Ang Kaibigan Kong Si Buboy
by: joey40
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
by: joey40
Bihira akong humanga sa ibang bakla. Pero ng makilala ko si Buboy, humanga ako sa kanya. Hindi dahil sa maganda or guapo siyang bakla pero dahil sa kanyang tapang para harapin ang buhay. Nakilala ko siya ng mag-apply siya sa shop ko (beauty parlor) as a beautician. Noong una nga ayaw ko siyang tanggapin, eh papaano magiging beautician ang itsurang ganito sa isi-isip ko lang. Pero nadala ako sa kanyang paki-usap, subukan ko daw siya kung talagang ayaw ko ay kusa na siyang aalis. Masasabi nating si Buboy ay isang pangit na bakla, kamukha siya ni ET. Mahaba ang leeg, luwa ang mga mata, matangkad na ang payat parang kawayan. Marami ngang nang-aasar sa kanya buti daw naging bakla siya, kasi kahit papaano nakakatikim siya ng sex sa mga lalaking kaya nyang bayaran. Kahit ganoon ang itsura ni Buboy ay may angking galing naman siya para sa pag- gugupit. Bukod pa ang karisma nya sa mga matronang customer ng parlor. Maboka at malandi sa mga customer si Buboy kaya malaki din naman ang kita nya sa parlor. Na ipinagtataka ko kung bakit wala siyang palaging pera. Pinayuhan ko siya na mag-ipon para may hugutin siya pag-dating ng araw. Sinasagot na lamang nya ako ng "Papaano po ako liligaya kung hindi ako magbibigay ng pera sa lalaki, sa itsura ko pong ito walang lalaking papatol kung hindi ko bibigyan ng pera". Sagot nya na tumama sa puso ko. Napakalupit talaga ng buhay para kay Buboy, bakla na nga wala pang ganda pang-aasar ng ibang bakla sa kanya. Sinasabihan ko na lang yung ibang bakla na magaling mang-asar na huwag naman ganyan, dapat suportahan namin si Buboy bilang kauri o kapatid sa pananampalataya. May ipinakilala sa akin si Buboy na Wilvar ang pangalan ng binatilyo. Guapo, matangkad may pagka mestizo yung binatilyo pero mapapansin mong mukhang addict. Sa isip ko wala talagang kadala-dala itong si Buboy baka pati pagkain ay iwasan na nya para lang may perang ibigay sa batang ito. Kung minsan ay doon natutulog si Buboy sa bahay (sa area ng beauty shop) pero bilin ko lang na huwag mag-papatulog ng lalaki sa loob, pagka-tsupa sa lalaki ay paalisin na agad ito. Ako naman ay sa itaas natutulog. Isang gabi parang may nadidinig akong mga kaluskos sa ibaba, parang may mga taong nag-uusap. Si Buboy may kasama pala si Wilvar. Umakyat na ako, ganoon naman pag andoon si Wilvar alam ko na ang mangyayari. Hindi sila nagpapatay ng ilaw (mas gusto daw ni Wilvar ang ganoon ng minsan tanungin ko sila kung bakit may ilaw sa shop hanggang madaling araw). Hindi ko talaga hilig na silipan si Buboy (may sarili naman akong lalaki kung gusto ko ng sex), pero ng gabing iyon hindi talaga ako makatulog. Nakita ko si Buboy (ng sumilip ako sa may hagdanan) subo-subo na ang tite ni Wilvar, mapula at malaki ang tite ni Wilvar. Galing din pala ni Buboy sumuso, sagad - sagaran hanggang lalamunan. Hanggang putukan si Wilvar sa loob ng bibig nya ay subo pa rin nito ang tite ni Wilvar. "Putang ina kang bakla ka tama na, amina ang bayad mo, naghihintay ang kasama ko sa labas bibili kami ng bato", nadinig ko na lang kay Wilvar na halos itulak si Buboy na parang nandidiring papalayo sa kanya. Tumayo na lang si Buboy at dumukot ng pera sa bulsa ng pantalon nya. "Hayup ka para kang vacuum maka tsupa tapos heto lang ang perang iaabot mo", sabay kuha ng wallet sa pantalon ni Buboy at kinuha ang lahat ng pera sa wallet. "Wilvar, magtira ka naman maski kaunti", paki-usap ni Buboy. Itunulak lamang siya ni Wilvar at lumabas na ito. Tumayo si Buboy sa pagkakadapa (dahil sa tulak ni Wilvar) at parang walang nangyari na inayos ang kanyang higaan at natulog na ito. Nasabi na sa akin ni Buboy na sanay na siya sa lupit ng buhay. Maski sa bahay nila ay ganoon naman daw ang trato sa kanya parang basahan, hahanapin lamang kung kailangang gamitin at pagkagamit itatapon na sa isang tabi. Kaya nga kung may problema ako, makita ko lang si Buboy na patuloy na lumaban sa buhay ay nawawala na ang mga problema ko. Marami ng utang sa akin sa Buboy (puro kasi siya cash advance), pero okay lang sinasabihan ko na lang siya na alagaan lang ang shop at mga customers. Pera lang yan madali pa nating kitain yan. Doon na rin tumira sa bahay si Buboy para daw makabayad naman siya sa mga utang sa akin, siya na rin ang parang naging katulong ko sa bahay. Minsan ginabi ako ng uwi galing sa isang kaibigan, bakit parang tahimik yata, pagka-bukas ko ng pinto ng shop nakita ko si Wilvar may kasamang barkada. Pigil - pigil ni Wilvar si Buboy at yung kasama nya ay kinukuha na ang mga gamit sa loob ng shop. "Wilvar huwag nyo ng idamay ang amo ko", pakiusap ni Buboy sa kanila. Gusto ko na sanang lumabas ng mahawakan ako ng kasama ni Wilvar (malaking lalaki), hindi ako makawala. Sabay kuha nito ng mga gamit ko, cell phone, wallet ko, relo at ibang alahas. "Eto pala mas mayaman, bakit ka ba nagtia-tiaga dyan sa mukhang ET na yan", pangising aso ng kasama ni Wilvar. Wala akong magawa, malakas yung lalaking may hawak sa akin. Doon ko napansin na nanlaban ng husto si Buboy at nakawala kay Wilvar, sabay sugod sa lalaking may hawak sa akin. "Putang ina mo, gawin nyo na ang lahat sa akin, huwag ang amo ko, siya lang ang taong nag-pahalaga sa akin", sabay hampas ng blower (na nadampot nya sa sahig) sa lalaking may hawak sa akin. Natumba ang lalaki ng akmang tatayo ito ay hahampasin sana ulit siya ni Buboy. "Hayup ka, putang ina kang bakla ka" si Wilvar walang awang sinaksak si Buboy. Natulala ako sa mga pangyayari, hawak ko ang duguang si Buboy, "Pare, tara na, ibang usapan na ito, takbo na", aya ng lalaki kay Wilvar, at magkasabay na tumakbo papalabas ang dalawa. Sigaw na lang ako ng sigaw, humingi ako ng tulong habang hawak ko ang duguang si Buboy. "Hindi ka ba nila sinaktan, mga hayup sila, patawad amo, sana nakinig ako sa iyo, hindi sana mangyayari ang mga ito", pautal-utal na sabi ni Buboy. Pinigil ko na siyang magsalita pa. "Amo, salamat sa lahat, sa pagpapahalaga sa akin, sa pagturing sa akin bilang tao", at bumitaw na sa pagkakahawak sa aking kamay si Buboy. Nasabi ko na lang, "Buboy magpahinga ka na, natapos na ang iyong laban, sa pupuntahan mo sana ay matagpuan mo ang katahimikan at tunay na kaligayahan na pinag-kait sa iyo dito, maraming salamat din", tumulo na ang aking luha.
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.