Back to stories

kwentongkalibugan.net

Casablanca Make Up

by: nice mice

Found a problem with this story? Please report it for review.

Report This Story

Reading Tools

Saved for this browser

Advertise With Us

Promote your brand, service, or business to our readers.

Contact: kwentongmalilibog2026@gmail.com
Casablanca Make Up cover image

by: nice mice

Pinaghihilamos ko muna ang aking mga customer at nilalagyan ng moisturizer bago simulan ang aking ritual sa pagpapaganda. Nilalagyan muna ng concealer ang ilang parte ng mukha na iba ang kulay o texture. Pagkatapos ay pumipili ako ng foundation na ayon sa uri ng balat at kung ano ang okasyon ang dadaluhan. Mas gusto ko ang liquid sapagkat ito ay madaling ilagay at madaling pagpantay-pantayin. TIP: Inirerekomenda ko sa mga kapatid sa pananampalataya ang Maybelline clear smooth gel foundation. Hindi ito mabigat sa mukha at natural lang pag tiningnan. Pangit kasi kung bakla kang paminta tapos hindi pa pantay ang kulay ng mukha mo kasi halatang nagfoundation ka. Maaring gamitn ang ring finger sa paglalagay ng kahit anong make-up sapagkat tama lang ang puwersang dulot nito. Mahalagang laging kumpleto ang kagamitan, lagi rin dapat malinis ang mga ito katulad ng sponge at brushes. Mayroon akong salon na itinayo sa may Quezon City. Hindi sa akin ito nakapangalan sapagkat ayokong ma-"type cast" bilang isang parloristang bakla. Ipinangalan ko ito sa aking bestfriend na noon pa man ay kasalo ko na sa mundo ng kabaklaan. Kasosyo ko rin naman siya sa business na ito at malaki ang tiwala ko sa kanya dahil para na rin kaming magkapatid. Bata pa lang ay hilig na namin ang magpaganda, una ang aming sarili tapos ang aming mga kapatid at kalaro, sumunod ay heto na, may ipinatayo na kaming business na nagtatampok sa isa sa mga una naming naging "espesyalidad". Marami na akong naging mga customer. Ang tawag ko sa kanila ay "canvass". Lalapit sayo ang ilang kababaihan at minsan ay mga kalalakihan na literal na walang suot o nakapahid sa kanilang mukha. Nasa akin ang kapangyarihan ng isang pintor na lumikha ng isang obra, ang sa akin lang ay madaling maalis at makalimutan ng madami sapagkat hindi inilalagay sa museo ang aking mga obra. Pero ang pagkagalak ko pag nagbabago ng anyo ang isang "canvass" ay higit pa sa kabayarang materyal na aking natatanggap. Hindi ata madali minsan ang gumawa ng milagro…andyan na papagandahin mo ang ilang mga kulang sa kagandahan dahil kailangang dumalo sa kasal, prom, debut, at sa kung anu-ano pang okasyon. Marami-rami na rin akong naayusan. Mga modelo, mga ikakasal, pulitiko, artista, simpleng tao, halos lahat na yata. Ilalahad ko sa inyo ang aking kuwento tungkol sa isang pares ng nagmamahalang puso. Si Chuck at Arlene. Tatlong buwan na lang ay ikakasal na ang magkasintahan. Ako ang napili nila bilang make-up artist dahil nakita daw nila ang aking mga likha sa mga magasin. Napabilib sila pareho kung paano ko daw nailalabas ang ganda ng isang tao higit pa sa tinataglay nito. Siguro nga isa itong talento. Hinahanap ko lang naman kasi ang isang bagay na magugustuhan ko sa isang "canvass" at pagkatapos ay ito ang pagtutuonan ko ng pansin. "Uhh, tomorrow, we'll be having our pictorial sessions at home for a sort of compilation album of our lives before our marriage. Mga 8 a.m. sana ang start, una muna sa amin tapos sunod na kanila Arlene. Mga 6 a.m. po sana sa amin, would that be fine for you?" ani Chuck habang nakaupo kaming tatlo sa loob ng aking salon. "The concept will be our daily activities from bedroom to work to whatever things we do in a typical day. So, the make up should have changes from light to a bit heavier" dagdag ni Arlene habang nagmamasid sa ilang mga pictures sa catalog ng mga modelong inayusan ko. "Bale, I have my partner, a good friend of mine. May I ask sino ang hahawakan ko?" sagot ko habang sinenyas ko na lumapit sa amin ang aking bestfriend na si Danie. "Ah basta dun ako sa walang aso sa bahay. Allergic na ako, may phobia pa ako noh! Ilang beses na akong nakagat sa mga nagpahome-service" panimula ni Danie habang paupo sa aking tabi. "Ahaha. Talaga?!? Paano yan…sa bahay namin ay may pitong dalmatian. Pet lover kasi ako" tugon ni Chuck. "Deadma lang. Dun ako sa girl, ano nga pala name mo, ne?"dagdag ni Danie "Arlene po. Sige dun ka na sa amin at pareho tayong ayaw sa pet dogs. Kadiri kasi no?"tugon ni Arlene na parang nangaasar sa nobyo. "Korek. So wala na tayong problema?"dagdag ni Danie. "Ah bale, I have written our address in this paper. Hindi naman siya kalayuan at madali lang puntahan. Yung photographer and few of his workers ang kasama niyo in each house." EYESHADOW Pagkatapos maglagay ng tamang foundation or base make-up ay naglalagay na agad ako eye shadow. Basta lahat ng nasa mata…una muna ang base shadow, kung kelangan ng highlighter ay naglalagay din ako sa upper outer at inner lower eyelid. Tapos nilalagyan ko na ng eye color na nababagay sa canvass at okasyon. Paborito ko ang earth tones at ang mga uso ngayong mga cream make-ups. Pagkatapos ay nilalagyan ko na ng eye liner mula loob palabas sumunod naman ang mascara. Maganda ang eye liner na gel (Bobby Brown longwear gel eyeliner) kaysa sa pencil at liquid kasi mas natural tingnan. Pag maayos na ang mata ay aayusin ko naman ang mga kilay, brown tones ang siyang dapat. Tapos ay naglalagay din ako ng bahagyang noseline kung medyo hindi pinalad na tumangos ang ilong ng aking kliyente. TIP: Sa mga kapatid uli, wag tayong maglalagay ng eye liner hah, para niyo nang awa. May nakasabay akong kumain sa isang mall. Guwapo, halata nga lang bakla, por diyos por santo kasi naka-black eye liner ang hitad, eh mukhang galling lang naman sa opisina. At kung maglalagay ng eye shadow, dapat ay earth tone, either beige or apricot or pwede na yung mandarin colors, basta kalapit ng ating skin tone para hindi screaming tingnan. Pwede rin tayong maglagay ng mascara basta hindi lang natin kakabugin ang pilikmata ng mga kasamahan nating babae. Pinakamaganda para sa akin at pinakamatagal matanggal ang Max Factor Lashfinity na mascara. Biyernes. Dumating ako bandang alas sais ng umaga sa bahay ni Chuck. Pinagbuksan ako ng isang katulong. Pintauloy niya ako patungo sa sala, samantalang dumiretso siya sa isang kuwarto at kumatok. Pagpasok ko sa loob ay namangha ako sa linis at ganda ng mga nakapaloob dito. Mediterranean na medyo may pagka-modern ang konsepto ng bahay ni Chuck. Mas lalo akong napanganga nang makita ko ang ilan sa mga iginuhit na larawan ng mga bulaklak at halaman, nakita kong may mga lagda ito ni Chuck. "Good morning! Please have a seat. Uhh wait, nakakain ka na ba ng breakfast?" panimula ni Chuck. "Ah sige, tapos na , thank you na lang. Pero pwede makiinom ng tubig?" tugon ko. "Manang Ising. Pwede po ba maglabas kayo ng maiinom dito? Tsaka makakain na rin po." wika ni Chuck habang inabot ang pahayagan sa ibabaw ng la mesa. "Juice ba sir o kape? Yung baked mac na lang ihahain ko sir." tugon nung naninilbihan. "Juice po tsaka tubig. Sige po, ihain niya dito yung macaroni tapos samahan mo na rin ng garlic bread. Thank you manang" pasasalamat ni Chuck nang biglang may nag-ring sa gate.. "Ay sir, teka po, labas muna ako baka yung photographer niyo na yan." Pagmamadali ni Manang Ising. Tumayo si Chuck at tumungo papuntang kusina ata yun. Siguro siya na ang maghahanda ng kakainin niya. Ako naman ay naiwan sa sala at nabigyan muli ng pagkakataon upang pagmasdan ang loob ng bahay ni Chuck. Kakaiba talaga. Naghahanap ako ng larawan nilang dalawa ni Arlene at ng pamilya niya ngunit ni isa ay wala akong mahanap. Siguro ay nasa kuwarto lahat or sa ibang parte pa ng bahay. Nakita ko na lang si Manang na medyo tumatawa habang papasok sa kusina at parang namumula sa hiya. "Ay sir, andyan na yung photographer, pinagkokodakan agad ako. Nakakahiya naman sir." malakas na bungad ni Manang na naririnig ko sa aking kinauupuan. Pagtingin ko sa likuran ko ay ginulat ako ng camera flash. "Good morning. You must be the make-up artist, I'm sorry to be late, it's so traffic goin here, I came from Taguig pa from an overnight shoot. By the way I'm Edmund" dire-diretso nitong bati at nag-abot ng kamay. "Yup. Ako nga. Ok lang. hindi naman ako ang memake-upan eh." tugon ko habang nakikipagkamay. "O pano na yan, late ka, salary deduction yan hah. Hindi mo naisama yung mga eksenang tulog ako. Asan na pala mga assistant mo?" bati ni Chuck kay Edmund habang inilapag ang dala niyang pagkain sa lamesa. "Hindi ko na pinapunta. Mako-conscious ka malamang sa session natin." ani Edmund. Napag-alaman kong magkaklase pala ang dalawang ito nung Elemntarya hanggang kolehiyo. Buong pagmamalaking sinabi ni Edmund na nagdrop siya nung second year college kasi mas gusto niya ang photography. "Gusto mo, maghilamos ka na tapos make-upan na kita para makatapos agad tayo." anyaya ko kay Chuck. Nakalimutan ko na ang uhaw dahil naaaliw ako sa usapan ng magkaibigan. Magkasama pala sila kahapon bago tumungo sa parlor namin ang magnobyo, tapos para silang hindi nagkita ng isang taon kung makapag-usap. Matapos ang make-upan namin ay pinatungo kami ni Edmund sa kuwarto ni Chuck. Pinagpanggap niya itong natutulog, medyo ginulo-gulo ang damit at buhok para magmukhang totoo. Nakakonekta ang camera ni Edmund sa isang laptop. Nakikita kung maganda ang isang kuha depende sa ilaw at anggulo ng pagkakuha. Doon ako nagmamasid. Nakakatuwang isipin na ang mukhang taglay ni Chuck ay parang mga nasa beinte-uno anyos pa lamang. Napakaamo at di nakakasawang tingnan. Katulad ng mga obra niyang nakasabit sa bawat dingding. Nagpatuloy ang pictorial mula kama hanggang sa ilang eksena habang kumakain, naliligo, nagbibihis, nag-aayos ng gamit, pasakay ng kotse, papunta ng trabaho, pauwi mula sa trabaho, hanggang sa pagkikita nila ni Arlene sa isang sikat na kainan sa Makati. Lahat yun ay kasama ako at si Edmund. Ako na nga ang tinatanong ng dalawa kung ano ang magandang kuha ni Ed, consultant kumbaga. BLUSH-ON Ibat-iba ang pamamaraan ng paglalagay ng blush-on. Katulad ng eye-shadow ay dapat naangkop ito sa hugis ng mukha. Kadalasan ay pinangingiti ko ang aking canvass tapos ay lalagyan ko ng blush ang bahaging umuumbok, ang tinatawag nilang apple. Tapos ay naglalagay ako ng mas malalim na kulay ng blush sa gilid ng pisngi. Naglalagay din ako ng kaunti sa baba at sa "t-zone". TIP: L'Oreal blush delice in Marshmallow shade sa mga medyo kaputian at Rosy Cheeks shade para sa mga medyo morena nating shufatid. Gusto ko ang blush-on na ito sapagkat hindi masyadong girly-girly ang kulay at hindi tulad ng mga cheek stain na liquid or cream ay talagang ihinahayag mong "vaklah-ako-kasi-may-mapulang-liquid-blush-on-ako" sa buong mundo. Matapos ang day 1 ng pictorial ay umuwi na kaagad ako diretso ng bahay, si Danie, Edmund, Chuck, at Arlene ay nagpaiwan sa restaurant para sa munting kuwentuhan. Napagod ako ng husto sa kaka-retouch at kaka-ikot kung saan-saan kaya hindi ako sumama. Next time na lang sabi ko. Pag-uwi ko ay naabutan ko ang katulong naming nanonood ng t.v. sa salon. Sarado na rin ang salon at wala na ang iba naming stylists. Ihinabilin ko na matatagalan si Danie siguro sa pag-uwi pagkatapos ay dumiretso na ako sa kuwarto ko. Nagpahinga muna ako ng bahagya at nang maramdaman kong medyo nawala ng konti ang tensiyon ko sa buong araw ay nagsipilyo at nagshower ako. Nang kinuha ko ang bote ng shampoo ay nakita ko ang isang larawan ng bulaklak, agad ko namang naalala ang mga ipininta ni Chuck. Nagkukuskos ako ng buhok at habang nakapikit ay napapangiti ako sa ganda ng kanyang mga gawa, hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng mga paintings pero kakaiba talaga ang dating sa akin ng mga gawa ni Chuck. Nagbabanlaw na ako ng napatingin uli ako sa bote ng shampoo. Ngayon naman ang naisip ko ay si Chuck. Sinariwa ko ang kanyang mapupulang labi at mapupungay na mata. Napakadaling lagyan ng kolorete sa mukha ni Chuck, natural na ang kanyang kagandahan ngunit mas nagliliwanag ang kanyang mukha habang milalagyan ko siya ng make-up. Simpleng foundation, blush-on at lipgloss lang ang inilagay ko pero parang iba ang naging aura niya. O siguro dahil crush ko lang siya. Habang iniisip ko siya ay tumindig ang pagkalalaki ko, bagay na hindi ko kinasanayan. Hindi ko magawanag palambutin ito kaya naisip kong ilabas na lang ang aking nararamdaman. Hinagod ko ng maigi ang aking pag-aari. Mula sa dahan-dahan na paghagod ay unti-unti kong binilisan ang pagbayo ng aking kamay. Ewan ko ba kung bakit habang nagpapaligaya ako ng aking sarili ay si Chuck ang nasa isip ko, na nasa isang malaking hardin daw kami at nagtatalik. Naputol lang ang aking pagpapantasya nang labasan na ako. Kinaumagahan ay nagising ako sa paulit-ulit na pag-ring ng cellphone ko. Sabado nun, alas-nuwebe ng umaga. Nang tiningnan ko ang aking telepono ay pangalan ni Chuck ang nakalagay na tumatawag. Tinapik ko ang aking mukha at iniisip na nananaginip na naman ako. Ngunit gising na talaga ako at si Chuck nga ang tumatawag. "Hello! Good morning! Nakaabala ba ako" panimula ni Chuck. "Ah yes, hello! Good morning din. Ok lang naman, katatapos ko lang magluto ng almusal" pasinungaling ko. "bakit ka nga pala napatawag?" dagdag ko. "Eh, gusto kita sanang imbitahan sa isang lunch out. Treat ko. Ngayon din kasi dadalhin ni Edmund yung mga nadevelop na pictures. Tingnan daw natin kung maganda at kung magugustuhan natin." Sabi ni Chuck. "Ganon ba? Eh bakit kailangan kasama pa ako?" pagtatanong ko. "Wala lang, baka kasi gusto mong makita yung pinagpaguran natin kagabi. Sige na please, text kita mga 30 minutes after kung saan. Sama mo na nga rin pala si Danie." Dugtong niya. Napangiti ako doon sa sinabi niyang "Pinagpaguran namin kagabi". Bakit? Nag-"ano" din ba siya at ako ang nasa isip niya habang nag-a"ano" din ako kagabi. Ano pa bang magagawa ko, tutal kliyente ko sila kaya napilitan na akong sumama. Kumpleto naman ang staff naming ngayon kaya pwede kaming sumama ni Danie. "O sige. Basta text mo na lang ako hah? Ingat sa pagmamaneho." sabi ko pagtapos ay pinindot ko na ang end call. Haay! Makikita ko na naman si Chuck. Pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa ay nagpunta ako sa banyo upang mag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay tumungo ako sa kuwarto ni Danie. Wala na siya. Malamang ay nasa salon na ito sa ibaba ng bahay. Pagkababa ko ay sasabihan ko sana si Daniel (tunay na pangalan ng bestfriend ko) na iniimbitahan kami ni Chuck para kumain ng tanghalian. Bago ko pa man masabi eh inunahan na ako ng hitad. "Buti gising ka na, tinawagan ako kani-kanina lang ni Chuck, nag-aaya ng lunch date. Eh hindi ako pwede, alam mo naman na kailangan kong umuwi ng Bulacan kasi mamaya na ang labas ni mamang sa ospital. Pakisabi na lang kay Chuck na next time na lang. Tsaka matagal pa naman natin siyang makakasama siguro kasi mahigit two months pa bago ang kasal nung mag-nobyo." dire-diretsong banat ni Danie. Wala na naman akong nagawa. Nagpunta ako sa cashier namin upang kamustahin ang bentahe kahapon at nang umagang iyon, ok naman daw at walang problema. Nakita ko ang isang malaking bouquet ng bulaklak na nakapatong sa la mesa at tinanong ko siya kung kanino galling ang mga bulaklak. Sabi ng kahera namin na may nag-abot na lang na isang bata sa labas, hindi daw pinapasabi kung kanino galing at para kanino, basta ibigay lang daw sa parlor. Kinurot ko sa tagiliran ang kahera namin at biniro na ang sweet naman ng manlilgaw niya, bagay na pinasinungalingan naman niya. Mga pitong pirasong CasaBlanca iyon na nakaayos ng maganda. Paborito ko pa namang bulaklak iyon at hinihiling ko na sana sa akin na lang at kunwari galing kay Chuck sa isip-isip ko. Ngumingiti-ngiti ako sa pagkakakilig nang naisip ko na naman ang mga ipininta ni Chuck na CasaBlanca na nasa loob ng kanyang kuwarto. Halos ganoon din ang bulaklak na nasa la mesa sa harapan ko. Tumunog ang aking cellphone at tiningnan ko kung kanino galing ang text. Tinext na sa akin ni Chuck kung saan kami magkikita upang kumain. Naligo na agad ako, hindi na nga ako nag-almusal sa pagka-excited ko. Sinuot ko ang paborito kong puting polo at khaki pants at nag-closed toe sandals lang ako. Naglagay ng pamahid sa buhok, nag-lip gloss, nagpabango (212 by Carolina Herrera ang paborito ko) at nagproject sa salaminan. Ang guwapo ko pa rin kahit 32 na ako, tanging nasambit ko sa sarili ko. Salamat sa lahi naming mestiso. Kinuha ko ang aking wallet at nagsuot ng shades pagkatapos ay bumaba na ako sa salon upang magpaalam sa mga kasamahan ko. Tinungo ko ang aking sasakyang puti at binaybay na ang daanan kung saan kami manananghalian. LIPSTICK Napakalaki ng naitutulong kung maganda o napaganda ang labi ng isang tao. Nakakatulong ito sa kadahilanang isa ang labi sa mga laging pinupuna sa mukha, pangalawa sa mata. Maglagay ng lipliner sa bow shape ng nguso, yung hugis-v, pagkatapos ay sa magkabilang gilid, at bahagya sa may labi. Mas maganda ang ganito kesa buong labi at nguso ang lilinyahan mo. Tapos ay maglagay ng lipstick sa nguso at hiwalay sa labi para mas maganda. Gumagamit ako ng lip brush at sinisimulan ko muna sa gilid papuntang gitna habang ang "canvass" ko ay bahagyang nakangiti. Kung ayaw ngumiti ay pinasasabi ko na lang ang letrang "A" sa ingles ng paulit-ulit upang makuha ang tamang hubog ng labi at ang mas natural na paraan ng pagngiti. TIP: Mga ate, wag na tayong maglagay ng lipstick, pag kailangan na lang. Inirerekomenda ko ang MAC Lipglass (hindi lipgloss takenote, maganda talaga ito promise) in Entice shade para sa isang glossy pero natural na labi. Kung medyo tago pa kayo o hindi masyadong ladlad ang kapa, bagay ang Nivea lip care na strawberry flavor sa inyo. Masarap at maganda na kung titingnan…nakakalambot pa ng labi. "May sauce ka pa sa labi mo. Teka pupunasan ko" sabi ni Chuck at para akong tuod na hindi na nakagalaw pa nang bahagya siyang lumapit upang punasan ako sa labi. Nakakahiya. Para siguro akong bata kung kumain kaya may kung ano pa sa labi ko. Ewan ko ba, hindi kasi ako mapakali sa pagkain. Kala ko ba dadating sina Ed at Arlene. Kesyo susunod na lang daw si Ed kasi may problemang nangyari tapos nagtext naman si Arlene na hindi makakasama kasi kailangan siyang masukatan nung gagawa ng gown niya. Siyempre hindi kasama si Chuck sa pagpapasukat ng gown kasi nais ni Arlene na tanging sa araw lang kasal niya makikita ang susuotin na bridal gown. "Wala naman eh" sabi ko kay Chuck nang mapansin kong malinis naman ang pinamunas niya sa akin. "Meron talaga, swear" sagot ni Chuck at namumula pa itong tumawa na parang nang-iinis. "Baka kasi isipin nilang mag-ano tayo?! Alam mo na" sabi ko habang lumilingon-lingon sa restaurant na kinakainan namin. "Bakit? Pogi naman tayong dalawa ah. Tsaka hayaan mo nga sila, ano bang pakialam nila? Maiba nga pala ako ng usapan., kuwentuhan mo naman ako about your life. Si Danie kasi nagkuwento kagabi kaya madaling araw na nga kami natapos. Nagenjoy talaga ako sa kanya. Pati si Arlene at Edmund din." dire-diretsong pangungusap ni Chuck. Para siya ngayong bata na nag-ayos pa ng puwesto upang makinig sa akin. "Sige ikukwento ko sa'yo lahat pero wag naman dito. Why don't we take a walk para mas enjoy." Ganoon nga ang nangyari, matapos kumain ay nagkuwento nga ako ng husto tungkol sa aking sarili at sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Siya din ay nagkuwento ng kanyang pagkatao at pamumuhay. Na kesyo wala pala ang pamilya niya, lahat eh nasa abroad na. Na si Arlene ang first at last niyang love affair. Na lumaki siyang geek ang hitsura kaya si Edmund lang ata ang naging super close niyang kaibigan. Kung anu-ano pa. Para ngang nasa talkshow kami. Masyado lang ata kaming naaliw sa pagkukwentuhan at pagpapalitan ng ideya nang malaman ko na lang na alas siyete na pala ng gabi. Hindi man lang ako nabagot sa usapan namin o nakaramdam ng pagod at gutom. Basta ang alam ko lang, magtatanong siya tapos sasagutin ko at minsan ay nagtatawanan kami. Basta kahit anong ginagawa namin ay nakatitig ako sa mukha ni Chuck. Para siya yung mga halaman at bulaklak na iginuhit niya. Hindi nakakasawang tingnan, at habang tumatagal ay lalo pa itong tumitingkad at gumaganda. Mahal ko na si Chuck. Ang bilis pero ganito talaga ako, mabilis at grabe kung magmahal. "Are you hungry na ba? If you want let's have a dinner na. Where do you want?" tanong ni Chuck habang nakaupo kami at naninigarliyo. "Sa bahay niyo na lang! Ahh, ehh…ibig kong sabihin, baka pwede sa bahay niyo kasi mas gusto ko ang pakiramdam pag nasa isang bahay. Mas payapa. Cute din kasi nung mga paintings mo. Or kung gusto mo naman, sa amin na lang?" palusot ko. Ewan ko ba bakit walang preno ata ang bibig ko. Hindi na kasi uso ang pa-girl, sabi nga nila…if you want it, go and get it. "Sige sa amin na lang. Tatawag lang ako kay Manang Ising, magpapaluto ako tapos papaalam na rin ako kay Arlene na uuwi ako" dagdag niya saka naglakad ng kaunti para maghanap ng signal upang makatawag. Napagtanto ko rin na mayroon din pala akong mga kasambahay na kailangang pagpaalaman. Tumawag ako sa salon at si Danie ang nakasagot. "Bakla ka! Baka nakakalimutan mong ikakasal yan hah. Pero kung maagaw mo siya, share tayo hah friend!?" pabiro ni Danie sa aming usapan. Medyo matagal ang usapan namin kasi ang kaibigan ko ay sadyang mapag-usisa. "Lechugas ka pala! Nagmamagandang loob lang yung tao. Straight siya no?! Tsaka as if naman papatulan ako nito, 6 years kaya agwat namin?!" sagot ko. "Eh si Demi at Ashton nga eh pwede nang magtiyahin, kayo pa na hindi naman nagkakalayo itsura at pangagnatawan. O siya basta! Umuwi ka hah. Bahala na si Emmie na maghintay sa'yo." Patapos na sana si Danie nang maalala ko… "Teka bakla! Bakit nasa salon ka, kala ko ba uuwi ka ng Bulacan" tanong ko "Bukas na lang daw sabi ni Popsy. Ok naman daw sila doon, tsaka madedelay daw ng isang araw ang uwi. Basta! Sige na, may inaayusan pa ako. Babush! " sabay bagsak ng phone. Matapos ang usapan namin sa telepono ng best friend ko ay hinanap ko si Chuck. Wala siya kahit saan akong lumingon. Biglang may nagtakip sa mga mata ko. Nagtanong pa ito kung sino daw siya at tinanggal din kaagad ang kamay niya. Ang corny talaga ni Chuck, laglag talaga panty ko. Paglingon ko sa kanya ay may hawak na siyang kahon ng cake at nagkakamot ng ulo. "Napasarap ata kayo ng kuwentuhan. Eto nga pala, bumili ako ng cake para may dessert tayo." Pa-cute nitong wika tapos tumungo na kami sa bahay nila gamit ang kanya-kanyang sasakyan. Dapat pala ay hindi ako nagdala ng kotse para kasabay niya ako sa kotse niya. Nagtagal ng ganon ang gawain namin, minsan lima kaming magkakasama, misan apat, minsan tatlo, minsan dalawa lang kami ni Chuck. Pero talagang hindi maikakaila na sumobra ata ang pagsasama naming dalawa ni Chuck. Kabisado ko na ang bawat gusto niya, ang bawat sulok ng bahay niya, pati yung mga marka niya sa kolehiyo ay kabisado ko na rin ata. Wala na yatang nakatago sa amin ni Chuck. Tinatawag nga niya ako minsang kuya, minsan sweet, pag ganoon ay sinusuntok ko siya sa braso kasi sa loob-loob ko ay nasasaktan ako kasi mahal ko na nga siya. Nakakatawa nga minsan nung magswimming kaming apat sa Laguna ay naglalaro kami ng suck and blow ay nalaglag yung baraha sa pagitan naming dalawa kaya nahalikan ko siya ng hindi sinasadya. "Isa pa nga, sarap kasi eh" ang tangi niyang nasabi. Ako naman eh sobrang namula. Parang wala naman kay Arlene ang nangyayari at todo kilig at tawa pa ng tawa. Lahat ata ng nangyayari sa amin ay hindi ko agad pinakakawalan sa aking puso't isipan. Lagi kong inaalala at sinasariwa lahat ng pagkakataon namin ni Chuck. FINISHING TOUCHES Maglagay ng dust powder, maari rin ang bronzer / shimmer powder (pag gabi) o translucent powder bilang huling rekado sa pagpapaganda ng mukha. Maari rin namang ihalo ang bronzer o shimmer powder sa moisturizer para mas matagal matanggal. Ayusin ang buhok ng naaayon sa okasyon o panahon. Maganda ang Kerastase Dermo Calm Shampoo at Conditioner sa pagkat ang amoy nito ay nakakakalma ng ating pag-iisip, at tunay na maganda sa bawat hibla ng buhok. Maganda naman ang Citre Shine kung gusto mong nakaladlad lang ang buhok upan hindi ito bumuhaghag. Ang Gatsby Styling Wax na matte & hard naman sa nagbabalak mag-ayos ng buhok, maaaring lagyan ng Finesse Hairspray Silk & Soy upang hindi magmukhang hindi naligo kapag matte wax lang ang inilagay. Kung magtatanggal ng make-up ay huwag nang magpahid-pahid ng kung anu-ano sa mukha, hilamos lang ng tubig at sabon (Cetaphil o di kaya ay Dove) ang tanging gamitin. Maglagay ng exfoliant or astringent pagkatapos ay maglagay ng moisturizer. Dalawang linggo bago ang kasal, maayos na ang lahat, nagpunta sa amin si Chuck. Umuulan sa labas ng malakas at medyo nabasa siya. Binigyan ko siya ng tuwalya upang magpatuyo at inalok ko siya kung gusto niyang maligo at magpalit ng damit. Tumanggi naman si Chuck. Inaya ko siyang umakyat sa aking kuwarto sapagkat maraming customer sa baba at medyo magulo. Ibat-iba ang pumapasok na kademonyohan sa utak ko, pero nilawanag ko ang aking isipan. Hindi pwede kaming magkasira. Mahal ko siya. Kaibigan niya ako. "Uy! Andito pala yung painting kong ibinigay sa'yo. Kaya pala wala sa baba." ang nasabi niya nang makita ang painting niyang CasaBlanca. Palagi kong pinagmamasdan kasi iyon kaya ibingay niya sa akin nung mapansin niya ang pagkagusto ko dito. "Oo! Hindi kasi bagay sa baba. Tsaka mahilig kasi ako sobra sa bulaklak na iyan eh." Palusot ko. "Ala mo ba, minsan may nagdadala dito ng CasaBlanca linggu-linggo. Ewan ko bakit natigil. Sabi ko dun sa kahera namin, sinagot na niya dapat yung manliligaw niya, tapos iyon, nagsawa siguro kaya tiniglan na ang pagbibigay." dire-diretso kong pananalita nang tumayo si Chuck at lumabas ng pinto matapos ay bumaba. Tinawag ko nga siya pero parang walang narinig. Siguro may kukunin sa sasakyan niya o di kaya ay may tumatawag sa phone niya at kailangan niyang sagutin. Pagkalipas ng ilan saglit ay bumukas ang pintuan, ako naman ay nagsisimulang magtext kay Chuck upang alamin kung napano siya. Paglingon ko sa pintuan ay andoon na si Chuck at basa na naman ng ulan. May dala-dala siyang kahon na nakabalot pa. Umiiyak siya sa hindi ko alam na kadahilanan. "Heto buksan mo, iyan na siguro ang huli kong ibibigay sa'yo. Iniba ko na, hindi na yan fresh gaya ng mga pinapadala ko. Pero sigurado akong magtatagal yan sa'yo, basta sana ingatan mo." pahagulgol niyang wika. Binuksan ko ang regalo. Tumambad sa akin ang isang napakagandang crystal figurine ng CasaBlanca na nasa isang vase na nakapaloob sa glass box. Nakuha ko na ang nais sabihin ni Chuck. Hindi na ako nagtanong pa. "Minahal kita kahit labag sa loobin ko. Hindi ko masabi sa'yo kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi rin ako sigurado kung ano ako. Basta hinahanap-hanap kita lalo na kapag nakikita ko ang naiwan mong make-up brush sa bahay namin. Kinasabwat ko sina Edmund at Danie na hayaan tayong magkalapit, pero parang ayaw mo sa akin. Mahal na mahal kita! Mahal na mahal kita!" si Chuck habang tumutulo ang mga luha niya na humahalo sa basa niyang kasuotan.. "Ako rin. Hindi ko rin alam ang gagawin. Magtatapat ba ako o hahayaan ko na lang na mawala ang nararamdaman ko sa'yo. Naguguluhan ako Chuck! Ayoko namang agawin ka kay Arlene. Hindi ko rin naman alam na pareho tayo ng nararamdaman. Pero, sabihin mo lang, ilalayo kita sa kanya." sagot ko naman. Nagsimula kaming mag-iyakan. Akala ko ay hanggang ganoon na lang ang mga pangyayari. Sinimulan akong halik-halikan ni Chuck hanggang nauwi ito sa pagtatalik namin. Hinayaan ko na lang ang mga pangyayari ng gabing iyon. Ako pa rin ang kokontrol sa aking buhay, at alam kong mahal ko si Chuck kaya hindi ko palalagpasin ang sandaling ito kahit anuman ang mangyari kasunod nito. Ako daw ang first encounter ni Chuck sa kaparehong kasarian, sana ako na din daw ang last. Pagkatapos nun ay nagpaalam na si Chuck. Umuwi siya nang maluwag sa puso at isipan niya. Hindi ko na nga lang sigurado kung magpapatuloy kaming ganito o wawakasan na lang namin ang bagay na hindi pa totoong nasisimulan. Basta, mahal ko si Chuck, at kailangan kong ipadama ito kahit ano pa man ang mangyari. Dumating na ang araw ng kasalan. Naging maayos ang lahat. Lahat kasi ay napaghandaang mabuti. Mula sa malalaki hanggang sa maliliit na detalye. Ang hindi lang maayos nung araw na iyon ay ang loob ko at kung anuman ang isinasaloob ni Chuck. Natapos ang kasalan ni Chuck at Arlene. Ako na ang nagmake-up kay Arlene, tutal doon naman ako bihasa, sa Bridal Make-up. Natapos ang seremonyas at umuwi akong lumuluha sa aking sasakyan patungo sa aking kuwarto. Naghoneymoon ang dalawa sa Europe sa loob ng dalawang linggo. Nagmemake-up pa rin ako. Tuloy pa rin ang buhay para sa akin at sa buong mundo. Kagigising ko lang noon at nagsisipillyo. Pinagmamasdan ko ang painting ni Chuck, ang regalo niyang babasaging bulaklak, at ang kaisa-isang picture namin na magkayakap. Biglang tumunog ang cellphone ko. Patuloy pa rin ako sa pagsisipilyo nang binuksan ko ang mensaheng dumating. "We're back na sa Manila. Arlene's heading to their province. Sa'yo ako didiretso. Can't really wait to be with you again. Happy first monthsarry! I love you baby!" O mga hija! Secret yan hah, walang nakakaalam niyan bukod sa pareho naming bestfriends at sa inyo! ... TIP: Tandaan na ang make-up ay isa lamang hakbang upang maging maayos at maganda ang iyong araw, ngunit ang mahalaga ay ang iyong nasa kukote at puso na siyang pinakatitingnan ng mga nakapaligid sa atin. Kung mayroon kang hindi gusto sa iyong pagmumukha, patungan lang ito ng make-up at tiyak magiging maayos ka na. Kung mayroon kang hindi nais sa iyong buhay, diskartehan mo lang, sigurado din akong magiging okay ka na. Ang diskarte sa buhay at paglalagay ng make-up ay iisa, nasa naghahawak lang kung paano ito gagamitin…kontrolado dapat ng isang tao kung paano nito mapapaganda ang buhay at ang canvass niya. ---o0o---

Rate this story

Average rating: No ratings yet 0 ratings

Comments

Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.

Related stories

Help grow the archive

Reviving Pinoy gay stories for new readers.

This site is trying to revive and preserve the spirit of Pinoy gay story communities in the Philippines. You can submit a new original story, and approved submissions will be published under a new reader-submitted category.

Submit a Story