Ang Bestfriend Kong Si Pet - Part 2
Fictional adult romance story for mature readers.
Found a problem with this story? Please report it for review.
Report This StoryReading Tools
Saved for this browser
Ang Bestfriend Kong Si Pet - Chapter 2
by: penny for your thoughts
"P-pet!?" maang na tingin nya dito. Hindi nya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. "Kaanina ka pa dyan?" nahihiyang tanong niya rito. "Hindi naman. Kararating-rating ko lang rin, teka, bakit parang namumutla ka?" sinalat pa nito ang noo nya pagkasabi nun. "Hindi ka naman maiinit." sabi pa nito. "H-hindi, o-okey lang ako..." nauutal pa niyang sagot. God! Why was he stammering! Hindi normal ang tibok ng puso niya. "Siguro sa gutom lang ito. Di ako nakapag-breakfast kanina." logical at defensive niyang sagot. "Okey! Kala ko kung napano ka na. Ubusin natin tong lahat." sabay alok nito sa kanya sa mga pagkain sa tray. Napansin nya na marami masyado ang binili nitong pagkain. "Pet! Di natin mauubos lahat to.." Natatawang wika nya. Bagamat nag-aanyaya ang mga pagkain sa hapag, nahihiya rin siya kahit gutom na gutom na. "Wag kang mag-alala, mauubos natin lahat ng ito." nakangiti pa nitong sabi sa kanya. "Okay.." tumalima na siya sa pagkain. "Friend, may sasabihin nga pala ako sa iyo mamaya pagkatapos kumain." seryosong pahayag nito sa kanya. "Okay, tungkol saan?" sabat niya "Basta mamaya na." tugon nito. "Okay." nagkibit-balikat na tugon niya. Habang kumakain ay nakayuko siya. Nahihiya siyang di-mawari. Di nya alam kung bakit siya anagkakaganun samantalang halos buong buhay nya ay nakakasabay niya ito ng madalas sa pagkain dahil malimit itong makikain sa bahay nila. Panaka-naka, pinagmamasdan niya ang mukha nito. Gwapo talaga ito. Ang pinaka-gusto niyang parte ng mukha nito ay ang mata nito. Kulay asul na kapag nahahaluan ng emosyon ay nagiging mas prominente ang kulay. Di niya namalayan na tapos na itong kumain ng bigla itong magsalita. "kay, i'm done. Mag-usap na tayo." sabi nito habang pinupunasan ng tissue ang labi. Tinapos na din niya ang pagkain. Inurong ang plato at pinunasan ang bahagi ng mesa na pagtutukuran niya ng siko. "Spill it." untag niya. "Ron, may gusto lang akong itanong sa iyo."wika nito na diretsong nakatingin sa kanya. "Anu yon?" bagamat may hinaa na siya sa itatanong nito ay pinanatili niya ang kalma niya. "T-totoo ba? Na, na, may relasyon kayo ni Jason?" asiwang tanong nito ngunit halatang gustong makasigurado. Nangunot ang noo niya, "Sabi ko na nga ba.. tungkol dun ang itatanong mo." naiirita niyang sagot. "Ron, gusto ko lang makasigurado. Kilala ko kasi si Jason. Maloko yun." nagtitimping sagot nito. Namula kaagad ang mukha nito sa tinitimping galit. "Relax Pet, I kow what to do, nagkakalat sila ng ganyang balita dahil malapit na ang school debate kaya alam ko na part ito ng strategy nila to make me down and don't concentrate sa topic. Besides, di totoo yun no, He may be good looking but that's all he got, di pa rin kayang tapatan ng mukha nya ang utak ko." mahaba at detalyado niyang sagot. Narelax naman agad ito sa paliwanag niya at bumalik sa normal ang kulay. "I know you can handle them Ron, but the fact that they play dirty makes my fist itchy to spank him." delikadong sagot nito. "Relax, i said. Hindi natin siya dapat patulan. Hmmm? and thanks sa concern." madamdamin niyang tugon dito. Lumambot ang expresyon ng mukha nito which made him more gullible. "Sige, relax lang ako, just call or shout kapag nahirapan ka na." maamo nitong tugon. "You know i can handle this. Just keep your cool and try not to involve much into my affairs." sagot niya na ikinakunot ng noo nito. "Why am i feeling being thrown away here and left-out?" maarte nitong sagot. Hindi naman siya agad makasagot dito. "You know i always wanted to protect you Ronnie." madamdaming sagot nito na ikinaloka ng puso at utak niya. Marahil kung di siya naka-upo ng oras na iyon ay baka natumba na siya sa pwesto niya. "Dont act as if you're my brother Pet, hindi ko kailangan ng tulong mo or anything. Lumakad ka na at subject mo na." taboy niya dito. Hanggat maari ayaw niyang i-involve ang sarili muli dito.Hindi sa kung anu pa mang dahilan. Ayaw niya lang masaktan sa bandang-huli. The more na i-associate niya ang sarili niya dito the more he becomes attached and dependent to him. He doesn't want to be called weakling na nasa ilalim nang mga pakpak nito. "Hmmm... Sige, kung ayaw mong protektahan kita, bahala ka, just don't throw me out of your life Ron." walang lingon-likod na lumakad ito pagkatapos sabihin iyon. Naiwan siyang tulala at ina-analyze ang mga sinabi nito. Tunog ng bell ang nagpanumbalik sa huwisyo niya at pumunta na din ng wala sa loob sa klase niya. Itutuloy...
Comments
Comments are powered by Disqus. Please keep discussions respectful.