kwentongmalilibog.blogspot.com
Highschool Bestfriend
by: Kyle
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: Kyle
Hi, you can call me Kyle (di ko tunay na pangalan). 22 years old na ko ngayon. Masasabi kong isa akong lalake dahil kilos lalake ako at gusto ko ang mga babae. Ngunit minsan nag kagusto din ako sa kapwa kong lalake Ngsimula ito nung ako ay nagkaroon nang kaibigan nung ako ay nasa 1styr highschool palang. Nagkagusto ako sa aking bestfriend na itatago natin sa pangalang Paul. Una kaming naging magkaklase ni Paul nung grade 6 elementary. Nung una hindi kami magkaibigan. Nung mga panahong iyon, laging napapaaway si Paul sa aming school, lagi syang may kasuntukan sa likod nang aming school. Dahil may isa kaming kaklase, tawagin natin sa pangalang Mel, na lagi siyang pinagtritripan. May isa kasi kaming kaklase na ubod nang yabang, tawagin natin sa pangalang Al. Etong si Mel, pag walang magawa, lalapit ito kay Al, at sasabihing... "Oi Al! Gago ka daw sabi ni Paul!" ... Kahit hindi ito sinabi ni Paul. Lalapit nalang si Al kay Paul at bigla itong babatukan sa ulo at sasabihing "Gago ka ah!". At si Paul naman ay walang ka alam-alam sa dahilan, at cyempre gaganti din ito hanggang sa mag hahamon na si Al nang suntukan after class. Lagi akong nanonood sa mga laban ni Paul. At laging siyang talo, kaya nga lagi siyang na bubully sa school. May isang pagkakataon nga na gumawa pa ako nang ticket from a padpaper at binigay sa lahat nang classmates namin, including girls. At lahat kami ay nanood. At kinabukasan naman ay lahat kami pinapuntang Guidance office dahil nag sumbung yung guard namin. Tapos dumating ang araw na ang nakaaway naman niya ay yung kaklase naming nag ta-taekwando. Kinarate si Paul at binugbog nang walang kalaban laban. Habang nung kami ay nanonood, medyo natatawa lang ako nun. Pagkatapos nang labang iyon, nakita ko siyang nakaupo sa tapat nang isang tindahan habang ako ay naglalakad pauwi. May hawak siyang isang icetubig at nakadikit ito sa kanyang pisngi. Nung mga panahong iyon, biglang nagiba ang pakiramdam ko nun, para bang sinapian ako nang isang anghel. Nakaramdam bigla ako nang pagkaawa. Kaya pinuntahan ko siya at umupo din sa kabilang side sa tapat nya. "Ei, Paul musta", bati ko sa kanya. "Wala lang", sagot ni Paul. Sabay tanggal nang icetubig sa muka nya. "Hehe bakit ka naglalagay nan eh wala ka namang pasa sa muka", patawang sabi ko. Di siya sumagot at tumahimik lang. Makalipas ang ilang minutong pagkatahimik, nagsalita ako at sinabing... "Dinurog ka kanina ah. Di ka naka bawi nang suntok at na-corner ka." "Sus, nakasuntok nga ako eh.", depensa niya. "Ah ganun ba. Hehe", sagot ko. Tumahimik uli nang ilang minuto. At ako, talaga naaawa sa kanya dahil sa mga ginagawa sa kanya sa school. Kaya... "Gusto mo nang softdrinks? Libre kita...", alok ko sa kanya. "Hindi wag na", tangging sagot niya. "Ate pabili nga nang dalawang Sprite. Yung maliit lang", Sibi ko sa tindera. At inabot ko kay Paul ung sprite. at tinanggap naman nya ito at nag thank you. Nagkwentuhan kami ni Paul tungkol sa school, hobbies at bagaybagay. At nung magdidilim na ay nag aya na akong umuwi. Sabay kaming naglakad pauwi. Malapit lang kasi ang school namin sa aming bahay. At dun ko lang nalaman na magkapit bahay lang pala kami nitong ni Paul. Mga 4 blocks away lang pala. Kaya nung nakarating siya sa gate nang bahay nila... "Ei sige bukas nalang uli thank you sa sprite ha", paalam sakin ni Paul. "Ok sige", paalam ko din at ako ay tumuloy na. Kinabukasan sa school, tinabihan ko siya sa classroom at nakipag kwentuhan. At simula nun lagi ko na siyang kasama. At madalas nililibre ko siya at naglalaro kami nang CounterStrike sa computer cafe. Simula nun, naging magkaibigan kami ni Paul, minsan eh inaaya ko siya sa aming bahay, at naglalaro kami sa aking Computer. Hanggang sa dumating ang sumunod na taon. Walang nagbago at lalong nagkalapit kami bilang kaibigan. Parang kapatid ang turing ko sa kanya nun. One time, Nagkaroon kami nang activity sa aming English class. Pinagawa kami nang aming teacher nang isang maikling sulat para sa aming teacher. Mamili daw kami isa sa mga kaklase namin at idescribe at ang teacher lng daw namin ang makakabasa. Unfortunately, binigay sakin nang teacher namin yung ginawa ni Paul. Ako ang napiling idescribe ni Paul. At ito ang sinabi nya... "Dear Ma'am I want to describe Kyle. He is a nice person. He is so good to me and he is my only true friend. Although he sometimes makes fun of me. I know that he only do that just to laugh and he is just kidding. Kyle is my bestfriend. I hope. Thank you." (kung magtataka kayo eh maraming mali sa sentences kasi 1styr palang kami nun). Natuwa ako at nagulat nung nabasa ko iyon. Kaya simula noon lalo akong naging mabait sa kanya. Minsan eh pag pinagtritripan siya ni Mel eh pinagtatanggol ko na rin. Isang gabi, nasa bahay namin si Paul, at naglalaro nang Starcraft. Mag na-9 pm na nun at pinasabi kong umuwi na siya dahil hahanapin na siya nang mom niya. Pero busing busy ito sa kalalaro at sinabing "Mamya na". Eh dahil sa ako ay inaantok na, sinabi ko na matutulog na ako at bahala nalang at gisingin nalang niya ako pag uuwi na siya. "OO", sagot niya habang adik na nag lalaro.Pinatay ko na ang ilaw ko sa room ko at nahiga at pumikit. Maya maya, dinilat ko ang mata ko para tignan kung adik parin siyang naglalaro. Habang nakatitig ako sa kanyang muka. Pakiramdam ko ay nasa heaven ako, payapa, tahimik at masarap ang pakiramdam. Nung mga panahong iyon, di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Matagal ko siyang tinitigan. Di ganon ka ganda ang muka ni Paul nung mga panahong iyon. Pero mukang nahulog talaga ako sa kanya nun. Dahil sa pagka busy sa paglalaro, di niya napansin na nakatitig lang ako sa kanyang muka. Hanggang sa makatulog na ako. Pagkagising ko, nagulat ako nang dumilat ako. Nasa tabi ko pala si Paul natulog. Isa lang ang kama ko sa room at kasya naman ang dalawang tao. Lumingon ako sa kanya at tinitigan ang kanyang malaanghel na muka habang natutulog. Gusto ko siyang akapin nang mga oras na iyon, ngunit di ko magawa dahil malaki ang respeto ko sa aming pagkakaibigan. Napatingin ako sa kanyang mga labi, at nakaramdam ako nang kakaibang pakiramdam, gusto kong idikit ang aking mga labi sa kayang labi. Ngunit di ko ginawa. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Kaya bumangon ako at naghilamos na at ginising siya para makapaghanda dahil papasok pa kami sa school. Simula non, di na matanggal sa isip ko si Paul. Lagi kong tinatanong sarili ko kung bakit ganon ang nararamdaman ko sa kanya. Gulon gulo ako. Alam ko sa sarili ko nun na natututunan ko siyang mahalin. At umiibig ako sa kanya. Pero takot ako na mawala ang aming pagkakaibigan kaya tinago ko nalang sa sarili ko iyon hanggang sa naging 4th year Highschool kami. Nang mga taong iyon, medyo nagiba na si Paul. Natutong mangasar, magyabang, at hindi na siya inaapi sa aming school. Dahil lumabas ang magandang itsura ni Paul nung panahong iyon. Maraming nagkakagusto sa kanyang mga babae nun. Madalas nakakaramdam ako nang lungkot pag ganun, ngunit di ko nalang pinapakita. Di ko narin madalas nakakasama si Paul sa school, dahil sumasama na rin siya sa ibang kaklase naming lalake, para mikapag tawanan at mangasar nang ibang tao. Kung dati mabait sakin si Paul, nang naging 4th yr kami eh, minsan inaasar narin niya ako. Masyado akong naulongkot nun. Pero ganun parin ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko parin siya. Nung nag college na kami. Magkaiba na kami ni Paul nang school na pinasukan. Bihira ko nlng din siyang makita. Tuwing hapon nlng nang sabado at linggo kami nagkikita at nakakapagusap tuwing naglalaro nang basketball. At minsan nagpupunta parin siya samin after maglaro nang basketball para maglaro nang Playstation. Nagiba na talaga si Paul. Marami na siyang kaibigan sa school nila at hindi na siya yung Paul na kinaawaan ko nun na nakita ko sa tapat nang tindahan na may hawak nang icetubig. Tuwing maaalala ko ito, tumutulo ang aking luha. Isang gabi, nagpunta samin si Paul at nagsabing samin siya matutulog. Kasi lumayas pala siya sa kanila. Nung gabing iyon, tabi kaming natulog. Di ako makatulog, at naiisip ko siya. Gustong gusto ko siyang akapin at maramdaman ang kanyang katawan. Di ko mapigil ang aking sarili at inakap ko siya habang natutulog. At di pa natigil ang demonyo sa aking isip. Gusto kong ipagdikit ang aming mga labi. Pinilit kong pigilan ang sarili, ngunit makalipas ang mahigit 20 min natalo ako nang tukso. Idinikit ko ang labi ko sa kanyang labi at pinakiramdaman ang kanyang malambot na labi habang nakaakap sa kanya. Bigla nalang akong nakonsensya sa aking ginagawa. At minabuti ko nalang lumabas at dun natulog sa aming sala. Kinabukasan, umuwi siya sa kanila para pumasok sa school. Ako naman, di tigilan nang konsensya. Ayaw kong sirain ang buhay niya. Kaya naisipan kong isakripisyo nalang ang aming pagkakaibigan. Mahirap man sa loob ko, sinikap kong medyo maging masama sa kanya. Nagmayabang ako, lagi siyang minamaliit at inaasar, hanggang sa tuluyang maasar siya saakin at mawala na ang aming pagkakaibigan. Sa ngayon 3yrs na kaming di na nag uusap at nagkikita. At hanggang ngayon, mahal ko parin siya. Isa lang ang gusto kong mangyari at hinihiling. Ang sana'y makahingi ako nang paumanhin kung naging masama ako sa kanya. Kung hindi dahil siguro sa naramdaman kong kakaibang pagmamahal sa kanya, magkaibigan parin kami ngayon. Sana nagustuhan niyo ang aking kwento, simple lang at alam kong medyo boring. Pero maluwang sa loob ko na atleast kahit papaano eh, nailabas ko rin itong malungkot na bahagi nang aking buhay. Kung tatanungin nyo ako, hanggang ngayon, nararamdaman ko parin ang pagmamahal kay Paul. At hanggang ngayon nalulungkot parin ako dahil di na kami magkaibigan. Sa tingin ko, sa ikabubuti rin niya itong ginawa ko. Kung may comments kayo or reactions, feel free to email me at kwentongmalilibog2026@gmail.com Salamat po.
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.