, walang bawian. I'll wait for you outside the subdivision. I love you , mahal! Mmmmmmmwwwwaaaahhh!!! Ganoon nga ang naging plano ng dalawa. Umalis si Ron at inilock ang pintuan pati ang gate ng kanilang bahay. May spare key ang mga magulang kapag nauna itong umuwi sa kanya. Tiningnan niya mula sa ibaba ang kanyang kuwarto. Pagtalikod ay hindi niya alam ang pakiwari at parang may nagahatid ng tingin sa kanya mula sa kawalan. Lumingon siya sa likuran at nakitang wala naman ni isang tao. Nagdasal siya muli at humingi ng gabay sa paglalakbay. Isinama na rin niya ang mga biktima ng sunog sa panalangin, Sana daw ay manahimik na ito sa langit. Tinungo ni Ron ang bahay nila Timothy gaya ng napag-usapan. Alas singko pasado ng magkita ang dalawa sa labas ng subdivision nila Timothy. Pareho silang nagingimi pang lapitan ang isa't-isa sapagkat ngayon lamang sila magkikita at magsasama sa personal. Iba pala ang pakiramdam pag ganitong sitwasyon. Todo kaba at todo kilig. Medyo maambon pa rin ng mga sandaling iyon. Pareho naman silang nakajacket, ngunit mas basang tingnan si Ronnie sapagkat walang hood ang suot niya, pati nga ang backpack niya ay basa na rin. Buti na lang ang suot ni Tim ay may hood kaya isinukbit niya ito sa ulo at binuksan niya ang dala-dalang payong. Gumawi siya sa kanan ni Ron, hawak-hawak niya ang payong sa kaliwang kamay at pinayungan ang nobyo. "Ang sweet naman namin" nasamabit niya sa sarili at nagsimulang maglakad ang dalawa. Si Ron ay nanatiling tahimik, siguro dahil sa lakas ng dating ng nobyo. Matangkad pala ito sa personal. Maputi, nakasalamin, nakabraces, matangos ang ilong, may ilang pimples sa mukha, pero guwapo kung susumahin ang hitsura at pangangatawan. Nagtitinginan ang dalawa habang naglalakad nang makasalubong nila ang isa sa mga guwardiya ng subdivision nila na pabalik naman sa gate post. "Sinong pinapayungan mo Tim?" buong pagtataka ng guwardiya. "Ah! Manong Benjie kayo pala! Si Ronnie nga po pala, nobyo ko." sagot ni Tim sabay ngiti sa guwardiya. "Ah, eh, hindi po, mapagbiro lang po itong bestfriend ko." pasinungaling ni Ron habang nagkakamot ng ulo. Kumunot ang noo at ngumiti lamang ang guwardiya na parang nahihiwagaan. Nadidiri ba ito o natutuwa o kung anuman. Naglakad na lamang ang dalawa papalayo. "Siguro ex ni Tim. Selos. Wehehehe!" isip ni Ron… "Mahal naman. Baka bukas nakabandera na tayo sa mga pahayagan." hirit ni Ron at nagsimula uli silang maglakad. "Ikaw naman masyadong conservative. Paano nila matatanggap ang relasyong gaya ng sa atin kung patuloy tayong magtatago." sagot ni Timothy. Lumingon siya sa likuran at nagkataong napatingin din ang guwardiya sa kanila. Nakakunot ang noo ni Mang Benjie at nagkamot din ito ng ulo at batok. "Tingan mo tuloy si Mang Benjie. Confused tuloy sa atin. Ah ewan! Diretso na tayo sa bahay. May ipapakita ako sa iyo?" dagdag ni Tim. "Talaga? Pwede bang hawakan at isubo?" hirit ni Ron, nagkuskos pa ng dalawang palad at tumawa sa nakakalokong tono. Umismid lang naman si Tim. Pagdating sa loob ng bahay ay wala rin ang ina ni Tim, baka daw pumunta sa may Chapel kasi linggo nga naman at hapon, ganong oras kasi kung magsimba ang ina. Unang naisip ni Ron ang cellphone, ngunit nang hinalughog niya ang damit at ang backpack niya ay wala ang cell phone dito. Nakalimutan niya. Paano na lang daw pag kinontak siya ng mga magulang. Bahala na. Dali-dali namang pumasok ang dalawa sa loob ng kuwarto ni Tim. Nagulantang si Ron sa nakita. Ang daming kandilang nakabukas. "Romantic naman! Pakiss nga" banat ni Ron nang sinimulang halik-halikan sa mukha ang nobyo. Nagtanggal sila ng jacket at pang-itaas na saplot. Patuloy pa rin sila sa halikan hanggang madapo ang mga labi nila kung saan-saan. Akmang magtatanggal na sila ng pang-ibabang saplot ng biglang may kumatok sa pintuan ng kuwarto. "Tem! Sabe ni mama mo, magmiryinda daw kayo pag dumateng yong beseta mo. Nasa la misa na sa ibaba yung pagkaen nenyo. Aalis lang ako sandale, may kolang sa lolotoen ko, bebele lang ako saglet sa labas." boses ng yaya nila Tim. "Hoy Tem! Andyan ka ba? Tem?!?" dagdag ng katulong at patuloy na kumatok. "Opo Ate Fel! Sige na, andito yung bisita ko. Labas na lang kami mamaya" sagot ni Tim habang pinakikinggan ang yabag ng paa ng kasambahay. Pinakikiramdaman niya kung nakalabas na ang yaya at nang marinig niyang sumara na ang pinto sa baba ay tumayo ito. "Pwede ba mamaya na lang natin pagpatuloy ito? Kain muna tayo kasi.hindi pa ako nagla-lunch, hinihintay kasi kita mag-online buong umaga at tanghali. Tapos kumain ay ipapakita ko na sa'yo yung sorpresa ko. May gagawin tayo." paanyaya ni Tim. Wala nang nagawa si Ron, hindi na siya nakatanggi, tutal gutom na rin naman siya, buti naman daw at nakaramdam siya ng gutom. Sa totoo lang kanina pa niya ito naramdaman nung mapadaan sila sa Chapel ng subdivision nila Tim. Pagbaba sa silid kainan ay naabutan ng dalawa na walang nakahain dito. Malamang sa lamesa sa kusina ihinain ni Fel ang meryenda. Tumungo ang dalawa sa kusina at nakita nilang nakahain na sa lamesa dito ang meryenda. Isang buong black forest cake at iced tea. May mga platito, tinidor, baso at kutsilyo din sa ibabaw ng mesa. Nagsimulang hiwain ni Tim ang cake nang mapansin niyang nakabukas ang kalan at nakasalang ang isang kaldero. Napa-wow si Tim sa nakalagay sa loob. Adobong manok at baboy na paborito nilang pareho. Alam niyang wala pa itong suka kasi wala pa itong maasim na amoy, iyon marahil ang kulang sa sangkap. Pinatay ni Tim ang kalan baka daw kasi maiga ang sabaw. "Si Ate Fel talaga. Balak pang sunugin ang bahay." wika ni Tim nang lumapit uli sa lamesa at sinimulang nang hiwain ang cake. "Oo nga pala, nabasa kong nagsimula sa sumisingaw na kalan ang sunog dun sa subdivision ninyo. Napabayaan atang nakabukas, iyon marahil ang dahilan sabi ng mga bumbero. Maayos din naman daw kasi ang mga kurdon at linya sa bahay." dagdag ni Tim. Si Ron naman ay natameme lang sa kinauupuan. Sinusubukan niyang isipin ang mga nangyari. Bumuo siya sa isipan ng isang senaryo. Naiwang nakabukas ang kalan. Sumingaw ang tangke ng gaas. Kumalat sa buong bahay. Biglang may apoy na nagsimula sa itaas, galing sa ashtray na may sigarilyong hindi pa nauubos ang liyab. Biglang nagkasunog. Nakita niya ang limang tao na nag-iiyakan sa kani-kanilang kuwarto. May mag-asawa at isang babaeng anak sa gitna nila. May isang binata sa isang kuwarto, at isang dalagita sa isa pang kuwarto. Pare-parehong walang nagawa ang magpapamilya sa lakas ng apoy, halos lahat ay nasusunog sapagkat ang tirahan ay pawang gawa sa kahoy. Isang ancestral house. Sa labas ay mga kapitbahay na nagtutulong-tulong patayin ang apoy. May mga umiiyak. May mga humihingi pa ng saklolo. May isang aso na tumatahol sa labas ng pintuan. Biglang may isang diyaryong lumitaw. Nakakapangilabot! Nagsisikip ang dibdib ni Ron sa mga naiisip, parang nararamdaman niya ang paghihirap ng mga biktima sa loob. "Hoy! Daydreamer! Eto na po yung cake niyo." Pasigaw ni Tim sabay tapik sa balikat ni Ron. Nagulat siyempre si Ron at napansin niyang pinagpapawisan siya ng malamig. "Pasensiya ka na hah. Naiisip ko lang yung mga nasunugan." sagot ni Ronnie sabay subo ng cake. Makailang subo ay naubos ni Ronnie ang cake at tatlong beses lumagok ng juice. "Gusto mo pa Ron?" alok ni Tim. "Ano nga pala yung sabi mong ipapakita mo? Pwede ngayon na? Tsaka pahiram ako ng diyaryo, may kailangan akong tingnan." tanong nito sa kasintahan. "Sige mamaya, ubusin ko lang ito." sagot naman ni Timothy. Matapos ubusin ang cake sa platito at ang juice niya sa baso ay nagpahid siya ng bibig at hinwakan sa kamay ang nobyo at dinala ito sa isang kuwarto. "Kuwarto ito dati ng parents ko. Nung namatay si Dad from an accident eh ayaw nang gamitin ito ni mommy, ginawa na lang naming parang function room. Pero lahat ng gamit dati ni dad ay nakatago pa rin dito." Panimula ni Tim habang tumungo sa isang aparador. "I'm sorry Tim!" tanging nasambit ni Ron. "It's ok. Ahh…heto nga pala yung sinasabi kong ipapakita ko." Wika ni Tim habang iniabot ang isang kahon. Binuksan nila ito at napanganga si Ron sa nakita. "Akala ko porn collection. Ano naman ito? Bolang kristal? Silk bandana? Tarot cards? Poker cards? Mga anting-anitng? Para saan ito mahal?" pagtatanong ni Ron habang isa-isang inilalabas at inuusisa ang mga nakapaloob sa kahon. "Ano ka ba? Nakalimutan mo bang nabanggit ko sa'yo na isa yan sa lihim namin. Pinatago nga iyan ni mommy kasi ayaw na daw niyang makakarinig o makakaalam ng tungkol sa mga ganyan." sagot ni Timothy. "Ay oo nga pala. Pychic pala dad mo, at ikaw naman eh may sort of paranormal talents din." wika ni Ron na pasarkastiko. "Totoo kaya iyon! Sample gusto mo? Sige halika dito. Mag-indian sit ka sa harapan ko. Wag ka lang maingay hah?!" paanyaya ni Tim at nagsimulang umupo sa sahig na may carpet. "Iabot mo sa akin yung gem na kulay green tsaka yung lapis at papel sa ibabaw ng study table." utos ni Tim "Para saan naman itong mga ito?" tanong ni Ron habang iniaabot ang mga kinuhang bagay. "Basta! Halika na dito!" painis na sabi ni Timothy. Nagsimulang magdrawing ng bahay at apoy si Timothy gamit ang lapis at papel. Isinulat din niya ang pangalan ng subdivision nila Ron. Ipinatong niya sa ibabaw ng papel ang berdeng bato at ipinatong din niya sumunod ang dalawa niyang kamay sa bato. Pumikit si Tim at nanatiling tahimik. Si Ron naman ay natatawa sa hitsura ng nobyo. Pinagamamasdan niya ang hitsura ni Tim nang makaramdam ito ng pagkabagot. Dahan-dahan siyang tumayo at lumakad papunta sa may magazine rack. Tumatawa-tawa pa rin siya ng makakita siya ng isang diyaryo at sisimulan sana niya ang pagababasa. Nakita niyang tampok sa harapan ng pahayagang ito ang sunog na naganap sa kanilang lugar. Sinimulan niyang basahin ang laman sa ikalawang pahina nang biglang… "Ronnie! May nakikita ako. Lalakeng nagsisigarilyo at may hawak na cellphone. Nakaupo siya sa kama. Hindi siya mapakali. Tapos may tatlong tao sa isang kuwarto. Ron, isang ina isang ama at isang bunsong anak. Nagbabasa sila ng isang libro." pahingal at paiyak na tono ni Tim. Nagsimula na namang mangilabot si Ron kaya hindi niya inintindi ang sinasabi ng nobyo at nagpatuloy lang sa pagtingin sa pahayagan kahit hindi na niya maisuksok sa kukote ang nakatala dito. "May babaeng natutulog sa isang kuwarto. Ron, amoy gaas! May sumisingaw na tangke ng gaas." nagsimula nang sumigaw si Tim. "Nasusunog yung mga tao. Teka! May tumatawag sa akin. May sumisigaw ng pangalan ko. Ron! Aahh! Kamukha mo yung isa Ron! Ronnie!!!" sigaw ni Tim at iminulat ang kanyang mga mata. Umiiyak si Tim. Humahagulgol siya sa nakita. Pagtingin niya kay Ron ay nakita niyang umiiyak si Ron sa nerbiyos at takot. Nabitawan nito ang hawak na diyaryo at dali-daling tumakbo papalabas. Sinundan naman siya ni Tim. Papalabas na ng bahay si Tim nang makasalubong niya ang Ate Fel niya. "Aysos ka Tem! Naghewa ka ng dalawang cake tapos hende mo kenain yung esa. Nagsalen ka sa dalawang baso ng juice tapos wala namang bawas yung esa. Para sa aken ba yon? Asan na ba ang beseta mo Tem?" panimula ni Fel habang hinihimas ang mga braso niya. "Parang may dumaan na malakas na hangen. Ay kalameg subra!" dagdag pa ng katulong. "Inubos namin yung hinain ko! Teka, hindi mo ba nakita si Ron na lumabas? Nasaan na ba si Ron? Kailangan ko siyang makita" patuloy pa rin sa pag-iyak si Tim at tumakbo itong papalabas ng gate. "Anung Run Run ang penagsasabe nung batang iyon? Wala namang nadateng. Nakasarado naman ang git at pento. Tapos kanina sabi ni Binji may pinapayungan daw sa gaweng kalewa yung batang iyon eh wala namang kasama. Umiral na naman ang tupak." bulong sa sarili ni Fel at naglakad patungong kusina. Nasa harapan na nang bahay nila si Ron. Maayos naman ito. Tumakbo siya papasok upang tingnan ang buong bahay. Tinungo niya ang kusina, ang kuwarto ng magulang niya, ng mga kapatid niya, huli niyang pinuntahan ang kuwarto niya. Napabuntong hiniga si Ronnie nang makitang okay naman pala ang bahay nila. Tumungo si Ron sa may computer table. Sa gilid nito ay ang telepono. Iniangat niya ang telepono at pumindot ng numero. Walang dial tone. Pumindot uli siya nang numero. Wala talagang linya. Nagtataka siya sapagkat halos kanina lamang ay nakakonekta pa siya sa internet. Nang mapatingin siya sa computer ay nadatnan niyang wasak-wasak na ito at puro abo. Nanayo ang balahibo ni Ron. Sinubukan niya uling tumawag sa telepono ngunit paghawak niya dito ay nagkaroon ng abo ang kanyang kamay. Nakita niya na ang telepono ay biglang nasira at parang bahagyang nalusaw. Pumikit siya at napaiyak sa nararamdamang halu-halong emosyon. Madaming pawis ang lumalabas mula s mukha niya at katawan. Nanginginig siya sa hindi malamang dahilan. Nakita niya sa sahig ang diyaryong binabasa niya kanina sa bahay nila Tim. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa. Ngayon ay maliwanag na ang nakasulat dito at detalyado. Larawan nila ang nasa diyaryo. Mga magulang niya, mga kapatid, pati siya ay nakalarawan sa diyaryo. Nasa larawan ang bahay nila matapos itong masunog. Pumikit uli siya. Pumasok ngayon uli ang mga naganap ng gabing iyon. Nag-aaral siya ng paninigarilyo. Bagay na mahigpit na ipinagbabawal ng kanyang ama. Inuubo-ubo na siya sa nangangalahati pa lamang na pangatlong sigarilyo niya. Hindi niya ito pinatay pa. Ilang saglit ay lumiyab ang buong bahay nila. Pati siya ay madaling nasunog. Hawak-hawak niya ang cellphone na ang wallpaper ay picture ni Timothy. Hinahalik-halikan pa niya ang larawan sa cellphone na bagong lipat lang mula sa computer bago umapoy ang paligid niya. Napasigaw si Ron. Nanatiling nakapikit at nakatalukbong ang kamay sa mukha. Nanghina siya at napaluhod. Pagmulat ngayon ng mata niya, tumambad ang isang bahay na sira-sira at puro sunog na paligid. Tatayo na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at may pumasok na makapal na usok. Hindi na nakaramdam pa ng takot si Ron. Buong tapang niyang inabangan ang imahe na unti-unting nabubuo. Mula sa usok ay nabuo ang kanyang ama. Nakasuot ng puti. Kalong ang kanilang bunso. Sa tabi ay ang kanyang ina na hawak kamay ang kapatid niyang babae. Lahat sila ay nakaputi at nakangiti. Hinahalina nila si Ronnie. Nagtakip si Ron muli ng mukha at napasigaw sa nadarama. Humihingi siya ng kapatawaran mula sa mga kapamilya. Bigla na lamng niyang naramdaman na may naglapat ng kamay sa balikat niya. "Anak, halika na. Natapos mo na ang dapat mong gawin dito sa mundo. Wala kang dapat ihingi ng tawad." wika ng ama ni Ron sa isang napakamalumanay na tinig. Mula doon ay tumayo si Ron. Nagulat siya nang makita niyang nakaputi na rin siya at tumakbo siya papalapit sa ibang kapamilya. Isa-isa niya itong hinalikan at yinakap. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Para siyang lumulutang. Hanggang sa may isang kislap ng liwanag na bumalot sa kanilang mag-anak. "Paalam Tim! Salamat sa pagmamahal. Hihintayin kita doon, mahal!" sabi ni Ron sa sarili. Matapos ay nawala na sila sa mundo at napunta sa isang lugar na ngayon lang niya nakita. Samantalang sa labas ng bahay ay kararating lang ni Tim. Hinhingal pa siya ng mapatigil siya sa isang puno sa harapan ng bahay. Pagtingin niya sa bahay ay katulad ito ng nasa diyaryong hawak niya. Iyon ang bahay nila Ron. Hindi makapaniwala si Tim sa nangyayari. Para siyang mababaliw. Naabutan niya ang isang ilaw mula isang kuwarto. Tapos ay biglang pumasok sa isipan niya si Ron…"Paalam Tim! Salamat sa pagmamahal! Hihintayin kita doon, mahal!" bulong nito sa isipan niya. Matapos ang pagbulong ay nawala na ang ilaw. Napalitan ang buong paligid ng kadiliman. Walang buwan at mga bituin sa langit, nagtatago ang mga ito sa likuran ng mga ulap. "Ron bakit? Bakit ngayon pa? Mahal na mahal kita Ron! Please wag mo akong iwan! Ron!!!" buong lakas niyang nasabi at napaluhod sa kinauupuan. Habang humihikbi ay nakarinig siya ng pagtahol mula sa loob ng bakuran nila Ron. Pinasok niya ito at nakita ang isang aso. Si Smoochy, iyon si Smoochy! Hindi siya pwedeng magkamali. Ito lang ang tanging aso at ang paboritong kalaro ng nobyo. Tinatahulan ng aso ang isang bagay na nasa sahig. Pagtingin ni Tim ay may isang cellphone dito. Pinulot niya ito at binuksan. Pagbukas ay tumambad ang "I LOVE YOU, MAHAL!" sa welcome note nito at larawan naman niya ang nasa wallpaper. Ito yung litratong ipinadala niya sa email ni Ron. Marahil ay inilipat ito ng nobyo, upang mapagmasdan sa bawat sandali. Napangiti si Tim. Siguro hanggang doon lang ang pagmamahalan nila ni Ron. Hinalikan niya ang cellphone at nagwika rin ng "I love you too, mahal!". Naramdaman niyang ikinikiskis ng aso ang sarili nito sa paanan niya. Pinulot niya ang munting aso, niyakap at hinalikan sa ulo. "Hayan ah! Ako na mag-aalaga sa aso niyo. Panganay natin ito. I love you, mahaaaaal!" sigaw ni Ron sa kalangitan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagsimula nang tumakbo si Tim palabas ng bakuran upang umuwi. Bitbit ang aso at cellphone mula sa nobyo.

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story